Share

Kabanata 14

Maximaze Park

“Ang ituturo ko sa iyo ngayon ay ang paggamit ng arnis. Una, hawakan mo ang arnis,” panimula nito. Hinawakan ko ang arnis gaya ng sabi niya. “Mali ang iyong pagkahawak, Maze. Huwag mong hawakan ang arnis sa pinakadulo. Itaas mo nang kaunti.”   Itinaas ko nang kaunti ang pagkahawak ko sa arnis. “Ngayon, ganito ang simpleng pag-atake. Umatake ka sa taas sa bandang kanan tapos sa taas muli ngunit sa bandang kaliwa naman.”   Sinunod ko ang kaniyang sinasabi. “Tapos umatake na naman sa babang kanan at saka sa babang kaliwa. Kanan, kaliwa, kanan, kaliwa lamang iyan. Taas, taas, baba, baba. Ulit-ulitin mo iyon.”  

Taas, taas, baba, baba. Iyan ang aking ginawa sa pag-aarnis. Inulit-ulit ko iyon hanggang sa aking makabisado.

“Kapag sinabi kong sugod ay gumalaw ka na para bang mananaksak ka. At hampas . . . Sa ulo! Taas, taas, baba, baba, sugod, hampas sa ulo! Gawin mo at uli

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status