“Shit, ano bang nangyayari?” tanong ng isip. “Miss! Miss!” Harang niya sa isang estudyanteng naka-eyeglass bago pa man makalagpas sa kaniya.
“Po?” hindi mapakali na sagot nito habang palinga-linga sa harapan at sa kaniya.
“Ano’ng nangyayari ba’t may takbuhan?” dire-diretso niyang tanong habang pilit binabalewala ang pagkayamot sa pagmumukha nito.
“Paunahan po kasi,” sagot nito bago kumaripas ng takbo. Napaawang naman ang labi niya sa narinig, hindi siya makapaniwala na may patakarang ganoon. Pakiramdam niya napag-iwanan siya nang umaandar na ang sasakyan; sa sobrang bilis agad na rin siyang napatakbo upang humabol sa mga nauna.
Hello, Dearest, sorry for late update, I got sick but I hope everything will be fine soon by the way, thank you so much for those silent readers of mine that supports me here. I hope you learn something from me. Enjoy and Godbless, Dearest.
🍀🍀🍀 Physical aspect can be good in the eyes but good attitude makes you incredible person for a lifetime. —MxGchef
“Sindy, okay ka lang ba,” basag ni Cierra sa katahimikan na siyang ikinalinga niya rito pagkatapos kina Brent, Atalia, Rocky at Ashlee na naghihintay ng isasagot niya. “Oh—okay lang ako,” sagot niya bago humalakhak ng walang bukas. “Kumain na tayo, ang sarap nitong niluto mo. Chief ka ba?” awkward niyang biro sabay subo na siyang mas ikinatahimik ng lahat. Tiningnan pa niya ang mga ito ngunit nakanganga lang sa kaniyang animo’y ang layo ng sagot niya. “Yeah, pangarap ko nga pero no worries magluluto ako ng mas masarap. Ito lang kasi ang nasa refrigerator kaya hindi na ako namili,” sagot ni Atalia na siyang ikinabalik ng sitwasyon sa dati. Bakas ang katotohanan sa pananalita nito, wala kang makikitang peke na siyang dahilan upang mapayuko siya. Nakangiti pa itong sumubo ng p
Napukaw ang isip niya nang marinig na may nagbi-vibrate. “Shi—Hello,” sagot niyang nakakunot-noo, sinilip pa niya kung sinong tumawag dahil hindi naka-registered ang numero. “Ano! Sigurado ka ba?” Napabuntong-hininga siya sa narinig. “Hindi ko rin alam kung anong nangyayari pero salamat sa paalala. Oo, nandito na ako sa department namin. Okay lang ako. Nai-stress lang pero okay pa naman. Yes, mag-ingat ka rin. Bakit nasaan ka ba, hindi mo ata gamit ang—Ah, baka noong nagbanyo ako kaya hindi—pero sige, salamat sa paalala. Yeah, see you soon.” Napalinga pa siya sa paligid. “Wala naman, yeah, nandito ako sa department, oo huwag kang mag-alala okay lang talaga ako. Ha, oh, akala ko pinili mong—ha, bakit nila kinancel, may nangyari ba? Ha, grabe, iba rin ang patakaran nila.” Tumingin ulit siya sa
Hindi niya alam kung paano siya nakatulog kagabi matapos ang emosyonal niyang pagtangis sa bagay na parang panaginip lang. Basta pagkagising niya agad tumama ang liwanag mula sa bintana na nakaawang pa. Napahawak pa siya sa ulo kasabay ng pag-upo. Nanikip din ang dibdib niya kung saan para siyang sinilaban ng nagbabagang apoy. Isa lang ang malinaw sa araw na iyon, masakit, sobrang sakit ng pamamaalam kagabi. Kasabay ng pagbalik ng alaala kagabi ang paghigpit ng dibdib niya. Wala siyang masabi kundi humarap sa kisame at humugot ng malalim na hininga sa klimang nagbibigay lamig sa kabuuan niya. Bawat hampas ng simoy ng hangin mula sa bintana ay siyang patak ng luha sa mga mata. “Sorry for letting you in pain. Sorry for creating a difficult situation that it’s hard to handle. Sorry for choosing to lo
“Okay, I will wait you outside,” anitong hindi na siya hinintay sumagot bagkus agad ng lumabas ng pinto. Napakibit-balikat na lang tuloy siya kahit hindi naman nito napansin. Gayon din, nang maramdaman na mag-isa na ulit siya saka niya muling naramdaman ang problema kasabay ng pagbuntonghininga. Gusto na muna niyang makalimutan kahit papaano ang bigat ng dibdib at hangga’t maari ayaw na muna niyang mag-isip pa. Nakakapagod na rin kung paulit-ulit siyang mag-iemote tapos kahit ano namang mangyari wala ng magbabago pa. Wala rin siyang mood sa kasalukuyan lalo’t pakiramdam pa nga niya nag-iba ang pag-uugali at kung paano siya makisalamuha sa babaeng kaharap. Hindi nga niya a
“Bakt ka nag-aral dito?” basag ng kasama sa katahimikan na namumuo sa pagitan nila. Nakatayo na pala ito sa tabi niya habang tinititigan siya. Hindi niya agad napansin dahil sa mga katanungan at pag-obserba sa paligid. Mukhang nabasa rin nito ang pagkabigla sa mga mata niya dahilan upang mapatango ito. “Ah, ako pala?” turo niya sa sarili na bahagyang nangiti pa sa sariling tanong. Masyado pala siyang nawala sa sarili para mawala sa realidad. “Okay ka lang ba, may sakit ka ba? Inaantok ka pa ba, may masakit ba sa ‘yo?” tanong nitong natataranta na hinawakan pa ang noo niya na siyang ikinapiksi niya. “Okay lang ako,” medyo napalakas na sagot niya sabay alis sa kanang kamay nitong naiwan pa sa ere
Tuluyang kumalabog ang mesa nila na siyang ikinalinga niya sa kaharap. Napatingin pa siya sa hawak nitong gatas na sobra ang pagkakakapit na animo’y anumang oras ay mababasag na. Nakatunghay rin ito sa labas ng bintana na kaunti na lang susugurin na ang kung anong nakikita rito. “C-Cierra, okay ka—” “Alam mo ba iyong nakakainis? Ginawa muna ang lahat pero hindi pa rin sapat para manatili sila tapos maririnig mong pinupuri sila na parang diyos,” banat nitong ikinanganga niya. Hindi niya alam kung anong pinaghuhugutan nito na basta na lang magrereak ng hindi malaman kung ano. “Cierra, okay ka lang ba?” ulit niya matapos itong humugot. “Hays, ewan ko,” iritableng sagot nito. “Nakakapagod iyong sa mata ng iba ang linis-linis nila pero walanghiya sa likod ng maskara,” anito pa na bakas ang nanggigil na ekspresyo
“Damn it!” sigaw ng kung sino na siyang baling niya sa kung saan. “C-Cierra?” halos hindi na marinig na pukaw niya rito nang makitang binibilisan nito ang pagkain kahit mainit pa. Nagkandanganga pa ito upang malunok lang ang sopas. “Cierra?” ulit niya na siyang ikinalingon na nito. “Bilisan mo, aalis na tayo,” anito sabay tingin sa sopas na hindi pa niya nakalahati. Napanganga naman siya sa narinig, hindi siya makapaniwalang mamadaliin siya nito sa pagkain. “Bilisan muna. Ano pang ginagawa mo?” ulit nito sa matataas ng pananalita bago sumubo na hindi alintana ang ekspresyong pinapakita niya. &
Tahimik siyang naglalakad sa kahabaan ng madilim na dako. Nakayukong nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng suot na jaket. Ayaw sana niyang magising ng maaga at pumunta ng cafeteria kundi lang sa trip ni Dammier. Noon hanggang ngayon may tupak talaga sa ulo ang lalaking iyon. Palagi nitong pinananakot na kukuha ng numero gamit ang pangalan niya na siyang ikinabubuwisit niya. Hindi dahil sa nagpapatakot siya kundi ayaw niyang sumakit na naman ang ulo sa kung anong magiging resulta ng kagaguhan na naiisip nito. Maraming babae ang naghahangad na gawin niya iyon, makuha ang numero niya, kaya kung sakali na magpapanggap si Dammier na humihingi ng numero sa pangalan niya, magiging komplikado lang ang mundo niya. Bagay na ayaw na niyang maulit pa. Malayo na ang nalalakad niya nang mapansin ang lugar