Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View
“Katherine!” Hinanap ko ang pamilyar na boses. Sigurado akong si Persephone ‘yon. Magmula kasi nang magbakasyon ako, hindi ako nagbubukas ng social media account ko. Ayaw ko kasing ma-stress. Bakasyon na nga, ma-i-stress pa ako. Ang problema lang, nang makauwi ako rito, bumungad naman sa akin ang problema. Ano pang silbi ng pagbabakasyon ko para lang makalayo sa stress kung bubungad naman din sa akin pag-uwi ko? Sinubukang harangin ng mga bodyguard ko si Persephone, pero pinanglakihan ko sila ng aking mga mata. “She’s my friend,” bulong ko, at sapat na ‘yon para marinig nila. Nalaglag naman ang panga ni Persephone nang makita niyang sinunod ako ng mga bodyguard ko. Kaya napailing na lang ako. “Kailan ka pa nakauwi?” tanong sa akin ni Persephone nang makabalik siya sa reyalidad. Nasa harapan kami ng business na hawak ko ngayon. Hindi ko masiyadong napagtuunan nang pansin ang business namin. Kaya kung sakaling pabagsak na ‘to, mukhang wala talaga akong choice kung hindi ay gamitin ang pagpapakasal ko kay Saverio. Alam kong kapag naidikit ang aking pangalan sa kaniya, mas lalong makikilala ang aking pangalan sa industry. Ang problema ko lang ay kung positive ba, o negative. “Last week pa,” sagot ko. Isang linggo na ang nakalipas magmula nang makauwi ako. Isang linggo na rin ang nakalipas magmula nang sugurin si Daddy sa aming mansion. Sa isang linggo na ‘yon, pakiramdam ko ay parang panaginip lang ang lahat. Hindi ko lubos maisip na malululong sa pagsusugal, alak, at droga si Daddy. Ang malala pa ay umutang siya nang malaking pera kay Saverio. Tangina lang, hindi ba? Sabay kaming pumasok ni Persephone sa loob ng restaurant namin, at doon ko lang napansin na walang masiyadong customer. Tanging employee lang ang nasa loob, at walang masiyadong ginagawa. Kailan pa naging ganito ang restaurant namin? Hindi ko maisip na dadating sa puntong walang customer ang restaurant namin. Sigurado akong punong-puno noon ng customer ang restaurant namin nang magbakasyon ako. Kaya paanong naging ganito? Tumikhim naman si Persephone sa aking gilid para basagin ang nakabibinging katahimikan. Ramdam niya siguro ang pananahimik, at gulat ko nang pumasok ako sa restaurant namin. “Matagal na kitang gustong kausapin tungkol sa business niyo, pero hindi ka active, Kath,” panimula ni Persephone, at hinila ang aking kamay papunta sa pinakamalapit na table sa amin. Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman. Bakit ganito? Kailan pa? “Hindi ka ba active sa social media accounts mo?” tanong ni Persephone sa akin nang banayad. Wala sa sarili akong tumango, at umupo sa bakanteng upuan. Kaya magkaharap kami ni Persephone. Ramdam ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata, pero bukod doon ay may nararamdaman din ako sa titig niya. ‘Yon ay ang awa. Damn! Bakit ba ganito ang nangyayari sa buhay ko? Parang kailan lang ay ang ganda ng buhay namin, pero ganito ang bumungad sa akin pagkauwi ko? Kaya ba parang may nag-uudyok sa akin no’n na i-enjoy ang bakasyon ko, dahil may mangyayaring masama? Napabuga ng hangin si Persephone. Kaya nag-angat ako ng aking tingin para salubungin ang kaniyang mga mata. “Nang umalis ka para magbakasyon, nagsimulang bumagsak ang restaurants niyo, Katherine,” panimula niya, habang ako ay nanatiling nakikinig sa kaniya. Ramdam ko ang pangangatal ng aking mga kamay—ang panginginig ng aking labi, at ang pagsikip ng aking dibdib na para bang nauubusan ng hangin. “Sinubukan kong tumulong sa pamamagitan ng pag-a-advertise sa social media platforms. Kasi alam kong nagbabakasyon ka, at lumalayo ka muna stress, which is understandable naman. Ganoon naman ang bakasyon, eh,” aniya, at sinamahan pa nang kaunting ngiti. “Umabot nang two days na ganoon ang ginagawa ko, Katherine, hanggang sa may isa akong nabasang article about sa Daddy mo. Although rumor lang naman, pero ang sabi roon ay puro raw siya pagsusugal. May nakaaway pa nga raw ang Daddy mo, pero walang mga evidence.” “May nakaaway si Daddy?” nanghihinang bulong ko, at tumango naman siya bilang sagot. “Kaya sinubukan kitang i-message para sabihin ang progress ng pag-a-advertise ko ng restaurants niyo, pero dahil maraming nakabasa ng article na ‘yon, maraming nag-boycott ng restaurants niyo. Hindi na rin pinapansin ang mga advertisement na ginawa ko para sa inyo. Marami ang naniniwala sa article na ‘yon, Katherine. Inuulan nang bad reviews ang connected sa business niyo, at ang malala pa, may mga kumalat na lulong daw sa droga ang ama mo.” Napahawak ako sa aking dibdib nang magsimula akong maghabol ng aking hininga. Ang sikip! Hindi ako makahinga. Pilit kong hinahabol ang hangin, pero hindi ko magawa. Parang pinagkakait sa akin ang hangin. “Kath, kumalma ka,” sambit ng pamilyar na boses, pero hindi ko magawang makilala kung sino ‘yon. Ngunit siguro ay si Persephone rin lang naman. Ramdam ko rin ang paghaplos nito sa aking likod na para bang pinapakalma ako, pero hindi ko kaya. Parang walang silbi ang kaniyang ginagawa, dahil mas lalo lang akong napahagulgol. Ano ba ang nagawa ko para maranasan ko ang ganitong klaseng problema?Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewWala sa sarili kong naibaba ang aking mga mata sa pizza na nasa harapan ko. Tinamaan kasi ako nang hiya. Aminado akong mali talaga ang ginawa ni Saverio kung gayon na puwede namang siya ang mag-take over ng business ko para hindi lumala ang mga nangyayari.Ngunit tutuusin naman, hindi ko alam na ibinenta ako ni Daddy sa isang drug lord, at hindi rin naman nila alam ang bagay na ‘yon.“We don’t have any idea what was happening before. Now that we had the information we need, it’s time for us to make a move.”Napatingin ako kay Saverio nang sabihin niya ‘yon, at dahil katabi ko lang naman siya, napasulyap siya sa aking gawi. Siguro ay naramdaman niya ang aking mga mata, pero ang problema lang ay bumaba ang kaniyang tingin sa pizza na nasa aking harapan.Kumunot ang kaniyang noo, at parang nakalimutang nasa meeting siya. Maging ako rin ay parang hindi ko naramdaman ang mga presensya ng aming mga kasama ngayon.“How many slice of pizza have y
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Actually, I saw the laser. It was a bit weak, but still noticeable, because it was already dark. It was about two kilometers away from our headquarters. I wasn’t sure where did they point the sniper, so I tried to observe until the laser remained on the same spot,” Saverio said.Nasa isang emergency meeting kami ngayon. Since gusto ni Saverio na pag-usapan ang nangyari kanina, nagpunta kami sa isang conference room.“That’s when I realize that they point the sniper in my room,” Saverio added.Tumahimik ang paligid matapos niyang ikuwento ang nangyari. Ako naman ay hindi pa rin makapaniwala na ganoon ang mangyayari sa akin. Imagine, gusto ko lang naman na panoorin ang city lights, pero ganoon na kaagad ang nangyari?Idagdag pa ‘tong nakauwi na pala si Saverio, at hindi man lang nagpakita muna sa akin. Talagang hinintay muna niyang may mangyaring masama akin bago niya gawin ‘yon.“Our glass windows are bullet-resistant, and I’m also sure t
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewNakatitig lamang ako sa magandang tanawin na makikita bintana, habang sumisimsim ng kape. Ganito na ang nakagawian ko sa ilang linggo ang lumipas since hindi naman puwedeng umalis. Mahigpit pa rin sila sa akin, dahil hinihintay nila ang pagbabalik ni Saverio.Kapag kasi nandito siya, hindi nila kaya kami kayang atakehin. Marahil ay takot sila kay Saverio, o hindi kaya ay humahanap lang talaga sila ng tiyempo. Kaagad ko namang nilingon ang earpiece na nasa ibabaw pa rin ng mini drawer na malapit sa kama. Huling pag-uusap namin ni Saverio ay no’ng kararating lang niya roon. Hindi na kailanman nasundan. Gusto ko nga sana siyang kausapin, pero ano ang sasabihin ko? Wala naman akong problema masiyado rito kung hindi ay ang pagka-bored lamang. Wala akong makausap, eh. Lahat naman sila ay busy, at hindi rin naman kami close para guluhin ko.Kung si Saverio naman ang kauusapin ko, baka makaistorbo pa ako. Business trip ang ipinunta niya, pero
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Bakit wala na silang natagpuan doon?” tanong ko kay Francesco.Nagkaroon kami ng kaunting kamustahan ni Persephone. Napag-alaman ko rin na busy si Nohaira. Kaya nga hindi ko siya nakausap, pero nag-reply naman siya sa message ko.Medyo may katagalan nga lang ang pag-uusap namin ni Persephone, dahil may mga itinanong lang ako tungkol sa business ko. Wala kasi akong masiyadong balita, pero thankfully, chini-check ni Persephone ang business ko kahit na busy naman siya sa sarili niyang business.“Ito ba ‘yong sinasabi mo sa akin na naayos na nila kaagad?” tanong ko sa kaniya.Nakatingin na siya ngayon sa akin, at madilim ang kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung ano ang dahilan, pero hindi ako natatakot. Sanay na ako kay Saverio knowing na siya pa ang General nila, eh.“Yes,” sagot naman nito kaagad, at bigla na lang tumayo.Nakapamulsa siya, at nakatitig sa akin nang malamig. Ni hindi ko man lang mabasa sa kaniyang mga mata ang mga emosyon d
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Organization ba ang brotherhood niyo?” tanong ko kay Francesco.Nasa office ako ngayon ni Saverio, at kung gutom man ako, may nagbibigay naman ng pagkain. Hinahatid pa nga mismo rito sa office ni Saverio, eh.“Sort of.”Kumunot ang aking noo sa kaniyang naging sagot. Hindi ba siya sigurado?“Since we’re a large member group, yes.”“Bakit niyo ‘to binuo?” tanong ko sa kaniya.I honestly had an idea about it, pero hindi ako sigurado, at gusto kong marinig mismo sa kaniya ang bagay na ‘to. I know I shouldn’t be digging for information. Kung ayaw niyang sabihin sa akin, maiintindihan ko naman. It’s just that, hindi ko na kasi talaga mapigilang magtanong sa kaniya, dahil naguguluhan na ako.Ilang araw na akong nandito, at hindi na kami umaalis pa, dahil baka mamaya ay sugurin na naman daw ako. Mas mabuti raw na nandito ako sa headquarters nila para wala silang maging rason para sugurin ako lalo na ngayon na wala si Saverio.Kinailangan nilang
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewTumagal ang meeting nang apat na oras. Doon na rin kami kumain ng dinner, at wala ni isa sa amin ang lumabas.Balak ko na nga sanang matulog, dahil hindi talaga kaya ng utak kong i-process ang lahat ng nangyayari, eh. Puno na kasi ‘yong utak ko ng mga impormasyon, pero ang tumatak talaga sa isipan ko ay ang flight attendant.Kaya pala mabilis lang siyang nakapasok roon, at hindi sila aware na may nakapasok na kalaban. ‘Yon pala, nagpadadala sila ng mga agent.Napahawak ako sa aking sintido nang mapalingon ako sa earpiece ko. Nakapatong ‘yon sa mini drawer na nasa tabi lamang ng kama ni Saverio.Dito raw kasi ako matutulog since fiancé ko naman na raw siya—sa kuwarto ng office niya. At first, ayaw ko sang magpunta rito, dahil dito nga namin nagawa ni Saverio ‘yon.Akala ko kasi ay biglang babalik sa utak ko ang mga nangyari, pero hindi. Mali ako. Puro problema lang ang pumapasok sa utak ko ngayon. Magmula sa hinabol kami, hanggang sa nalam