Share

Chapter 3

Raven's POV

NASA labas na ako ngayon at nakaharap sa pintuan ng aking silid. Dito ako inihatid ni Headmaster. Umani pa kami ng tingin mula sa ibang estudyante at tinatapunan nila ako ng nakakapagtatakang mga titig. Kinabahan ako at naninibago dahil ngayon lang ako nakakita ng mga taong kaedad ko. Iba pala talaga kung hindi ka nakakulong sa isang mundo.

Nahihiya akong kumatok sa pintuan at nagdadalawang isip din ako kung kakatok ba ako o hihintayin na lang na lumabas ang sinasabing ka roommate ko daw.

Pinagtitinginan na ako ng mga estudyante at nagtataka sila kung bakit hindi pa ako pumapasok. Parang gusto ko naman umalis ngayon sa kinatatayuan ko dahil nakaramdam na ako ng hiya. Aatras na sana ako ng biglang bumukas naman ang pintuan at nagulat pa yung babae galing sa loob.

"May kailangan ka ba?" Tanong nito sa akin.

Hindi ako makaimik. Nahihiya akong sabihin sa kanya na dito ako titira. Hindi ako sanay na makipag-usap sa ibang tao lalo na at hindi ko sila kilala. Literal na hindi talaga ako sanay.

Pero bago pa ako nakasagot ay tumunog na ang telepono nito mula sa isang desk kaya iniwan niya na nakabukas ang pinto at sinagot yung tawag.

"Hello—H-headmaster—opo—opo meron." Saad nito sabay tingin sa akin. "Opo—sige po." At ibinaba na nito ang telepono bago bumalik sa akin at nginitian na ako nito. "Pasok ka, roommate pala kita. Hindi ka naman kaagad nagsabi." Tuwang saad nito.

Kaya agad na pumasok ako para makalayo sa mga tingin ng ibang estudyante doon. Agad na bumungad sa akin ang isang magandang sala. Malayong malayo ito sa itsura ng bahay namin. May nakikita din akong kusina at dalawang pintuan na sa palagay ko ay mga kuwarto.

"Sa akin yan kaliwa at sayo naman yan sa kanan. Hindi pa dumating ang gamit mo kaya hindi ko alam na may bagong roommate ako. Pero sabi ni headmaster maya-maya ay darating ang mga yun at ihahatid dito." Paliwanag naman nito sa akin.

Ngumiti naman ako rito at hindi nagsalita. Tumingin lang ako sa iba pang mga gamit doon.

"Bakit di ka nagsasalita?" Nagtatakang tanong nito at yumuko lang ako. Mas mainam na hindi ako nagsasalita para walang kumausap sakin dahil hindi ko rin alam kung paano ko sila pakikitunguhan. Pero bigla naman nanlaki ang mga mata ng babae. "Oh my, hindi ka nakakapagsalita?"

Tumingin lang ako sa kanya. Hindi ako tumango o umiling. Nahihiya din akong magsalita.

"Ay hala, okay lang yan. Sorry hindi ko talaga alam. Pero ako na ang bahala sayo. Hindi naman problema sa akin kung hindi ka nakakapagsalita. Ako ang tutulong sayo sa lahat ng bagay. Tsaka mukhang sinadya ni Headmaster na maging roommate tayo dahil sabi niya kaklase daw kita." Madaldal na saad nito.

Ganito pala ang pakikitungo sa ibang tao. Kailangan mong maging madaldal pero hindi pa ako marunong dumaldal. Minsan lang ako nagsasalita sa bahay dahil laging nasa trabaho si papa at si mama naman ay maraming ginagawa kaya tahimik lang ako.

"Teka, magbihis ka muna. Suot mo yang damit sa ospital. Papahiramin na lang kita. Mas malaki nga lang ako ng konti sayo pero kakasya yun sayo." Turan nito at bigla akong hinila nito patungo sa kuwarto nito.

Hindi ko alam na damit ng ospital pala ito. Akala ko ay normal na damit lang siya. Naghalungkat na ang babae ng mga damit nito sa isang cabinet na malaki at may nakuha naman itong isang pares ng patalon na manipis ang tela na kulay itim at isang parang dress na spaghetti strapped na kulay puti.

"Ito isuot mo na ito." Saad naman nito at itinulak na ako nito palabas ng kuwarto niya at ipinasok naman ako nito sa sinasabi nitong kuwarto ko raw.

Nanibago ako sa kuwarto ko. Napakaganda nun kesa sa dati kong kuwarto. Maaliwalas ang paligid. Kulay langit ay puti ang magkahalong kulay ng kwarto ko. Pumanhik na ako sa banyo para maligo. May nakalagay doon na mga sabon at shampoo na hindi pa nagagamit.

Agad akong naligo at nilinis ang aking katawan. Maputi ang balat ko at mahaba din ang kulay brown na buhok ko. Litaw na litaw ang kulay brown na buhok ko dahil natural yun.

Agad naman akong nagbihis at may isinama pala yung babae na hindi man lang nagpakilala ng kanyang pangalan ng isang pares ng kulay itim na underwear.

Isinuot ko na yun at dinala ko ang tuwalya sa labas ng kwarto para patuyuin ang buhok ko. Agad naman akong nilapitan ng babae na nakanganga pa itong nakatingin sa akin.

"Alam mo ba na sobrang ganda mo? Hindi masyadong naemphasize kanina kasi magulo ang buhok mo at dahil na rin sa damit mo. Pero shocks, ang ganda ganda mo pala!" Tuwang tuwa na saad nito pero hindi ako nagsalita.

Ano ba ang ibig sabihin ng maganda? Maganda ang lahat ng tao di ba? Yun ang alam ko at naituro sa akin kaya nagtataka ako kung bakit niya ako sinasabihan ng ganoon na para bang hindi ako maganda kanina.

"Shit, hindi mo pa rin pala alam ang pangalan ko. Ako pala si Haze and you should be Raven. Ay mali, bakit nga ba ngayon lang ako nagpakilala sayo? Kanina pa kita dinadaldal. Pero umupo ka na doon, ako na ang bahalang magsuklay ng buhok mo. Lalabas pa tayo at kakain doon sa cafeteria." Mahabang turan nito. Nagtataka lang ako kung hindi ba siya napapagod sa kakasalita. Dahil kung ako ang nasa kalagayan niya ay baka masakit na ang panga ko sa kakadaldal.

Umupo na lang ako sa upuan at agad naman na nagsimula si Haze na suklayin ang buhok ko. Namiss ko tuloy si mama dahil ginagawa niya rin ito dati sa akin. Masakit pa rin sa kalooban ko pero natuto na akong hindi umiyak.

"Ayan, tapos na. Maayos na ang buhok mo. Kaya tara na punta na tayo sa cafeteria ng makakain na tayo. Maaga kasi magclose ang cafeteria at wala pa akong stocks dito sa kusina kaya early dinner ang gagawin natin. Pero wag kang mag-alala dahil halos lahat naman ng estudyante dito ay nag-e-early dinner." Paliwanag pa nito na pakiramdam ko ay hindi na ito humihinga. Napakadaldal niya na kabaligtaran ko naman. Pero hindi naman siya yung tipong nakakaasar. Hindi lang talaga pa ako sanay.

Lumabas na kami sa dorm namin at pakiramdam ko ay napakapresko ko. Maliwanag pa sa labas pero mayroon na akong nakikitang mga estudyante din na kaedaran ko na parehong daan na tinatahak kagaya namin ni Haze. Sa palagay ko ay patungo din sila sa cafeteria.

May napapatingin sa amin ni Haze at biglang naiilang naman ako. Tinatanong ko ang sarili ko kung kailan ako masasanay dahil ngayon nandito na ako sa Fortress ay sigurado na akong araw-araw ay may makikita akong tao. Kailangan sanayin ko ang sarili ko sa mga bagay na yun.

"Ayun ang cafeteria, yang kulay asul at yung kabila, yan naman ang school building natin." Hayag ni Haze sa akin. "Pero di yan kadalasang nagagamit dahil sa arena tayo madalas nagkaklase."

Maganda ang dalawang gusali. Nagtataka lang ako kung bakit mas mukhang mga mansyon ang mga building dito at hindi ito kagaya ng mga paaralan dati. Pero hindi ko na sinubukan isipin pa yun dahil baka ganito lang talaga ang gusto nila. Kahit yung opisina ni Headmaster Luther ay mukhang mansyon din.

Pumasok na kami sa cafeteria at agad na marami akong nakitang mga estudyante. Nakayuko lamang ako habang hinahawakan naman ako ni Haze. Bastang kumuha lang siya ng plato doon at ibinigay sa akin.

"Kumuha ka lang kahit anong gusto mo. Libre ang pagkain dito dahil sponsored ang school natin ng mga mayayamang tao na may anak na itinatago rito sa Fortress." Paliwanag naman nito.

Tumango lang ako. Hindi naman ako malakas kumain dahil nasanay ako na konti lang ang kinakain. Kaya kumuha lang ako ng isang sandok ng kanin. At nawiweirdohan ako sa mga ulam dahil ngayon pa lang ako nakakita ng mga ganitong ulam. Simpleng pagkain lang ang inihahanda ni mama noong nabubuhay pa siya.

"Ito subukan mo masarap ito." Saad naman ni Haze sa akin at pumulot ito ng dalawa at inilagay yun sa aking plato. "Chicken Cordon Bleu ang tawag diyan."

Masyadong marami na ang pagkain na nasa plato ko. Hindi ko alam kung mauubos ko ang dalawang chicken c-cordon bleu na sinasabi ni Haze. Hindi na ako nagdagdag ng ano pa man. Isang juice na lang ang kinuha ko dahil parang masarap yun sa paningin ko.

Pagkatapos namin kumuha ng pagkain ay agad na naghanap kami ng bakanteng lamesa. Hindi naman kami nabigo at nakahanap kami kaya doon na kami umupo sa may bandang sulok kung saan malapit sa washing area.

Tahimik akong kumakain habang si Haze naman ay daldal ng daldal ng kung anu-ano. Nakinig lang ako rito at nakikitango ako kahit yung iba ay wala talaga akong maintindihan. Pasalamat ko na lang rito dahil pinagtityagaan ako ni Haze.

"Omg girl, nandito siya."

"Teka, omg bakit hindi ako nainform?"

"Oh shit nandito na si Vander."

"Shit ang gwapo niya."

"Bakit ganyan siya ka gwapo?"

"Omg, I think I just died."

Napansin ko na lang ang ugong sa cafeteria kaya napatingin ako sa paligid. Nagtataka ako kung ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi nila. Ano ba ang ibig sabihin ng gwapo? Di ba lahat ng tao ay gwapo?

Nagtataka ako dahil nagsiiritan ang mga kababaehan sa loob at lahat ng mukha nila ay nasa isang dereksyon lang nakatingin kaya napasunod din ang tingin ko doon pero bago pa dumako ang tingin ko ay biglang hinawakan na ako ni Haze.

"Omg girl! Nandito ang crush ko! Shit, this is once in a life time dahil hindi yan nagagawi rito." Para itong hindi mapakaling manok sa kinauupuan nito.

Hindi ko na nagawang tumingin sa pinagtitinginan ng lahat dahil nagtataka na ako kay Haze. Namumula ang mga pisnge nito at halos mabali na ang leeg nito sa pagkakalingon.

"Omg, kumuha siya ng bottled water." Napakurap-kurap ako rito. Hindi ko maintidihan kung ano ang iniakto niya. Para siyang naiihi sa tingin ko.

Pero imbes na tingnan ang tinitingnan nito ay yumuko na lang ako at kumagat ng cordon bleu. Masarap ang ulam na pinili ni Haze at mas interesado ako dito kesa sa tinitingnan niya.

"Ay lumabas na siya." Malungkot na saad nito na ngayon ay hindi na siya naging magalaw. "Hays, sana araw-araw pumunta siya rito para maging kompleto ang araw ko. Ang hirap kasi niyang masilayan dahil napaka aloof niya." Nangingiting saad nito sa akin pero hindi ko naman pinagkaabalahan na intindihin yun.

Marami pa itong sinabi tungkol sa kung sino man ang lalaking pumasok sa cafeteria pero hindi ako nagka-interes sa mga impormasyon. Hindi ko naman alam kung dapat ba akong maging interesado sa taong hindi ko naman kilala.

Natapos din kami sa kinain namin at naging busog na busog ako. Lumabas kami doon sa cafeteria na madilim na. Nilakad na namin ang pabalik ng dorm at natanaw naman namin ang isang lalaking nakasuot ng americana na may dala-dalang mga maleta.

"Hayan na 'ata ang mga gamit mo!" Naging excited si Haze at tumakbo ito patungo sa lalaki at napasunod naman ako rito. "Kuya magandang gabi po, kanino pong gamit yan?" Tanong pa nito.

"Magandang gabi din miss. Sa dorm room 216 ito, pinapahatid ni Miss Sierra." Sagot naman nito at naging pamilyar sa akin ang pangalan na binanggit niya. Ito yung babaeng nagsukat sa kanya.

Agad naman na natuwa si Haze. "Ay kami po ang nasa 216. Sa kanya ho yung gamit." Sabay turo sa akin.

"Opo miss. Ihahatid ko lang ito sa room niyo at aalis din kaagad ako." Sagot naman nito kay Haze at bahagyang tumingin sa akin.

"Sige kuya pakihatid na lang." sagot din ni Haze.

Kaya nauna kaming maglakad doon sa lalaki at nakasunod naman ito sa amin. Pagkatapos namin marating ang room namin ay may pinapirmahan pa ito sa akin, katibayan daw na natanggap ko.

Pinirmahan ko naman yun at ipinasok na namin sa kuwarto ko ang mga gamit na kung tutuusin ay lahat mga damit na kasya sa akin. Tinulungan akong mag-ayos ni Haze sa cabinet ko dahil marami ang pinadalang damit at aabutin ako ng bukas kung ako lang ang mag-aayos.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status