Naku Red! Hahabol kapa talaga ng honeymoon.
"Sherely! Tawag ko kay yaya Sherely. "Yes, Senyorita. May ipag-uutos ka po ba? "Oo, sana. Pakilinis naman ng aming kwarto ng senyorito mo, pakidamay narin ng cr namin. Salamat!" Utos ko kay Sherely. "Masusunod po Senyorita. Pagkasabi ko kay Sherely ay tumalikod na ako. Tumungo na ako sa kusina upang kunin ang nilagang balot ko. "Red Simon!" Galit kong tawag sa aking asawa ng wala akong makita na nilagang balot sa kaserola. Nagmamadali naman lumabas ng theater room si Red . "Bakit misis ko?" Nagtataka nitong tanong sa akin. "Nasaan ang pinapalaga kong balot saiyo?!" Tanong ko. Hindi ko mapigilan ang hindi mainis ngayon. Natatakam na akong kumain ng balot, pagkatapos wala akong makikita dito. Pakiramdam ko ngayon ay umuusok na ang bunbunan ko dahil sa inis. Nararamdaman ko na rin na malapit ng bumuga ng apoy ang aking bibig, kapag hindi ko magugustuhan ang isasagot sa akin ni Red. "Nasa kaserola, asawa ko. Kumalma ka! Masama saiyo ang nagagalit!" Nag-aalala nitong sa
Red Ilang araw matapos ang araw na dinala ko sa isang lugar na tahimik at kami lamang ni Chyrll ang tao, ay hito ako ngayon. Kinakausap ang wedding planner, na mag-asikaso ng aming kasal pagkatapos ng klase sa pag-aaral ng abogasya ni Chyrll. Sobra akong excited, hindi na ako makapaghintay na maging legal siyang asawa. Iyong bukal sa loob niya at walang sapilitan. Nong nagpropose ako sa kanya, akala ko hindi niya tatanggapin ang alok kong kasal. Mabuti na lamang, bago ko ulit siya tanongin ay tinanggap na n'ya ang alok ko. "Ito po sir, bagay na bagay po ito sa iyong mapapangasawa. Tiyak na maraming matutuwa kapag ito po ang kaniyang sinuot sa araw ng kasal ninyo." Wika ng babaeng wedding planner. "O sege, ito na lamang. At ganitong desenyo na rin para sa kasal namin." Turo ko sa babae. Ang napili ko ay iyong mala fairy tail. Gusto ko kasi na kakaiba ang kasal namin sa naging kasal ng aking mga kaibigan. Gusto ay nakakaangat sa lahat. "Noted po sir. Sukat na lang po ng kataw
"Papa, sabi mo po tigasin ka? Bakit po ikaw ang naglalaba ng marurumi naming damit?" Tanong sa akin ni Luigi. Napakamot naman ako ng kilay. "Oo anak! Tigasin nga ako, tiga laba, tiga luto at tiga plantsa. "Ha! Paano po nangyari 'yon papa?" Nalilito na tanong ni Luigi. "Ganito kasi iyon, anak! Kapag mahal mo ang ina ng mga anak mo, hindi mo hahayaan na mapagod siya. Katulad ng ginagawa ko, o diba tigasin ako." Paliwanag ko sa aking anak. "Ganun po pala 'yon, sege po papa. Kapag nag-asawa po ako paglaki ko ganyan din po ang gagawin ko. Hindi na po ako kukuha ng yaya, katulad ni yaya Sherely. Ako na lang po ang gagawa ng lahat ng gawaing bahay. "Huwag naman ganun, anak! Kailangan mo rin kumuha ng kasambahay upang may makatulong ka. Dahil, kailangan mo din magtrabaho para buhayin ang pamilya mo. Hindi porket mayaman tayo, maraming pera ay dito ka lang sa loob ng bahay maghapon." Paliwanag ko pa upang maintindihan lalo ng aking anak. Napaisip naman ito sa aking sinabi. "Ganun po
"Papa! Pawis na pawis kana po! pinagdala po kita ng towel para pamunas ng pawis mo." Wika ng aking anak na nag abala pa na dalhan ako ng pamunas sa pawis ko. Kanina pa tagaktak ang pawis ko sa aking katawan. Hindi ko naman mapunasan dahil nakalimotan kong kunin sa loob ang towel ko. "Ang bait naman ng inaanak ko! Mabuti pa itong anak mong si Andonis, dude, naalala ka. Hindi katulad ng asawa mo, pinapanuod lang tayo dito." Wika nu Eutanes na mukhang may sama pa yata ng loob sa aking asawa. "Kung hindi lang 'yan buntis, nunkang tulongan kita magsibak ng gatong at mag-igib ng tubig." Ani naman ni Fucklers. Iyon na nga, nagrereklamo na ang mga hudas kong kaibigan. "Susumbong ko po kayo kay mama! Lagot po kayo don. Lahat ay napatingin sa anak ko na hindi pa pala umaalis. Tumakbo na nga ito patungo sa kaniyang mama. "Lagot na!" Sambit ko. "Hindi ako, nagrereklamo ha, baka madamay ako sa galit ng asawa mo, Red! Ibabaon ko talaga sa hukay ang dalawa na yan." Reklamo ni Jeran. "Ta
Chyrll. "Congrat's! Sa wakas mag hipag na tayong dalawa, kapatid. Natupad din ang pangarap mo na, sana hindi lang tayo maging magkaibigan, at maging maghipag sana tayo. Ito na, natupad na ngayon." Masayang wika ni Aria sa akin. Nayakap ko naman ng mahigpit ang soon to be hipag ko. Hipag ko na pala, dahil kasal na kami ng kuya nito, matagal na. "Oo nga, matagal na sana tayong maging mag hipag, kung hindi lang sana naging pakipot itong kuya mo. Mahal din naman pala n'ya ako, ang dami pa n'ya kuskos balukos." Saad ko. "Valid naman ang reason ko, natakot lang ako no'n misis ko." Ani ni Red, sabay dampi ng halik sa aking mga labi. Nahiya naman ako sa aking mga kaibigan, hindi ako sanay na hinahalikan sa harapan nila. "Huwag ka ng mahiya sa amin, kapatid. Masanay kana, kami sanay na- "Huwag mo kami isama, dahil hindi kami PDA na katulad sainyo ni Jeran na kung saan saan naghahalikan." Putol ni Issa sa sinasabi ni Szarina. "Pinagkakaisahan n'yo nanaman ang love ko. Mahal lang namin an
Paulit ulit pumapasok sa isip ko ang kinanta ni Red. I just wanna live in this moment forever 'Cause I'm afraid that living couldn't get any better Started giving up on the word forever Until you give up heaven so we could be together You're my angel, angel baby Angel, you're my angel, baby Baby, you're my angel, angel baby. May kaunting tumulo na luha sa gilid ng aking mga mata. Mahal ko talaga ang damuhong lalaki na ito. Siya talaga ang inilaan na lalaki para sa akin ni papa god. Wala na akong magagawa pa kundi ang tanggapin siya sa buhay ko, at lalo na sa buhay naming mag-iina. Tilian ng mga kababaihan, ng matapos kumanta ang grupo, lalo na si Red na leader nito at siya ang kumanta. Labis na tuwa ang nararamdaman ko ngayon at paghanga sa ama ng aking mga anak. Napaka ganda ng kaniyang boses at napakagaling nitong kumanta. -Pero bakit itong kaibigan kong si Aria, boses kiki kung kumanta. Sobrang sakit pa sa tainga ng boses, iyong tipong nagkukunwari na lamang kam