Share

Deep Within Miss Cold-hearted CEO's Heart

CHAPTER 7

Magtatatlong linggo na halos si Samantha sa New York sa poder ng kaniyang Auntie Lorena pero hindi pa rin siya nakakakilos ng normal. Para lamang siyang isang robot na kung hindi pipindutin ang remote control upang ito’y mapagalaw ay hindi talaga ito kikilos. Ganoon din si Samantha, kakain lamang kapag pinilit ng tiyahin, tutulog lamang pagsapit ng gabi pero sa tuwina ay palagi lamang itong nakatulala kung hindi man nakatanaw sa malayo.

At nagsisimula ng mag-alala para sa kaniya ang tiyahin. Nalulungkot siya sa tuwing nakikita ang pamangkin na parang laging wala sa sarili,  hindi lamang dahil sa anak ito ng kaniyang Kuya Nanding kung hindi dahil ang turing niya dito ay para na ring anak.

Noong siya ay nasa Pilipinas sa piling ng mag-ama, sanay siyang nakikita ang noon ay nagdadalaga pa lamang na si Samantha na punong-puno ng sigla. Masayahin at marami laging kuwento kaya naman kahit sila lamang tatlo sa malaki nilang ancestral mansion house kasama ang ilang kasambahay ay walang dull moments kapag naandoon si Samantha.

Kahit ang kanilang mga kasambahay ay walang maipipintas kay Samantha lalo’t ni minsan ay hindi niya pinakitaan ng anumang kagaspangan ng ugali ang mga ito. Sa katunayan kapag dumaing lamang ng kaunti si Samantha na may hindi magandang nararamdaman ay kasama nila ang mga kasambahay na natataranta para sa dalaga.

Si Samantha rin ang pinakamalakas ang iyak noon ng siya’y umalis para magtungo at magtrabaho sa isang malaking ospital bilang nurse sa New York. Napakalma lamang nila ito noong sabihin nilang maaari naman siyang dumalaw sa tiyahin kasama ang ama.

Noong tumawag sa kaniya ang kaniyang Kuya Nanding at sabihing patungo roon si Samantha ay ganoon na lamang ang kaniyang katuwaan. Matagal-tagal na rin kasi siyang hindi nakakauwi dahil sa sobrang ka-busy-han sa trabaho. Wala itong binanggit sa telepono na hindi pala pagdalaw ang sadya ni Samantha sa pagpunta sa kaniya.

At ngayon nga na nakikita niya si Samantha na malayong-malayo sa Samantha na iniwan niya noon sa Pilipinas ay hindi niya maialis sa isip na may mabigat itong dinaramdam kahit pa nga ba wala pa itong sinasabi sa kaniya na kahit ano. Hihintayin na lamang niyang ito na mismo ang kusang magtapat sa kaniya.

Sa loob ng tatlong linggo ay walang palya ang pangungumusta ng kaniyang Kuya Nanding sa anak nito. Kung hindi sa kaniya ay kay Samantha ito mismo tumatawag. At kagaya ng dati tanging oo lamang o hindi ang isinasagot sa kanila ng dalaga. Pero noong dumating sa point na halos hindi na ito kumakain at tila namumutla ang kulay ay lumalalim ang pagdududa sa kaniyang utak.

Binalak niya itong kausapin nang masinsinan dahil hindi maaaring magpatuloy ang dalaga sa pagiging malulungkutin at walang sigla. Ayaw niyang may mangyaring hindi maganda sa pamangkin kapag nagtagal pa iyon. Subalit bago pa man niya maisagawa ang binabalak ay aksidenteng narinig niya na nagdududuwal ito sa sarili nitong banyo.

“Buntis ako, Auntie Lorena,” maluha-luhang pagtatapat ni Samantha pagkatapos niyang makabawi sa pagduduwal. Ang lalong nakapanlambot sa kaniya ay ang katotohanang hindi na talaga niya maitatago ang lihim niya.

“Nang sunduin kita sa airport ay nagdududa na ako sa totoong kalagayan mo,” ani Auntie Lorena. “Kaya lamang ay ayaw kong magtanong, at lalo namang ayoko na pilitin kang magsabi sa akin. Pero ngayon, sa tingin ko ay kailangan mong magkuwento sa akin.” dagdag pa ng tiyahin bago siya matamang tinitigan.

Sa paputol putol na salita ay inilahad ni Samantha sa tiyahin ang totoong nangyari. Wala siyang itinagong anuman. Naisip niyang that was the least she could do ngayong nalaman niyang nakahanda itong unawain siya.

“Kilala ko ba kung sino ang ama ng batang dinadala mo? How about your father, kilala ba niya ang lalaki?” tanong nito.

“I-I’m not so sure if you are acquainted with his family, pero kilalang-kilala siya ng Papa. That’s the reason why kung bakit hindi ko sinabi sa kaniya ang totoong dahilan why I decided to leave and stay with you. And I want you to promise me, Auntie na hindi mo sasabihin sa Papa ang totoo. I wouldn’t be able to take it should anything happen to him once he finds out that I’ve done something that could tarnish his good reputation. Ayokong pagtawanan siya ng mga tao.”

“I don’t understand. Ang sabi mo’y kilala naman siya ng Papa mo so ano’ng pumipigil sa iyo para sabihin sa kaniya ang totoo? I’m sure na maiintindihan ka ng Kuya especially kung magpapakasal kayo ng ama ng—”

“H-hindi niya ako mahal…” naluluhang sabi niya.

“Why? Tinanong mo ba siya? Nagkausap ba kayo? Ikaw na rin ang nagsabi na hindi mo siya binigyan ng pagkakataon na magkaharap kayong dalawa after what happened so what made you conclude na hindi ka niya mahal? The best that you could have done is giving him the chance to explain his side. What if he feels the same way as you do?”

“No! That’s impossible, Auntie. May mahal siyang iba, kaya’t anuman ang sadya niya sa akin nang magpunta siya sa bahay ay hindi na mahalaga. Paano kung ang dahilan niya ay para ipamukha o isumbat sa akin ang tungkol sa nangyari? P-Paano kung… kinamuhian pala niya ako dahil sa aking ginawang kapangahasan?” Pagkasabi noon ay muling nanariwa sa kaniya ang masakit na tagpo na hinding-hindi niya makakalimutan habang siya’y nabubuhay.

Malinaw na malinaw pa rin sa kaniya ang mga masasakit na salitang ibinato sa kaniya ni Chelsea noon nang ipahiya siya nito sa harap ng maraming estudyante sa kanilang unibersidad. At ang lalong ikinasasama ng kaniyang loob ay hindi niya nagawang ipagtanggol ang sarili dahil hindi niya alam kung paano niya iyon gagawin  lalo’t alam niyang ang lahat ng sinabi ni Chelsea tungkol sa nangyari ay totoo.

 “Ewan ko, Samantha, pero sa tingin ko ay nagpadalos-dalos ka sa iyong desisyon. “Anyway,ano ang balak mo sa batang dinadala mo? Kung ang dahilan kaya ka nagpunta rito ay para ipalaglag ang batang iyan ay hindi kita papayagan. Matakot ka sa Diyos!” may talim ang tinig na iyon ng tiyahin.

“Of course not, Auntie! Anak ko ang batang ito! As soon as I found out na buntis ako’y hindi ko maipaliwanag ang tuwang aking naramdaman knowing that I’m going to be a mother. I could already feel the connection between us kaya wala kang dapat na ipag-alala. Ni minsan ay hindi sumagi sa aking isipan ang bagay na iyan. Isa pa’y mahal ko ang ama ng batang ito so I intend to keep and love this child for as long as I live.”

“Mabuti naman kung ganoon. Anyway, tungkol sa pagsasabi kay Kuya Nanding… kung hindi mo kayang magsabi sa papa mo, I could—”

“N-No, Auntie! Promise me na hindi mo gagawin iyon.” frantic na sabi niya.

Kumunot ang noo ng tiyahin. “Why? Ano’ng gagawin mo kung saka-sakali?”

“Aalis din ako sa poder mo. Mahirap man ay sisikapin kong buhayin ang batang ito nang malayo sa inyo,” determinadong sabi ni Samantha. Nang matukoy na seryoso siya ay napabuntung-hininga na lamang ang tiyahin.

“Hay naku, ang mga kabataan talaga ngayon! Tiyak na pati ako ay makakasama sa galit ng ama mo sa oras na makarating sa kaniya na kinunsinti ko ang kalokohan mong ito. Pero ayoko namang may masamang mangyari sa iyo at sa batang dinadala mo sakali ngang umalis ka sa poder ko. Isa pa’y apo ko ang batang nasa sinapupunan mo kaya’t nararapat lamang na protektahan ko kayong mag-ina.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status