LOGIN"The First Lady of this country is a total fraud. And unfortunately, I am that fraud." Paano mo babalikan ang asawang kailanman hindi naman naging sa'yo? Iyan ang laging tanong na pilit sumisiksik sa utak ni Karenina magmula nang pilitin siya ng pamilya niyang magpanggap bilang kaniyang kakambal. Ang misyon niya? Pumasok sa palasyo at umaktong First Lady para sa bagong halal na Presidente ng bansa—si Lisandro Altagracia. Kakayanin niya pa kayang panindigan ang pambansang kasinungalingang ito... kapag nalaman niyang unti-unti nang natutuklasan ng Presidente ang kaniyang totoong pagkakakilanlan?
View MoreHalos malaglag ang panga ko nang mapagmasdan ang sarili ko sa salamin.
Tang-ina… ang ganda ko pala kapag naayusan? Biglang sumulpot sa repleksyon si Wendy, ang bunso kong kapatid. “Ate… babae ka pala?” tudyo niya habang hindi maalis ang tingin sa suot kong Filipiniana gown. “Ang mahal siguro nito…” Pinasadahan niya ng hawak ang embroidery niyon. “'Wag mo masyadong hawakan, baka pagbayarin tayo kapag nadumihan!” gigil na bulong ko sabay pingot sa kanya. “Baka ikaw ang ibayad ko.” Nakita ko ang paglingon ni Cynthia Villareal sa gawi namin. Agad akong tumuwid ng tayo habang inaayos ng attendant ang laylayan ng suot ko. Nakababatang kapatid ko siya sa ama, at siya rin ang ipinadala ng magaling kong tatay para gabayan ako sa panlolokong gagawin namin sa gabing ito. “Ate… papalapit na siya,” bulong ni Wendy saka mabilis na umupo sa katapat na sofa. “Kita ko nga.” Nalingunan ko si Cynthia na katatapos lang makipagkuwentuhan sa kausap niya. Seryoso at malamig niya akong binalingan. “Read this.” Inabot niya ang isang makapal na folder sa akin. “Kabisaduhin mo ang lahat ng nandiyan. Those are the important events between Lisandro and your twin sister.” “Eh, bakit ngayon niyo lang binigay sa akin 'to? Anong akala niyo sa akin, genius? Mame-memorize ko agad 'to sa loob ng ilang minuto?” Pabara kong binuksan iyon at sinipat ng tingin. Mga petsa iyon kung kailan sila unang nag-date at kung kailan naging sila. Putsa, pati first kiss nandoon! Agad kong isinara ang folder sa sobrang umay. Potek, ano bang pakialam ko kung kailan sila unang naglaplapan?! Ngumisi lang si Cynthia at painsulto na naman akong tinapunan ng tingin. “Of course, you can’t memorize that immediately. Kasi hindi mo kasing talino ang ate ko.” Ate ko… Eh kung tirisin kaya kita ngayon? Kung maka-insulto ang isang 'to, parang hindi ako kakambal ng “ate” niya. Matalim ko siyang tiningnan. Sumungaw ang isang mapait na ngiti sa labi ko. “Ah… oo nga pala. Hindi ako kasing talino ng ate mo,” hakbang ko palapit sa kanya, “pero hindi rin ako kasing bobo niya. Kaya nga kailangan niyo ako ngayon, 'di ba? Kasi 'yung matalino at paborito mong ate, nawawala ngayon at iniwan kayo sa ere?” Natigilan si Cynthia bago unti-unting nawala ang ngisi sa mukha. “You—” “Oo, ako nga. Kaya 'wag mo akong maaangas-angasan sa susunod,” putol ko sa sasabihin niya. Idinikit ko ang mukha ko sa kanya bago ko tinapik nang bahagya ng hawak kong folder ang pisngi niya. “Kailangan niyo ako kaya ako nandito. Kasi wala namang ibang kayang gumawa ng kabaliwang ito kundi ako lang. Tandaan mo 'yan.” “Of course, you need our family’s money—” “Dapat lang!” singhal ko saka siya pinandilatan. “Nakasalalay ang buong pagkatao ko rito, pati ang buhay ko! Saan ka nakakita ng nagtrabaho nang libre para sa pamilyang nagtapon sa amin ng nanay ko? Bobo ka ba? This is the least they can do after abandoning me! Tapos ano ngayon? Kailangan ako dahil nagkakagipitan na?” Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko sa galit habang humihigpit ang hawak ko sa folder. “What’s happening here?” Boses ng magaling kong ama iyon—si Ricardo Villareal. Great! Sumunod pa talaga ang isang 'to. Pairap na sana ako nang makitang hindi siya nag-iisa. Kasama pala niya ang magaling niyang asawa na si Jovita Villareal. Napansin ko ang pagbabalik ng ngisi ni Cynthia nang makita ang reaksyon ko. Lalong humigpit ang hawak ko sa folder hanggang sa halos makusot ko na ito. Lumapit si Ricardo. “Maui, anak—” Pumait ang timpla ng mukha ko nang marinig ko ang pangalang matagal ko nang ibinaon sa limot. The audacity of this family. “Please… 'wag na tayong maglokohan pa rito.” Inilahad ko ang rurok ng palad ko sa harap niya. “I need the downpayment.” Napasinghap si Cynthia pati na rin ang ina niya. “R-Ricardo…” “Wala? Eh, 'di wala ring Maggie Altagracia na sisipot ngayong gabi,” wika ko bago akmang kakalasin ang mga kolorete at alahas na ikinabit sa akin. Bago ko pa man matanggal ang hikaw ko, ibinato ni Ricardo sa harap kong mesa ang isang makapal na brown envelope. Ngumisi ako saka kinuha iyon. Binilang ko ang mga bundle sa harap nila mismo nang walang kapre-preno. Eksaktong tatlumpung libo. Inabot ko agad iyon kay Wendy. “Puntahan mo na si Nanay,” bulong ko sa kapatid ko. Tumango siya saka tahimik na umalis dala ang perang panggamot sa tunay kong ina. “Mukhang pera…” Narinig kong bulong ni Cynthia. Wala naman talaga akong pakialam sa sasabihin nila. Kailangan ko ng pera, at sa tingin ko, karapatan ko ang bawat sentimong iyon. Nang makabawi ako sa emosyon ay hinarap ko silang tatlo habang nakataas ang aking noo. “So… ano? Let’s all do our best?” Plastik akong ngumiti. “Ang kapal ng mukha mo. Wait until Ate Maggie returns…” banta pa ni Cynthia habang nandidilat ang mga mata. I made a face. “Oh? Eh, 'di hintayin natin. Tingin niyo ba gustong-gusto ko 'tong ginagawa ko? Na sabik na sabik akong magpanggap bilang ang paborito ninyong anak?” Isa-isa ko silang tinapunan ng mapait na tingin. Nagmamaktol na tiningnan ni Cynthia ang ama. “Dad!” “Shut your loud mouth, Cynthia!” singhal ni Ricardo, pero nananatiling diretso at matalim ang tingin sa akin. This time, ako naman ang ngumisi sa kanila habang humahalukipkip. “Pare-pareho naman tayong mukhang pera rito, 'di ba? Ako, sa pera niyo. Kayo naman, habol na habol sa kung ano pa ang mahuhuthot ninyo kay Lisandro. Quits lang tayo.” “Just do your job,” matigas na utos ni Ricardo. Ito ang totoong kulay ng aking “ama”. Isang oportunista. Walang puso, walang pakialam, basta may mapapakinabangan. “That’s more like it,” sabi ko na lang sabay talikod sa kanila para muling harapin ang salamin.Umaga na... pero tang ina halos ni kurap hindi ko nagawa buong gabi. Hindi ako nakatulog dahil sa tindi ng pamamahay ko. Hindi ko nadala ang paborito kong kumot sa bahay. Kailangan yata i-text ko si Wendy para patagong dalhin ang iba kong gamit na hindi ako mapakali kapag hindi ko kasama. Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Napansin ko ang bath tub, malaki iyon at parang mas ok pang tulugan kesa sa napakalaking kama sa labas. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Ang laki at halatang halata ang pagkaitim sa ilalim ng mata ko! Para kong si Cinderella... na nawalan ng fairy god mother. Pang isang araw lang pala talaga ang ganda ko kahapon!Pero infairness, malambot ang pantulog na inihanda para sakin. Hindi lang ako sanay na puting bestida na puno ng ruffles ang suot sa pagtulog.Ang chaka talaga ng trip mo, Maggie! Sanay akong naka-oversized sando at short lang sa bahay. Pero itong suot ko, akala mo aattend sa first mass. Pwede nang pang-alis kung tutuusin. Hindi pa man ako nakakapagre
Hindi maalis ang tingin ko sa kamay namin na magkahawak na naman. He even waved to his supporters before he guided me inside the limo. Shit... ang angas ng sasakyan! Galing kaya sa kaban ng bayan 'to?Mabilis kaming inalalayan ng mga PSG at agad kong inalis ang kamay ko sa kanya pagpasok pa lang sa loob."Your hand is bleeding," bulong niya nang makaupo sa tapat ko. Parang dugo lang, eh. Pero bago pa ko makaisip ng pambabara sa kanya, hinigit niya iyon. Kaya hinigit ko rin pabalik."Anong problema mo?" Inis na tanong ko. "You're afraid of blood. Let me clean that up," aniya saka may kinuha sa ilalim ng upuan niya. Inilabas niya ang isang first-aid kit na halos magpataas ng kilay ko.Mangha na sumilip ako saka ko lang napansin na may sariling ref pala sa loob ng sasakyan niya! How could he even afford to live this kind of life? Samantalang kaming mahihirap, hindi alam kung paano isasalba ang isang buong araw! Parang gusto kong umalma at magreklamo pero pinigilan ko. Hindi ko napan
Dahan-dahang humarap sa akin si Lisandro. Nanatiling matigas ang ekspresyon ng mukha niya, pero ang mga mata niya, may kung anong nagbabadyang laro.Sige… subukan mo lang.At talagang inilapit pa niya ang mukha sa akin. Unti-unti hanggang sa halos maramdaman ko na ang hininga niya!Seryoso ba siya?! Balak niya ba talagang labagin ang unang kondisyon ko?!Sa ilalim ng presidential table, dahan-dahang humiwalay ang aking kamay sa pagkakahawak sa kanya. Kinuyom ko iyon nang mahigpit. Kahit pa bumuka ang tahi o matanggal ang plaster, ready na akong magpakawala ng isang solidong upper-cut sa panga ng presidente kapag idinikit niya ang labi niya sa kahit saang parte ng mukha ko!Subukan mo lang talaga. Tingnan natin kung hindi maging breaking news ‘yang mukha mo.Magkatapat na ang aming mga mukha. Isang pulgada na lang ang distansya at halos mapapikit na ako para hindi maiwasiwas ang kamao ko—“Microphone check. Professional etiquette, please,” biglang bumasag ang seryosong boses ng moderat
Labing-limang minuto.Iyon lang ang ibinigay sa aking oras ni Mr. President para ihanda ang sarili ko sa pinakamalaking pambubudol sa kasaysayan ng bansa.“For God’s sake loosen your shoulder! You’re too stiff,” mariing bulong ni Cynthia habang pilit na hinahatak pababa ang balikat ko. Pumasok sila nina Ricardo sa silid sa sandaling lumabas si Lisandro, at mukhang nakabawi na naman ang impakta sa kanyang kayabangan.“Kung ayaw mong masira ang pamilya mo, galingan mo,” banta naman ni Ricardo. “Isang pagkakamali mo lang sa harap ng media, hindi lang pera ang mawawala sa'yo. Sisiguraduhin kong mabubulok kayo sa kulungan ng mga kapatid mo kasama ng ina mo.”Mabilis pa sa ala una nang lingunin ko siya. “Wag idamay ang nanay ko rito. At kung may isasama man ako sa kulungan, kayo ‘yon. Sama-sama tayong humimas ng rehas kung gusto mo.” Hindi ako nagpatinag. Lumakad ako palapit kay Ricardo kaharap ang anak niyang si Cynthia.“Wag mo kong pagsalitaan na para bang naging mabuti kang ama. Dahil k












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews