Share

Kabanata 2

Author: Linnea
last update Last Updated: 2025-03-12 20:51:43

Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View

“Dad, what was that?” garalgal na tanong ko sa aking ama na ngayon ay walang ibang ginawa kung hindi ay iwasan ang aking mga mata.

Gusto kong sumabog sa inis, sakit, lungkot, at pagkabigla. Naghahalo na kasi ang nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isipin ngayon. Parang biglang nag-shutdown ang utak ko.

Napahilamos ako ng aking mukha, at inis na binalingan ang lalaking bigla na lang lumitaw sa aking harapan. May mga dala silang baril, at ang malala pa ay hindi ko naman alam kung anong klaseng tao sila.

Hindi naman sila pulis, eh. Kung pulis sana sila, nakasuot sila ng uniform, pero hindi. Itim na kulay lang ang nakikita ko sa kanila, at ang makikinang nilang kuwintas, saka hikaw.

Ang awra naman nila ay sobrang bigat. Ni hindi ko nga alam kung dapat bang tumakbo na lang ako, o hindi, eh. Ang intimidating kasi ng awra nila. Parang papatay ng tao.

Kung baga, kaunting galaw ko lang ay puwede na nila akong patayin. Napalunok naman ako nang biglang lumingon sa akin ang lalaki—sa pinakaharap mismo. Siya ang lalaking kumausap kay Daddy.

Hindi ko nga alam kung bakit sinisingil nila ang ama ko kung gayon na ang alam ko ay wala naman siyang inutangan. Kaya bakit? Bakit niya sinisingil si Daddy?

“Kath, anak.” Sinubukan niyang huliin ang aking kamay, pero mabilis akong umatras.

Nakita ko ang sakit sa kaniyang mga mata, pero ni minsan ba ay naisip niyang sabihin sa akin ang lahat? Paano niya naatim na itago ang lahat sa akin?

Kahit ayaw kong lumayo sa kaniya, at iwasan ang pag-abot niya sa aking kamay, wala akong nagawa. Masakit, oo, pero kung hinayaan ko siya, baka bumigay na naman ako, at pagbigyan muli siya.

“Sabihin mo po sa akin ang totoo,” nagmamakaawa kong bulong.

Hindi ko na naisip pa kung maririnig man nila kami—kung napapanood man nila ang drama namin. Ang sakit kasi, eh. Million daw ang utang ni Daddy. Halos umabot na raw sa billions, tapos gusto niya akong lambingin?

“Anak...”

Masakit makita sa akin na ganito ang hitsura ni Daddy—na halata sa kaniyang mukha ang sakit, at paghihirap. Pero nang mapansin ko ang kaniyang katawan na kung saan ay ang laki nang ibinawas ng kaniyang timbang kahit marami naman kaming pagkain, doon na sumagi sa isip ko kung ano ba talaga ang rason.

“Gumagamit ka ba, Dad?”

Sinubukan niyang ibuka ang kaniyang bibig, pero naunahan siyang magsalita ng lalaking sinulyapan ko kanina.

“He is,” he uttered nonchalantly. “Gambling, drugs, and liquor.”

Kinagat ko ang aking ibabang labi, at mabilis na umiling. Ngunit nang hindi nagsalita si Daddy para ipagtanggol ang kaniyang sarili, roon na ako humagulgol.

Paano ko babayaran ‘yon? Sa lagay ni Daddy, halatang hindi na siya makapagtrabaho. Parang may sakit siya. Bagsak ang katawan, at ang malala ay baka mag-positive pa siya sa drug test.

“Hindi ba puwedeng bigyan niyo muna ako nang kaunting palugit? Babayaran ko,” humihikbing lintaya ko.

Alam kong alanganin, pero wala naman sigurong masama kung susubukan ko, hindi ba? Kahit pa magtrabaho na ako sa isang bar, ayos lang. Basta bigyan lang nila ako nang sapat na oras para bayaran ang lahat.

“Hindi mo mababayaran ‘yon,” malalim na boses niyang wika. “Tingin mo ba mababayaran mo ‘yon sa loob nang isang buwan?”

Para naman akong nabuhusan nang malamig na tubig sa aking narinig. Isang buwan lang ang ibibigay sa akin? Paano ko mababayaran ‘yon kung isang buwan lang?

He chortled. “Kausapin mo na lang ang boss namin. Tingnan na lang natin kung maawa siya sa ‘yo.”

“Wala siyang kinalaman dito!” sigaw ni Daddy na nagpalingon sa akin sa kaniyang gawi. “Huwag niyong idamay ang anak ko.”

“Why not?” malamig na tanong ng lalaki. “Willing siyang bayaran ang inutang mo sa boss ko.”

“Hindi naman siya ang umutang! Bakit hindi niyo na lang ako patayin?”

Napasinghap naman ako sa sinabi ni Daddy. Ginagawan ko na nga ng paraan ang lahat, pero hindi pa rin niya naiintindihan ‘yon?

“Dad, ako na po ang bahala.”

Buo na ang desisyon ko. Hinding-hindi ko maaatim ang ganitong bagay. Kahit alam kong mali si Daddy, hindi dapat buhay niya ang maging kapalit.

Nang sumakay ako sa itim na van, lumingon muli ako sa bintana para hanapin si Daddy na ngayon ay umiiyak. Kitang-kita ko kung paano yumuyog ang kaniyang mga balikat, pero hindi na ako madadala sa ganoong bagay. Kailangan kong bayaran ang utang niya.

“Gaano katagal bago makarating doon?” tanong ko sa lalaking nasa passenger seat.

Pinapalibutan kami ng mga sports car, pero wala sa isip ko ‘yon. Ang tanging gumugulo na lang sa akin ay kung sinong mga lalaki ang mga ‘to, at kung anong klaseng boss ba ang mayroon sila.

“One hour.”

Mabilis din lumipas ang isang oras. Sa katunayan ay hindi ko man lang napansin na nakarating na pala kami sa malaki, at magarbong gate.

Kumunot ang aking noo, habang pinagmamasdan ang pagbukas ng gate. Mabagal, ngunit alam kong sa likod ng gate na ‘to ay makikita ko kung gaano kayaman ang boss nila.

“He’s waiting for you inside his office,” he informed.

Nagtataka man ako, hindi ako nagsalita. Medyo nangingibabaw na kasi ang takot, at nerbyos ko, dahil baka mamaya ay hindi niya ako bigyan ng palugit kung paano bayaran ang utang ni Daddy.

Masakit sa akin ang bagay na ‘to. ‘Yong magbabayad ako ng utang na hindi naman ako ang may gawa.

Napangiti na lamang ako nang mapait, at napahugot nang malalim na hininga. Ano bang klaseng buhay ang mayroon kami? Nagsimula kami sa taas, pero ngayon ay bigla na lamang kaming bumagsak. Paano na lang ako aahon?

Huminga ako nang malalim nang tumapat ako sa malaking pinto. Ramdam ko ang tingin na ipinupukol ng lalaki ngayon sa akin, pero hindi ko pinansin. Kailangan ko kasing pakalmahin ang sarili ko, at mag-ipon nang lakas ng loob.

Saka lang ako bumalik sa reyalidad nang narinig ko ang tunog ng pinto, at pagsasalita ng lalaking tumititig sa akin kanina.

“Boss, she’s here. The daughter of that old man.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Darkness of Desire   Kabanata 55

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewWala sa sarili kong naibaba ang aking mga mata sa pizza na nasa harapan ko. Tinamaan kasi ako nang hiya. Aminado akong mali talaga ang ginawa ni Saverio kung gayon na puwede namang siya ang mag-take over ng business ko para hindi lumala ang mga nangyayari.Ngunit tutuusin naman, hindi ko alam na ibinenta ako ni Daddy sa isang drug lord, at hindi rin naman nila alam ang bagay na ‘yon.“We don’t have any idea what was happening before. Now that we had the information we need, it’s time for us to make a move.”Napatingin ako kay Saverio nang sabihin niya ‘yon, at dahil katabi ko lang naman siya, napasulyap siya sa aking gawi. Siguro ay naramdaman niya ang aking mga mata, pero ang problema lang ay bumaba ang kaniyang tingin sa pizza na nasa aking harapan.Kumunot ang kaniyang noo, at parang nakalimutang nasa meeting siya. Maging ako rin ay parang hindi ko naramdaman ang mga presensya ng aming mga kasama ngayon.“How many slice of pizza have y

  • Darkness of Desire   Kabanata 54

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Actually, I saw the laser. It was a bit weak, but still noticeable, because it was already dark. It was about two kilometers away from our headquarters. I wasn’t sure where did they point the sniper, so I tried to observe until the laser remained on the same spot,” Saverio said.Nasa isang emergency meeting kami ngayon. Since gusto ni Saverio na pag-usapan ang nangyari kanina, nagpunta kami sa isang conference room.“That’s when I realize that they point the sniper in my room,” Saverio added.Tumahimik ang paligid matapos niyang ikuwento ang nangyari. Ako naman ay hindi pa rin makapaniwala na ganoon ang mangyayari sa akin. Imagine, gusto ko lang naman na panoorin ang city lights, pero ganoon na kaagad ang nangyari?Idagdag pa ‘tong nakauwi na pala si Saverio, at hindi man lang nagpakita muna sa akin. Talagang hinintay muna niyang may mangyaring masama akin bago niya gawin ‘yon.“Our glass windows are bullet-resistant, and I’m also sure t

  • Darkness of Desire   Kabanata 53

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewNakatitig lamang ako sa magandang tanawin na makikita bintana, habang sumisimsim ng kape. Ganito na ang nakagawian ko sa ilang linggo ang lumipas since hindi naman puwedeng umalis. Mahigpit pa rin sila sa akin, dahil hinihintay nila ang pagbabalik ni Saverio.Kapag kasi nandito siya, hindi nila kaya kami kayang atakehin. Marahil ay takot sila kay Saverio, o hindi kaya ay humahanap lang talaga sila ng tiyempo. Kaagad ko namang nilingon ang earpiece na nasa ibabaw pa rin ng mini drawer na malapit sa kama. Huling pag-uusap namin ni Saverio ay no’ng kararating lang niya roon. Hindi na kailanman nasundan. Gusto ko nga sana siyang kausapin, pero ano ang sasabihin ko? Wala naman akong problema masiyado rito kung hindi ay ang pagka-bored lamang. Wala akong makausap, eh. Lahat naman sila ay busy, at hindi rin naman kami close para guluhin ko.Kung si Saverio naman ang kauusapin ko, baka makaistorbo pa ako. Business trip ang ipinunta niya, pero

  • Darkness of Desire   Kabanata 52

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Bakit wala na silang natagpuan doon?” tanong ko kay Francesco.Nagkaroon kami ng kaunting kamustahan ni Persephone. Napag-alaman ko rin na busy si Nohaira. Kaya nga hindi ko siya nakausap, pero nag-reply naman siya sa message ko.Medyo may katagalan nga lang ang pag-uusap namin ni Persephone, dahil may mga itinanong lang ako tungkol sa business ko. Wala kasi akong masiyadong balita, pero thankfully, chini-check ni Persephone ang business ko kahit na busy naman siya sa sarili niyang business.“Ito ba ‘yong sinasabi mo sa akin na naayos na nila kaagad?” tanong ko sa kaniya.Nakatingin na siya ngayon sa akin, at madilim ang kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung ano ang dahilan, pero hindi ako natatakot. Sanay na ako kay Saverio knowing na siya pa ang General nila, eh.“Yes,” sagot naman nito kaagad, at bigla na lang tumayo.Nakapamulsa siya, at nakatitig sa akin nang malamig. Ni hindi ko man lang mabasa sa kaniyang mga mata ang mga emosyon d

  • Darkness of Desire   Kabanata 51

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Organization ba ang brotherhood niyo?” tanong ko kay Francesco.Nasa office ako ngayon ni Saverio, at kung gutom man ako, may nagbibigay naman ng pagkain. Hinahatid pa nga mismo rito sa office ni Saverio, eh.“Sort of.”Kumunot ang aking noo sa kaniyang naging sagot. Hindi ba siya sigurado?“Since we’re a large member group, yes.”“Bakit niyo ‘to binuo?” tanong ko sa kaniya.I honestly had an idea about it, pero hindi ako sigurado, at gusto kong marinig mismo sa kaniya ang bagay na ‘to. I know I shouldn’t be digging for information. Kung ayaw niyang sabihin sa akin, maiintindihan ko naman. It’s just that, hindi ko na kasi talaga mapigilang magtanong sa kaniya, dahil naguguluhan na ako.Ilang araw na akong nandito, at hindi na kami umaalis pa, dahil baka mamaya ay sugurin na naman daw ako. Mas mabuti raw na nandito ako sa headquarters nila para wala silang maging rason para sugurin ako lalo na ngayon na wala si Saverio.Kinailangan nilang

  • Darkness of Desire   Kabanata 50

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewTumagal ang meeting nang apat na oras. Doon na rin kami kumain ng dinner, at wala ni isa sa amin ang lumabas.Balak ko na nga sanang matulog, dahil hindi talaga kaya ng utak kong i-process ang lahat ng nangyayari, eh. Puno na kasi ‘yong utak ko ng mga impormasyon, pero ang tumatak talaga sa isipan ko ay ang flight attendant.Kaya pala mabilis lang siyang nakapasok roon, at hindi sila aware na may nakapasok na kalaban. ‘Yon pala, nagpadadala sila ng mga agent.Napahawak ako sa aking sintido nang mapalingon ako sa earpiece ko. Nakapatong ‘yon sa mini drawer na nasa tabi lamang ng kama ni Saverio.Dito raw kasi ako matutulog since fiancé ko naman na raw siya—sa kuwarto ng office niya. At first, ayaw ko sang magpunta rito, dahil dito nga namin nagawa ni Saverio ‘yon.Akala ko kasi ay biglang babalik sa utak ko ang mga nangyari, pero hindi. Mali ako. Puro problema lang ang pumapasok sa utak ko ngayon. Magmula sa hinabol kami, hanggang sa nalam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status