Share

8

Dahil gutom ay bumaba ako habang hila-hila ko ang dextrose ko. Hanggang ngayon ay may nakakabit pa din sa aking ganito. Hindi pa daw kasi ako magaling kaya hanggang ngayon ay meron pa din akong ganito.

Pero ang sabi ng doktor na kaibigan ni baliw ay aalisin na daw ito bukas kaya malaya na akong makagala ng walang nakakabit na kung ano sa katawan ko.

Nang makababa ako ay nakita ko si baliw sa may sala habang may mga documents sa ibabaw ng coffee table nito. May kaharap din siyang laptop. Mukhang nagtatrabaho siya ngayon.

“H-Hey!” anas niya ng mapansin niya ako. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa may sahig at iniwan ang sandamakmak niyang mga ginagawa.

“U-Uhm, n-nagugutom na kasi ako kaya bumaba na ako,” sabi ko at umiwas ng tingin. Hindi ko siya magawang titigan lalo na’t binabalak kong takasan niya.

Napag-alaman ko kasing nasa Manila na kami. Kaya madali na lang sa akin na takasan siya at makauwi sa bahay namin. Excited akong makaalis sa puder niya pero at the same time ay kinakab
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status