Celine never thought her life would change overnight. Isang simpleng saleslady na kumakayod araw-araw para mabuhay, hanggang sa isang gabing malasing siya at magising na may iniwang marka, at isang misteryosong numero. Akala niya, tulad ng iba, lilipas lang iyon… pero hindi pala. When she finds herself pregnant and cornered by her own family, destiny pushes her to dial that number. Sa hindi inaasahang pagkakataon, bumalik sa kanyang buhay si Adrian Castillo, isang lalaking mayaman, makisig, ngunit malamig at misteryoso. Sa harap ng mayor mismo, napilitan silang magpakasal. Will their unexpected marriage bloom into love, or will it remain just a shadow of an arrangement?
View MoreKinabukasan ng umaga, habang abala si Celine sa pag-aayos ng kanyang mga damit, isang malakas na busina mula sa labas ang gumulat sa kanya. Napaigtad siya at agad na sumilip sa bintana.Laking kaba at gulat niya nang makita kung sino ang nakatayo sa tabi ng isang mamahaling itim na kotse, si Adrian.Agad niyang binilisan ang pag-iimpake, halos nagmamadaling isiksik ang natitirang gamit sa kanyang lumang maleta. Hindi naman ganoon karami ang gamit ni Celine, kaya’t ilang hakbang lang ay handa na siyang lumabas.Paglabas niya ng bahay, natanaw niya agad si Adrian na nakatayo sa tabi ng sasakyan. Malamig ang ekspresyon nito ngunit halatang naghintay talaga siya. Walang sinabi, kinuha lang nito ang bag mula sa kamay ni Celine at isinilid sa likuran ng kotse.“Sumakay ka na,” maikli ngunit diretso nitong sabi.Sa loob ng sasakyan naging tahimik ang lahat. Tanging tunog ng makina at mahinang tugtog sa radyo ang bumabalot sa paligid. Pasulyap-sulyap si Celine kay Adrian, ngunit hindi niya ma
“Hey, hanapan mo ako ng apartment. Yung may dalawang kwarto, sala, kusina, at dalawang CR. Siguraduhin mong komportable at maayos tumira. Gusto ko rin na bawat sulok may dekorasyon, at lahat ng appliances kumpleto. Gawin mo agad.”Seryosong utos ni Adrian sa kanyang assistant, sabay abot ng itim na credit card mula sa wallet niya.“Kung kulang, sabihin mo agad sa akin.”Tumango lang ang assistant, walang imik na umalis, habang muling bumalik si Adrian sa trabaho.---Samantala, habang si Adrian ay abala sa opisina, si Celine naman ay mahigit limang oras nang nakatayo sa mall. Hawak ang mga hanger, abala sa pag-aayos ng mga damit at pagtulong sa sunod-sunod na customer. Pagod man, kailangan niyang kumapit. Mayroon lang siyang tatlumpung minutong pahinga—isang oras na siksikan para sa kain at konting hinga.“Anong ulam mo, Celine?” tanong ng katrabaho niyang si Ava, na siya ring kasama noong nag-bar sila.“Yung niluto ko kanina—pinakbet at kanin.” Sagot niya, sabay bukas ng baon.“Wow,
“Kung gano’n… may isa pa akong pruweba. Pero hindi ko pwedeng sabihin dito. Kailangan natin ng pribadong lugar.” Nahihiyang bulong ni Celine habang palinga-linga sa paligid. Tumingin sa Kanan, sabay tingin sa kaliwa. Nag tataka naman tong si Adrian kung bakit may pag tingin sa paligid.“Okay, sa kotse ko na lang. Doon mo sabihin kung ano man ’yang pruweba mo.”Hindi na nag-aksaya ng oras si Adrian at mabilis silang naglakad papunta sa kanyang sasakyan.Nagulat si Celine nang makita ang kotseng tinutukoy, isang mamahaling Tesla. Sa Pilipinas, iilan lang ang meron nito. Hindi niya mapigilang mamangha habang sinusuri ito sa likod papunta sa harap, makikita mo talaga sa kanyang mga mata dahil hindi pa ito nakakasakay sa ganitong klaseng sasakyan.Pagpasok nila sa loob, umupo si Adrian sa driver’s seat at tumingin kay Celine, na tila bang naghihintay ng paliwanag.“Meron akong hickey dito… banda sa dibdib. Hindi ko matanggal-tanggal.” Mahinang sabi ni Celine habang dahan-dahang ibinunyag a
"Ano ba ang pinagsasabi mo, puro kahibangan!" mariing sambit ni Amelia habang palapit nang palapit kay Celine."Totoo nga," mariin na ulit ni Celine, pinipilit panindigan ang kanyang sinabi."Huh? Paano nangyari? Kalapastanganan ito! Hindi ko akalaing pinalaki ko ang isang babaeng walang hiya!" halos pasigaw na wika ni Amelia, kitang-kita ito sa mga ugat ng kanyang leeg, na para bang handa nang saktan si Celine sa galit.Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi na rin nakapagpigil si Celine. Sawang-sawa na siyang makarinig ng masasakit na salita mula sa sariling ina. Alam niyang hindi na siya makakaasa ng anumang kabutihang loob mula rito.Umakyat siya sa kwarto, diretsong isinara at nilock ang pinto. Kinuha niya ang kanyang mga maleta at sinimulang mag-impake.Patuloy ang malakas na pagkatok ni Amelia, halos mabasag ang pinto sa lakas ng kanyang galit."Ma, ako na bahala kumausap kay Celine. Bumaba ka muna," mahinahong pigil ni Marko, pilit na inaawat ang kanilang ina.Huminga nang malalim
Madaming beses nang sinubukan ni Celine ang mga pregnancy test na kanyang binili, ngunit iisa lamang ang lumalabas na resulta.Kinabahan siya kaya’t napagdesisyunan niyang pumunta sa ospital upang magpakonsulta."You're pregnant, it's Positive." Malinaw at diretsong sinabi ng doktor habang nanginginig ang kanyang mga kamay. Nakaupo pa rin si Celine sa kama nang iabot nito ang maliit na sobre na naglalaman ng resulta.Marami nang kababaihan sa kanilang edad ang nakaharap ng doktor na iyon para magpa-test, at madalas ay hindi rin nila nais ang mga ganitong klaseng resulta. Kaya’t hindi na nakapagtataka na hindi maipinta ang reaksyon ni Celine sa kanyang narinig."First time mo ba ito? Kung hindi, kailan ang huli?" tanong ng doktor, habang tulala pa rin si Celine."Yes, ito ang first time ko." halos maiyak na sagot niya, habang nagbabadyang tumulo ang kanyang mga luha."Ipapaalala ko sa’yo, ang paulit-ulit na aborsyon sa maikling panahon ay maaaring magdulot ng habambuhay na pagkabaog,"
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments