CHAPTER 6
Gulat na gulat ang hitsura ni Shiela nang mabungaran ang nakatayong si Samantha pagkabukas niya ng pinto.
“S-Samantha…a-ano’ng…c’mon, halika sa loob,” hindi magkandatutong sabi nito habang hinihila ang kaibigan papasok sa loob ng bahay.
“N-nagsadya ako rito to say I-I’m sorry—”
“Shh…hindi mo kailangang…” putol ni Shiela sa sinasabi ni Samantha ngunit hindi siya pinansin nito at ipinagpatuloy ang pagsasalita.
“—kung pinag-alala ko kayong lahat. It’s just that hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang lahat ng mga itinatanong ninyo at kung saan ako mag-uumpisa.”
Hinawakan ni Shiela ang dalawang kamay ni Samantha bago seryosong tumingin sa mga mata nito. “Why don’t you start from the beginning?” usal nito sa tinig na punong-puno ng pang-unawa. Mahigpit din nitong pinisil ang dalawang kamay ni Samantha upang maipadama sa dalaga that she is very much willing to listen at that very moment.
“Don’t worry, may mahalagang nilakad ang mommy at daddy kaya’t tayong dalawa lamang ang naririto,” dagdag pa nito na tila nahuhulaan ang iniisip niya nang makita nito ang pasimpleng paglingon niya sa gawi ng hagdanan.
Hindi naging madali para kay Samantha ang mag-decide na magtungo rito sa bahay ng kaibigan to talk and explain everything. Kaya lamang ay talagang nahihirapan na siya dahil sa nararamdamang bigat sa kaniyang kalooban.
Last night, hindi niya magawang ipagtapat sa ama ang totoo dahil natatakot siya sa magiging reaksiyon nito. Batid niyang mahal na mahal siya ng ama at malaki ang tiwala nito kay Marco, kaya lang ay baka kung ano ang magawa ng kaniyang papa sa lalaki sa sandaling malaman nito that Marco had betrayed him. At siya, hindi ba’t lumalabas ding inabuso niya ang pagtitiwala sa kaniya ng ama?
Pero kailangan niya ng makakausap, otherwise ay magbe-break down siya. At sa lahat ng kaibigan niya, kay Shiela lamang buo ang tiwala niya. Nagkataon lamang na noong bumisita ito sa kaniya ay hindi pa siya ready na magsalita. Until today…
Samantha takes a deep breath, opens her mouth and starts to talk. At gaya ng sinabi ni Shiela, sinimulan niya ang pagkukwento mula sa umpisa. Wala siyang itinago sa kaibigan hanggang sa insidenteng nangyari sa resort.
“I knew it! Sinasabi ko na nga ba at hindi lamang kaibigan ang turingan ninyo sa isa’t-isa,” hindi napigilang sabi nito habang namimilog ang mga mata pagkatapos niyang magkuwento. “So, ano’ng sabi sa iyo ni Marco? What does he intend to do,ngayong may nangyari sa inyong dalawa? What is his plan now that he took your innocence?” untag pa sa kaniya ng kaibigan.
Marahang umiling si Samantha. “Magmula ng umalis ako sa resort ay hindi pa kami nag-uusap.”
“What! That f*cking bastard! Hindi man lamang siya nag-attempt na mag-explain sa iyo?”
Sa kabila ng depresyong nararamdaman ay bahagyang napangiti si Samantha dahil sa reaksiyon ng kaibigan. Kahit sa simpleng dahilan ay napakadaling mag-init ng ulo nito and most of the times her friend cannot control herself from cursing somebody or uttering vulgar words kagaya ngayon.
“You don’t understand! Hindi miminsang nagtungo sa bahay si Marco upang makipag-usap sa akin. But I opted not to talk to him,” paliwanag niya upang kahit papaano’y ma-pacify ang kaibigan, subalit sa malas ay tila lalo lamang nagatungan ang galit nito sa pagtataka ni Samantha.
“I haven’t known you to be stupid, Samantha! Why didn’t you give him the chance to explain himself? Malay mo naman kung pareho lang pala kayo ng nararamdaman? The fact na gusto ka niyang kausapin ay—”
“Paano kung hindi? Paano kung ang dahilan ng pagpunta-punta niya sa bahay ay para isumbat sa akin ang nangyari? Baka nakakalimutan mong may girlfriend si Marco? At isa ‘yon sa kinatatakutan ko. Paano kung sisihin niya ako sa sandaling makarating kay Chelsea ang tungkol sa nangyari sa amin at maging dahilan ng kanilang pag-aaway? Lalo lang madaragdagan ang guilt na nararamdaman ko sa sandaling mangyari iyon.”
Sandaling nawalan ng kibo si Shiela, pero maya-maya’y bigla nitong ipinitik ang daliri. “Yes, hindi ako maaaring magkamali Samantha. I’m positive na mahal ka din niya. Baka nakakalimutan mong saksi ako sa tuwing ipinagtatanggol ka niya every time na may nagtatangkang mam-bully sa iyo. At saka hindi ka ba nagtataka na walang nakakapasa kay Marco sa tuwing may ipinakikilala ka sa kaniyang manliligaw mo? At ngayon ay alam ko na ang kahulugan ng mga lihim niyang tingin sa iyo every time na hindi ka nakatingin sa kaniya. That’s because he wants you for himself, bagama’t hindi niya pa siguro nare-realize ‘yon noon. Pero iba na ang sitwasyon ngayon.”
“N-no! Imposible ang sinasabi mo! Kung totoong may pagtingin siya sa akin ay bakit niya niligawan si Chelsea? Sa tagal ng aming pagkakaibigan ay alam kong si Chelsea ang pinakamatagal niyang niligawan. At tungkol doon sa sinasabi mong pagtatanggol niya sa akin, and about my suitors at kung ano-ano pang napapansin mo, he only did those things dahil nga magkaibigan kami.”
“Hay naku, wala na akong sinabi! Hindi ko alam na ganiyan ang mga taong in-love, nagiging bobo at bulag pagdating sa pag-ibig,” nakataas ang kilay na sabi ni Shiela, halatang hindi pa rin kumbinsido. “So, ano ngayon ang balak mo?” maya-maya’y tanong nito.
“Hangga’t kaya kong iwasan na magkrus ang landas namin nina Marco at Chelsea ay gagawin ko. If that’s the only thing I can do to put back my shattered life and dignity to normal ay gagawin ko gaano man kahirap. Ipinagpapasalamat ko ngang dalawang linggo na lamang at graduation na. Ipapanalangin ko na lamang na sana’y hindi ko makasalubong ang sinuman sa kanila.”
Subali’t sino ba naman ang mag-aakala na kung ano ang iyong hinihiling na huwag mangyari ay siya namang nangyayari?
KASALUKUYANG nasa kiosk malapit sa Dean’s Office si Samantha at abala sa pagbabasa ng libro. Napagkasunduan nila ni Shiela na doon magkita para sabay na silang magpapirma ng clearance sa kanilang Dean. Finally ay nasa last step na sila ng kaibigan prior sa kanilang forthcoming graduation.
After nilang makapagpapirma, tutuloy sila sa paborito nilang restaurant to treat themselves sa isang masaganang tanghalian, sort of celebration or simpleng blow-out nila sa kanilang mga sarili dahil after so many years of hard work ay matatanggap na rin nila ang kanilang pinakahihintay na diploma.
Katatawag lang sa kaniya ni Shiela. Diumano’y malapit na raw ito sa kanilang meeting place kaya naman sinimulan na niyang ayusin ang kaniyang mga gamit upang madali na lamang niya iyong maisilid sa dala-dala niyang back-pack. Kasalukuyan niyang isinasara ang zipper ng bag nang maramdaman niyang may nakatayo sa kaniyang likuran.
Sa pag-aakalang iyon na ang kaibigan ay nagmamadali siyang tumayo at lumingon. “Ang bilis mo naman—” nang bigla siyang mapatda sa kinatatayuan.
“Well, well, well…look who’s here! The mighty Samantha Sevilla…the crowned campus belle of the College of Management.” wika ng babaing matalim ang pagkakatingin sa kaniya. If looks could kill ay kanina pa marahil tumimbuwang si Samantha.
“C-Chelsea…”
“Hah! Wala kang karapatang banggitin ang aking pangalan,” malakas nitong sabi kaya naman napalingon sa kanilang kinaroroonan ang ilang estudyante na nakaupo hindi kalayuan sa kanila.
Sa mga oras na iyon ay natitiyak ni Samantha na hindi coincidence lamang ang paghaharap nila ng babae. At may palagay din siya na sinadya nitong ilakas ang boses upang matawag ang pansin ng mga naroroon.
“C-Chelsea, if you want to confront her, maaari mo naman siyang kausapin sa lugar na kayo lamang dalawa,” narinig niyang mahinang sabi ng kasama nitong babae na pasimpleng lumingon sa paligid.
Hindi kilala ni Samantha ang babae, pero malimit niyang makita na kasa-kasama ito ni Chelsea dati pa.
“Why? May dapat ba akong ikahiya kung sakaling marinig ng mga naririto ang lahat ng sasabihin ko sa ipokritang babaeng ito?”
“Chelsea, kung anuman ang gusto mong sabihin ay pakikinggan ko. But let’s talk like two civilized people,” mahinahong sabi ni Samantha kahit pa nga ba pinangangalugan na siya ng mga tuhod. Nakikita niyang dahil sa commotion na nilikha ni Chelsea ay unti-unti nang dumarami ang tumitingin sa kanilang direksiyon. Ang iba nga ay pasimple pang nagbubulungan.
“Wow, civilized! Coming from you…how ironic?”
“Chelsea,” minsan pa’y awat ng babaing kasama nito, sabay hila sa braso nito.
“Bitiwan mo nga ako! At puwede ba, huwag mo akong pakialam,” anito sabay tulak sa kasama. “Gusto kong ipamukha sa babaing ito at tuloy ay maipaalam na rin sa lahat ng taong naririto na ang babaing ito ay isang mang-aagaw,” sigaw pa nito.
Napapikit si Samantha. Dumating na ang oras na kaniyang kinatatakutan. Gustuhin man niyang ipagtanggol ang sarili ng mga oras na iyon ay hindi niya magawa. Wala siyang lakas ng loob para salungatin ang sinasabi ni Chelsea. All she could do ay humiling na sana ay bumuka ang lupa at lamunin siya pailalim.
“Huwag kayong padadala sa pagiging prim and proper ng babaing ito dahil isa siyang huwad! Diumano’y magkaibigan lang daw sila ni Marco San Sebastian! Alam ninyo ba kung ano ang ginawa ng babaing ito? She seduced my boyfriend. Inakit niya si Marco, hindi tumigil ang babaing ito hangga’t walang nangyayari sa kanila ng boyfriend ko. Ngayon ay kinamumuhian siya ni Marco.”
“Hindi ka ba nagtataka, Samantha, kung bakit ilang araw ng hindi nagpapakita sa iyo ang matalik mong kaibigan? That’s because he couldn’t stand the sight of you. Ang nangyari sa inyong dalawa ay isang malaking pagkakamali at pinagsisisihan niya iyon!”
Hindi natagalan ni Samantha ang tagpong iyon lalo na’t dinig na dinig na niya ang malalakas na bulungan ng mga naroroon patungkol sa kaniya. Alam niyang hindi pa tapos si Chelsea sa mga sinasabi nito ngunit hindi siya tanga para manatili pa roon at patuloy na tanggapin ang masasakit na salitang ibinabato nito sa kaniya.
Mabilis siyang tumakbo palayo sa lugar na iyon habang paulit-ulit niyang naririnig ang tinig ni Chelsea…isa siyang mang-aagaw…isa siyang huwad…she seduced Marco San Sebastian…Marco hates him…pinagsisisihan ni Marco ang nangyari sa kanila ng gabing iyon…
“S-Samantha, ano’ng—” nagtatakang tanong ni Shiela sa papalayong kaibigan. Hindi man niya nakita’y batid niyang umiiyak ito. Nang lingunin niya ang pinanggalingan nito at nakita si Chelsea sa gitna ng karamihan ng estudyanteng naroroon ay parang nahuhulaan na niya kung bakit halos mabunggo na siya ni Samantha habang mabilis na tumatakbo makalayo lamang sa lugar na iyon. Mabuti na nga lamang at nakaiwas siya agad.
Gusto sana niyang sundan ang kaibigan kaya lamang ay naisip niyang may mas mahalagang bagay siyang dapat na unahin. Parang susugod sa giyera na tinungo niya ang kinaroroonan ni Chelsea. Kung anuman ang ginawa at sinabi ni Shiela sa harap ng babae ay hindi na nalaman pa ni Samantha. Hindi na rin iyon mahalaga para dito.
Pagdating na pagdating ni Samantha sa bahay nila ay kaagad niyang kinausap ang ama. Sinabi niyang kailangan niyang umalis at magtungo sa New York kung saan nakabase ang nakababatang kapatid ng ama, ang kaniyang Auntie Lorena.
“P-pero, paano ang graduation mo, Hija? Hindi ba’t these past few days ay iyon ang inaasikaso ninyo ni Shiela?”
“It’s just a ceremony papa. About my credentials, you can use your connection…alam kong kayang-kaya mong gawin iyon. And speaking of connection, I would appreciate it very much, Papa, kung magagawa mong maipag-book ako ng flight to New York tomorrow or even the day after tomorrow.”
CHAPTER 7Magtatatlong linggo na halos si Samantha sa New York sa poder ng kaniyang Auntie Lorena pero hindi pa rin siya nakakakilos ng normal. Para lamang siyang isang robot na kung hindi pipindutin ang remote control upang ito’y mapagalaw ay hindi talaga ito kikilos. Ganoon din si Samantha, kakain lamang kapag pinilit ng tiyahin, tutulog lamang pagsapit ng gabi pero sa tuwina ay palagi lamang itong nakatulala kung hindi man nakatanaw sa malayo.At nagsisimula ng mag-alala para sa kaniya ang tiyahin. Nalulungkot siya sa tuwing nakikita ang pamangkin na parang laging wala sa sarili, hindi lamang dahil sa anak ito ng kaniyang Kuya Nanding kung hindi dahil ang turing niya dito ay para na ring anak.Noong siya ay nasa Pilipinas sa piling ng mag-ama, sanay siyang nakikita ang noon ay nagdadalaga pa lamang na si Samantha na punong-puno ng sigla. Masayahin at marami laging kuwento kaya naman kahit sila lamang tatlo sa malaki nilang ancestr
CHAPTER 8Biglang ipinilig ni Samantha ang ulo sa bahaging iyon ng nakaraan. Nang magtama ang kanilang mga mata’y agad na iniiwas ni Samantha ang kaniyang paningin. Kung nakamamatay ang mga titig na iyon ng lalaki’y kanina pa siya marahil bumulagta.“Bakit hindi ka makasagot, Sam? Did I hit home?” marahas na tanong ni Marco kasabay ng mahinang pagyugyog sa kaniyang balikat.“I-I don’t know what you’re saying! At puwede ba, let go of me! You’re hurting me…”“At ako, Sam? Sa palagay mo ba ay hindi ako nasasaktan? Did you ever think how I felt nang hindi na kita nagisnan paggising ko that morning? Damn it, you were a virgin! I hated myself then dahil alam kong pinagsisisihan mo ang nangyari sa atin. Inisip kong…baka nasaktan kita, kaya ka biglang umalis…”Sunod-sunod ang ginawang pag-iling ni Samantha. “I-I don’t want to talk about it an
CHAPTER 9 “Narito na po tayo, Senyorita,” pukaw ni Mang Gusting na siyang ikinagising ni Samantha.“Tiyak na matutuwa ang inyong papa. Sige na po, ako na po ang bahala sa lahat ng gamit ninyo.” Hindi maikakaila ang kasiglahan sa tinig ng matanda kaya naman kahit hirap na hirap ay pinilit ng dalaga na ngumiti, pagkatapos umusal ng mahinang pasasalamat. Pagkababa ng sasakyan ay gustong mapaiyak ni Samantha dahil sa pamilyar na tanawin na sumalubong sa kaniya, gayundin sa mga kasambahay na isa’t-isa’y nagpahayag ng kagalakan sa muli niyang pagbabalik. Kinamusta din niya ang mga ito at sinabihang lubos ang kaniyang kasiyahan ng mga oras na iyon.Habang papasok sa loob ng kabahayan ay minsan pa niyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng paligid na kaniyang
CHAPTER 10 Napabalikwas ng bangon si Samantha nang magkaroon ng pakiramdam na may nagmamasid sa kaniya. Naningkit ang kaniyang mga mata nang mabuglawan kung sino ang prenteng nakaupo sa gilid ng kama at nakatunghay sa kaniya habang siya ay natutulog. “A-ano’ng ginagawa mo rito? Hindi ka ba marunong kumatok?” aniya sa pagalit na tinig. “How’s your sleep, sweetheart? Hindi ka pa rin nagbabago. Napakaganda mo pa rin even in your sleep,” nakangiting turan ni Marco na hindi pinansin ang tanong ng dalaga. “At kailan pa nangyari na kumatok ako sa silid mo? Hindi ba’t maging ikaw ay sanay ring maglabas-masok sa aking kuwarto.” Nanunuksong ngumiti it
CHAPTER 11 Pagkatapos magpaalam ni Marco kay Don Hernando ay nagdesisyon siyang bumalik sa kompanyang pag-aari niya- ang MSS Techtronics Holdings, an eminent company that launched the cordless technology in the country. It innovated and established Power Tools, Outdoor Power Equipment, Floor to Ceiling Care Appliances and Accessories, Mechanical Devices and Machineries that would really bring great help and modern convenience in the different industries here and abroad. Ang opisina niya ay nasa ikadalawampung palapag ng gusali na pag-aari mismo ng MSSTTH at matatagpuan sa Ortigas. Walong palapag ang okupado ng iba’t-ibang departamento ng kompanya samantalang ang iba pang natitira ang nagsisilbing showroom para sa lahat ng produkto nila. Ang malaking planta nila ay nasa likurang bahagi n
CHAPTER 12 Samantha realized that it had been three weeks already since she came back. But still, hindi pa rin niya nagagawang kausapin nang masinsinan ang ama dahil pinangungunahan lagi siya ng takot. Kaya naman ilang araw na rin siyang hindi mapalagay lalo’t sa tuwing tumatawag ang tiyahin ay wala na itong binanggit kung hindi ang tungkol doon. At totoong nape-pressure siya sa pangungulit ng tiyahin. Idagdag pang miss na miss na rin niya ang anak. This is the very first time na napalayo siya kay Makki nang matagal. Hindi naiibsan ang pangungulila niya sa bata sa simpleng pakikipag-usap niya dito sa telepono especially when she needed to do it discreetly para maitago iyon sa ama. Nang maalala ni Samantha ang ama ay biglang sumagi na naman sa isip ang mga
CHAPTER 13 Samantha walked regally towards the lift. When she is about to push the button narinig niyang may tumatawag sa kaniyang pangalan. Isang lalaking nakangiti ang nalingunan niya. Pamilyar sa kaniya ang mukha nito. “S-Samantha, is that really you?” Pinagmasdan siya nitong mabuti. “Ikaw nga! I’m so glad to see you after a very long time!” bati nito. Nang ngumiti ang lalaki ay agad rumehistro sa isip niya kung sino ang kaharap. “P-Paulo? It’s good to see you also. Ang laki ng ipinagbago mo, ah. Muntik na tuloy kitang hindi makilala.” “Napansin ko nga. Anyway, kailan ka pa dumating?”&nbs
CHAPTER 14 “Sam, I’m not sure kung anong oras matatapos ang meeting ko sa isa naming kliyente mamaya. Sinabi ko na kay Tito Hernando na kung maaari ay si Mang Gusting muna ang susundo sa iyo,” apologetic na sabi ni Marco pagkatapos nitong ihimpil ang sasakyan sa harap ng SGC building. “Sure, okay lang. You don’t have to worry. Ikaw lang naman ang mapilit. I can manage on my own. Starting this afternoon—" “Mamaya lang kita baka hindi masusundo, Sam. Pero bukas at sa mga darating pang araw ay available na ulit ako,” mariing saad nito. “Marco, ang papa ang nagpumilit na ihatid-sundo mo ako araw-araw. But lik