Share

Fascinated

Depths: 0

  Maaga pa lang ay nagsisimula na ang mga preparasyon para sa gaganaping pista. Ang ilan pa'y nagdadasal at nag-aalay ng ilang itlog sa Banal na Santo Niño upang hindi bumuhos ng ulan sa buong tatlong araw na pista. Habang ang mga kalalakihan ay nasa liblib na gubat katabi ng barrio para mangaso at mangahoy. Kadalasan ay baboy ramo ang inuuwi nila, tatlo hanggang apat na baboy saka kakatayin at ipaghahati-hati sa lahat.

  Alas kwatro pa lang abala na sa paghahanda ng ihahain sa mga bisita ng Kapitan ang Nanang Swela, nagising na lamang ako sa mga nagkakalampagang kaldero at kawale ng alas kwatro y meja. Malamang ay hindi na naman mahanap ng Nanang ang gagamitin. Napagtantu kong wala s'yang katulong kaya mukhang nahihirapan ang matanda sa mga ginagawa, isa pa mukhang limang putahe ang pinapagawa ng Kapitan at sampung gatang na bigas pa ang isasaing sa sampung dadalo mula Manila.

  "Nang? Magandang umaga" silip ko sa kusina, naroon ang matandang abala sa paghiwa ng mga igigisa. Pinasadahan n'ya ako ng tingin at inusisa ang suot ko, suot ko pa ang nakasanayan kong istilo ng pantulog, over-sized t-shirt at maiksing pangbaba.

  "Kailangan mong bumili ng isa o kalahating kilo ng karne ng baboy at baka sa palengke Istel, magpalit ka na ng suot at kakailanganin ko nang maluto ng mas maaga ang mga pinapaluto ng Kapitan. Mukhang nagpapasikat pa ito at narinig kong mayaman ang mga dadala, ang isa raw ay Kapitan sa barko ng kilalang kumpanya." umismid itong tila ba iniisip ang itsura ng Kapitan sa oras na dumating ito sa bahay kasama ang mga tauhan habang hindi pa naluluto ang mga putahe.

  "Paano naman ang isasaing Nang?" tanong ko rito habang sinusubukang humanap ng kalderong tama ang laki para sa sampung gatang na bigas.

  "Mamaya na lang natin yan sikasuhin, mabilis na lamang maluto ang kanin pero ang mga ulam hindi. Kaya bilisan mo na at magbihis, kung ano ay dagdagan mo na rin ng kalahating kilo ang baka at baboy malamang ay bumaba ang presyo sa palengke dahil pista. Doon ka na rin kay Neth bumili upang mas mura tutal suki na n'ya tayo noon pa" ani nito habang abala pa ring naghihiwa ng sibuyas.

  Mabilis naman akong nagbihis tutal hindi naman kalayuan ang palengke lalo na ang pwesto ni Aling Neth na nasa pagpasok lang. Kahit pa man mabagal ang maging lakad ko ay masisigurado kong hindi pa rin tapos ang Nanang pagkauwi ko. Sa paglalakad may iilan akong nakasalubong na kaklase, mukhang abala rin sa mga paghahanda ng kani-kanilang mga ihahandog sa barrio.

  Hindi pa nagtagal nakarating na akong palengke, maraming tao at dinudumog na ang mga mga pwestong mabibilhan ng karne. Marahil iilan lamang din ang nakakapagbenta ng karne sa mga normal na araw, kung hindi mahal kadalasan mga mabababa ang kalidad. Ayaw kase ng Kapitan magkaroon ng kakumpitensya sa negosyo, mahigpit nyang ipinatupad na kailangang dumaan sa kay rami-raming proseso ang mga magbabalak na magtayo ng babuyan dito kahit pa isang kulong-kulong lamang iyon.

  Isa pa ang mga baboy na kinakatay sa babuyan ni Kapitan ay matataas ang presyo, kung mababa man iyon na lamang ay isang milagro o sadyang matanda na ng lubusan ang baboy nila. Habang ang magagandang kalidad na karne ay ipapaluwas sa Manila at mga karatig na bayan. Ani nya'y para daw makilala ang barrio at maraming maging koneksyon.

  "Aling Neth, isa't kalahating kilo nga ho ng baboy at isang kilo naman ng baka. Iyong mailalaga at maibubulalo" sambit ko sabay abot ng isang libo.

  "Naku Istel, saktong-sakto at paubos na ang baboy! Mabuti na lang naisip kong kay Nanang Swela na naman magpapaluto ang Kapitan at naipagtabi ko kayo!" bulaslas nito, abalang nagkikilo ng karne "150 per kilo lamang ang baboy at 120 per kilo ang baka" pag-aabot n'ya sa akin ng dalawang supot na naglalaman ng mga karne at 655.

  "Maraming salamat ho at happy fiesta" ngiti ko bago umalis mukhang hindi naman ako narinig dahil dumami pa lalo ang mga mamimili.

  Sa pag-uwi ko ay natatanaw kong bawat kanto abala ang mga konsehal sa pag-aayos ng kakaonting detalye. Ganoon ba talaga kahalaga ng mga dadalong panauhin ng Kapitan? O sadyang isa lamang ito sa kanilang mga pasikat upang mapagkatiwalaan ng mga dadalo? Ang Kapitan pa nga naman! Walang ibang inisip kundi ang magpalawak ng koneksyon at makakapit sa matataas, may kapangyarihan at kilala!

  Kahit pa gusto kong umusisa sa mga nag-aayos ng barrio mas inuna ko na lamang ang hinihintay na karne ni Nanang. Ayoko namang atakihin sa puso ang matanda dahil lang sa mga putaheng hindi natapos na ibubulyaw ng Kapitan.

  Wala akong relo o maski cellphone dahil na din sa kahirapan ng signal sa lugar naming ito at may kamahalan din ang mga maaayos at matitibay na relo. Kung nanaisin ko mang bumili baka wala na akong maipang-bili ng mga gamit sa dadating na pasukan. Pero dahil nasanay na din sa galaw ng araw, mukhang malapit na mag ala singko. Malapit ng sumikat ng tuluyan ang araw at darating na din ang Kapitan kalaunan non.

  Nilakad takbo ko na ang pauwi, naabutan ko namang naghihiwa ng karne ang Inang. Mukhang nasimulan na ang kare-kare. Minabuti kong ilapag ang supot na pinamili sa gilid nya at inilagay naman ang pera sa kanyang kwarto. Pagbalik ko sa kusina ay wala pa ring sinaing.

  "Nang, sisimulan ko na ho bang magsaing? Malapit na sumikat ang araw at alam kong darating an din ang Kapitan" mahinahon kong sabi habang inuusisa ang mga sangkap.

  "Mabuti pa magparikit ka na lang doon sa labas para sa sinaing, kailangang dito ko maluti ang mga putahe para sandalian na lang ang lagay nito sa mga lalagyan pagkatapos" sabi nito habang naghihiwa pa rin, walang pinukaw na tingin sa akin.

  Sinimulan ko namang daluhan ang kalan sa labas na de kahoy, nagparikit at hinayang lumiyab iyon. Pagkatapos ay nagtakal na ako ng sampung gatang na bigas. Maayos na hinugasan, kailangang maingat dahil hindi basta basta ang presyo ng bigas dito. Ni isang butil man ang sumama sa tubig ay abot-abot ang magiging bulyaw sa akin.

  Kahit mabigat, natapos ko naman at nailagay ang isasaing sa kalan ng walang natapon o nasayang. Bumalik ako kay Nanang at tiningnan ang kanyang ginagawa, luto na ang karne at mukha sisimulan na n'ya ang bulalo. Pinanood ko kung paano n'ya walang kahirap-hirap hiwaan sa maayos ang karne. Pantay at hindi paiba-iba ang pagkakahiwa kata masasabing maganda ito at magaling humawak ng kutsilyo ang nagluto.

  "Nang, ako na po kaya ang magluto ng nilaga? Para mapabilis na din ang gawain" wika ko sa takot na baka hindi umabot ang mga putahe sa tamang oras.

  Tutal nilaga lang din naman ang kaya kong lutuin ng hindi papalpak, sinigurado kong maayos ang pagkakahiwa sa karne at mga gulay. Inayos ko din ang aking paraan ng pagtikim rito.

  Ala sais y meja, dumating na si Kapitan. Dere-deretsyo sa bahay. Nakaismid at mukhang walang dulot na maganda sa kanya ang umaga.

  "Magandang umaga ho Kapitan, malapit na ho kaming matapos ni Istel sa mga pinapaluto ninyo. Ang sinaing ay malapit na rin ho, lechon kawali, barbeque at steak na lang ho ang kailangan maluto" ani ni Nanang habang may simplebg ngiti sa labi para sa Kapitan kahit ang tanging itsura nito ay nakaismid na wala sa timpla.

  "Nanang Swela kailangang bago mag alas otso ay matapos na, nakabalik na kase ang mga kalalakihan sa pangangaso at apat na baboy ramo ang nahuli. Padating na din ang mga dadalo, kailangang maayos ang lahat dahil ayokong mapahiya sa kilalang kapitan ng barko" may diin nitong sabi bago mapunta ang tingin sa ginagawa ko, kung hindi ko lang naalalang hindi maayos ang gising ng Kapitan na ito baka nataasan ko na s'ya ng kilay ngunit pinigilan ko ang sarili.

  Masamang hindi igalang ang gurang.

  Habang abala sa pag-usisa at pagtikim ng mga putahe si Kapitan, binalingan ko sa labas ang sinaing. Akala ko'y nasunog na ito, buti na lang ay hindi kundi baka itapon ako sa gitnang gubat ng Kapitan. Alam ko naman kung gaano 'kaimportante' ang mga panauhin.

  "Psst!"

  "Alma!" nakangiti kong bulyaw paglingon sa likod. Naroon ang kaibigan kong nakangisi. Siguro ay masaya dahil makakakita na naman ng mga matitipuno. Lalo na ang iilang kalalakihang kasama sa pangangaso.

  "Istel, alam mo bang nalaglag sa hagdan si Konsehala Loe? Kaya siguro masama na naman ang hanging pumapalibot sa Kapitan dahil pumalpak ang pinagmamalaki nyang konsehala" bulong nito sa akin.

  "Mabuti na iyon ng mapahiya naman kaonti ang malaking ulo na yun" bulong ko pabalik, maingat n a baka marinig ng Kapitan.

  "Isa pa Istel, malahari ang tingin sa sarili! Lahat ng kalalakihan ay mangangaso ngunit simula nung naging Kapitan s'ya inuutos utusan na lamang n'ya ang ilan!" gigil na ani nito marahil napag-initan din ng Kapitan ang kapatid nyang panganay na laging nangunguna sa pangangaso "Pumalpak lang ang tauhan n'ya dinadamay na n'ya ang lahat! Hindi ba maaaring walang kwenta lang gumawa talaga ang Konsehalang Loe na yun!"

  "Shhh!" pagpipigil ko kay Alma sabay lingin sa loob ng kusina, mahirap ng marinig ng hari-harian baka maipatapon pa kami sa kung saan. "Huwag kang maingay masyado Alma! Baka marinig tayo nyan at biglang ipatapon sa ilog!"

  Lumingon muna si Alma sa likuran, paniniguradong abala ang Kapitan sa mga putahe. "Subukan n'ya mumultuhin ko talaga s'ya!"

  Iniling-iling ko na lang ang ulo sa mga nasasabi ng kaibigan. Sinubukan kong ayain sa loob si Alma ngunit sa pagkakataong naroon ang Kapitan mukhang mahirap dahil sadyang nag-aaway ang langis at tubig. Kahit pa napagpasyahan kong pumasok, si Alma ay hindi na sumunod kundi nagpaalam uuwi na at magkikita naman raw kami uli sa pista.

  Sa awa ng Panginoon, natapos na namin ang imposibleng pinaluluto ng Kapitan bago pa mag alas otso. Isa-isang dinala ng mga tauhan ang mga kawale at kaldero. Inayos ng maganda sa mga lalagyanan upang mabigyang kagandahan ang mga dadalo. Alas nuebe pa naman ang umpisa ngunit pinasigurado ng Kapitan ang pagdating ng mga ulam at kanin, natatakot sigurong mapahiya lalo.

  Naisipan ko nang maligo pagkaalis ng Kapitan at ng kanyang mga tauhan, isinuot ang puting bistida at nag ayos ng mukha. Pinuntahan ko naman si Nang kung nakapaghanda na.

  "Nang tara na?" ani ko tanging tango lamang ang ibinigay n'ya sa akin.

   Maraming tao ang nasa plaza, mapabata o matanda. Marami ring mga dalagang halatang gwapo lang ang mga pinunta. Halos karamihan naman ay naroon para talaga sa paghahati-hati ng baboy lalo na't apat iyon.

  Nasa harapan naman ng plaza ay ang kapitan kasama ang mga panauhin n'ya. Ngunit nangingibabaw ang nasa gitna. But everything about him screams pure dominating personality, power and luxury. Damn! Siguro iyan na yung sinasabi nilang Kapitan ng barko!

  "Mga ka-barrio ko, ito nga pala si Kapitan Keil Hermino, ang kapitan ng kilalang MV Ambrose na namamayagpag sa pagiging Number 1 Cruise ship sa bansa" ani ni Kapitan na tuluyang nagpairit sa mga kababaihan, maliban sa aking ngayong laglag ang panga sa sahig sa pagkahanga.

  Ano kayang pakiramdam na mamayagpag sa murang edad bilang isang magaling na kapitan? O ang maglayag sa gitnang karagatan? How fascinating. He's got the charm, money, power, respect, legacy, honor and all! Anong wala sa kanya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status