Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa paglakad. Pero kahit anong gawin ko, ramdam ko pa rin ang titig niya sa likuran ko.
At hindi ko alam kung bakit may kung anong kilabot iyong hatid sa akin. Habang nag-antay ng taxi , pinikit ko saglit ang mga mata at huminga nang malalim. Tapos na ang kaso, pero parang hindi pa rin tapos ang lahat. That man... Arden Velasquez Kahit nanalo kami, hindi ako komportable sa paraan ng pagtingin niya sa akin—parang may binabalak siya. Pero wala akong panahon para sa ganyang bagay. Ang mahalaga, malinis na ang pangalan niya at tapos na ang trabaho ko. Binuksan ko ang phone ko at may natanggap akong message mula sa best friend ko. Angel: "Bessy!!! Ikaw na naman ang headline! 'Feisty Attorney Defends Billionaire Playboy—Sparks Fly in Court!' Ano 'to, courtroom o romantic movie?" Napairap ako. Seriously? Me: "Hayaan mo sila. Tapos na trabaho ko. Move on na tayo." Angel: "Sabagay. Pero ikaw, sure ka bang naka-move on ka na? LOL!" Hindi ko na siya nireplyan. Ano bang pinagsasabi nito? Nang makasakay ako sa taxi biglang tumunog ang phone ko. Private number. Napakunot ang noo ko pero sinagot ko. "Attorney De Costello," malamig kong bati. "Ang pormal naman," isang pamilyar na boses ang bumungad. Napapikit ako saglit. For the love of—! "Arden Velasquez ," malamig kong sabi. "Paano mo nakuha ang number ko?" "I'm a resourceful man," sagot niya, halatang may ngiti sa tono niya. "Ano'ng kailangan mo?" "Ayaw mo ba munang makipagkwentuhan? Wala man lang ba tayong post-case celebration?" Napailing ako. "Hindi na kita client. Walang dahilan para pag-usapan pa natin 'to." "Correction," aniya. "Ikaw ang lawyer na nanalo sa kaso ko, at gusto kitang pasalamatan ng maayos. A dinner, perhaps?" Napasandal ako sa upuan. "Kung gusto mong magpasalamat, ipadala mo na lang sa office ang bayad mo at tapos na tayo." Tumawa siya. "Napaka-professional mo naman, Attorney. Pero paano kung sabihin kong gusto kitang kunin bilang personal lawyer ko?" Bigla akong natahimik. What? "I'm offering you a permanent position under my company," dagdag niya. "I need someone sharp, fearless, and—well, someone like you." Nag-aalangan ako. Seriously? Bakit ako? "Hindi ko pa alam kung interesado ako diyan," sagot ko matapos ang ilang segundong katahimikan. "Then, let's discuss it over dinner." Napahinga ako nang malalim. Paulit-ulit na dinner. Hindi ba talaga siya titigil? "Tingnan natin," sagot ko na lang, saka binaba ang tawag. Pero hanggang sa buong byahe, hindi ko maiwasang mapaisip. Bakit ba ako? At bakit ko nararamdaman na hindi lang ito tungkol sa trabaho? Pagdating ko sa apartment, hindi pa rin maalis sa isip ko ang alok ni Arden . Ano bang iniisip ng lalaking 'yon? Hindi ba sapat na nanalo na siya sa kaso? Bakit niya ako gustong gawing personal lawyer? Huminga ako nang malalim at tinanggal ang heels ko. Kailangan ko munang i-clear ang isip ko. Pero pag-upo ko sa sofa, biglang nag-vibrate ang phone ko—isang email mula sa boss ko. From: Boss Andrea Subject: Urgent: New Client Proposal Message: Zahara, we need to discuss a high-profile client. Report to the office first thing tomorrow morning. Napakunot ang noo ko. High-profile client? Sino naman ito? Kinuha ko ang tumbler ko at uminom ng tubig. Kailangan kong maghanda para bukas. Bukas mapuntahan nga din si mama. At maibigay ang gamot nya. Make-kutusan ko mga kapatid ko. Ang tamad pumunta. — Kinabukasan, pagpasok ko sa opisina, naabutan ko si Boss Andrea na nakatayo sa harap ng desk niya, seryoso ang mukha. "Good morning, boss. Ano po 'yung kailangan nating pag-usapan?" tanong ko habang naupo. Sumandal siya sa upuan at tinapik ang ilang papeles sa mesa niya. "This is big, Zahara." Inilagay niya sa harapan ko ang isang confidential file. Binuksan ko ito, at agad na lumabas ang pangalan ng kliyente. Client: Arden Velasquez CEO, Velasquez Luxury Scents Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Kilala ko siya—ang notorious at ruthless na CEO ng pinakamalaking luxury perfume company sa buong Italy. Pero bakit niya ako kailangan? "He's requesting for a private lawyer," seryosong sabi ni Boss Andrea. "At ikaw ang gusto niyang kunin." Napatigil ako. Ako na naman? "Bakit ako?" tanong ko. "He specifically asked for you," sagot ni Boss. "And this case... it's not just any business dispute. May personal na angle ito." Lalo akong nagduda. Ano ang tinatago ng lalaking 'to? Napatingin ako sa pangalan niya sa file. Arden Velasquez. Parang may kung anong bumigat sa dibdib ko. Alam kong powerful ang taong ito. Alam kong hindi siya basta-basta nagpapatalo. Pero bakit ako? At mas mahalaga—handa ba akong tanggapin ito? Kakausapin ko siya about dito. "I will discuss this with him ma'am," Saad ko sa malunamanay na tono. "Okay Zahara, I'll be back mamaya." she replied at lumabas ng opisina. Maya't maya pa. Naka received ako ng text from the kabute tss. Arden:Good morning miss beautiful, Can you please accept my offer. a date will not be a bad offer Nagtipa ako para mag reply Me : Date?! Sige pero ayusin mo yang kayabangan mo Arden :Ofcourse mi lady, Tonight at 7 pm. See you. Hays! Napa buntong hininga ako. May point naman ang best friend ko at ang boss ko. Malaking kita if tatangapin ko ang offer ng lalaking kabute. Teka ano susuotin ko? Puro polo at shorts na pang lalaki outfit ko. So pano nga ba to? Ano mang yayari sa date namin? It could be disaster or what.Chapter 52: Arden Velasquez POVAbala kami sa celebration ng pagkawala ni Don Felipe.May musika, may halakhakan, pero sa loob-loob ko, may kakaibang bigat na bumabalot sa paligid. Parang may paparating na unos.At hindi nga ako nagkamali.Biglang bumukas ang pinto.Ang tawanan ay naputol. Lahat ng mata ay napunta sa lalaking pumasok.Si Kevin.Kapatid ni Zahara.Halata ang galit sa kanyang mga mata. Namumula ang mukha, nanginginig ang panga, at bago pa ako makapagsalita—“May kinalaman ang nanay mo sa nangyari sa kapatid ko!”Malakas ang sigaw niya, kasabay ng hampas ng hangin sa mukha ko.At bago pa ako makagalaw, sumabog ang kamao niya sa panga ko.Ramdam ko ang alat ng dugo sa bibig ko, ang kirot na parang sumabog ang buong sentido ko.Napasinghap ang lahat.“The fuck, Kevin!” sigaw ko habang hinawakan ang neckline niya. “Hindi namin alam! Show me a proof!”Ang titig niya, punô ng poot. At sa gitna ng kaguluhan, may kutob akong totoo ang sinasabi niya.Bakit parang may mga lihim
Ashlee Congrego POVHays, sa wakas. Tapos na rin ang training.Abala ako sa paglinis ng hand pistol, bawat galaw ay automatic na parang parte na ng katawan ko. Naamoy ko pa ang halong oil at bakal. Tahimik ang paligid—hanggang sa may malakas na katok na pumunit sa katahimikan.I frowned. Seriously? It’s too early for this.“Kuya! It’s just seven a.m. Bakit ka ba katok nang katok—”Naputol ang sasabihin ko. When I opened the door. bumungad sa akin ang isang lalaki.May hawak siyang baril. Itinutok niya ito sa ulo ko.“Don’t you dare shout, or else—”Hindi na niya natapos. Isang putok lang, sabay bagsak ng katawan niya sa sahig.Nalagutan ako ng hininga sa gulat, pero agad ding bumalik ang composure ko nang makita kong si Kuya Arden ang nasa likod niya, hawak ang still-smoking gun.“Thank God,” I whispered bago ko pa man mapigilan ang sarili kong ngisi.Kinuha ko ang patalim sa mesa, kinwelyuhan ang walang-malay na lalaki, at sinipa pa pababa.“If he thinks he can get me, he’s dead wr
ARDEN VELASQUEZ POVTumigil ang lahat sa isang sigaw. Parang tumunog ang lahat ng alarm sa utak ko — agad kaming tumakbo ni Zahara papunta sa kwarto ng mga bata. “Kurt! Our daughter is missing! Someone sneak in our room!” umaalingawngaw ang boses ni Kurt; ang hugis ng salita — panic, galit, takot — dumiretso sa puso ko. Kinuha ko ang pistol, malamig ang metal sa palad, at dahan-dahang lumingon sa sulok ng corridor. Pakiramdam ko tumigil ang mundo ng isang sandali; bawat hakbang ko mabigat.“Bro, I know hindi pa nakakalayo ang suspek,” sabi ko, mababa pero matatag. May kasamang tensyon ang tinig ko—parang wire na nakatusok sa hangin. Biglang may malakas na BANG! na sumabog mula sa kabilang pinto. Sabay kaming nagmadaling tumakbo pababa ng hallway. Sa dulo — isang pigil, isang eksena na hindi mo inaasahan: nandoon siya, hawak ni Zahara ang isang lalaki na mukha-mukhang ako.The fuck. Sino ‘to?“Who are you? And why are you exactly like me?” tanong ko, halatang hindi ako makapaniw
Zahara’s Point of ViewA woman in her 30s entered the room.Ngayon ko lang siya nakita."I am here to be a witness. Isa ako sa biktima ng pang-aabuso niya!" she said in a weary tone.I smiled bravely. Mukhang umaayon sa amin ang tadhana."What is your relationship with the detainee?" tanong ko.Kita ang determinasyon sa mata niya."I'm his personal chef. Namatay ang asawa ko dahil sa kanya! He killed him!"Hindi talaga natitinag ang mga halang ang kaluluwa?The judge analyzed the evidences.Matapos ang ilang minuto, he spoke."According to the evidence that the side of the detainee's son, Mr. Felipe Velasquez Congrego, is guilty sa kasong pagpapatay sa mga inosenteng tao. The next hearing will be held. Depends on the complainants."Nakahinga ako ng malalim.The jail guards put the handcuffs on Don Felipe’s hands.Nanlulumong tumingin si Donya Victoria sa asawa niya.I don't know what to say. Masyado akong natutuwa sa nangyari.He deserves to be in jail dahil kinuha niya sa akin Ang b
ARDEN Velasquez POVShit. Damn. Did she hear it?“Amore, it is not what you think,” agad kong paliwanag, halos mabasag ang boses ko sa kaba.Pero tinalikuran niya ako.Mabilis kong hinablot ang braso niya at niyakap, ayaw ko siyang pakawalan.“Sino ang pinatay mo? Si Papa ba?” nanginginig ang tinig niya, pero mas matindi ang kirot sa mga matang puno ng luha.Ramdam ko ang bigat ng paghinga niya, ang pagkuyom ng kamao niya. Hindi siya basta babae lang—matapang siya. Nakatitig siya nang diretsahan, parang sinusuri ang buong kaluluwa ko.At ang sumunod niyang ginawa—ikinagulat ko.May hawak na siyang kutsilyo. Nakapuwesto iyon sa leeg ko, malamig ang dulo laban sa balat ko.“Yes. I killed him because he raped my mom! But it never changed my mind about marrying you.”Parang bumigat ang hangin sa kwarto. Tahimik at Nakakabingi.Alam kong hindi ako karapat-dapat mahalin nang sobra. I’ve hurt her countless times, pero seryoso ako ngayon. Seryoso ako sa kanya. Noon pa. “So you think,
Spg mature content not suitable for young readers ⚠️📌Zahara’s Point of ViewNagkakagulo sa loob ng mansion nina Tita.Halos hindi ko na marinig ang sariling hininga ko sa ingay ng sigawan, yabag ng paa, at pagkabali ng mga gamit sa loob. Lahat nag-uunahan, lahat takot. Pero wala akong pakialam.All I can do is look for my son!“Caspian!” paulit-ulit kong tawag habang nagmamadali akong lumabas ng mansion. Kinakabog ang dibdib ko sa kaba. Hindi ko siya makita kahit saan.Naghiwa-hiwalay kami ng daan dito sa labas. Tila ba bawat sulok ng bakuran ay nilalamon ng dilim at alon ng takot.Hanggang may pumigil sa braso ko.“Popcake! It’s dangerous here, you can’t be here.”That voice. Tumigil ang mundo ko. Hindi ako pwedeng magkamali.Buhay siya?Bago pa ako makapagsalita, hinila niya ako palapit at niyakap ng mahigpit. Para akong natulala. Ang init ng katawan niya, ang bigat ng braso niya sa balikat ko—lahat totoo.My tears fell from my eyes. Para akong binuhusan ng emosyon.Akala