Share

Kabanata 3

[Nicholas Hart]

NANDITO kami ngayon sa isang siyudad kung saan kami nagkakilala ni My Boo. Walang ka-tao-tao dito dahil dulo ang lugar na ito, walang nagtatangkang pumunta dahil bangin na ang tatapakan ilang hakbang mo lang. Maririnig mo lang ang simoy ng hangin at papalubog na rin ang araw.

"Hart, na-alala mo pa ba 'yong una na nagkita tayo dito?" tanong niya habang nakatayo kami sa pinto ng kotse, nakaparada. "Ako kasi na-aalala ko pa."

Tumingin ako sa isang puno na may duyan sa sanga nito. Na-alala ko pa na ito ang una naming palaging pinupuntahan, ang damin memories na nag-fa-flashback. "Oo naman," sagot ko sabay tingin sa kaniya. "Na-alala ko rin nu'ng tumae ako diyan sa gilid."

Natawa siya sa sinabi kong 'yon. Ang saya lang kapag nakita mong masaya ang mahal mo dahil sa'yo. "Kadiri!" Sabay kurot sa dibdib ko.

"Gustong-gusto mo na kinukurot 'yong dibdib ko,' no? Sarap na sarap ka kasi sa'kin. Matcho," sabi ko at nag-pogi sign pa ako.

"Kumain ka na ba?" tanong niya.

"Hindi pa," sagot ko.

"Gutom lang 'yan," sarkastiko niyang sabi.

"Pero aminin mo, na-kyutan ka sa'kin no'n, kaya nagkagusto ka sa'kin." Kiniliti ko pa siya.

Tinapik niya ang kamay ko. "Ikaw kaya nagkagusto sa'kin. Hinalikan mo pa nga ako no'n."

"Ikaw 'yong tumitig sa'kin, nagbibigay motibo ka-nahahalata kita no'n," pang-aasar ko sabay tingin sa puno kung saan kami nag-'First kiss'.

"Wala ka'ng halik sa'kin ngayon," pananakot niya. "Ayaw mo pang aminin."

Bumuga ako ng hangin. Heto na naman siya sa pananakot sa'kin na walang halik. Pero syempre, mahilig ako sa halik-kaya umamin ako. "Oo na, ako unang nagkagusto sa'yo," pag-amin ko, "hindi ko nga alam kung bakit lalaki pa minahal ko. Madami akong ex-puro babae. Pero ikaw, lalaki pa, mahal na mahal ko." Lumapit ako sa nakabukas niyang pinto kung saan siya nakatayo, pinatong ko ang dalawang kamay ko sa pinag-sasandalan niya para makulong ko siya. Papalapit ang mukha ko sa mukha niya, pipikit na siya, pero nilayo ko ang mukha ko. "Gusto mo naman kasi'ng halik ko." Sabay mahinang tawa na kinasama niya ng tingin.

Hinila ko nalang siya para umupo kami doon sa duyan. Umupo kami doon at tinanaw ang napakagandang tanawin. Ilang hakbang kalang ay bangin na ang mapupuntahan mo. Kaya kung ayaw mong malaglag, huwag kang aapak.

Napa-isip ako habang yakap ko ang My Boo ko-tawag ko sa kaniya ngayon. Na-alala ko noong sinagot niya ako dito mula nang ligawan ko siya. Dito rin kasi kami unang nagkakilala nang malipat ako sa City na 'to. Tiga probinsya kasi ang mga magulang ko-pero dati na kaming tiga City-ngunit nawalan kami ng tirahan dahil nasunog bahay namin. Iyon, natira kami doon sa Probinsya. Hindi ko tuloy natuloy ang 'Grade 11' ko kaya ngayon ako nagpapatuloy.

Kaya napagpasyahan ko'ng lumipat dito para magtrabaho, nang makilala ko si Harrison-My boo. Ang balak ko talaga dito ay magtrabaho, pero nang makilala ko siya dito sa City na 'to isang araw, naging kaibigan ko siya hanggang sa palagi na kaming pumupunta dito sa lugar na 'to-dahil gusto niya.

Hanggang sa ikwento ko sa kaniya ang kalagayan ko, tinulungan niya ako'ng mag-aral dahil 'mayaman' ang pamilya niya. Pinatira niya ako sa dorm niya't tinutulungan ako.

"Nagpapasalamat ako dahil mayroon akong wirdo na boyfriend," sabi ko habang magkatabi kami sa duyan, naka-akbay ako sa kaniya. "Happy Monthsary, My boo."

*****

GABI.

Sa huli ay napagpas'yahan namin ni Harrison na kumain sa isang restaurant-sa nakasanayan na palagi niyang sinasabi, 'doon sa malayo, 'yong walang makakakita'. Ewan ko ba dito sa boyfriend ko, wirdo talaga minsan ang salitaan.

Buong biyahe ay tahimik dahil naiinis na naman daw siya sa'kin. Bukod sa wirdo ito topakin rin... ay, wirdo rin pala 'yong topakin na tao. Minsan hindi mo alam kung bakit naiinis sa'yo.

"Boo?" tawag ko sa kaniya habang nagmamaneho siya.

"Hmm?" nakakunot niyang tanong pabalik.

"Masaya ka ba?"

"Oo... kasi palagi mo akong inaasar. Ang saya," sarkastiko niyang sabi habang maluwag na pekeng nakangiti.

Dahil alam kong i-bla-blackmail na naman niya ako na 'No kiss' sa ngayon, kailangan ko siyang amuin. "Babe..." tawag pansin ko. "Alam mo ba, kapag hindi kita kasama... na-mi-miss kita palagi," tumingin ako sa kaniya, nakakunot-noo parin at hindi ako pinapansin.

Hanggang sa makarating kami sa restaurant sa mall, hindi parin niya ako pinapansin kaya hanggang ngayong naka-upo kami sa resto ay kailangan ko siyang amuin. Pagkatapos niyang umorder para sa'min dalawa, hindi parin siya umiimik at nagcecellphone lang kaya nagsalita na ako.

"Boo, Babe, Harrison, hindi mo pa rin ba ako pa pansinin?" Naalala ko na naman 'yong kanina, kaya siya nagalit sa'kin dahil inasar ko siya-inaasar na' yong mama niya siguro galing kay Harry potter, kasi 'Harri' din pangalan niya, sinabi ko pa na pwede kung mag-'magic' siya. Pero naalala ko nga pala na topakin 'tong partner ko-at ayoko talagang inaasar ito. Monster ito kapag naiinis.

"My boo," sabi ko habang nakatitig sa kaniyang mata, nakapungay pa ako, nagpapacute, "napaka-gwapo mo. Mas gwapo ka pa sa'kin."

Hindi pa rin niya ako pinapansin. Lord, pwede tulungan niyo ako kung pa'no mag-amu ng partner na topakin? Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Nagiisip ako ng pwedeng gawin para maging maayos ang topakin kong jowa, pero sa tagal kong mag-isip ay ngayon lang dumating ang order namin na pagkain.

Hindi ko muna aamuin ngayon si Harrison ko nakita ko na ang pagkain para sa aming dalawa. Akma kong kukunin ang pagkain, nang-

"Para sa akin 'tong dalawa. Umorder ka'ng sa'yo," sabi niya sa iritadong boses sabay subo niya sa pagkain.

Putangina. "Dapat sinabi mo na kanina..." nag-pout pa ako, kung oorder naman kasi ako ng sa akin, napakatagal, kaya umorder nalang ako para sa take-out.

Pero kailangan ko parin siyang ibahin ang mood niya. Ayoko'ng mapunishment, kaya kumanta ako.

"Baby shark, tut-tururut-turut, baby shark, tut-tururut-turut, baby shark," kanta ko habang sumasayaw pa ng steps niyon. Pinagpatuloy ko ang pagkanta ng kantang 'yon habang nakahawak ako sa kamay niya na ngayon ay napatigil at pinipigil ang mapangiti. "Baby, love mo na ulit ako-" Tangina, sakit. Tatanong ko na sana nang kurutin niya ako sa kamay at tumitig siya sa akin ng masama.

"Wazzup," rinig kong tono ng boses na pamilyar sa likod, parang kinakabahang ngumiti si Nicho, kaya tumingin ako sa likod at hindi ko alam kung ano ang nangyayare kay Harrison-kung bakit kinakabahan? E ang tao lang naman sa likod ay si Marcus, kuya ng kasama ko ngayon, Harrison ko.

"Pre," bati ko sabay apir sa kaniya habang nakangiti.

"Long time no see," sabi nitong nakangiti at nakipag-apir, pinagpag pa ang balikat ni Harrison. Sa porma nito ay parang aalis. Gwapings-tulad ko.

"Tara, puno ng table sa loob, dito ka na umupo?" pag-aya ko at tinuro ko ang katabi kong upuan. Puno kasi sa loob kaya nandito kami sa labas ng resto nakapwesto.

"T-Tara, kuya," sabat pa ni Harrison ko.

"Ay, no, actually, napadaan lang ako dito," sabi ni Marcus, ka-close ko siya, parang tinuruting ko na rin na pare, "May pupuntahan pa kasi ako, hehe."

"Ah, gano'n ba..." tumango-tango ako.

"Yup." Tumingin pa ito sa cellphone, "Goodbye guys, naghahadali ako ngayon," paalam ni Marcus. "Nicho pre, take care of my lovely brother, Harrison, huh?"

Tumango lang ako ng nakangiti at nagpaalam na nitong aalis hanggang nakalayo na.

"Iingatan ko talaga 'tong si My boo," bulong ko habang nakatingin sa papalayong bwulto ni Marcus, at tumitig kay Harrison, "Ano... Okay kalang?" pag-aalala ko dahil sa hindi maipintang mukha ni Harrison na parang kinakabahan, palagi pangbumubuntong hininga.

"Oo..." sabay buntong hininga ulit. Inilapit na niya sa'kin 'yong isang order na pagkain na ipinagdadamot niya kanina.

"Ngayon, ipapakain mo sa'kin 'yan?" sarkasmo kong sabi, "nahiya ka lang kay Marcus na andami mong pagkain-habang ako, hindi kumakain..." tumingin pa ako sa gilid na kunyare nagtatampo.

"Hindi ka kakain?" tanong niya at tumango ako. "Sige, huwag mong kainin 'yan. Hindi tayo ngayon magkatabing matulog, no kiss, no hug, no usap,"

Napapitlag ako nang sabihin niya 'yon-at inumpisahan ko ng ayusin 'yong pagkain, "Heto na nga, kakain na," at sinimulan ko na ang pagkain. Pero siya... buntong hininga lang na parang hindi mapakali, at nakatitig lang sa pagkain.

"Muntik na..."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status