Depths: 2
Natapos ang tatlong araw na pista, kalaunan na yon ay bumalik na sa kanya-kanyang bayan at mga trabaho ang mga panauhin. Kahit papaano naman ay mapayapa ang naging takbo ng buong pista. Walang biglang ulan at mga kagulahang naganap. Isa na yata ito sa inakamaayos na pista ng mga nakaraang limang taon.
Pero naaalala ko parin ang mga iritan ng kababaihan nang nakitang paalis na ang mga panauhin, lalo na ang Kapitan Keil. Hindi naman kasungitan ang lalaking iyon kaya nakagawa n'ya panh kumaway at ngumiti sa lahat dahilan ng mga impit na sigaw ng ilan na akala mo'y inipit ng sipit ang kili-kili.
Pero isa lang ang napansin ko ang matalim na titig sa akin ng Kapitan. Mulhang hindi pa rin s'ya makapaniwalang mismong panauhin n'ya ang nagtanggol sa hamak na tulad ko. Siguro rin ay hindi n'ya malilimutang napahiya s'ya at namaliit n'ya rin ng kahit papaano ang Kapitan Keil sa mga binitawan n'ya salita.
Hindi ko rin malilimutan ang naging alok sa akin ng modelong si Anne, binigyan n'ya ako ng isang numero na matatawagan kung sakali raw magbago ang isip ko at pasukin ang pagmomodelo. Maganda rin namang paraan iyon para makapag-ipon ako at may gamiting pera sa pang araw-araw. Pero hindi pa talaga sumasagi sa isipan ko ang bagay na ganoon.
Ngayon ay Martes, nakasanayan ko nang pumunta sa ilong ng gantong araw para maglaba ng aming damit ni Nanang Swela, hindi ko na s'ya pinapasama sa akin dahil taklt Kongmapano s'ya rito. Madulas ang mga bato bago mapuntahan sng ilog at may mga matutulis na bato na sa oras na makatapak ka sa malalim na bahagi.
Idagdag pa na may parte rito na aakalain mo'y mababaw ngunit palalim. Natatakot akong mapano ang matanda ritokaya mas pipiliin kong, ako na lang ang maglaba. Halos ilang kilometro lang naman ang layo ng ilog sa bahay ni Nanang, isa pa may shortcut ding madadaanan sa likod bahay, mas mapapabilis ng 30 minutos kung doon dadaan pero may pagkamasukal nga lang ang mga damo.
"Nang, alis na ho ako" dala-dala ang mga labahin nagpaalam na ako kay Nanang bago umalis patungong ilog, kaysa gumastos pa ko ng bente pesos para pang-tricycle ay pinili ko na lang dumaang likod bahay.
"Sigurado ka bang dyan ka talaga magdadaan?" sigaw na tanong sa akin ni Inang habang nakatayo pa doon sa may pintuan.
"Opo, mas mabilis po rito at mas makakatipid!" sigaw ko pabalik dahil malayo-layo na din ang nalakad ko. Hindi ko na narinig pang sumagot si Nanang dahil na din siguro malayo na ako.
Dati ay takot pa ako sa daanang ito, lagi kong naiisip na may susunggab na lang saking ahas o kaya'y ligaw na babaoy ramo. 'Gang beywang ko ang mga damo pero may sapat na daan patungong ilog. Isa pa ang mga puno'y matatayog at malalago pa ang mga dahon. Berdeng-berde ang paligid kung uusisain, walang kahit na anong ibang kulay kundi berde at tsokolate.
Kahit pa gusto kong magpahinga ay dinamdam ko na lang ang hirap at pagod. Gusto ko lamang mapabilis ang paglalakad at paglalaba sa lalong madaling panahon. Hindi ako mapakaling naiwanan ko mag-isa ang matanda at nasa labas akong mag-isa.
Maya-maya lang ay narinig ko na ang lagslags ng tubig mula sa malayo, mas binilisan ko na ang lakad dahil alam kong malapit na ako sa ilog. Halos nilakad takbo ko ang daan, nag-iingat din dahil medyo palusong ang daan. Nang marating naman ay walang gaanong naglalaba kaya medyo pumanatag ang kalooban kong mag-isa lamang ako sa buong pahlalaba ko.
Inihanda ko na ang palo-palo at ang pagkukusutang kahoy, pumuwesto sa parte kung saan hanggang tunod ko ang tubig ay maraming bato.
Habang inaasikaso ang trabaho ay napatingin na lang ako sa paligid. Ang payapa, animo'y nasa isang nobela ka kung saan ang bida ay naliligo sa isang tahimik na sapa, makikita ng kanyang kabiyak at doon magkakamabutihan. Napangiti na lang ako sa makukulit na ideyang pumasok sa isip.
Wala nang katotohan ang mala-nobelang pag-ibig, kung noon ay meron ibahin ngayon. Ang ilang lalaki lang naman ay pumapasok sa relasyon dahil may gusto makuha sa babae, makikipagrelasyon dahil maipagmamayabang o may makukuhang luho o di kaya'y makikipagrelasyon bilang panakip butas.
Napatigil na lang ako sa ginagawa at pumasok sa isip ko ang Kapitan Keil, ganoon din ba s'ya? Katulad din ba s'ya ng mga nababalitang lalaki? Sarap lang ang habol sa babae? O di kaya'y para maging flavor lang kung tawagin?
Uminit ang mukha ko sa mga naiisip, para bang sinisilaban sa mahinang apoy ang katawan ko sa kahihiyan kahit pa walang taong kasama. Naisipan ko na lang bitawan ang nilalabang bistida at hinubad na ang pang itaas.
Wala akong pangloob na pang-itaas dahil na din tinitipid ko, mahal ang mga bra sa palengke. Sapat na ang bra na meron ako para sa pang araw-araw kong pasok sa eskwelahan. Wala din namang problema kung walang bra ang kababaihan, halos nga lahat ay ganoon dito sa barrio dahil sa kahirapan.
Kung hindi mabilis masira ang mabibili kaseng bra, meron naman iyong mga maliliit na ga jolen sa loob. Yung mga napabalitang dahilan ng pagka-cancer sa dibdib ng mga babae.
Kaya mas pinili na lang ng karamihan ditong bumili ng pangkailangan at tipidin. Siguro kung aasenso ako doon na lamang ako bibili ng sapat na kailangang panloob.
Dahan-dahan kong inilubog ang katawan ko sa gitnang bahagi ng ilog, hindi maburak rito at puro naman ng bato kaya masarap maligo. Isama pa ang malinaw at malinis ang tubig, malamig din ang masarap sa tenga ang lagaslas na muni.
Muli akong nagmuni-muni sa mga bagay na gusto ko at maaring mangyari sa akin sa mga susunod na taon. Ano nga ba ang gusto kong kinabukasan? Sigurado ba ako sa pagdodoktor? Isa pa, kakayanin ko nga ba? Bat hindi na lang ako mag-Accountant hindi ba? Mas mura pa ang magiging gastos ko at kung pagbubutihan ko ang pag-aaral, mismong kumpanya na ang lalapit sa akin. Tulad ng sabi ng mga anak ni Nanang Nine, pero magugustuhan ko ba? At magiging ganoon ba ang mangyayari sakin?
Napabuntong hininga na lamang ako sa mga naiisip. Para na lang sasakit ang ulo ko sa mga iniisip. Bago pa ako makalingon sa likuran narinig ko na lang ang ilang paghawi ng mga dahon at ang mga tunog ng tuyong dahon habang inaapakan.
Nataranta ko na lang akong takpan ang aking dibdib gamit ang pinagkrus kong braso. Lumitaw naman doon ang nakakatandang kapatid ni Alma, si Alen. Nakatakip ang dalawang palad sa mukha habang nakahilig naman sa kanan ang ulo.
"Uhm.. a-ano..." wika nito habang nakatakip pa din sa mukha ang mga palad, parang nagulat din sa sitwasyon na meron kami habang nandito sa ilog. Siguro ay mag-iigib lang ito dito at hindi namalayang may tao o mangangahoy.
Namumula na din ako sa kahihiyan na napasok ko lalo pa't wala akong bra ngayong isnuot, kung talaga namang na nanadya ang pagkakataon. "Dyan ka lang!" sigaw ko rito nang sinubukan n'yang umabante sa kinatatayuan.
"Istel, i-ikaw ba... yan?" nagtatakang tanong nito na nagsisimulan nang mamula.
"Dyan ka lang sabi Alen!" sigaw ko uli ng binalak nitong umabante pa.
Dali-dali akong nagdamit at piniga ko ang mahaba kong buhok. Mabuti na lang ay makapal ang naisuot kong t-shirt ngayon dahilan para hindi maging bakat ang aking dibdib. Inayos ko ang aking sarili at tiningnan kung may makikita bang hindi dapat sa kabuuan ko. Nang masigurado ko nang ayos ako at wala nang magiging problema o makikita saka lamang ako lumapit kay Alen.
"Uhmm... a-ano ok na... Alen?" medyo patanong ko pa na sabi.
"Ang akala ko kase I-istel ano... walang tao dahil sa may bukana walang mga naglalaba . H-hindi ko inaasahan na nandoon ko pala sa may unahan ng ilog naliligo at naglalaba" sagot n'ya naman habang unti-unting inaalis ang mga kamay sa mukha. Naninigurado kung maayos na ba ang itsura ko.
"Uhm... ganitong araw kase namin nakaugalian ni Nanang Swela maglaba ng mga pinagdamitan, dumaan din kase ako sa likod namin kaya hindi sa bukana ang naging labas ko" sabi ko dito habang hindi mapakali kung titingin ba sa kanya o kung tumingin na lang sa ilog o gubat o kahit saan.
"Kung ganon may kasama ka o katulong maglaba ngayon?" tanong nitong inuusisa ang paligid.
"Hindi eh, nandoon laman sa bahay si Nanang, hindi ko na siya pinasama dahil ayoko namang mahirapan pa s'yang pababa at pataas sa daan dito" sambit ko dito nang medyo may ngiti sa labi, ayoko namang magmukhang suplada sa kanya at baka sabihin pa kay Alma.
"Uhm.. oo nga pala hindi ba't ikaw iyong kaibigan nang kapatid kong nakakabata? Si Alma?" tanong nitong walang pag-aalinlangan.
"Ah oo, s'ya nga yung kaibigan ko hehe"
"At sa pagkakaalam ko ay nakukuwento din n'ya ako sa iyo" medyo natatawa n'ya sabi sa akin.
"Ah oo, nasabi n'ya ngang ikaw ang nakakatanda n'yang kapatid" natatawa kong sabi habang naalala ang mga nasasabi ni Alma tungkol sa kanya kung pano s'ya protektahan ng kapatid.
"Uhm... wala ka bang kasama Istel?" nahihiya n'ya pang tanong habang nagkakamot sa kanyang ulo.
"Ah! Oo kaya nga naisip ko maligo sa ilog kaso dumating ka"
"Ah ganon ba? Pasensya na talaga kase ang akala ko walang tao" nahihiya n'ya uling sagot ngayon hindi na makatingin dahil sa kaninang nangyari.
"Kung gusto mo pede kitang tulungan, tutal tapos na din naman ako sa mga gawain ko sa bahay at nandoon naman si Alma para mautusan nina Inay" alok n'ya sakin habang hindi pa rin makatingin.
"Hindi naman ba labag sa loob mo yan? Baka kase tutulungan mo lang ako dahil ano... alam mo na" puna ko naman dito.
"Hay naku! H-hindi kase ano... mag-isa ka din naman baka mapano ka pa kaya tutulungan na lang kita para map-pabilis na din" mabilis n'ya agap na nauutal na naman.
Ngayon ko lang nalamang may mahiyain pala sa mga kapatid ni Alma at iyon ang pinakamatanda n'yang kapatid. Medyo natawa ako sa itsura nito at sa paraang sumagot.
"Oh sige. Ako na ang bahala sa mga panloob namin ah" baling ko dito at nagsimula nang maglakad papunta sa mga labahin.
"Kung gusto mo ay samahan na din kita sa pag-uwi, baka suwagin ka pa ng ligaw na baboy ramo. Masukal pa ang daan na dadaanan mo at matatayog ang puno" nginitian ko na lang s'ya sa payo saka tumango.
Mabilis nga naman ang naging pagtrabaho sa mga labahin, hindi ko akalaing may lalaking marunong maglaba. Kung magluto ay maari pero ito? Madalang lang ang marunong na lalaki maglaba kahit pa sa mga bukid at bundok ka mapunta.
Natapos ang lahat at tinupad nga ni Alen ang sabing sasamahan akong pauwi. S'ya na din ang nagbitbit ng mga nilabhan. Nang makarating ay agad naman s'yang inalok pumasok at mag merienda ni Inang habang ako ay dumeretsyo na sa sampayan para mapatuyo na ang mga nilabhan. Bago pa ako matapos ay nakita ko nang umalis nang bahay si Alen. Mukhang tapos na at nahiya na kay Inang.
Hindi pa rin ako makapaniwalang may kapatid si Alma na ganoon mahiyain at ang nakakatandang kapatid n'ya pa talaga! Natatawa na lang akong bumaling uli sa sampayin.
Depths: 3 Mabilis dumaan ang oras, at napadalas naman ang bisita ni Alen. Napag-isipan ko na ding pumasok sa isang karenderya sa palengke tuwing umaga at maging tindera naman ng tindahan ni Aling Neth tuwing hapon hanggang alas otso ng gabi. Malapit na kase ang pasukan at gusto kon
Depths: 4 Hindi naging madali ang mga nakaraang araw sa pagpunta namin dito sa Manila. Lalo na noong paalis kami sa barrio. Kahit gaano katatag at desisido ka, mararamdaman mo ang kirot na makitang malungkot ang mga maiiwan mo. "Mag-iingat kayo doon ah" nanginginig ang boses ni Nan
Depths: 5 "Sorry sir, pero hindi po yata tama ang nilagay n'yo" nakakunot noo kong sabi dito na nagpatawa lang sa kanya. "You sure di mo na ako matandaan?" nakangising sabi n'ya.
Naging mabilis din ang araw at ngayon ay pasukan na. Napag-usapan na din namin ng manager ko sa cafe ang magiging bagong schedule ko tutal ay magkakaroon na ako ng pasok sa umaga. Hindi din naman naging mahirap ang pagpasok ko dahil public lang ito at walang uniporme kaya wala ding extra gastos. "Tara na?" pag-aaya na sa akin ni Alen, s'ya din ang magiging kasabay 'ko sa pagpasok. Wala namang problema sa akin ito dahil na din sa s'ya lang ang maari 'kong pagkatiwalaan.
Depths: 7 Pagkagising 'ko, isang nakadukdok na Alen ang nasa gilid 'ko. I fear of getting judged, being helpless and wasn't able to protect myself. Pinakiramdamin 'ko ang bawat paghinga ni Alen at paggalaw, nagdadalawang isip ako kung gagalaw ba o babalik na lang sa aking pagtulog.
Depths: 8"Stella!" Narinig 'kong tawag nang pamilyar na boses, galing ito sa aking kaliwa. Nakakapagtaka lamang na natatandaan n'ya ang pangalan 'ko."Captain Keil!" Bati 'ko pabalik sa isa sa mga regular customer ng cafe.May
Depths: 8"Istel!"Nawala ang kabang nararamdaman 'ko. Hindi 'ko na napigilang paulanan nang hampas ang dibdib n'ya. Pano na lamang kung ibang tao talaga ang nasa likod 'ko? Mas lalong hindi 'ko alam ang gagawin 'ko."Tara?"
Depths: 10Mabilis ang panahon, ngayon isang year na lang at magtatapos na 'ko. Nagtagal din kami ni Alen kahit mahirap, tuwing bakasyon at may oras ay umuuwi kami sa barrio sa Bulacan. Alam na din doon na may relasyon na kami.Naalala 'ko pa din ang gulat sa mukha ni Alma non, pati ang maliit na ngiti ng kanilang Ina. Nagkaroon pa nang maliit na salo-salo noong sinabi naming makakapasa kami sa susunod na year.