CHAPTER 8
Biglang ipinilig ni Samantha ang ulo sa bahaging iyon ng nakaraan. Nang magtama ang kanilang mga mata’y agad na iniiwas ni Samantha ang kaniyang paningin. Kung nakamamatay ang mga titig na iyon ng lalaki’y kanina pa siya marahil bumulagta.
“Bakit hindi ka makasagot, Sam? Did I hit home?” marahas na tanong ni Marco kasabay ng mahinang pagyugyog sa kaniyang balikat.
“I-I don’t know what you’re saying! At puwede ba, let go of me! You’re hurting me…”
“At ako, Sam? Sa palagay mo ba ay hindi ako nasasaktan? Did you ever think how I felt nang hindi na kita nagisnan paggising ko that morning? Damn it, you were a virgin! I hated myself then dahil alam kong pinagsisisihan mo ang nangyari sa atin. Inisip kong…baka nasaktan kita, kaya ka biglang umalis…”
Sunod-sunod ang ginawang pag-iling ni Samantha. “I-I don’t want to talk about it anymore! Matagal ng nangyari iyon. L-lasing lang ako noon, that’s why it happened, p-pero…kinalimutan ko na ang tungkol doon. I just hope--“
“Really? Why do I have this feeling that you’re just lying? At kung totoong bale-wala lamang sa iyo ang lahat, bakit bigla kang umalis?” nagdududang tanong nito.
“A-alam mo namang ang Papa ang may kagustuhan noon. He asked me to take my—”
“Don’t give me that crap about studying, Sam! I inquired sa halos lahat ng eskwelahan at unibersidad sa New York, pero walang Samantha Sevilla sa kanilang registrar’s lists. It only proved na hindi pag-aaral ang ipinunta mo roon.”
Napasinghap siya. Hindi niya sukat akalaing totoo pala ang itinawag sa kaniya ng ama noon. Ayon kay Don Hernando, nahihirapan na itong magkaila kay Marco regarding her whereabouts. Halos araw-araw itong nagpupunta sa bahay upang itanong kung ano ang address niya sa New York.
“Bakit hindi ka na nakapagsalita? Lost your tongue? What are you thinking this time? Iniisip mo ba kung ano na namang mga kasinungalingan ang sasabihin mo sa akin?”
Napakislot si Samantha sa kaniyang kinauupuan dahil sa malakas na pagsigaw ni Marco.
“I don’t care if you believe me or not! Just leave. At ito ang tandan mo, I don’t want you messing up with my life ever again. Kung ano tayo noon ay hindi na ngayon so—”
“Hah!” humihingal ito sa galit. “Kung inaakala mong maitataboy mo ako ay nagkakamali ka, Sam! I meant to find out what made you leave six years ago. And if I need to strangle your beautiful neck for you to speak ay gagawin ko. It’s just not you, kaya natitiyak kong may misteryo kang itinatago sa akin.”
Umiling siya. “I told you, wala akong—”
“I heard what you told me, but just like what I said…I intend to find out the truth. Sooner or later ay natitiyak kong sasabihin mo rin sa akin ang totoo. Hindi mo naman siguro nanaisin na makarating kay Tito Hernando kung ano ang nangyari sa resort, hindi ba? And you don’t want your father to have another attack, do you?”
Hindi makapaniwalang napatingin si Samantha sa mukha ng lalaki. Pilit niyang binabasa ang katotohanan sa silent warning na ibinigay nito. Nang matiyak na hindi ito nagbibiro ay naningkit ang kaniyang mga mata.
“How dare you! How could you be—” Subalit ang anumang sasabihin niya ay naputol sa biglang paglapit ni Mang Gusting.
“Senyorita, napalitan na po ang gulong. Okay na po ba ang pakiramdam ninyo?”
Isang matalim na tingin muna ang ibinigay ng dalaga sa gawi ni Marco bago bumaba ng sasakyan nito. “Okay lang po ako, Mang Gusting. Napagod lang ako marahil sa biyahe. Tayo na po at gusto ko ng makita ang Papa.”
Iyon lang at tinalikuran na niya si Marco na pigil na pigil pa rin ang galit hanggang sa mga oras na iyon. May pagmamadali niyang tinungo ang kanilang sasakyan, silently praying na sana’y hindi nakasunod sa kanila ang lalaki. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya ng makitang ang kabilang direksiyon ang tinungo ng lalaki.
Nasundan na lang niya ng tingin ang papalayong sasakyan nito bago inayos ang pagkakapuwesto sa backseat. Sa ngayon ay naligtasan niya ang mga pang-uusig ni Marco, ngunit hindi siya nakatitiyak sa mga susunod pa. Naisip niyang mas makabubuti kung mamadaliin niya ang pagbabalik sa New York. She doesn’t want to have another confrontation kung sakaling magkaharap na naman sila ng kaibigan.
Kaibigan? Sukat sa naisip ay mapaklang napangiti ang dalaga. Hindi ba’t ng gabing may mangyari sa kanila ay tinapos na niya ang pagkakaibigan nila ng lalaki, lalo na’t isang malaking kahihiyan ang kaniyang naranasan pagkatapos ipamukha sa kaniya ni Chelsea ang bigat ng kaniyang naging kapangahasan?
NAPUTOL ANG DALOY ng ala-ala ni Samantha nang marinig ang message alert tone mula sa kaniyang cellphone. Nang buksan niya iyon ay nakita niyang naka-ilang missed calls ang tiyahin. Nakalimutan niyang alisin sa silent mode ang telepono kaya hindi niya narinig na tumatawag ito. Marahil ay nag-aalala ito kaya’t pinadalhan siya nito ng SMS.
Pagkatapos basahin ang mensahe ay napangiti siya. Kahit kailan talaga ay may kakulitan ang tiyahin. Hindi na niya matandaan kung ilang beses itong nagbilin na itawag agad sa kaniya ang kalagayan ng kaniyang papa. Mula sa pag-alis niya sa bahay nila doon ng tiyahin, hanggang sa bago siya makasakay ng eroplano at hanggang ngayon nga na kasalukuyan siyang nasa biyahe pauwi ay hindi na mabilang ang paalala nito.
Kung sabagay ay hindi niya masisisi ang tiyahin. Nag-iisa nitong kapatid si Don Hernando, ang kaniyang papa, kaya’t hindi niya maiaalis dito ang pag-aalala. Hindi nga ba’t nang matanggap nila ang overseas call mula sa Pilipinas ay pareho silang nakaramdam ng pangangapos ng hininga at panginginig ng mga tuhod.
Agad silang nagpa-book ng flight pauwi sa Pilipinas. Nagkataon nga lamang na isa lamang ang available so Auntie Lorena decided to stay but that was after the continuous nagging na itatawag agad ni Samantha ang tunay na kalagayan ng kapatid. At kung kinakailangan daw nitong sumunod pauwi ng Pilipinas ay sabihan ito agad.
Gusto sana ni Samantha na itawag na agad sa tiyahin ang sinabi sa kaniya ni Mang Gusting hinggil sa kalagayan ng ama kaya lamang ay mahina ang signal ng kaniyang telepono ng mga oras na iyon kaya naman wala siyang choice kung hindi reply-an ang mensahe nito at sabihing pagdating sa bahay ay mag-o-overseas call siya agad dito. For the mean time ay alam niyang her reply will be enough para mabawasan ang pag-aalala nito.
Nilingon niya ang kanilang dinadaanan ni Mang Gusting. Medyo malayo-layo pa rin bago sila makauwi sa kanilang bahay kaya naman pinagsawa na lamang niya ang kaniyang paningin sa magagandang tanawin na matagal-tagal din niyang hindi nakita. Hindi rin niya maiwasan ang mamangha dahil sa loob ng anim na taon ay hindi biro ang naging pagbabago ng paligid.
Napakarami ng gusali at iba’t-ibang establisimyento ang nagsulputan sa dati-rating malawak na lupain at taniman ng kung hindi man palay ay ibat-ibang punong kahoy at halaman. Ilang saglit pa ay bahagya siyang napahikab. Inayos niya ang pagkakasuot ng kaniyang shades at isinandal ang katawan sa upuan.Hindi na namalayan ni Samantha kung kailan siya tuluyang napaidlip.
CHAPTER 9 “Narito na po tayo, Senyorita,” pukaw ni Mang Gusting na siyang ikinagising ni Samantha.“Tiyak na matutuwa ang inyong papa. Sige na po, ako na po ang bahala sa lahat ng gamit ninyo.” Hindi maikakaila ang kasiglahan sa tinig ng matanda kaya naman kahit hirap na hirap ay pinilit ng dalaga na ngumiti, pagkatapos umusal ng mahinang pasasalamat. Pagkababa ng sasakyan ay gustong mapaiyak ni Samantha dahil sa pamilyar na tanawin na sumalubong sa kaniya, gayundin sa mga kasambahay na isa’t-isa’y nagpahayag ng kagalakan sa muli niyang pagbabalik. Kinamusta din niya ang mga ito at sinabihang lubos ang kaniyang kasiyahan ng mga oras na iyon.Habang papasok sa loob ng kabahayan ay minsan pa niyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng paligid na kaniyang
CHAPTER 10 Napabalikwas ng bangon si Samantha nang magkaroon ng pakiramdam na may nagmamasid sa kaniya. Naningkit ang kaniyang mga mata nang mabuglawan kung sino ang prenteng nakaupo sa gilid ng kama at nakatunghay sa kaniya habang siya ay natutulog. “A-ano’ng ginagawa mo rito? Hindi ka ba marunong kumatok?” aniya sa pagalit na tinig. “How’s your sleep, sweetheart? Hindi ka pa rin nagbabago. Napakaganda mo pa rin even in your sleep,” nakangiting turan ni Marco na hindi pinansin ang tanong ng dalaga. “At kailan pa nangyari na kumatok ako sa silid mo? Hindi ba’t maging ikaw ay sanay ring maglabas-masok sa aking kuwarto.” Nanunuksong ngumiti it
CHAPTER 11 Pagkatapos magpaalam ni Marco kay Don Hernando ay nagdesisyon siyang bumalik sa kompanyang pag-aari niya- ang MSS Techtronics Holdings, an eminent company that launched the cordless technology in the country. It innovated and established Power Tools, Outdoor Power Equipment, Floor to Ceiling Care Appliances and Accessories, Mechanical Devices and Machineries that would really bring great help and modern convenience in the different industries here and abroad. Ang opisina niya ay nasa ikadalawampung palapag ng gusali na pag-aari mismo ng MSSTTH at matatagpuan sa Ortigas. Walong palapag ang okupado ng iba’t-ibang departamento ng kompanya samantalang ang iba pang natitira ang nagsisilbing showroom para sa lahat ng produkto nila. Ang malaking planta nila ay nasa likurang bahagi n
CHAPTER 12 Samantha realized that it had been three weeks already since she came back. But still, hindi pa rin niya nagagawang kausapin nang masinsinan ang ama dahil pinangungunahan lagi siya ng takot. Kaya naman ilang araw na rin siyang hindi mapalagay lalo’t sa tuwing tumatawag ang tiyahin ay wala na itong binanggit kung hindi ang tungkol doon. At totoong nape-pressure siya sa pangungulit ng tiyahin. Idagdag pang miss na miss na rin niya ang anak. This is the very first time na napalayo siya kay Makki nang matagal. Hindi naiibsan ang pangungulila niya sa bata sa simpleng pakikipag-usap niya dito sa telepono especially when she needed to do it discreetly para maitago iyon sa ama. Nang maalala ni Samantha ang ama ay biglang sumagi na naman sa isip ang mga
CHAPTER 13 Samantha walked regally towards the lift. When she is about to push the button narinig niyang may tumatawag sa kaniyang pangalan. Isang lalaking nakangiti ang nalingunan niya. Pamilyar sa kaniya ang mukha nito. “S-Samantha, is that really you?” Pinagmasdan siya nitong mabuti. “Ikaw nga! I’m so glad to see you after a very long time!” bati nito. Nang ngumiti ang lalaki ay agad rumehistro sa isip niya kung sino ang kaharap. “P-Paulo? It’s good to see you also. Ang laki ng ipinagbago mo, ah. Muntik na tuloy kitang hindi makilala.” “Napansin ko nga. Anyway, kailan ka pa dumating?”&nbs
CHAPTER 14 “Sam, I’m not sure kung anong oras matatapos ang meeting ko sa isa naming kliyente mamaya. Sinabi ko na kay Tito Hernando na kung maaari ay si Mang Gusting muna ang susundo sa iyo,” apologetic na sabi ni Marco pagkatapos nitong ihimpil ang sasakyan sa harap ng SGC building. “Sure, okay lang. You don’t have to worry. Ikaw lang naman ang mapilit. I can manage on my own. Starting this afternoon—" “Mamaya lang kita baka hindi masusundo, Sam. Pero bukas at sa mga darating pang araw ay available na ulit ako,” mariing saad nito. “Marco, ang papa ang nagpumilit na ihatid-sundo mo ako araw-araw. But lik
CHAPTER 15 The following day, sinadya ni Samantha na maagang umalis ng bahay dahil alam niyang susunduin siya ni Marco. Naisip niyang kung talagang gusto niyang makalimutan ang lalaki ay kinakailangang sanayin niya ang sarili na wala ito sa tabi niya. Pagdating sa opisina ay pinagbilinan niya ang sekretaryang si Cristie na sakaling may maghanap sa kaniya ay sabihing nasa conference room siya at hindi puwedeng abalahin. Buo na ang pasiya niya na iwasan si Marco hanggang makakaya niya. Tutal naman, hindi rin magtatagal at babalik na siya sa New York. Napapansin niyang bumabalik na ang kasiglahan ng ama kaya’t napagpasiyahan niyang ipagtapat na rito ang tungkol kay Makki.
CHAPTER 16“Mommy…Mommy! I miss you, Mommy,” anang maliit na tinig na punong-puno ng pananabik. Tumakbo ito papalapit sa hindi nakahumang si Samantha.Nanlalambot na napayakap din siya sa anak. Nang tumayo siya ay nanghihinang iginala niya ang paningin. Una ay tiningnan niya ang ama na bagaman natitiyak niyang maligayang-maligaya ay alam niyang naghihintay naman sa susunod niyang gagawin.Katabi nito ang kaniyang Auntie Lorena. Malakas ang kutob niyang kahit nakangiti ang tiyahin ay naroroon ang apprehension dahil marahil sa pag-aalalang baka ikagalit niya ang pag-uwi nito sa Pilipinas kasama ang kaniyang itinatagong anak.She looked at her son. Bakas na bakas sa mukha nito ang matinding kasiyahan. Subalit alam niyang nagtatanong din ito lalo na’t hindi nito inaalis ang tingin sa direksiyon ng lalaking kasama niyang dumating at ngayon ay kasalukuyang tila itinulos sa pagkakatayo sa tabi niya.