NABIGLA si Charity nang nagtungo sila sa isang malaking mall. Napatingin siya kay Cameron na may pagtataka sa mukha. Tinignan din siya nito. "She told me na gusto niyang mag-mall," tukoy nito kay Calista na nakatulog sa byahe "And pinagbigyan mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya kay Cameron. Nag-iwas ng tingin si Cameron na tila nahiya dahil wala sa bokabolaryo niya ang magpupunta sa mall o pagbigyan ang kapiratso ng iba, lalo na ng bata. But, damn. Calista is different, she is his daughter. Lihim na napangiti si Charity. "Why are you smiling?" Masungit na tanong ni Cameron. Itinikom ni Charity ang bibig at nagkibit balikat. Binalingan niya si Calista na nakaunan sa kandungan niya. "Wake up, baby. We're here," untag niya sa anak na agad naman nagising at sabik na napatingin sa labas ng sasakyan. "Mall!" Anito sa sabik na tinig. Kita niya ang ning-ning sa mga mata nito. Inabot ito ni Cameron at bumaba ang lalaki habang karga-karga
KINABUKASAN ay hindi pa rin makalimutan ni Charity ang nangyari sa mall, ni hindi nga niya nakuhang mapasalamatan si Cameron sa ginawa nito, dahil pagdating na pagdating nila sa mansion kahapon ay agad na naging abala si Cameron sa cellphone nito at laptop na tila may mahalagang kausap na hindi na niya nakuhang makasingit pa. "Magandang umaga, Miss Salve. Ano po ang gagawin natin ngayon?" Bati at tanong niya sa matanda nang puntahan niya ito sa may swimming pool. "Ikaw pala, Charity. At talagang isinuot mo pa rin 'yang maid's uniform mo. Hindi pa ba 'yan pinapatanggal ni Sir Cameron?" Ani ni Miss Salve na natigilan sa pagsungkit-sungkit sa mga dahon na nahuhulog sa tubig. "Ay, nako, Miss Salve. Isinuot ko na at nang walang masabi ang ating kamahalan. Atsaka isa pa, usapan naman namin 'to. Sa totoo lang po ay nag-eenjoy akong suot 'to," saad ni Charity na nakangiti pa. "Iba ka talagang bata ka, halika rito at kwentuhan mo na lang ako. Wala naman utos sa
GABI na ng makabalik sina Calista at Charity sa mansion ni Cameron matapos nilang inihatid si Stef kina Madam Ada. Siya na rin ang gumamot sa mga sugat ni Stef. Hindi niya makalimutan ang hitsura ni Madam Ada nang malaman ang nangyari. Kung magagalit ba o hindi, dahil para rito parehong anak nito ang dalawa at naipit ito. Bagay na naiintindihan niya. "Paki-akyat na po si Calista sa kwarto," aniya kay Servant Kim na siyang sumama sa kanila sa maghapon. Tinapunan niyang tingin si Sharlot na nakaantabay lang. "Ikaw na ang bahala muna kay Calista, may kakausapin lang ako," sabi naman niya sa babae na tumango at sinamahan na si Servant Kim na iakyat si Calista na himbing ang tulog sa mga bisig ng matandang lalaki. Nagtungo muna siya sa kusina at uminom ng malamig na tubig upang kalmahin ang sarili. Nais niyang kausapin si Cameron para kumustahin din ito. Ngayon lang kasi nag-sink in sa utak niya ang mga naganap at kung ano ang posibleng naramdaman ni Cameron sa nangyari
"WHY are you crying?" Usisa ni Cameron nang mapansin ang biglaang pagpatak ng mga luha ni Charity. Mabilis na pinunasan iyon ni Charity at binigyan siya ng pilit na ngiti. "W-wala, medyo nadala lang ako sa kuwento mo," pagdadahilan nito. She's not a good liar. "Alam mo ba kung nasaan ang babaeng iniligtas mo noon?" Biglang tanong nito sa kaniya. Umiling si Cameron. "She's just part of my past now," tipid niyang sabi. "I only have a blurry memory of her. I cannot even remember her face," dagdag niya which it true. Tumango-tango si Charity at nag-iwas ng tingin. Kinuha ang kamao ni Cameron. "L-lilinisan ko na ang mga sugat mo," anito upang mapunta na lamang sa iba ang usapan. Hindi natinag si Cameron sa pagtitig sa babae, alam niyang may ibang dahilan ang pag-iyak nito at nais niyang malaman iyon. Ngunit alam niyang hindi sasabihin ni Charity ang bagay na 'yon. Pinagmamasdan niya ang bawat paglinis nito sa kaniyang mga daliri na isinuntok n
HANGANG kinabukasan ay naguguluhan si Charity sa inasta kagabi ni Cameron. Iniisip pa nga niya ang tagpo kagabi habang nakahiga sa kaniyang kama. Wala sa loob na hinawakan niya ang pendant ng kaniyang kwintas. Gusto niyang kausapin si Cameron, pero bigla siyang nawalan ng lakas ng loob. Baka wala na ang tama ng alak sa sistema nito at balik na naman ito sa dati. Napabuntong hininga siya at bumangon na. Tinignan niya ang orasan sa bed side table, alas otso na ng umaga, ibabaling na sana niya sa iba ang paningin nang may mapansin na isang papel, nakaipit ito sa flower vase na nasa table, katabi ng orasan. Kinuha niya iyon at binasa ang nakasulat. "From now on, don't wear the maid's uniform." -Cameron Napaawang ang labi ni Charity at hindi makapaniwala sa nabasa. Kinusot pa niya ang kaniyang mga mata upang siguraduhing hindi lamang siya nanaginip o ano. Pero iyon at iyon pa rin ang nababasa niya. Galing na si Cameron sa kaniyang sili
"CHARITY, charity!" Mula sa atensyon sa laptop ay napatingin si Charity kay Miss Salve na umaangos patungo sa kaniya nang hapon na iyon. Nasa gilid siya ng pool at busy sa pagb-browse. "Bakit ho, Miss Salve?" Curious na usisa niya sa matanda. Mukha kasing nagmamadali ito. "Halika at may ipaparinig ako sa'yo. Madali ka," anito sa excited na tinig, sabay hila sa kaniyang kamay. "Ay- wait ho! Omg, baka matumba ako, Miss Salve," sabi niya na halos madapa-dapa pa sa paghila ni Miss Salve. Umakyat sila sa hagdan patungong second floor at nangunot ang noo niya nang tinutumbok nila ang daan patungo sa silid ni Cameron. "A-ano ho ang gagawin natin dito?" Sinenyasan siya ni Miss Salve na huwag maingay at idikit ang tenga sa pinto ng silid ni Cameron. Naguguluhan man ay wala siyang nagawa kung hindi gawin ang sinasabi ni Miss Salve. Mula sa loob ay may nadinig siyang patugtog ng kanta na tila nagmumula sa cellphone, pamilyar siya sa ka
GAYA ng sinabi ni Cameron, nagtungo sila sa Moalboal Cebu, kung saan marami silang maaring gawin, like scuba diving and snorkeling. Balak din niyang ayahin si Cameron na ipasyal sila sa mga heritage sa Cebu, isang bagay na gustong-gusto niyang gawin doon. Totoo ngang napakaganda sa Cebu at ngayon lang niya napuntahan ang lugar na iyon kaya susulitin na niya."Wow! I like it here, mommy!" Ani Calista habang naglalakad-lakad sila sa tabing dagat. Naiwan kasi si Cameron sa kanilang kwarto dahil may kausap itong importanteng tao. Napili nilang mag stay sa Panagsama beach in Basdiot dahil maraming magagandang hotel malapit doon at malalapit sa mga iba't ibang restaurants. "Same here, baby. Marami pa tayong papasyalan kaya mas marami ka pang makikitang magagandang lugar rito," aniya sa anak at kahit siya ay hindi niya mapigilan ang excitement sa isiping marami pa silang pupuntahang destinasyon. "Yey!" Masayang sabi ni Calista na nagtatalon pa at masayang nagtatagpo sa dalampasigan.Maram
NAKATULOG na si Calista nang napagpasyahan nilang umakyat sa kanilang hotel room. Matapos kasi nilang mag-dinner ay nagpapresko at naglakad-lakad pa sila sa tabing dagat hangang sa makatulog na nga ang kanilang anak. "She's really all grown up..." Bulong ni Cameron, habang pinagmamasdan si Calista na inilapag nito sa kama. There is fondness in his eyes at hindi iyon naitago ni Cameron sa kaniya. Napangiti siya at umupo sa gilid ng kama. "Yeah, natutuwa ako na mukhang magiging daddy's girl pa nga," biro niya sa lalaki. Sa maikling panahon ay sobrang attached na ng kaniyang anak kay Cameron. Tinignan siya ni Cameron. "Thank you," bulong nito. Charity felt the sincerity in his voice. "Thank you for what?" She honestly didn't know kung para saan ang pasasalamat nito. "Thank you, dahil hindi mo siya tinuruan na kamuhian ako at lumayo ang loob niya sa akin. Kaya ngayon, walang kahirap-hirap sa akin na mapalapit sa kaniya and it all because of