Share

Kabanata 74

Author: Docky
last update Last Updated: 2025-05-19 22:35:14

“Congratulations, Tama! Isa ka ng ganap na gurang!" nagbibirong wika ni Jett.

“Gurang?" kunot-noong tanong ni Leon.

“Matanda ka na raw kasi chairman ka na," natatawang sabi ni Lia.

Napakamot si Leon sa kaniyang ulo at saka napatawa. Sanay na siya sa kakulitan ng magkakapatid lalo na ni Jett.

“Congratulations, Chairman Leon," seryosong sambit ni Jackson. Inilahad niya ang kaniyang kanang kamay. Iyon ang unang beses na tinawag niyang Leon si Tamahome kaya hindi na siya nagtaka kung bakit nabigla ang kaniyang kaibigan.

Kinamayan ni Leon si Jackson. “S-Salamat, Jackson."

Sumunod na naglahad ng kanilang mga kamay sina Jacob at Jett. Tulad ng kanilang nakatatandang kapatid, tinawag din nila sa totoong pangalan nito si Tamahome. Bakas sa mukha ng kaibigan nila ang kasiyahan.

Napalunok si Lia. Maya-maya pa ay inilahad na rin niya ang kaniyang kamay.

“C-Congratulations, Chairman Leon. You deserve that position,” nakayukong wika ni Lia.

“Congratulations din sa'yo, VP Ria," tugon ni Leon haban
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 75

    Habang nakikipag-usap si Leon sa mga board of directors ay naiwan si Lia sa kaniyang inuupan kanina. Nakaalis na rin ang magkakapatid na Gray dahil tumawag bigla ang mga asawa ng mga ito. Medyo nakakaramdam na siya ng antok dahil hindi siya nakatulog ng maayos kagabi. Papikit na sana ang kaniyang mga mata nang bigla siyang may nakitang kamay na naghihintay para i shake hand niya. Marahan niyang binaybay ng tingin ang kamay na iyon para makita kung sino ang nagmamay-ari noon. Pilit siyang napangiti nang tuluyan na niyang makita ang mukha ng taong nais makipagkamay sa kaniya.“Congratulations on your promotion, Auntie Ria." Malapad ang ngiti ni Owen habang nakatitig sa napakagandang mukha ng auntie niya.“Maraming salamat, Owen," tugon ni Lia sabay lahad ng kaniyang kamay. Medyo nanlaki ang mga mata niya nang hindi nakipag shake hands si Owen sa kaniya. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at saka hinalikàn. Mabilis niyang binawi ang kaniyang kamay rito. “I think there's no need for that.

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 74

    “Congratulations, Tama! Isa ka ng ganap na gurang!" nagbibirong wika ni Jett.“Gurang?" kunot-noong tanong ni Leon.“Matanda ka na raw kasi chairman ka na," natatawang sabi ni Lia.Napakamot si Leon sa kaniyang ulo at saka napatawa. Sanay na siya sa kakulitan ng magkakapatid lalo na ni Jett.“Congratulations, Chairman Leon," seryosong sambit ni Jackson. Inilahad niya ang kaniyang kanang kamay. Iyon ang unang beses na tinawag niyang Leon si Tamahome kaya hindi na siya nagtaka kung bakit nabigla ang kaniyang kaibigan.Kinamayan ni Leon si Jackson. “S-Salamat, Jackson." Sumunod na naglahad ng kanilang mga kamay sina Jacob at Jett. Tulad ng kanilang nakatatandang kapatid, tinawag din nila sa totoong pangalan nito si Tamahome. Bakas sa mukha ng kaibigan nila ang kasiyahan.Napalunok si Lia. Maya-maya pa ay inilahad na rin niya ang kaniyang kamay. “C-Congratulations, Chairman Leon. You deserve that position,” nakayukong wika ni Lia.“Congratulations din sa'yo, VP Ria," tugon ni Leon haban

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 73

    “Mr. Leon, regarding your wife…”Nalipat ang atensyon ni Leon sa reporter na nagsalita."What about my wife?” Leon asked out of curiosity."Hindi lang po ako ang nakapansin, marami po kami. Matunog po ngayon sa balita ang biglaang pagpanaw ng nag-iisang lehitimong anak ng mga Reed. Halos lahat po ay nagluluksa rito sa Riverdale dahil kilala si Miss Lia Reed bilang isang napakabuting doktor. Nais ko lang pong itanong kung pinsan po ba ni Miss Ria si Miss Lia. Sa pagkakaalam po kasi ng lahat ay Collins ang middle name ng yumaong ina ni Miss Reed. Isa pa, hindi po talaga maiikaila na magkamukhang-magkamukha sila ni Miss Reed.”Ngumiti si Kiana. Sa wakas ay nagsalita na rin ang reporter na binayaran niya para malihis ang usapan. Hindi pa rin kasi niya matanggap na may kahawig ang babaeng kaagaw niya sa puso ni Owen. Unang kita pa lamang niya kay Ria ay sobrang init na ng dugo niya rito sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Alam niyang hindi ito si Lia dahil nakahimlay na sa ilalim ng lup

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 72

    Biglang tumahimik sa bulwagan nang tumayo na sa harapan si Leon. Nangingilid ang mga luha niya habang nakatingin sa kaniyang lola. Hindi niya kasi inaasahang ipapasa nito ang posisyon nito sa kaniya nang ganoong kaaga. Tumikhim siya at tinapik-tapik pa ang mikropono bago magsalita. Muling tumikhim si Leon.“Go ahead, apo. Don't be shy. Our board of directors are watching as well as the whole Riverdale because we are live now," Doña Rehina said in a low voice. Nginitian ni Leon ang kaniyang lola at pagkatapos ay nginitian din niya ang kaniyang asawa at mga kaibigan.“Go, hubby. Just say what you want to say from your heart." Itinuro pa ni Lia ang kaniyang dibdib para iparating sa kaniyang asawa kung ano ang ibig niyang sabihin. Masyado kasing mahina ang boses niya.Tumango si Leon kay Lia at nagpasalamat.“I'm sorry, everyone. My mind went blank. Ang totoo, hindi ko talaga ito inaasahan." Yumuko siya. “I attended this press conference because of my wife. I want to show her my support

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 71

    “Matapos ang masusing pagninilay, ipinaaalam ko na sa publiko lalong-lalo na sa aking mga kasamahan sa board ang aking pagbibitiw bilang Chairwoman ng Ashton Group of Companies. Taos-puso akong nagpapasalamat sa karangalang ito at sa lahat ng ating nagawa nang sama-sama. Hindi lamang dahil sa akin kaya lumago ang kompanyang ito—kung hindi dahil na rin sa diwa ng katatagan, pagkamalikhain, integridad at pagtutulungan ng mga taong bumubuo mula sa pinakamataas na organisasyon hanggang sa kababa-babaan. I don't care if you're part of the board or you’re a janitor, I'm still grateful to both. Salamin ng pinagsama-samang sipag, talino, at paninindigan ng lahat ng nagtatrabaho sa Ashton Group of Companies ang mga maliliit at malalaking tagumpay ng kompanya. Sa pagsasara ng isang kabanata, buong pagmamalaki kong ibinabahagi ang aking kahalili. Siya ay isang pinunong may malinaw na pangitain, marangal na adhikain, at higit sa lahat may puso para sa lahat. Pantay-pantay ang tingin niya sa lahat

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 70

    “As Vice President, Ria Collins will play a pivotal role in shaping our strategy, expanding our reach, and nurturing the culture that has made Ashton not just a company, but a community. This is not just a leadership appointment—it is a signal of our readiness to embrace the future with confidence, resilience, and purpose. Everyone, please join me in welcoming Ria Collins to her new role. We are excited to move forward together under your leadership.” Ngumiti si Donya Rehina. "May I ask Miss Collins to please come up on the stage and join me?”Kabado man ay tumayo si Lia. Sumulyap siya sa nakangiting si Leon. Hinihikayat siya nito na agad na magpunta sa entablado. Pinisil ni Leon ang kamay ng asawa upang pagaanin ang nararamdaman ni Lia.“Pumunta ka na roon,” mahina ngunit nakangiting sambit ni Leon kay Lia. “Go ahead, wifey. You can do it. Fighting!”Sa bawat hakbang ni Lia ay palakas nang palakas ang tibok ng dibdib niya. Hindi niya maiwasang mapatingin sa gawi ng kaniyang asawa.

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 69

    “Alam kong si Ria ay may malalim na karanasan at pang-unawa sa industriya at siya ay may isang matapang na bisyon para sa hinaharap—isang bisyong ganap na tumutugma sa mga halaga at adhikain ng Ashton Group. Siya ang natatangi kong nahirang upang mamuno sa ating organisasyon sa susunod na yugto ng pag-unlad at pagbabagong-anyo,” pagpapatuloy ni Donya Rehina."What? Is lola insane? That Ria has zero experience when it comes to business. She is a former profiler not a businesswoman,” bulalas ni Patricia."I agree. Baka nga kahit mga simpleng jargon ng business world ay hindi niya maintindihan. Of all people, bakit si Ria pa? Nandito naman si Tita Guada. She's been in the industry for almost three decades. Mas deserving si tita kaysa sa babaeng ‘yon,” wika naman ni Kiana."Shut up, Kiana,” suway ni Guada. "You have no rights to question mama’s decision. Kung mayroon mang dapat kumwestiyon sa desisyon ni mama, kami lang ‘yon. This is a family matter and sad to say, you're still not part o

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 68

    Ang hininga ni Leon ay kumikiliti sa tainga ni Lia na nagbibigay ng milyon-milyong boltahe sa katawan niya. ‘Tama! I shouldn’t assume. Leon’s just showing me off,’ pagkukumbinsi niya sa kaniyang sarili. Sa loob-loob niya ay kamuntikan na siyang kiligin at maniwala sa mga sinasabi at kilos ng kaniyang asawa, pero dahil sa sinabi nito ay nawala ang kaunting saya na nararamdaman niya. Napalitan iyon ng hiya at pagkadismaya. Akala niya ay unti-unti na ring nahuhulog sa kaniya ang kaniyang contracted husband. Napansin ni Leon na lahat ng board of directors ay naroroon na rin sa hall. Matalim ang titig ng mga ito sa asawa niya. Mukhang alam na ng lahat na si Lia ang bagong iluluklok na Vice President at i-aappoint pa lamang ngayon ni Donya Rehina. Biglang lumabas si Donya Rehina ng hall. May kakausapin lang siyang saglit kaya hinihintay ng lahat ang pagpasok nito sa hall. Puno ng tensyon sa loob ng hall. Pansin na pansin ni Lia ang matatalim na titig sa kaniya ngunit binalewala niya lang

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 67

    “Welcome, Mr. and Mrs. Ashton. Please follow me."“Thank you," nakangiting wika ni Lia. Ipupulupot pa lamang niya sana ang kaniyang kamay sa braso ni Leon nang bigla siya nitong hinapit sa bewang. Wala na siyang choice kung hindi ang kumapit din sa bewang nito. “This is too much," bulong niya kay Leon.“We have to do this. A lot of people are watching," bulong naman ni Leon kay Lia.Ngumiti nang peke si Lia at kumaway sa press. Gano'n din ang ginawa ni Leon. Nang makarating sila sa kanilang seat ay bigla na lamang may kumubabang kay Leon.“Tama!"Agad na nilingon ni Leon ang nagsalita. Sigurado siyang isa ito sa magkakapatid na Gray. “Jett! Anong ginagawa mo rito?" “Nakakatampo naman ang tanong mo. Ayaw mo bang naririto ako?" Nag pout si Jett at saka sumimangot.Napatawa si Leon. “Hindi naman sa gano'n. Nagulat lang ako at naririto k—”"Tama!”"Hakob? Naririto ka rin?” Mas lalong lumapad ang ngiti ni Leon."Hi!” Si Jackson."Ano bang mayroon at naririto kayong tatlo? Si Ria naman ang

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status