Depths:1
Natapos ang pagpapakilala sa mga panauhin, ang ilan rito ay mga modelo ng ilang kilalang brand ng sapatos, make up, mga bag at pabango. May ilan din na konsehal ng kabilang bayan, at ang Kapitan ng barko na si Kapitan Keil.
Pinakatay na ni Kapitan ang mga baboy sa isang malapit na katayan at inutos na ang ilan ay gawing longganisa o pata para maiuwi ng mga bisita n'ya. Maagaran namang pumunta sa katayan ang mga kasamahan ni Nanang Swela sa pagluluto sa pista. Kahit gusto ko pang namnamin ang saya ng pista, hindi ko kayang iwanan mag-isa ang matanda, takot na mapano o mapahamak. Marahil s'ya lang ang tanging pamilya na mayroon ako.
"Ikaw talagang bata ka! Dapat ay naroon ka kasama ang mga kaibigan mo sa pista at magsaya. Baka mamaya ay magtampo pa sa iyo si Alma" wika sakin ni Nanang habang nakasunod ako sa kanya patungo ng katayan.
"Ayos lang po iyon Nang, ayoko naman ho kayong iwan mag-isa" ngiti ko sa kanya habang nakasunod papasok sa katayan, nakita ko agad roon ang nakakatandang kapatid ni Alma na nangunguna muli sa pagkakatay.
Ang mga gagawa ng longganisa at pata ay agad na naghanda ng gagamitin. Nakasunod pa rin ako kay Nanang habang s'ya kumukuha ng sangkap para sa mga longganisa tulad ng bawang.
"Ilang klase ho ba ang gagawin Nang?" tanong ko dito habang inuusisa pa rin ang mga sangkap.
"Ang sabi ay bawang at matamis" ani nya habang abala pa rin sa paghahanap ng sangkap.
"Nanang Swela, naku! Dalaga na pala itong si Istel" natutuwang sabi ni Nanang Fiel "May binata ka na siguro hano?" harot ng matanda.
"Ay hindi ho, tutok po ako sa pag-aaral" natatawang sagot ko sa kaniya. Bago pa makaharot muli ang matanda biglaan na lamang bumukas ang pintuan, iniluwa nito ang Kapita kasama ang ilang konsehal napanauhin, ang mga modelo at iyong Kapitan ng MV Ambrose. Lahat ay nag-iwas ng tinginsa Kapitan lalo pa't nakangising aso na naman ito.
"Naku Kapitan, marami kaming mga magagaling magluto rito, isama pa ang gubat sa tabi ng aming barrio na maraming baboy ramo at ang ilog na marami ding isda." pagmamayabang ng Kapitan sa mga panauhin lalo na kay Kapitan Keil. Mukhang gustong magpasikat para lamang makahithit ng pera tulad sa mga nakaraan n'yang panauhin, ngunit ang seaman ay umismid lamang sa kanyang mga sinasabi at iginala ang paningin.
Lumapit ang Kapitan sa amin ni Nanang Swela kasunod ang mga panauhin. Itinuro ni Kapitan si Nanang saka ipinakilala, "Ito nga pala si Nanang Swela, siya ang pinakausapan kong magluto ng inyong pagkain kanina, katulong n'ya itong alagang si Istel" sabay sulyap n'ya sa akin na medyo naniningkip ang mata.
Umirap na lamang ako patago sa ugali ng Kapitan na napaghahalataang pilit, parang kanina lang ay wala s'ya modong pumasok sa pamamahay ng matanda at bastos na humarap doon ngunit ngayon akala mo'y ipinagpala ng lahat ng anghel.
"Magandang umaga ho" sambit ni Nanang sa mga ito pagbibigay respeto, yumuko na lamang ako hindi nagsasalita.
"Wow, Istel is it? If ever need may balak ka bang pumasok sa pagmomodelo? I mean, you got looks and body" ani ng modelong si Anne
"Hindi po, iba po ang propesyon kong binabalak" sagot ko dito habang umiiling.
"Pagdodoktor nga ba uli ang balak mong kurso Istel?" baling sa akin ng Kapitan "Wag sanang sumama ang loob mo pero sa tingin ko'y hindi kakayanin ni Nanang Swela ang gastusin sa ganoong kurso, isa pa baka tumulad ka lang din sa mga naunang ampon n'yang kinalinga. Pagkatapos umansenso'y kinalimutan na ang kumalinga sa kanila" walang pag-aalinlangang sabi nito sa akin, unti-unting umuusbong sa kalooban ko ang inis para sa mga salita n'ya.
Hindi ako ganoong tao at isa pa wala s'ya sa lugar upang sabihin iyon lalo pa sa harap ng kanyang bisita. That's just plain degrading, sa oras na makahanap s'ya ng katapat at nabking sa mga panukala n'ya rito aywan ko na lamang kung saan s'ya hihingi ng tulong.
"Ampon? I mean wala naman iyon sa pera para lang makapag-aral. I was the same you know? Also an orphan but look how I am now" sabat ng Kapitan Kiel, sa sinabi n'yang iyon medyo nagulat ako- hindi este talagang nagulat ako.
Wala sa itsura n'ya ang isang ampon, the aura of him screams luxury and power! Pero kung talagang ganoon, mas lalong tumataas ang paghanga ko sa kanina. Lumingon ako rito at nang nakita n'ya akong nakatingin ay nginitian n'ya ako.
"Well, wala man sa itsura ko pero inampon ako ng isang mag-asawa sa Pasig noon nang nakita nila akong gusgusin habang nagtitinda ng sampaguita sa tapat ng simbahan. Ang akala ko nga'y gaganda na ang buhay ko pero hindi pa rin, maliit na inuupahan lang ang bahay nila kaya talagang pinursige ko ang pagiging Seaman" banggit nito habang nakangiti para bang inaalala ang mga salitang binabanggit n'ya.
"Hmm, totoo naman si Kapitan Keil, Istel. Sa itsura mo pa lang halatang hindi mo makakayang tumanaw ng utang na loob kay Nanang. I mean, if you want lang naman kase sa itsura mo you'll make thousands." pagsasang-ayon ni Anne habang mukhang pursigidong makuha ako.
Umiling muli ako sa kanya saka nagsalita "Hindi na po dahil sigurado na akong pagdodoktor ang kukunin ko at hindi din po ako manghihingi ng pera para pang-aral ko kay Nanang Swela" ngiti ko sa kanila.
"Ah ganoon ba? Mabuti naman at ganoon" kabadong sambit ni Kapitan na mukhang nag-aalanganin pang magsalita tungkol sa nauna n'yang mga sinabi tungkol sa gusto kong propesyon. "Uhmm, gusto n'yo bang lumabas muna tayo para makisalamuha sa lahat? Maari ko din kayong igala sa tabing ilog na maipagmamalaki namin sa linaw ng tubig" baling nito sa mga bisita.
"Hindi na muna Jovel, gusto ko pang makita ang proseso sa paggawa ng mga maaari naming maiuwi" sambit ni Kapitan na sinang-ayunan ng lahat. "By the way, set your goals if gusto mo talagang magdoktor" sambit nito sa akin habang nakangiti at dumiretsyo na kayna Aling Ine.
"Pahamak talaga iyang Kapitan na yan! Ang daming alam" bulong sa akin ni Nanang Swela. Nginitian ko na lamang s'ya bilang sagot upang hindi na magsalita pa at kalaunan ma-highblood sa walang modong kapitan.
Isa-isa ko nang maingat hiniwa ang mga bawang, sinigurado kong pino ito para sa oras na hinalo sa karne hindi masyadong magsawa ang mga kakain sa lasa nito. Nang matapos dito hinawi na agad ni Nanang ang kamay ko sa paghihiwa, tumingin akong nagtataka sa kanyang ginawa.
"Nang?" pagtatanong ko rito sa ginawa n'ya.
"Mas mabuti pa'y doon ka na lamang sa kasiyahan ng pista kasama ang iyong mga kaibigan" muni nitong halatang ayaw masayang ko ang pista na hindi nagsasaya.
"Pero paano po kayo rito mag-isa?" nag-aalanganin kong mungkahi.
"Kaya ko na ito, doon ka na lamang at magsawa sa iyong pagkadalaga" pagsisigurado niya sa akin ay itinulak na paalis sa kanyang tabi.
"Babalik po ako agad, Nang" sagot ko dito na tinanguan n'ya lamang habang abala sa paghihiwa.
Pagkalabas ng katayan ay agad hinanap ng mga mata ko si Alma sa gitna ng mga nagsasaya, ginagawa ngayon ang taon-taong pagsasayaw sa plaza animo'y mayroong disco sa gitna ng kaumagahan. Nang makakita ako ng naka bistidang pula, nakalugay na kulot na buhok at sandals na kulay itim, sinundan ko muna ito ng tingin bago sumigaw ng "Alma!"
"Istel!" sigaw n'ya pabalik sa akin sa kanyang paglingon sa banda ko.
"Hay naku! Alma mo ba kanina pa kita hinahanap!" bulaslas n'ya sa akin habang palapit sa pwesto ko
"Ang akala ko naman ay naroon ka na nakikisayaw sa mga gwapo at matitipunong lalaki" natatawang kong harot sa kanya na s'yang sinagot n'ya ng isang hampas sa balikat.
"Naku ang totoo nga hinahanp ko iyong kapitan ng barko para makipag-picture! Ang gwapo at kay kisig pa na akala mo'y nagmula sa isang pelikula na nagpunta rito para maghanap ng mapapangasawa" irit ng kaibigan kong akala mo'y kinikiliti sa kanyang gilid.
"Hay naku ka Alma, kung iyong kapitan ng barko ang hanap mo andoon lamang s'ya sa katayan nanunuod ng mga gumagawa ng longganisa at pata" ani ko dito na ikinatigil n'ya.
Syempre ang kaibigan ko'y hindi maaaring makalapit roon sa makisig na kapitan tulad ng sabi at gusto n'ya dahil naroon ang kanyang nakakatandang kapatid. Ang akala n'ya siguro'y makakalapit s'ya roon ng walang alinlangan dahil nasa katayan ang kapatid abala sa mga nahuli.
Sa itsura n'ya halatang nasasayangan at nanghihinayang na naroon ang kapitan sa lugar kung nasaan ang agresibong kapatid sa kanyang manliligaw.
"Sana'y sinabi mo agad na naroon ang kuya para naman nalapitan ko na agad ang kapitan bago bumaba sa may plaza Istel! Kung hindi ko lang talaga gusto magmukhang katulad ng mga hayok sa lalaking mga yun! Siguro kanina ko pa nahingan ng litrato" hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa mga pinagsasabi ng kaibigan.
"Hay naku Alma, wala pa kase tayo sa tamang edad para magkanobyo, inindihin mo na din ang pagiging maingat ng kuya mo. Isa pa ang tulad na lalaki ng kapitan na iyon ay hind para sa tulad natin Alma" ani ko rito na dahilan nagpagkalaglag ng panga n'ya.
"Haysus naman Istel! Mag-19 ka na sa susunod na taon at iyan ang sinasabi mo! Legal ka na! Ang sabihin mo lamang ay ayaw mo talaga sa pagnonobyo pero ibahin mo ako dahil alam kong pag-aasawa ng mayaman ang sasagot sa mga problema ko" taas-noo n'ya pang sagot sa akin na s'ya namang nagpalaglag ng panga ko.
"Hindi pag-aasawa ang sagot Alma, pasusumikap ang paraan at pagpupursigi ang sagot. Kung magpapakasal ka nang dahil sa yaman mabilis din kayong maghihiwalay" pag-iiling kong sagot na s'yang paghampas n'ya uli sa akin.
"Istel, lahat ng mga ka-barrio natin iyon na ang ginagawa dahil nagiging praktikal na sila. Wala nang totoong pagmamahal sa panahon ngayon, ang gusto lamang ng mga lalaking katulad n'ya ay sar-" bago pa matapos ni Alma ang mga bulgar n'ya salita tinakpan ko na ang bibig n'ya, nahihiyang lumingon sa kaliwa sa kahihiyang sinasabi ni Alma at baka may makarinig pang bisita.
Tinanggal naman n'ya ang kamay kamay ko habang nakangising aso sa aking pamumula "Totoo lamang ang sinasabi ko Istel, swerte ka na lang sa oras na lumuwas ka sa pagkokolehiyo ay makahanap ng lalaking mamahalin ka ng seryoso"
"Hindi pa din magbabago ang pananaw ko Alma, may gusto akong makamit sa buhay at mayroon akong paninidigan" ani kong nakangiti sa kanya.
Hindi n'ya na lamang ako sinagot pa marahil alam na n'ya hindi ko talaga magagawa ang bagay na ganoon. Hindi ako naniniwalang wala nang lalaki sa mundo ang nagmamahal ng totoo, alam kong mayroon. Ngunit wala din naman sa isip ko ang bagay na pag-aasawa dahil gusto ko munang makamit ang mga bagay na gusto ko.
Tulad na lamang ng maiangat sa buhay ang Nanang at masuklian ang mga bagay na ginawa n'ya para sa akin. Hindi naman mahirap iyon sa oras na kayanin ko ang lahat at magpursigi sa mga bagay na ganoon.
I'm setting goals for myself and the person who raised me. Kung ang paghanga ko sa Kapitan Keil ay mataas, gusto kong mas humanga pa sa aking sarili sa oras na makamit ko ang mga bagay na gusto kong makamit tulad ng iahon sa hirap ang Nanang Swela, magkaroon ng stable job, maging masaya sa trabaho at magligtas ng mga buhay.
Mahirap man ako ngayon, naninindigan akong hindi kami mananatiling mahirap. Kasalanan nang ituring ang hayaang manatili ang sarili sa ganoong estado ng buhay nang walang pag-asa at sikap.
Kahit pa ang ilan ay gusto nang yumaman sa pamamagitan ng kasal, hindi ako magpapatukso sa gawaing walang maidudulot sa akin kundi pagsisisi. Iyan ang paninindigan ko bilang si Stella Mae Salvador, magiging Cardiologist kahit lugmok sa kahirapan ngayon.
Depths: 2 Natapos ang tatlong araw na pista, kalaunan na yon ay bumalik na sa kanya-kanyang bayan at mga trabaho ang mga panauhin. Kahit papaano naman ay mapayapa ang naging takbo ng buong pista. Walang biglang ulan at mga kagulahang naganap. Isa na yata ito sa inakamaayos na pista ng mga nakaraang limang taon.
Depths: 3 Mabilis dumaan ang oras, at napadalas naman ang bisita ni Alen. Napag-isipan ko na ding pumasok sa isang karenderya sa palengke tuwing umaga at maging tindera naman ng tindahan ni Aling Neth tuwing hapon hanggang alas otso ng gabi. Malapit na kase ang pasukan at gusto kon
Depths: 4 Hindi naging madali ang mga nakaraang araw sa pagpunta namin dito sa Manila. Lalo na noong paalis kami sa barrio. Kahit gaano katatag at desisido ka, mararamdaman mo ang kirot na makitang malungkot ang mga maiiwan mo. "Mag-iingat kayo doon ah" nanginginig ang boses ni Nan
Depths: 5 "Sorry sir, pero hindi po yata tama ang nilagay n'yo" nakakunot noo kong sabi dito na nagpatawa lang sa kanya. "You sure di mo na ako matandaan?" nakangising sabi n'ya.
Naging mabilis din ang araw at ngayon ay pasukan na. Napag-usapan na din namin ng manager ko sa cafe ang magiging bagong schedule ko tutal ay magkakaroon na ako ng pasok sa umaga. Hindi din naman naging mahirap ang pagpasok ko dahil public lang ito at walang uniporme kaya wala ding extra gastos. "Tara na?" pag-aaya na sa akin ni Alen, s'ya din ang magiging kasabay 'ko sa pagpasok. Wala namang problema sa akin ito dahil na din sa s'ya lang ang maari 'kong pagkatiwalaan.
Depths: 7 Pagkagising 'ko, isang nakadukdok na Alen ang nasa gilid 'ko. I fear of getting judged, being helpless and wasn't able to protect myself. Pinakiramdamin 'ko ang bawat paghinga ni Alen at paggalaw, nagdadalawang isip ako kung gagalaw ba o babalik na lang sa aking pagtulog.
Depths: 8"Stella!" Narinig 'kong tawag nang pamilyar na boses, galing ito sa aking kaliwa. Nakakapagtaka lamang na natatandaan n'ya ang pangalan 'ko."Captain Keil!" Bati 'ko pabalik sa isa sa mga regular customer ng cafe.May
Depths: 8"Istel!"Nawala ang kabang nararamdaman 'ko. Hindi 'ko na napigilang paulanan nang hampas ang dibdib n'ya. Pano na lamang kung ibang tao talaga ang nasa likod 'ko? Mas lalong hindi 'ko alam ang gagawin 'ko."Tara?"