“Bakt ka nag-aral dito?” basag ng kasama sa katahimikan na namumuo sa pagitan nila. Nakatayo na pala ito sa tabi niya habang tinititigan siya. Hindi niya agad napansin dahil sa mga katanungan at pag-obserba sa paligid. Mukhang nabasa rin nito ang pagkabigla sa mga mata niya dahilan upang mapatango ito.
“Ah, ako pala?” turo niya sa sarili na bahagyang nangiti pa sa sariling tanong. Masyado pala siyang nawala sa sarili para mawala sa realidad.
“Okay ka lang ba, may sakit ka ba? Inaantok ka pa ba, may masakit ba sa ‘yo?” tanong nitong natataranta na hinawakan pa ang noo niya na siyang ikinapiksi niya.
“Okay lang ako,” medyo napalakas na sagot niya sabay alis sa kanang kamay nitong naiwan pa sa ere
Hello, Dearest. Sorry for another late update but thank you for unending support in my work. I hope you learn something upon reading my pieces. “Its okay to make mistake but it's not okay to repeat the same thing.” —MxGchef 📕📝👊
Tuluyang kumalabog ang mesa nila na siyang ikinalinga niya sa kaharap. Napatingin pa siya sa hawak nitong gatas na sobra ang pagkakakapit na animo’y anumang oras ay mababasag na. Nakatunghay rin ito sa labas ng bintana na kaunti na lang susugurin na ang kung anong nakikita rito. “C-Cierra, okay ka—” “Alam mo ba iyong nakakainis? Ginawa muna ang lahat pero hindi pa rin sapat para manatili sila tapos maririnig mong pinupuri sila na parang diyos,” banat nitong ikinanganga niya. Hindi niya alam kung anong pinaghuhugutan nito na basta na lang magrereak ng hindi malaman kung ano. “Cierra, okay ka lang ba?” ulit niya matapos itong humugot. “Hays, ewan ko,” iritableng sagot nito. “Nakakapagod iyong sa mata ng iba ang linis-linis nila pero walanghiya sa likod ng maskara,” anito pa na bakas ang nanggigil na ekspresyo
“Damn it!” sigaw ng kung sino na siyang baling niya sa kung saan. “C-Cierra?” halos hindi na marinig na pukaw niya rito nang makitang binibilisan nito ang pagkain kahit mainit pa. Nagkandanganga pa ito upang malunok lang ang sopas. “Cierra?” ulit niya na siyang ikinalingon na nito. “Bilisan mo, aalis na tayo,” anito sabay tingin sa sopas na hindi pa niya nakalahati. Napanganga naman siya sa narinig, hindi siya makapaniwalang mamadaliin siya nito sa pagkain. “Bilisan muna. Ano pang ginagawa mo?” ulit nito sa matataas ng pananalita bago sumubo na hindi alintana ang ekspresyong pinapakita niya. &
Tahimik siyang naglalakad sa kahabaan ng madilim na dako. Nakayukong nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng suot na jaket. Ayaw sana niyang magising ng maaga at pumunta ng cafeteria kundi lang sa trip ni Dammier. Noon hanggang ngayon may tupak talaga sa ulo ang lalaking iyon. Palagi nitong pinananakot na kukuha ng numero gamit ang pangalan niya na siyang ikinabubuwisit niya. Hindi dahil sa nagpapatakot siya kundi ayaw niyang sumakit na naman ang ulo sa kung anong magiging resulta ng kagaguhan na naiisip nito. Maraming babae ang naghahangad na gawin niya iyon, makuha ang numero niya, kaya kung sakali na magpapanggap si Dammier na humihingi ng numero sa pangalan niya, magiging komplikado lang ang mundo niya. Bagay na ayaw na niyang maulit pa. Malayo na ang nalalakad niya nang mapansin ang lugar
“Sylier!” Agad siyang nag-angat ng tingin nang marinig ang boses ng kung sino. “Hays,” buntonghininga niya. “Sylier.” Biglang akbay nito sa balikat niya. “Akala mo umalis na ’ko, no?” wika nitong natatawa. “Tinakot ko lang mga stalker ko.” “Feeling ang —” “Accept the truth, Dude. We're balanced here.” hagalpak na pang-asar nito. “Whatever,” tamad niyang sagot. “Sandali, Bago ka lang bang sa gym?” aniya ng may mapansin. “Ha?” Agad itong napakapa sa d****b. “Ah, oo maaga a
“S-SANDALI, CIERRA!” Pilit niyang hinahatak ang braso sa pagkakapit nito. Wala siyang alam kung bakit siya nito hinahatak papunta sa kung saan. “A-Ano bang problema, Cierra?” tanong niyang naguguluhan. Sa halip makinig patuloy lang ’to sa paghatak sa kaniya paakyat sa ikalawang palapag, dahilan upang mapansin ang makintab na abuhing tiles na kita pa ang sariling repleksyon sa sobrang linaw. “Ahem,” pukaw nang kung sino dahilan upang mapansin niyang nakahinto na pala sila. Para tuloy siyang tangang nai-love sa nakikita sa lapag at hindi napansing may kasama pa pala siya. Lutang na naman kasi siya dahil sa raming tumat
“So, ganoon pala ang kuwento, never na kayong nag-usap after noon,” hindi patanong na aniya bagkus, “Dapat nag-usap kayo at nang malinawan kung ano bang nangyari noong araw na ’yon. Dapat sinabi mo—” “Yeah, I tried, Sindy, and yet, he never let me explain, he said that's alright and should never talk about it. Masaya na raw siya sa amin ni Sylier which makes me bleed more silently and until now masakit pa rin,” mapait na ngiti nito. Napapukpok pa ito sa d****b. “The pain was deep and really makes me want to scream at the top of my lungs. It might be, I should never let him hurt me this way. I hope, I shouldn’t let me feel this way. I shouldn't let him be used, ruined and feel that I am not good enough to be with him. I shouldn't let him become someone who meant to hurt me and to feel like I don't deserve who I am today. I shouldn't
“Ito na, maraming tao sa cafeteria,” maktol niya pagkalapag ng pagkain sa center table. “Nagpapatawa ka ba, Syl? Maraming tao may foot,” puna ni Dammier na humalakhak pa. “Ano naman ngayon kung maraming tao? Aanhin mo pa ang pagiging Heneral kung ’di ka rin bibigyan ng pribilehiyo para mauna? That's, nonsense, Sylier,” sagot naman ni Adminicous na bumangon sa pagkakahiga mula sa sopa. Nagpalit ata sila ng ugali nito. Siya itong hindi makabasag pinggan sa Underworld tapos siya itong parang tangang sunod-sunuran sa mga ito ngayon. Gano’n ba talaga ang mundo, always duality in everything, parang buy one take one at take one take two pagkatapos cut.
“Sindy! Nandiyan ka pa ba? Si Cierra ’to,” dinig niyang katok mula sa labas ng pinto. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa pagmumuni matapos iwan ang dalaga sa silid nito. “Sandali lang,” sagot niya bago bumangon at nagtungo sa pintuan. “Maupo ka muna,” sinenyasan niya itong maupo muna sa kama. Wala naman siyang ibang maibibigay na upuan maliban doon. “K-kakagising mo lang ba? O-okay ka lang ba? Hindi ba ako nakakaistorbo?” tanong nito pagkaupo. “Hindi naman, actually, saktong gising ko rin. . . .