Share

Delikado (BoyxBoy)
Delikado (BoyxBoy)
Author: Eynoxx

Kabanata 1

Ngunit hindi pu-pwede, 

Hindi tayo sineswerte,

Mas mabuti pang maging sikreto,

Ang pag-ibig nating delikado

[Harrison's POV]

KAPAG ba nagmahal ka ng kapareha mo ng kasarian... abnormal ka na?


Hayop ka na? 


Kapag ba bakla ka... makasalanan ka na?


Alam kasi ng nakararami na Eva at Adan lang ang inilikha ng Diyos. Walang bakla o tomboy na nilikha, kaya tingin nila makasalanan ka na kapag nagmahal ka na ng kapwa mo kasarian... 


Minsan tinatanong ko rin ‘yan sa isip ko. Hindi pala minsan, palagi. 


Dito sa bansang ito o saang panig ng mundo... naniniwala ang lahat na ‘love is love’, pero hindi naman lahat ay sang-ayon. Meron din iba na kapag nagmahal ka ng kapwa mo kasarian, halos isumpa ka na sa impyerno... Gaya ng D-Daddy na palaging sinasambit ang paboritong linya. 


"Malalansang mga bakla! Mga putangina... mas malansa pa sa isda!" Humarap siya sa aming magkakapatid na lalaki. "Kaya kayo, huwag niyong gagayahin ang mga 'yan."


Galit na galit si Daddy Rex habang habang kami'y kumakain sa lamesita at pinapanuod ang palabas sa T.V ... isa 'yong news-tungkol sa lalaking... sa tingin ko ay bisexual na na-raped ng kaniyang kaibigan. Trending ngayon ito sa social media. 


But, somehow, the reporter's said 'Sa ngayon ay pinalaya ang person under investigation, dahil wala namang sapat na ebidensiya' Na ikinatawa ko sa isip.

Walang sapat na ebidensiya? Siguro... sa tingin ko'y hindi naniniwala ang mga pulis-dahil lalaki siya? Bakit siya rarapin ng kapwa-lalaking kaibigan niya? Gusto kong magmura sa isip. Gender equality, right?

"Kaya kayo, malaman ko lang na bakla kayo... papatay ako kahit makulong. Papatay ako, kahit anak ko man kayo," walang ganang sabi ni daddy pero puno ng pangamba sa aking isip.

Napahinto ako't biglang bumagsak ang kutsarang hawak ko sa pinggan at parang bumilis ang tibok ng puso ko, napapahinga ako ng mabilis at parang hindi mapakali. Palagi nalang nangyayare sa akin ito kapag naririnig ko ang linyahan na iyon ni Daddy.

"Are you fine?" tanong sa'kin ni kuya Marcus. Nag-angat tingin ako at lumingon sa tabi ng aking upuan kung saan siya naka-upo at sumagot.

"Hmm..." tumango-tango pa 'ko at nagpatuloy kami sa pag-kain.

"Oh, aalis na ako," maya-maya'y sabi ni daddy sabay kuha ng military uniform sa sandalan ng upuan niya. "Pinapatawag na ako ni Chief." 

Minsan lang umuwi si Daddy Rex dahil busy siya sa kaniyang serbisyo sa bayan. Matagal na kasi siyang sundalo.

"Ingat po." Sabay-sabay na sabi namin tatlo, at tinignan lang siya hanggang maka-labas na ng bahay. 

Tumigil ang katahimikan at lahat kami'y pinagpatuloy ang pag-kain. Hanggang sa tawagin ako ni kuya Marcus. 

"Harry?" masayang tawag niya.

"Bakit, kuya?" ngumiti rin ako sa kaniya. 

"Sana naman you're free palagi kapag hinaya kita sa labas? Magpapasama na rin kasi ako." 

Tinapos ko muna ang kinakain ko sa bibig, bago magsalita. "Opo, free naman po ako palagi. Na-mi-miss ko na nga po kayo kasama sa labas." 

"Sorry, busy kasi sa college life. Fucking education! Pagka-graduate din naman-mayaman pa rin tayo-malaki parin bahay natin... I'm just tired. Pero sana maka-graduate," napailing ako habang tumatawa dahil sa sinasabi niya.

"Basta, kapag may time, minsan kapag nakita- kita dito, labas tayo." 

Tumango lang ako. "Opo," sagot ko.

Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang matapos na si Kuya Marcus ay nagpaalam na siyang umalis upang pumasok sa school. Tanging natitira nalang kami ng isa ko pang kapatid na bunso. 

"Davidson!" tawag ko sa kaniya't napahinto siya nang akmang tatayo.

"Hmm?" walang ganang aniyang hindi tumitingin. 

"How's your fourth year highschool life?" naisip ko'ng tanong, hindi ko kasi siya napapansin at baka sabihin ay galit ako sa kaniya.

"'Kay." sabay alis niya't pumuntang kwarto. Kahit kailan talaga wala siyang gana ako'ng kausapin. Hindi naman kasi siya masyadong malapit sa'kin, si Kuya Marcus lang talaga ang ka-close ko at palaging kausap.

Ako nalang ang natira dito kaya't tinapos ko na ang pagkain. Liligpitin ko na sana ang pinagkainan nang pigilan ako ng isa sa mga maid. 

"Ako na, ato," pigil sa'kin ni lola ponz na suot-suot ang pink na maid ng uniform. 

"Thank you po, lola," masaya kong sabi.

"I always tewling to you, hijo, don't kowl me lola ... nakakatanda," biro niya't napatawa nalang ako. 

Hanggang sa paghugas ko ng kamay ay nagpunas ako, at kinuha ang cellphone para tawagan si Daddy. Nang dapat tatawagan ko na siya para sabihin ang kailangan ko, inunahan na niya ako, 'Kunin mo sa kwarto ang pera mo,’ text niya. 

Kaya't sinunod ko nalang siya. Nang makalabas ako ng bahay ay dala-dala ko na ang agenda ko kaya ako pumunta dito. Sakto naman ang halaga at kailangan ko kasi ito pambayad sa upa sa dorm namin at iba pa.

Sana naman ay hindi masamain ni Daddy ito dahil hindi naman ako'ng

madalas humingi ng pera sa kaniya dahil minsan lang naman ako pumunta dito. May galit ako kay Daddy at madami akong dahilan kung bakit.

Kung buhay pa nga si mama, siguro... ang dami pa niyang pa-sakit ngayon. Siguro... hanggang ngayon iiyak lang siya palagi sa kwarto, dahil sa nalaman niyang si daddy ay may kinakasama ng iba-at ngayo'y may sarili nang pamilya. Oo, si kuya Marcus at Davidson ay kapatid ko lang sa ama-at bata palang ako nang malaman ko sa Mama ko na may sariling pamilya si papa.

Pero nang panahon na 'yon ay okay na sa akin, tanggap ko na-'yong magkaroon si daddy ng sariling pamilya... dahil nang panahon na naghiwalay sila ay hindi na umiiyak si Mama. Hindi na siya palaging may pasa at hindi ko na naririnig ang mga tunog ng palad sa mukha. 

Tumingin ako sa langit at nagdasal na sana ay sabihin ng Diyos sa Mama ko na masaya at okay ako ngayon. 

*****

Pumunta 'agad ako sa school upang pumasok sa first subject ko. Wala nang ka-tao-tao sa paligid nang makarating ako kaya't pumunta 'agad ako sa room ko. Pagpasok ng room ay medyo madami pa ang bakanteng upuan kaya't pumunta ako sa pinakalikod na upuan at umupo.

"Harry?" tawag niya sa'kin at lumingon ako sa tabi ko kung saan siya naka-upo.

"Oh?" napakunot-noo ako, 'yong mukha niya kasi pawis na pawis—pero kahit pawis, pogi parin siya kahit magulo ‘yong buhok niya, medyo pawis din ‘yong suot niyong uniform, matangos parin ang ilong niya at mapula-pula ang labi. May nagsabi kasi sa akin kung nasaan siya kanina, naglalaro daw ito ng baskatbell.

"I miss you, baby." Sabay halik sa akin sa pisngi. 

Lumingon 'agad ako sa kaniya nang gawin niya 'yon at sinamaan ko siya ng tingin, at tumingin sa paligid. Buti nalang may sari-sariling mundo ang mga kaklase ko.

"May maka-kita..." kunyare'y kinakabahan, pero nasa parte kami ng dilim dito sa likod namin at wala naman masiyadong makakatanaw.

"Ano naman? Namula ka naman. 'Miss kaya kita." 

"Kilig? Tch. Miss mo mukha mo." 

"Mag-boyfriend naman tayo, okay lang na halikan kita." 

"Pero 'di nila alam. At ayoko." 'Agad kong iniba ang usapan. "May kasalanan ka sa akin." 

"Na naman?" 

Napangiti nalang ako dahil sa mukha niyang parang nagtatanong sa sarili ang kaniyang mali. Napa-sabunot siya sa buhok niyang mapawis. Wala kang kasalanan? Laro pa.

May rules kasi akong kapag sinuway niya ang pinagbabawal kong ayaw ko na ginagawa niya, 'cold ako sa kaniya. Hindi ko sinasabi sa kaniya, pero siguro alam niya na ‘yon dahil palagi kong ginagawa sa kaniya. 

"Nuod tayo cine?" hindi ko parin siya pinansin hanggang kung ano-ano na ang pang-uuto na ginawa niya sa akin. "Punta tayo'ng motel? Bili tayo condom? Kainin kita? Este, kain tayo sa labas." 

Hindi ko parin siya pinansin at natagpuan ko nalang ang sarili na nangiti sa mga sinasabi niya. 

"Oh, nangiti ka, o... bati na tayo?" tinuturo pa niya ako habang tumatawa siya. 

"Hindi," pagsusungit ko. 

Maya-maya'y nagulat nalang ako nang halikan niya ako sa pisngi. 

"Huy!" hinampas ko siya at buti'y walang nakakita sa ginawa niya. 

Maya-maya ay dumating na ang teacher at lahat kami'y sa kaniya lang nakatingin habang nag-tuturo siya ng lesson. Pero ang katabi ko, kini-kiliti ako palagi kaya't tumingin sa amin ang teacher namin na seryoso.

"Harrison Steele and Nicholas Hart!" sigaw niya, "maghiwalay nga kayo ng upuan." 

Sinunod lang naman siya't sinamaan ko ng tingin si Nicholas habang naghahanap ako ng upuan malayo sa kaniya. Alam nilang magkaibigan lang kami-at wala akong balak na ipa-alam sa kanila ang tungkol sa relasyon namin ni Nicholas. 

Palagi akong nangingiti kung paano ako napapasaya ni Nicholas. Sa totoo nga, siya ang nagpapasaya sa akin. Simula bata, hindi ko na naramdaman maging masaya. Ngayong nandito siya, naramdaman ko na. Pero hindi ngayon, hindi ako masaya dahil malayo sa akin si Nicholas. 

Ilang oras din na wala ako sa mood dahil hindi ko katabi si Nicholas, at sawakas, nagring na ang bell, hudyat na break time na. Pumunta kami ni Nicholas sa cafeteria at doon namin nakita ang mga kaibigan namin. 

"Hoy, nandiyan na ang mag-bestfrienny!" naka-ngiting sabi ni Darla at lumapit kami sa kanila. Pati sila walang alam sa relasyon namin. Ang dalawang nagmamahalan lang ang nakaka-alam. 

"Hi, Baby Nicho..." lumapit 'agad si Robert-este, Bridgette-kay Nicholas na ngumisi lang. Um-order kami ng food at kumain. 

"Alam niyo, kayong lalaking magkaibigan lang ang palaging sweet..." kapagkuwan ay sabi ni Darla habang kumakain. Wala silang alam sa kung ano ang mayroon sa amin ni Nicholas, tanging kami lang dalawa ang nakaka-alam ng boyfriend ko.

"Oo nga, pero kaming mga babae hindi ganiyan. Palagi kaming naghahampasan!" si Bridgette.

"Tumigil ka! Wala ka'ng puke. Hindi ka babae," mataray talaga si Darla pagdating kay Bridgette. 

"Yes. But, I am girl. Wala man puke, pero may puso." Humawak pa siya sa dibdib. 

"At ano'ng sinasabi mo... wala akong puso?" 

Nangi-ngiti lang kaming dalawa ni Nicholas habang nanunuod sa dalawang nagtatalo. Pero syempre cold parin ako dapat sa kaniya. Nasanay na kami sa kanilang dalawa, dahil sila ang palagi namin kasama dito sa Cafeteria. 

Matapos kumain ay nagpaalam na kami sa dalawa. Habang papunta sa next subject ay hindi ko masyadong pinapansin si Nicholas na ngayon ay yakap ng yakap. 

"Ano ba?!" iritado ko'ng sabi sa kaniya. 

"Sorry na..." 

Gusto ko'ng magpasuyo kaya hindi ko siya pinansin at patuloy sa paglalakad. "Mamaya may makakita sa'tin dito, oh..." tumingin ako sa paligid at wala nang masyadong tao. 

"Bakit ba kasi galit ka?" 

Napahinto ako sa tanong niya, "Alam mo sa sarili mo 'yan."

"Sorry na, babe... nag-basketball ako." 

At iyon. 'Yon lang naman ang hinahantay ko-na umamin siya para makapag-sorry siya ng may dahilan, kung bakit siya mag-so-sorry. Hindi 'yong mag-so-sorry na walang sinasabi kung ano ang kasalanan niya.

"Bati na tayo?" 

Nginitian ko lang siya. 

Hinalikan naman niya ako. 

"'Di ba sabi ko sa'yo, 'no kiss in public, may makakita sa atin.'" 

"Boyfriend naman kita?" tanong niya nang nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Walang nakaka-alam at ayokong ipa-alam," sagot ko.

"Bakit ba kasi ayaw mo?!" na-irita na rin siya. Humingo ako ng malalim. Huminto sa paglalakad at tumingin sa kaniya sa likod.

"Delikado. Magagalit ang mundo..."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status