Share

Dauntless Royals (Filipino-Tagalog)
Dauntless Royals (Filipino-Tagalog)
Author: Clove Verry

Kabanata 1: "Met"

Fear and nervousness was written to their faces as they bowed infront of the boss who's walking infront of them. 

She's walking with grace and elegance. Her face was fierce, walang emosyon na mababakas sa mukha niya. Ang lahat ay nanatiling nakayuko hanggang sa tuluyan siyang nakapasok sa loob ng elevator. 

Nakasunod sa kanya ang matandang katiwala at ang apat na babaeng nakasuot ng itim na mukhang mga armado. Hindi sila pumasok sa pribado niyang elevator kundi sa pangpublikong elevator. 

Bumungad ang mga tauhan niya sa gitnang palapag ng gusali at sa pagpapatuloy niya ay narating niya ang gitnang bahagi ng palapag na may apat na pasilyo. 

"Good morning Lady K." Pagbati sa kanya ng babaeng nasa counter. 

Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy siya sa pagpasok sa loob ng malawak na kwarto. 

Sabay sabay na tumayo ang mga taong narito at yumuko ng matapat sa kanya. Lumapit sa kanya ang isang binata at tinanggap nito ang hinubad niyang blazer coat. 

Sa pag-upo niya sa gitna ng lahat ay umupo na rin ang mga ito sa bawat gilid ng conference room. Mula sa pinakamababang posisyon patungo sa pinakamataas na posisyon sa kompanya ay naroon. 

"Start the meeting." Sa hudyat niyang ito ay tumayo ang binatang nasa dulong upuan sa kaliwang bahagi. 

Nanginginig ang kamay nitong binuhay ang projector sa harap ng boss. Ang babaeng sekretarya ay naglagay ng asul na sobre sa bawat taong naroon. 

Binuksan niya ang envelope at binabasa ang laman nito. Sumingkit ang mga mata niya sa isang salita na pwedeng bumago sa buhay ng tauhan na nasa harapan. 

Panay ang lunok ng lalaking naghihintay sa magiging reaksyon ng boss niya. 

Bumuntong hininga si Kennedy at tinitigan ang binatang nasa harapan. "You're fired." Mas malamig pa sa simoy na hangin na kanyang itinuran. 

Bagsak ang mga balikat nitong lumabas sa conference room at napalunok naman ang natitira. 

Hindi niya nagustuhan ang dalawang buwang resulta ng pagsisilbi nito sa kompanya niya. Tinatanggal niya ang mga ganitog uri ng tao, Wala silang silbi para sa kanya. 

"Next." 

Tumayo ang head ng financial department dala dala ang resulta ng mga nalikom nilang kita at halaga ng perang gagamitin sa susunod na proyekto. 

Taas noo siyang tumayo sa harap ng amo at ibinahagi naman ng kanyang sekretarya ang mga impormasyon. 

Hindi ito pinansin ni Kennedy bagkus at sumandal siya sa upuan, Isa lamang ang ibig nitong sabihin. Gusto niyang marinig ang paliwanag ng taong nakatayo sa kanyang harapan. 

"The financial department reports from this month of September. Our lot sales increase to 13% with the total amount of 18.3 Million. The commercial buildings paid 36% with the total amount of 145 Million. The rese--" 

"How about the land in Laguna?" Natigilan siya sa tanong ng kanyang amo. Seryoso ang boses nito na nagpangiti sa kanya. 

"Mr. Blanco passed away Lady K, the land was left to his son, We have a problem about buying the land because our source said that the land was in debt due to unpaid tax for the past 20 years." She nodded to what he said. 

"That's all I want to hear for today, meeting adjourned."

Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at ang lahat at muling yumuko hanggang sa makalabas siya. 

"Tell him to follow me in my office." Paalala niya sa sekretarya bago pumasok sa elevator.  

Pinagbuksan siya ng pinto sa pagpasok sa opisina at naiwan ang mga tauhan sa labas. 

Tumunghay siya sa malaking glasswall kung saan makikita mula roon ang malawak na siyudad na may matataas na gusali. 

Lumipas ang ilang minuto bago dumating ang head manager ng financial department. 

"Pinapatawag niyo po ako Lady K?" Inikot niya ang swevilchair upang harapin ang tauhan. 

"When did Mr. Blanco died?" She use her hand to sign him to seat in the visitor's chair. 

"2 weeks already Lady K. The burial was done 4 days due to his only son's decision." Napaisip siya sa sinabi nito. 

"Did you talk to this man already?" Tumango naman ang tauhan niya. 

"He doesn't want us to buy the lot Lady K." Napahilamos siya ng mukha dahil sa sinabi nito. 

"Sent me the information about Mr. Blanco's son, I'll deal with this one." Nagulat ang binata sa tinuran ng kanyang amo. 

"Yes Lady K, soon as possible that I can." She wave her hand to sign him to leave. Tumayo na ang tauhan niya at yumuko sa kanya. 

'So Mr. Blanco has a son?' 

Napapailing siyang tumayo at tinungo ang cabinet. Binuksan niya ito at inilabas ang itim na envelope. 

May ngiti niyang tiningnan ang larawan at muling ibinalik sa loob ng envelope. 

"I won." Turan niya sa sarili at muling bumalik sa swevilchair. Nagsimula na siyang gawin ang trabaho niya nang pumasok ang kanyang sekretarya. 

"Nandito na po lahat ng gagawin niyo sa araw na ito Lady K, Kailangan po ang pirma niyo sa proyektong ito. May lunch meeting naman po kayo ni Director Lee tungkol sa lupang bibilhin sa korea. May ribbon cutting po kayo sa bagong commercial building sa makati."  Sunod sunod na paliwanag sa kanya ng sekretarya. 

"Leave now. " 

Mabilis na umalis ang sekretarya niya at nagsimula na siyang pumirma sa mga papeles. 

Naging abala siya sa araw na 'yon subalit walang bakas nang pagkapagod sa kanyang mukha. 

"She's here!" Isang payat na babaeng may kulay rosas sa buhok ang lumapit sa kanya. Niyakap siya nito at hinalikan sa pisngi. 

"How's your day?" Naging tanong naman ng babaeng itim ang buhok na naka-upo sa tapat niya. 

"As usual." Sagot niya sa kanila. "Nothing special." Sumimsim siya ng alak at tumingin sa mga taong sumasayaw sa dance floor ng club. 

"Kung ikaw walang chika, how about you Avon? I heard from Luz that you have a little buddy?" Tumingin siya sa mga kaibigan at napansin niya ang pamumula ni Avon. 

"He's not a little buddy, his big." Pagtatanggol nito sa lalaking tinutukoy ni Kiana. 

"Another slave?" Kennedy ask to her friend. Mabilis na umiling si Avon sa kanya. 

"This man just made my heart flap in happiness." May ngiti nitong turan na ikinangiwi niya. 

"Suit yourself Avon." 

"Luz was there when she kidnap the model to marry her instantly." Umawang naman ang bibig ni Kennedy. 

"Avon? Are you freak?" Nabigla sila sa naging tanong ni Kennedy, napapailing si Kaina na tumingin sa kaibigan. 

"Support her craziness." Kiana said. 

"You know me girls, you know me. It's just that this man softened my heart into deepest." She shudder while saying those words to her friends. 

"Gross." Tanging naisagot ni Kennedy, nahalata niya na ang pagbabago sa kaibigan. Palagi na itong nakangiti na tila may iniisip. 

"Did you surrender the throne?" Kiana ask that made Avon blushed. 

"Which one?" Kennedy ask unknowingly. 

"I guess, that knight has a long sword to make you blushed dear Queen." Nanunuksong pahayag ni Kiana na mabilis namang naintindihan ni Kennedy. 

"You have no idea how many times I surrender but he's not interested. He's too tough and cold." Reklamo ni Avon sa kanila na nagpatawa kay Kiana at ikinangiwi ni Kennedy. 

"Losing your cool with a guy?" Hindi makapaniwala si Kennedy sa inaakto ni Avon sa kanya. 

"Nope! He's just an exemption." Seryoso nitong pahayag sa kanila. 

Hindi mababakas sa boses ni Avon ang pagbibiro, totoo ang mga sinasabi nito sa kanila. 

"Why did you marry him?" Kennedy ask again. Avon sigh before sipping wine. 

"I need a successor. Admit it or not, we're getting old ladies. We need a replacement someday." Avon has a point for her. 

"Trust me girls, walang matigas na tinapay sa mainit na kape lalo na kung kapeng barako." Nakikita niya naman na masaya si Avon sa kung paano ito magkwento. 

"I don't think so, masaya na ako sa Slavery ko." Kiana proudly said. 

"Seriously? There are hundreds of single Mafia boss out there, why don't you choose one?" Umiling naman si Kiana sa suggestion ni Kennedy. 

"Judgemental ka." 

"Sinusumpa kita na sana magkagusto ka sa lalaking ayaw na ayaw sayo!" Ngumiwi naman si Kennedy sa sinabi nito. 

"That's not gonna happen, men are poor things in this world who will ruin you. They're trash, savages and stupids." 

"Whatever Kennedy! Magkakagusto ka rin and i hope that man will loathe you a lot. Like he prefers to die than loving you." Tumawa siya sa sinabi ni Avon bago tumayo at hinarap ang mga kaibigan. 

"Goodluck with your swear Avon!" She wave her hand before disappearing to her friends eyes. 

She close her eyes while leaning in the backseat. It was pass midnight when she arrive in home. 

Group of men in Black suit bowed to her as she goes out from the car. Dumeretso siya sa loob ng malaki niyang mansion. 

Malungkot siyang tumingin sa paligid. Sa napakalaking mansion ay mag isa siyang nagmamay-ari nito. 

"How boring." kumento niya sa sarili at tumungo sa kanya silid. Ito ang hudyat na maaari ng magpahinga ang mga tauhan niya. 

Sa kinabukasan niyang pagpasok ay wala namang naging pagbabago, tahimik siyang nagbabasa at pumipirma ng mga papeles ng tumawag ang kanyang sekretarya. 

"Nandito na po si Mr. Morello Lady K." Pinindot niya ang control audio para sumagot. 

"Let him in." 

Wala pang ilang minuto ay pumasok sa loob ang head manager ng financial department. 

Yumuko ito sa kanya at sumenyas siya para umupo ito sa harap niya. Inilahad sa kanya ang brown envelope. 

"Nariyan na po ang lahat ng impormasyon tungkol sa anak ni Mr. Blanco." Binuksan niya ang envelope at tiningnan ang laman nitong folder. 

Wala siyang makitang interesante sa mga nabasa. Hindi nakapagtapos ng kolehiyo subalit matalino ito. 

"Leave now." 

Tumayo na si Mr. Morello at muling yumuko sa kanya. 

Nanatili siyang naka-upo at binabasa ang impormasyon tungkol sa anak ni Mr. Blanco. 

Tinitigan niya ang larawan nito at labis ang pagtataka niya dahil mukhang may ibang lahi ang binatang nasa larawan. 

"Mara, tell them to prepare the chopper for me, I'm leaving in 5 minutes." 

Tumayo siya at kinuha ang blazer coat. Lumabas siya ng opisina at nakaabang na sa kanya ang mga tauhan niya. 

They followed her in the roof top of the building. Nakaabang na sa kanya ang helicopter na sasakyan niya patungo sa Laguna. 

Sumunod sa kanya ang mga tauhan niya. Naging piloto niya ang isa sa mga ito. Ayaw na ayaw ni Kennedy na gumamit ng kotse kapag malayo ang pinupuntahan niya. Mas gusto niya ang mabilis na paraan. 

Nang dumating sila sa lugar na patutunguhan ay nakikita mismo ng mga mata niya ang lupain na matagal niya ng hinahanap. 

May ngiti siya sa labi na tumitig rito. Unti unting bumaba ang sinasakyan niyang helicopter. 

Naunang bumaba sa kanya ang mga tauhan niya at inalalayan siya nitong bumaba. 

Ito ang mga sandaling hahanga sa kanya ang sinumang makakakita subalit hindi ang taong walang buhay ang mga matang nakatitig sa kinaroroonan ni Kennedy. 

Puno ng kompiyansa sa sarili si Kennedy na naglakad sa gitna ng farm subalit hindi niya inaasahan ang pagbaon ng suot niyang stiletto sa putikan. 

"Anong kailangan nila?" Nawala ang atensyon niya sa pagtingin sa sapatos na bumaon sa lupa at napunta sa baritonong boses ng binata. 

Natigilan siya ng masilayan niya ng malapitan ang maamong mukha ng binata. Hindi niya inaasahan na mas gwapo ito sa personal at nakakahanga ang katawan na tila inakit siya nito sa kung ano. 

She cleared her throat as she tried to pull of her shoes but unexpectedly she lose her balance that cause a force to fall. 

Mas mabilis pa sa mga tauhan niya ang pagkilos ng binata para saluhin siya. Sa mabilis na pangyayari ay namalayan niya ang sariling nakayakap sa binatang  nakayapos ang mga kamay sa likod at baywang niya.

Bumilis ang pagtibok ng puso niya sa mga sandaling yon. Tila aatakehin siya sa puso sa kaba ng masilayan ng mas malapitan ang mga mata ng binata. 

"Lady K!" Lumapit ang apat na babae at tinutukan sila ng baril. Sa pagkabigla ng binata sa nakita ay tuluyan niyang binitawan ang babaeng niyakap niya.  

Umawang ang bibig ni Kennedy ng tuluyan siyang bumagsak sa putikan, Ang maputi niyang kasuotan ay nabalot ng putik. 

"Kung narito ka para bilhin ang lupa, makakaalis kana Miss." Turan ng binata na mas ikinangiwi niya. 

"Help me up!" Cold tone niyang utos sa mga tauhan. Tinulungan siya ni Silver sa pagtayo at napilitang hubarin ang blazer coat na puno ng putik. 

Napapailing na tumingin sa kanya ang binata dahil sa kakaibang pagkilos ni Kennedy. 

"Mr. Blanco, I'm here to deal with great opportunities with you. So don't fucking turn your back to me." She stayed cool that made the young man stop from walking away.  

Binalingan niyang muli ng paningin ang dalagang pumasok sa pag-aari niyang lupain. Nanatili itong kalmado at hinarap siya ng maayos. 

"Kung gusto mo akong kausapin, sumunod ka sa'kin." Lumingon si Kennedy sa mga tauhan niya at tumango naman ang mga ito. 

•Clove_Verry•

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status