INICIAR SESIÓNScarlet's PoVILANG beses akong napabuga ng hangin dahil kanina pa ako nauuhaw. Gusto kong lumabas ng kuwarto ko pero naiisip ko si Archer baka naroon pa ito sa kusina o kaya nasa may receiveng area o kaya naman nasa labas pa ng bahay.Napatingin ako sa aking cellphone, alas onse na ng gabi. Marahan kong binuksan ang p*nto ng aking kuwarto upang hindi ako makagawa ng ingay.Nagtungo ako sa may kusina at kumuha ng baso sa cabinet. Sinalinan ko iyon ng malamig na tubig at saka uminom. Tahimik lang ako sa kusina at pinakiramdaman ang aking paligid.Pabalik na ako sa kuwarto ko na dala ang baso na may laman pang tubig nang marinig ko na may umuungøl sa kuwarto ni Archer. Naisip ko na baka nanaginip ito ng masama kaya dali-dali akong nagtungo roon. Maingat kong hinawakan ang seradura at binuksan nang maingat ang p*nto. Ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko si Archer na hawak ang mahaba at matabang sandata nito. Nangingislap pa ang dulo no’n habang mabilis nitong nilalaro iyon paitaa
Scarlet's PoVMABILIS akong tumayo at tumakbo patungo sa may guestroom. Ini-lock ko rin ang pinto at saka napasabunot sa aking buhok.Kung p'wede nga lang akong maging bula ginawa ko na. Kung may magic sana ngayon ay umalis na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Nakita na niya ang mga bundok ko! Hayst!Ano ang mukhang ihaharap ko sa kanya? Tinapik-tapik ko ang aking magkabilang pisngi. “Scarlet… girl!” Paulit-ulit ko iyong sinabi hanggang sa muli kong marinig ang boses ni Archer.“Scarlet! Hindi pa ba umuuwi si Anya?”Mabilis akong nagbihis. Hindi ako lumabas pagkatapos kong magbihis. Sinilip ko lang siya na nasa tapat pa rin ng guestroom at mukhang hinihintay niya akong lumabas.“Scarlet, kalimutan mo na iyong nangyari kanina. Aksidente lang iyon at hindi naman ako interesado sa nakita ko. Sa susunod kasi bago ka lumabas ng kuwarto mo siguraduhin mong may damit ka na.”Sa sinabi nito lalo lang akong napahiya. Sinabihan pa naman akong hindi ito interesado sa nakita? Hay! Nakakahiya!
Scarlet's PoVHINDI ko namalayan ang pagdating ni Anya. Nakatulala lang kasi ako habang nakatayo sa may balcony.“Bestie! Okay ka lang ba? Kanina pa kita nakita na nakatayo rito sa may balcony. Tinanong ko ang mga security guards kung may problema ka ba o may ginawa sa iyo si Daddy kaso hindi daw nila alam.”“Ha? Ba-Bakit mo pa gustong itanong? I-Ibig kong sabihin wa-wala namang ginagawang masama sa akin ang daddy mo.” Iniwasan ko ang mga mapanuring mata ni Anya. Kinuha ko mula sa kanya ang maleta na hawak nito. Nagtungo kami sa may couch at inilagay ko ang mga iyon sa tabi ng couch.“So, bakit ka nga nakatulala at mukhang malayo ang iniisip mo?”“Wa-Wala… a-ano kasi… wala akong extrang damit. Hindi ko nakuha iyong bag ko sa bahay. Dumiretso kasi kami dito ng Daddy mo. Inihatid lang niya ko dahil may urgent meetings pa siya kasama ni Miss Marissa.”“Si Tita Marissa.” Nawala ang ngiti sa mga labi ni Anya pagkabanggit sa pinsan ng mommy nito.“Close sila ng daddy mo.”“Yup, bestie. As
Scarlet's PoVWALA akong imik habang nasa loob kami ng sasakyan ni Archer. Pakiramdam ko may malaking pader sa pagitan naming dalawa.Naiinis ako sa kanya.Ngunit ano ba ang karapatan ko para mainis?Hindi ba dapat matuwa ako dahil nagkakagusto na siya sa iba? Hindi ba dapat iniiwasan ko siya?Napatingin na lang ako sa bintana ng sasakyan ni Archer. Ibinaba ko iyon at saka ako huminga nang malalim.Hindi naman siya nagreklamo nang ibaba ko ang bintana ng sasakyan kahit na bukas ang aircon.Tumikhim si Archer sa tabi ko. Hindi ko siya nilingon.“Buo pa rin ang sahod na matatanggap mo sa pagtratrabaho sa kompanya ko. Itra-transfer ko iyon sa bank account mo,” seryosong sabi nito sa akin.“Salamat, sir.” Napipilitang sabi ko sa kanya. Ayoko namang isipin niya na iniiwasan ko siya.“May two weeks kayo ni Anya para mag-stay sa vacation house. Alam mo naman siguro na hanggang ngayon grounded pa rin siya. Magiging busy ako sa business meetings ko kaya hindi ko siya mababantayan. Makakaasa na
Scarlet's PoV“Sir?” Inaantok na tanong ko rito. Bigla itong tumigil sa pagbaba ng mukha at naramdaman ko na linayuan niya ako.“Ano ba ang iniisip mo? Hindi ko sinabing matulog ka dito. Sumabay ka na sa akin.”Nagmadali naman akong tumayo. Napatingin ako ng oras sa cellphone ko. Ala una pa lang naman. Ilang oras ba akong nakatulog? Two hours?Nasapo ko ang noo ko at napailing.Napuyat ako kagabi dahil kung ano-ano na lang ang nasa isip ko.Masiyado kasi akong selos@.Muli kong sinapo ang noo ko at tinapik pa ang pisngi ko. Hindi ko napansin na nakahinto sk Archer sa harapan ko kaya muling tumama ang kamay ko sa kanyang matigas na likod.Muling tumikhim ito at dahan-dahan na hinarap ako.“Scarlet, in love ka na ba ulit?”Mabilis akong napatingin sa kanya. Tiningala ko siya iyon nga lang nakayuko siya sa harapan ko kaya naman sa ginawa ko muling nagdampi ang aming mga labi.Mabilis akong umatras pero nahawakan niya ang bewang ko na kaagad din Naman niyang binitawan.“Kung palagi mo iya
Scarlet's PoVSUMUNOD ako kay Archer patungo sa office niya. Wala akong ideya kung bakit siya galit. O kung totoo na bad mood siya tapos sa akin niya ibubunton.Humaba ang nguso ko habang nakasunod ako sa kanya.Hindi ko napansin na bigla siyang huminto.“Aray ko naman!” pagrereklamo ko dahil nauntog ako sa matigas na likod niya. Grabe ang katawan nito parang bato.Nagpatuloy si Archer sa paglalakad. Wala ba siyang pakialam sa akin? Hindi na ba kami close?Naiinis na sinundan ko siya sa loob ng opisina niya. Nagtungo siya sa kanyang mini refrigerator at inabutan pa ako ng malamig na tubig.“Oh, pampakalma.”Naiinis na tinanggap ko iyon. “Sir, kung may problema po kayo dito sa office huwag ninyong ipasa sa akin. Kung naiinis kayo dahil sa ka-date ninyo huwag po ninyong dalhin dito sa trabaho.”Nagsalubong ang kilay nito. “Ano?!” bulyaw pa niya sa akin na halos ikabingi ko.May regl@ ba ngayon si Archer?“Easy!” Iniabot ko sa kanya ang malamig na tubig na ibinigay niya sa akin. “Malamig







