Share

Don't Beg for Mercy

"People sleep peaceably in their beds at night only because rough men stand ready to do violence on their behalf." - George Orwell

“Dyan ka sa bakanteng taas ng double deck matutulog Miss folk. Maiwan na kita rito. Mag-iingat ka” magaang sambit ng pulis sa akin at tinuro ang sinasabi nyang tulugan ko. I nodded at him and shifted my eyes to look around the place.

Napahinga ako ng malalim ng marinig ang pagsara ng selda sa aking likuran, hindi katulad sa pinanggalingan ko ay mas malaki ang kwarto na ito. Malinis rin ang dingding kung tutuusin dahil puting pintura ang ginamit dito at plywood din ang lapag, ngunit may nakikita akong sampay ng mga damit sa railing ng kama, mayroong maliit na lababo sa may gilid kaharap ng dalawang double deck na magkadikit ang ulunan. Tapos sa tabi ng lababo ay may pintuan na hula ko ay paliguan at sa harapan ko, sa may dulo ng selda ay locker na sakto para sa aming apat na naririto ngayon.

Napalingon ako sa paligid nang maramdaman ang titig nilang lahat.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status