The Billionaire’s Abandoned Fiancée

The Billionaire’s Abandoned Fiancée

last updateLast Updated : 2026-04-29
By:  foxyviperUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
1views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa gabi ng engrandeng debut ng kumpanya ni Rafael Cain Santillan sa stock market, tila wala nang makakapigil sa kanyang tagumpay, hanggang sa biglang dumating ang kanyang asawa na si Pia, tangan ang isang sobre: divorce papers… at isang bantang kayang wasakin ang lahat ng kanyang pinaghirapan. Tatlong buwan bago nito, natuklasan ni Pia ang isang pagtataksil na mas malala pa sa simpleng pangangaliwa, lihim na bumuo si Rafael ng sariling pamilya kasama ang mismong adopted step-sister niya na si Wynona, at may anak pa silang itinago sa dilim. Halos mamatay sa isang aksidente at itinuring na walang halaga, tuluyang nagbago si Pia. Ang dating mapagmahal na asawa ay napalitan ng isang babaeng malamig, matalim, at handang gumanti. Habang unti-unting inaagaw nina Rafael at Wynona ang kanyang tahanan, karera, at maging ang tiwala ng sariling pamilya, tahimik na binabawi ni Pia ang kapangyarihang matagal niyang hinayaan na maagaw sa kanya. Gamit ang kanyang koneksyon, talino, at impluwensya sa mundo ng negosyo at agham, pinaplano niya ang perpektong pagbagsak, iaangat niya si Rafael sa rurok ng tagumpay… para doon mismo siya tuluyang wasakin sa harap ng buong mundo. Ngunit sa gitna ng kanyang paghihiganti, muling babalik ang isang lalaking minsan niyang iniwan, ang kanyang makapangyarihang dating kasintahan mula sa Switzerland, na magtatanong ng isang mapanakit na katotohanan: Si Rafael nga ba ang pinakamalaking pagkakamali ng kanyang buhay? Sa mundong pinaghaharian ng pera, kapangyarihan, at pagtataksil, hindi na si Pia ang babaeng inaapi, siya na ang bagyong dudurog sa lahat ng humamak sa kanya.

View More

Chapter 1

Kabanata 1

Sa gitna ng nakabibinging palakpakan sa loob ng main hall ng Philippine Stock Exchange, nananatiling tila estatwa ng yelo si Rafael Cain Santillan. Bagaman gabi ito ng kanyang tagumpay, ang opisyal na listing ng kanyang kumpanya, walang bakas ng init o saya sa kanyang mga mata. Hawak niya ang kristal na baso ng whisky, ang kanyang tindig ay puno ng awtoridad na nagpapakaba sa sinumang lumapit.

Ngunit ang tensyon sa silid ay nagbago nang bumukas ang malaking pinto.

Pumasok si Pia. Hindi siya ang dating mahinhin at sunud-sunurang asawa na laging nakatayo sa likod ni Rafael. Ngayon, suot niya ang isang pulang-pulang gown na tila apoy sa gitna ng mga taong nakasuot ng itim at abo. Dire-diretso siyang naglakad, bawat tunog ng kanyang takong ay umalingawngaw hanggang sa makarating siya sa harap ng kanyang asawa.

Hindi siya nagsalita. Sa halip, kinuha niya ang baso ng whisky mula sa kamay ni Rafael at dahan-dahang ibinuhos ang laman nito sa mamahaling sapatos ng lalaki. Isang puting sobre ang inilapag niya sa dibdib nito.

“Malaya ka na, Rafael. Pirmahan mo ’yan bago ko sunugin ang lahat ng pinaghirapan mo,” malamig niyang utos.

Tatlong buwan na ang nakalipas mula nang mabulgar ang katotohanang pilit ibinaon sa limot ng pamilya Santillan. Ang lihim ni Rafael ay hindi lamang tungkol sa pangangaliwa; ito ay tungkol sa isang pamilyang binuo niya sa dilim kasama ang step sister mismo ni Pia, si Wynona.

Nagsimula ang lahat nang magpanggap si Rafael na may biglaang operasyon sa Baguio para sa itinatayong hotel. Dahil sa pag-aalala, sumunod si Pia, bitbit ang paboritong luto para sa asawa. Ngunit hindi trabaho ang nadatnan niya sa isang tagong mansion sa tuktok ng bundok.

Mula sa bintana, nakita niya si Rafael, ang lalaking ni hindi siya magawang hawakan nang higit sa isang minuto na buong giliw na karga-karga ang isang batang babae. Si Yana. Nakita ni Pia ang bawat haplos ni Rafael sa buhok ng bata, ang pagbibigay nito ng mga hiyas na parang laruan lang, at ang isang tunay na pony na may lasong ginto. Ang bawat sulyap ni Rafael sa bata ay puno ng pagmamahal na kailanman ay hindi naramdaman ni Pia sa loob ng apat na taong pagsasama.

Nang ihatid ang bata sa loob, sumunod ang paningin ni Pia sa isang silid kung saan naghihintay si Wynona. Walang pasubali, sa harap ng malaking salamin ng kuwarto, sinunggaban ni Rafael si Wynona. Ang bawat galaw ni Rafael ay puno ng poot at pagnanasa, malayo sa malamig na pakikitungo niya kay Pia sa kanilang bahay.

“Rafe… Fuck, ang sarap mo…” ungol ni Wynona, habang ang kanyang mga kamay ay nakabaon sa balikat ni Rafael.

“Ikaw lang ang kaisa-isang babaeng hindi ko kailangang pagtiisan, Wyn,” angil ni Rafael, ang boses ay puno ng panggigigil habang pilit na ibinabaon ang sarili sa kapatid ng asawa. “Si Pia? She’s just a mere obligation. Isang dumi na kailangan kong tiisin para sa pangalan ng pamilya. I can’t even stand the smell of her skin.”

Humalakhak si Wynona, ang kanyang tawa ay tila tinik na bumaon sa puso ni Pia. “Pero kailangan mo siyang tiisin, ‘di ba? Para sa pera ng mga magulang niya. Buti na lang, sa huli, sa akin ka pa rin uuwi. Happy birthday sa anak natin, my love.”

“Dadalhin ko kayo sa abroad. Pababayaan ko siyang mabulok dito sa Pilipinas na walang kaalam-alam,” sagot ni Rafael bago muling idinikit ang kanyang labi sa leeg ni Wynona, lalong binilisan ang bawat pagbayo na tila walang bukas.

Ang tunog ng bawat paghampas ng kanilang mga katawan ay naging hudyat ng pagpanaw ng kaluluwa ni Pia. Umatras siya, nanginginig, at mabilis na sumakay sa kanyang sasakyan. 

Sa sobrang gulo ng isip, hindi niya napansin ang paparating na truck sa kurbada ng kalsada.

Nang magising si Pia sa ospital, ang unang narinig niya ay hindi panalangin, kundi ang bulungan sa labas ng kanyang silid.

“Rafael, kailangang siguraduhin mong hindi niya malalaman ang tungkol kay Yana,” mariing sabi ng kanyang biyenan. “Ang yaman ni Pia ang nagpapatakbo sa kumpanya natin!”

“Huwag kang mag-alala, Ma,” malamig na sagot ni Rafael. “Pia is too stupid to figure it out. Nadidiri akong makita siya, pero hangga’t kailangan ko ang pirma niya sa mga dokumento, mananatili siyang asawa ko. But the moment I get what I want, I’ll throw her out like the trash she is.”

Doon, sa loob ng puting silid na amoy gamot, natapos ang pag-iyak ni Pia. Sa bawat salita ni Rafael, ang kanyang pag-ibig ay napalitan ng isang itim na galit.

Tinawagan niya ang kanyang matalik na kaibigang si Faye. “Ihanda mo ang lahat. Hindi lang divorce ang kukunin ko. Gusto ko silang makitang gumagapang sa putik.”

Bumalik ang kanyang diwa sa kasalukuyang gabi sa PSE. Tinitigan niya ang malamig na mukha ni Rafael, ang lalaking itinuring niyang mundo pero itinuring siyang basura.

“Pirmahan mo, Rafael,” ulit ni Pia, ang kanyang boses ay hindi na nanginginig. “O baka gusto mong i-broadcast ko sa mga screen na ’yan ang video ng ‘business trip’ mo sa Baguio kasama ang kapatid ko?”

Sa unang pagkakataon, nakita ni Pia ang pagguho ng yelo sa mga mata ni Rafael. At doon niya nalaman, nagsisimula pa lang ang laro.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status