Share

Kabanata 1

Author: Linnea
last update Last Updated: 2025-03-11 20:59:02

Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View

Napahugot ako nang malalim na hininga, at kaagad na inayos ang suot kong sunglasses. Hila-hila ko ang aking maleta, habang naglalakad. May iilan ngang napapatingin sa aking gawi, dahil ang suot ko ay medyo revealing na dress. Mini dress kasi, at siyempre nakasuot pa ako ng stiletto na kulay pula, saka itim na leather jacket.

Kararating ko lang sa NAIA, dahil galing ako sa New Zealand. Nagbakasyon ako nang ilang buwan doon, dahil sa kagustuhan kong huminga sa toxic environment ng Pilipinas. Puro kasi problema ang dumadating sa buhay ko kapag nandito ako, kaya minabuti kong magpunta sa ibang bansa.

Paglabas ko ng airport, kaagad kong napansin ang itim na mamahaling sasakyan namin. Saktong lumabas din ang driver, at mabilis akong nilapitan para kunin sa akin ang maleta.

“Thank you,” pasasalamat ko, at mabilis na nagtungo sa passenger seat.

Siyempre ay pinagbuksan niya muna ako ng pinto, saka inalalayang makasakay. Nang masiguro niyang komportable na ako sa loob, isinara niya ang pinto, at mabilis na inilagay ang gamit ko sa likod ng sasakyan.

Tinanggal ko naman ang suot kong sunglass, at inayos ang magulo kong buhok. Pinadasahan ko lang naman ang aking buhok gamit ang aking daliri, bago napagpasyahang ikabit ang seatbelt.

Pagbukas ng driver seat, naramdaman kong sumakay kaagad siya sa sasakyan. Ako naman ay tahimik lamang, at pilit iniisip kung ano ang magandang gawin pagkauwi.

“Si Daddy po?” tanong ko sa driver.

“Nasa bahay niyo po,” magalang na sagot niya. Kaya hindi ba ako nagsalita pa.

Pagdating namin sa bahay, nagtaka ako kung bakit parang nasa labas ang iilang mga katulong namin. Lahat sila ay parang may takot sa kanilang mukha. Kaya naman nangunot ang aking noo.

“What’s happening?” nalilito, ngunit kinakabahan kong tanong sa aking driver.

Hindi naman siya nagsalita, pero halata sa kaniyang awra na maging siya ay kinakabahan din sa nangyayari.

Kaya nang makababa ako sa sasakyan, mabilis akong lumapit sa isang katulong na ngayon ay halata ang nerbyos sa kaniyang mukha. Gusto ko siyang tanungin, pero ang tanging nakakuha lang ng atensyon ko ay ang mga nakahilerang sasakyan na nasa harapan din ng bahay namin.

Most of them are sports car. Hindi naman ako tanga para hindi malaman ‘yon, dahil galing ako sa isang mayaman, at kilalang pamilya. Exposed ako sa mga mamahaling sasakyan, gamit, o kung ano pa. Kaya unang tingin ko pa lang, alam ko na kaagad kung anong klaseng brand ng sasakyan ‘yon.

“Who are they? Hindi pamilyar sa akin ang mga plate number,” bulalas ko bigla.

Napasinghap naman ang iilang katulong namin, at ramdam ko ang paglingon nila sa aking gawi, ngunit hindi ko man lang pinansin. Nanatili lang kasing nakatuon ang aking mga mata sa harapan, at nahihiwagaan kung bakit may mga sasakyan dito.

Posible kasing may bisita si Daddy, pero bakit nasa labas lahat ng katulong? Pati ang ilang hardinero namin, nagtataka rin sa nangyayari.

“Bakit kayo na dito sa labas?” seryosong tanong ko sa kanila, habang nakatuon pa rin ang aking mga mata sa nakahilerang mga sasakyan.

“Ma’am, mas mabuti po yatang kausapin niyo po si sir.”

Para naman akong nabuhusan nang malamig na tubig. Bakit naman si Daddy ang kauusapin ko? Konektado ba sa kaniya ang bagay na ‘to?

“What do you mean?” nanantiyang tanong ko sa katulong, at kaagad na lumingon sa kaniyang gawi. “Nasa loob sila?”

“Yes po, ma’am,” singit naman nang isa. “Kaya lumabas po kami, dahil ‘yon po ang gusto ni sir.”

Hindi ko na nasundan ang kanilang pagkukuwento, dahil dagli akong pumasok sa aming bahay. Kinakabahan ako kung bakit basta na lang pinalabas ang mga katulong namin.

Never naming ginawa ‘yon kapag may mga bisita kami, dahil hindi naman kailangan kahit gaano pa ka-importante ang pag-uusapan. Kaya medyo nagtataka ako, at may nabubuo sa isipan ko na sana ay hindi talaga mangyari.

Pagdating ko sa living room, natigilan ako nang magtama ang mga mata namin ni Daddy. Nakita ko rin ang gulat sa kaniyang mga mata, at hindi inaasahan ang pagdating ko nang maaga.

“Dad,” tanong ko sa kaniya, at hindi pinansin ang mga matang nakatingin sa akin. “Bakit nasa labas ang mga katulong?”

“Kath, kailan ka pa nakarating? Ang aga mo naman yata,” bungad niya sa akin, at hindi pinansin ang tanong ko sa kaniya. Kaya mas lalo akong nainis, dahil halatang may itinatago si Daddy.

Tumayo pa siya, at mabilis akong dinaluhan, pero nanatili lang akong nakatitig sa kaniya. Kitang-kita ko ang paglilikot ng kaniyang mga mata, at halatang binabalot ng kaba ang kaniyang mukha.

Matapos niyang halikan ang aking noo, naramdaman ko ang kirot sa aking puso. Halata kasing may itinatago siya, pero hindi niya magawang sabihin sa akin.

“Your daughter has finally arrived,” wika nang isang bisita.

Bumalik naman sa aking isipan na may mga bisita pala. Kaya naman kaagad akong napalingon sa gawi ng mga lalaki na ngayon ay nakangisi sa akin.

Hindi ko alam kung bakit sinasabi ng isip ko na hindi maganda ang mangyayari, pero sinubukan ko pa ring pakalmahin ang aking sarili. Kahit na alam ko naman sa sarili ko na hindi ko kayang maging kalmado lalo na kung intimidating ang taong nasa harapan ko, pilit ko pa ring pinakakalma ang sarili ko.

“What do you mean?”

Tumayo naman siya nang magbato ako ng tanong sa kaniya. Kaya naman napatingala na lang ako, at bahagyang nagulat nang mapansin ko kung gaano siya katangkad na lalaki.

Hula ko ay nasa 6’1” ang kaniyang tangkad. Kaya nga nagmumukha akong maliit ngayon. Mas lalo tuloy dumilim ang paligid, pero hindi ko ‘yon binigyan ng pansin.

“We’re here to get your father’s payment,” wika nito na nagpakunot naman ng aking noo.

Sa pagkatatanda ko ay wala namang utang si daddy. Kaya bakit niya kukunin ang bayad na sinasabi niya? Hindi naman kasi ugali ni daddy na umutang sa kung sino, dahil may pera naman kami. Kaya paano?

“What? Wala akong natatandaang utang niya,” naguguluhan kong sagot pero napailing lang siya sa akin.

Unti-unti siyang lumingon sa ama ko na ngayon na nasa tabi ko, at hindi magawang magsalita. “Why don’t you ask your father? May utang siya sa boss ko, millions.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Miss Briannah
♡♡...︎♡...︎...︎...︎...︎
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Darkness of Desire   Kabanata 55

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewWala sa sarili kong naibaba ang aking mga mata sa pizza na nasa harapan ko. Tinamaan kasi ako nang hiya. Aminado akong mali talaga ang ginawa ni Saverio kung gayon na puwede namang siya ang mag-take over ng business ko para hindi lumala ang mga nangyayari.Ngunit tutuusin naman, hindi ko alam na ibinenta ako ni Daddy sa isang drug lord, at hindi rin naman nila alam ang bagay na ‘yon.“We don’t have any idea what was happening before. Now that we had the information we need, it’s time for us to make a move.”Napatingin ako kay Saverio nang sabihin niya ‘yon, at dahil katabi ko lang naman siya, napasulyap siya sa aking gawi. Siguro ay naramdaman niya ang aking mga mata, pero ang problema lang ay bumaba ang kaniyang tingin sa pizza na nasa aking harapan.Kumunot ang kaniyang noo, at parang nakalimutang nasa meeting siya. Maging ako rin ay parang hindi ko naramdaman ang mga presensya ng aming mga kasama ngayon.“How many slice of pizza have y

  • Darkness of Desire   Kabanata 54

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Actually, I saw the laser. It was a bit weak, but still noticeable, because it was already dark. It was about two kilometers away from our headquarters. I wasn’t sure where did they point the sniper, so I tried to observe until the laser remained on the same spot,” Saverio said.Nasa isang emergency meeting kami ngayon. Since gusto ni Saverio na pag-usapan ang nangyari kanina, nagpunta kami sa isang conference room.“That’s when I realize that they point the sniper in my room,” Saverio added.Tumahimik ang paligid matapos niyang ikuwento ang nangyari. Ako naman ay hindi pa rin makapaniwala na ganoon ang mangyayari sa akin. Imagine, gusto ko lang naman na panoorin ang city lights, pero ganoon na kaagad ang nangyari?Idagdag pa ‘tong nakauwi na pala si Saverio, at hindi man lang nagpakita muna sa akin. Talagang hinintay muna niyang may mangyaring masama akin bago niya gawin ‘yon.“Our glass windows are bullet-resistant, and I’m also sure t

  • Darkness of Desire   Kabanata 53

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewNakatitig lamang ako sa magandang tanawin na makikita bintana, habang sumisimsim ng kape. Ganito na ang nakagawian ko sa ilang linggo ang lumipas since hindi naman puwedeng umalis. Mahigpit pa rin sila sa akin, dahil hinihintay nila ang pagbabalik ni Saverio.Kapag kasi nandito siya, hindi nila kaya kami kayang atakehin. Marahil ay takot sila kay Saverio, o hindi kaya ay humahanap lang talaga sila ng tiyempo. Kaagad ko namang nilingon ang earpiece na nasa ibabaw pa rin ng mini drawer na malapit sa kama. Huling pag-uusap namin ni Saverio ay no’ng kararating lang niya roon. Hindi na kailanman nasundan. Gusto ko nga sana siyang kausapin, pero ano ang sasabihin ko? Wala naman akong problema masiyado rito kung hindi ay ang pagka-bored lamang. Wala akong makausap, eh. Lahat naman sila ay busy, at hindi rin naman kami close para guluhin ko.Kung si Saverio naman ang kauusapin ko, baka makaistorbo pa ako. Business trip ang ipinunta niya, pero

  • Darkness of Desire   Kabanata 52

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Bakit wala na silang natagpuan doon?” tanong ko kay Francesco.Nagkaroon kami ng kaunting kamustahan ni Persephone. Napag-alaman ko rin na busy si Nohaira. Kaya nga hindi ko siya nakausap, pero nag-reply naman siya sa message ko.Medyo may katagalan nga lang ang pag-uusap namin ni Persephone, dahil may mga itinanong lang ako tungkol sa business ko. Wala kasi akong masiyadong balita, pero thankfully, chini-check ni Persephone ang business ko kahit na busy naman siya sa sarili niyang business.“Ito ba ‘yong sinasabi mo sa akin na naayos na nila kaagad?” tanong ko sa kaniya.Nakatingin na siya ngayon sa akin, at madilim ang kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung ano ang dahilan, pero hindi ako natatakot. Sanay na ako kay Saverio knowing na siya pa ang General nila, eh.“Yes,” sagot naman nito kaagad, at bigla na lang tumayo.Nakapamulsa siya, at nakatitig sa akin nang malamig. Ni hindi ko man lang mabasa sa kaniyang mga mata ang mga emosyon d

  • Darkness of Desire   Kabanata 51

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Organization ba ang brotherhood niyo?” tanong ko kay Francesco.Nasa office ako ngayon ni Saverio, at kung gutom man ako, may nagbibigay naman ng pagkain. Hinahatid pa nga mismo rito sa office ni Saverio, eh.“Sort of.”Kumunot ang aking noo sa kaniyang naging sagot. Hindi ba siya sigurado?“Since we’re a large member group, yes.”“Bakit niyo ‘to binuo?” tanong ko sa kaniya.I honestly had an idea about it, pero hindi ako sigurado, at gusto kong marinig mismo sa kaniya ang bagay na ‘to. I know I shouldn’t be digging for information. Kung ayaw niyang sabihin sa akin, maiintindihan ko naman. It’s just that, hindi ko na kasi talaga mapigilang magtanong sa kaniya, dahil naguguluhan na ako.Ilang araw na akong nandito, at hindi na kami umaalis pa, dahil baka mamaya ay sugurin na naman daw ako. Mas mabuti raw na nandito ako sa headquarters nila para wala silang maging rason para sugurin ako lalo na ngayon na wala si Saverio.Kinailangan nilang

  • Darkness of Desire   Kabanata 50

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewTumagal ang meeting nang apat na oras. Doon na rin kami kumain ng dinner, at wala ni isa sa amin ang lumabas.Balak ko na nga sanang matulog, dahil hindi talaga kaya ng utak kong i-process ang lahat ng nangyayari, eh. Puno na kasi ‘yong utak ko ng mga impormasyon, pero ang tumatak talaga sa isipan ko ay ang flight attendant.Kaya pala mabilis lang siyang nakapasok roon, at hindi sila aware na may nakapasok na kalaban. ‘Yon pala, nagpadadala sila ng mga agent.Napahawak ako sa aking sintido nang mapalingon ako sa earpiece ko. Nakapatong ‘yon sa mini drawer na nasa tabi lamang ng kama ni Saverio.Dito raw kasi ako matutulog since fiancé ko naman na raw siya—sa kuwarto ng office niya. At first, ayaw ko sang magpunta rito, dahil dito nga namin nagawa ni Saverio ‘yon.Akala ko kasi ay biglang babalik sa utak ko ang mga nangyari, pero hindi. Mali ako. Puro problema lang ang pumapasok sa utak ko ngayon. Magmula sa hinabol kami, hanggang sa nalam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status