Farah’s POV“Tapos ka na bang suriin ang kabuuan ko?” may pilyo ang ngiting tanong niya. Agad nag-init ang mga pisngi ko at tila napahiyang nag-iwas ng tingin. Tumikhim ako at tila bumalik sa reyalidad nang impit na tumili si Leah. Nakalimutan ko na ngang kasama ko pala siya ngayon.“Naku, Terrence! Natatandaan mo pa ba kami?” kinikilig na tanong nito. Lumipat siya sa harapan ko kaya sila na ngayon ang magkaharap. Eksenadora talagang babae ito. Ninanamnam ko pa lang ang moment, sumingit na agad!“Of course! I will never forget you. Lalo na si Farah,” sagot nito, saka tumingin sa akin. Nahihiyang nginitian ko siya at bahagyang hinawi ang buhok ko para itago sa likod ng tainga ko. “I will never forget you” daw! Unforgettable lang? Kinilig naman ang bumbunan ko.“Ay! Akala talaga namin hindi ka namin makikita kasi ang daming tao! Tapos kami rin pala ang susuwertehin dahil dito ka dadaan!” kinikilig pa ring sambit ni Leah. Ayaw niyang lakasan ang boses dahil baka marinig ng mga nagkakagulo
“Iyan si Darwin. Iyong katabi niya ay iyong Mommy niya,” bulong ulit sa akin ni Terrence. Nagpalakpakan ang lahat nang ipakilala na ang may-ari ng resto. Pagkatapos ay inumpisahan na ang seremonya. Pagkatapos noon ay isa pang masigabong palakpakan at mga pagbati ang umalingawngaw sa kabuuan ng paligid. Nagsimula na ring pumasok ang mga customer. Bawat isa sa kanila ay nakikipagkamay at bumabati kay Darwin. Malapit na kami sa pila kaya umayos na kami ng pagkakatayo at lumakad papunta sa entrance. “Terrence, pare! Akala ko hindi mo na ako sisiputin!” nagagalakang bati ni Darwin kay Terrence. Malapad ang ngiting tinanggap naman ni Terrence ang kamay niya. Tinapik pa siya nito sa balikat. “I wouldn’t miss this for the world! By the way, congratulations, buddy!” tugon niya kay Darwin. Lalong lumapad ang pagkakangiti nito saka lumingon sa amin ni Leah. Awtomatikong napangiti ako at nag-congratulate sa kaniya. Ganoon din ang ginawa ni Leah. “You have company! Care to introduce me to these
Abot-abot ang kaba ko at hindi ko mapigil ang panginginig ng mga kalamnan ko. Paano kung igaya ako ni Lance sa babaeng pinatay niya noon? Paano kung sa sobrang galit niya sa akin ay mapatay niya rin ako? Paano na ang pamilya ko? Gustuhin ko mang umiyak ay hindi ko magawa dahil siguradong magtataka itong dalawang kasama ko. Base sa panaka-naka nilang pagtingin-tingin sa akin ay alam kong nag-aalala sila.“Farah, ayos ka lang ba? Nanginginig ka kanina pa. May nangyari ba sa bahay ninyo? Ano’ng problema?” nag-aalalang tanong ni Leah. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at marahang pinisil. Napalingon ako sa kaniya. Nakatitig siya sa mga mata ko. Ramdam ko rin ang titig ni Terrence sa amin mula sa rearview mirror. Umiling ako at nag-iwas ng tingin. Binawi ko rin ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak ni Leah.“A-ayos lang ako. Huwag kang mag-alala sasabihin ko rin sa iyo kaya lang huwag muna ngayon,” pabulong ang naging sagot ko dahil ayaw kong marinig iyon ni Terrence. Ayokong pati siya a
Lance’s POVMagliliwanag na nang umalis ako sa tabi ni Farah. Kinalas ko ang kadenang pumipigil sa mga kamay niya. Tulog na tulog ito at malalim ang mga paghinga. Patagilid siyang nakahiga at bakas pa rin ang mga natuyong luha sa mga mata niya at pisngi. My heart was suddenly attacked by extreme guilt. I was so enraged last night. I was already pissed when she left me without saying goodbye.Pero lalong tumindi ang galit ko nang hindi ko siya maabutan dito at hindi ko matawagan ang cellphone niya. Hindi ko alam kung ilang beses ko siyang tinawagan at pinadalhan ng messages. Pero walang kahit ni isa mang reply. Tinawagan ko ang tauhan kong lihim na nagbabantay sa kaniya sa university at gano’n na lamang ang pagpupuyos ko sa galit nang sabihin niyang umalis ito kasama ang kaibigan at isang lalaki. Maging sa tauhan ko ay galit na galit ako dahil hindi niya kaagad sinabi sa akin ang lahat.Ipinabugbog ko siya at pinalitan ng iba. Tinanggal ko rin siya sa trabaho kahit matindi ang pagmamaka
“Napakademonyo mo! Idadamay mo kahit ang mga inosenteng tao? Ganiyan ka na ba kasama? May ginawa ba akong kasalanan sa iyo para pahirapan mo ako nang ganito? Napakawalanghiya mo!” hindi ko na napigil ang sarili at biglang tumayo. Pinagsusuntok ko ang dibdib niya. Nanghihina pa ako pero wala akong pakialam. Gusto ko siyang saktan dahil sa pananakit at pananakot niya sa akin. Hindi rin nagtagal ang ginagawa ko dahil hinuli niya ang mga kamay ko.“Inuubos mo ba talaga ang pasensya ko, ha, Farah?” pagalit na bulyaw nito at walang ano-ano’y pinunit ang suot kong blouse. Nanlaki ang mga mata ko sa takot dahil alam ko na kung ano’ng balak niyang gawin. Uulitin niya ang ginawa niya kagabi. Lalong nangatog ang mga tuhod ko nang buhatin niya ako at ihagis sa sofa. Pagkatapos ay mabilis na naghubad sa harap ko. Mabilis akong umiling sa kaniya.“Lance, huwag please… parang awa mo na,” pagsusumamo ko habang patuloy na umiiling. Sunod-sunod rin ang pagbalong ng mga luha ko. Pati sipon ko ay nakikipa
Ang mga nakalinyang katulong ang bumungad sa amin sa pagbubukas ng pintuan. Bahagya silang nakayuko ngunit palihim akong tinitingnan.“Makinig kayong lahat. Simula ngayon ay dito na titira si Farah. Pagsilbihan ninyo siyang mabuti kung ayaw ninyong mawalan ng trabaho!” iyon lang ang sinabi niya. Sabay-sabay na sumagot ang mga ito. Pagkatapos ay isa-isa niyang ipinakilala ang mga ito sa akin. Dalawa ang hardinero at dalawa rin ang driver. Bale lima naman ang katulong na may kaniya-kaniyang trabaho sa mansyon. Tango at ngiti lamang sa kanila ang tanging tugon ko.“Tessa, ihatid mo na ang ma’am Farah mo sa kuwarto niya. Kung may kailangan kayo naroon lamang ako sa opisina,” utos nito. Nang sumagot ng ‘opo’ iyong tinawag niyang Tessa ay tumalikod na ito at umalis. Hindi man lang ako tiningnan. Pake ko ba?“Ma’am. Halina po kayo at ipakikita ko po ang magiging kuwarto ninyo,” tawag-pansin nito sa akin dahil kaming dalawa na lang pala ang naiwan dito sa sala. Tumango ako at ngumiti sa kaniya
Kinabukasan ay maaga akong nagising at naligo. Alas-sais pa lang ng umaga ay nakabihis na ako. Napatitig ako sa pintuan ng kuwarto niya nang makalabas ako sa silid na tinutuluyan ko. Hindi ko alam kung kakatok ba ako o hindi para magpaalam. Ngunit sa huli ay napagpasiyahan kong kumatok.Nakakailang katok na ako ay wala namang sumasagot. Tulog pa? Inulit ko pa ng ilang beses ngunit wala pa rin. Kahit hindi ako sigurado ay sinubukan kong pihitin ang doorknob. Laking gulat ko nang bumukas iyon. Siguro ay hindi talaga siya nagla-lock ng pinto. Eh, siyempre bahay nga naman niya ito. Naisip ko.Dahan-dahan akong pumasok. Tinawag ko pa ang pangalan niya ngunit hindi ito sumasagot. Medyo nalukot ang ilong ko nang malanghap ang amoy ng alak sa kabuuan ng silid. At nang ganap na akong makapasok ay nakita ko si Lance sa sofa. Padapang nakahiga ito habang nasa lamesa ang mga basyo ng bote ng alak. Tatlong malalaking bote ang narooroon at ilang chips. Uminom mag-isa? Nilapitan ko siya at tiningnan
Buong biyahe ay hirap na hirap akong huminga dahil sa kaba. Sasaktan na naman ba niya ako? Tahimik lang din siya at madilim ang mukhang nakatitig sa daan. Kahit nga mismong ang windshield ay tinataliman niya ng tingin. Napalunok ako at ibinaling ang mukha sa labas.Narating namin ang bahay niya na halos hindi humupa ang pagdagundong ng dibdib ko at ang pangangatog ng mga tuhod ko. Para akong maiihi na ewan.Nang iparada niya ang sasakyan ay agad siyang bumaba at dumiretso na sa loob ng bahay. Ni hindi man lang ako nilingon o hinintay makababa. Unti-unti akong lumabas ng sasakyan at sumunod na rin sa kaniya. Binilisan ko ang paglakad dahil baka lalo pa itong magalit kung sakaling babagal-bagal ako.Nang marating namin ang pinto ng kuwarto ko ay hinila niya ako papasok sa kuwarto niya.“L-Lance… p-please d-don’t hurt m-me…” halos magmakaawa na ako dahil sa matinding takot. Pabalya niyang isinara at ni-lock ang pintuan saka ako isinandal sa pader. Tuloy-tuloy nang bumuhos ang mga luha ko