Maid To Billionaire's Wife

Maid To Billionaire's Wife

last updateLast Updated : 2026-11-16
By:  MissyykookeyUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
11Chapters
8views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Si Kyla Jade Herrera ay anak ng dating nanny ng kapatid ni Ezione Kiel Varzerossi, ang bilyonaryong CEO ng Varzerossi Empire. Kilala ang pamilya Varzerossi bilang pinaka-mayamang pamilya sa buong Asya. Simula ng mamatay ang nanay ni Kyla ay pamilya na ni Ezione ang nagpapaaral sa kan'ya, bilang ganti ay nasa mansyon siya ng mga Varzerossi para magsilbi kapag walang pasok. Nang magkasakit ang lolo ni Ezione ay may isang hiling ito sa apo, ang makitang ikasal ang apo bago siya mamatay. Isang malamig, istrikto, at matagumpay na billionaire CEO si Ezione at kilala bilang isang lalaking walang oras sa pag-ibig. Nakatuon ang atensyon niya sa negosyo at trabaho, kaya naman sa edad n'yang dalawampu't-taong gulang ay hindi pa rin ito nagpapakasal. Walang nagawa si Ezione sa hiling ng lolo kaya pumayag na lamang siya. Nang minsa'y nakita siya ni Kyla sa hardin habang umiinom, doon na pumasok sa isipan n'yang alukin ang dalaga kapalit ng pag-aaral at malaking halaga ng pera. Ano nga ba ang mangyayari kapag ang anak ng dating katulong ay maging asawa ng kilalang bilyonaryo sa Asya. Magkakaroon ba ng pag-ibig sa dalawang taong magkaiba ang paniniwala sa kasal at pamilya.

View More

Chapter 1

Prologue

Sunod-sunod ang murang pinakawalan ni Ezione habang hinihintay na lumabas ang doktor na nag c-check sa lolo niya.

"Anong nangyari, Ezione? Anong nangyari kay Dad?"

Magkakasunod na tanong ng tita niya. Dumating ito kasama ang mga pinsan at mga kapatid ng dad niya.

"I don't know, we just had a small argument. Pagtalikod ko bigla nalang s'yang nanghina."

Napahilot na lamang sa noo ang tita niya at masama ang tingin na ipinukol sa kanya.

"His heart is weak. Mahina na ang puso ni Dad at hindi na pwedeng operahan dahil sa edad. Sana manlang inisip mo 'yan bago ka makipagtalo sa kanya."

"I already said I didn't know. Isinali niya si Grace sa usapan, that's why I got triggered."

Naiinis na sagot niya sa tita na halatang sinisisi siya sa nangyari.

"Syempre hindi mo alam. Sarili at kompanya lang naman ang laging iniisip mo."

"Enough! Hindi ito ang tamang oras ng pagtatalo."

Saway ng isa pa n'yang tito.

Saktong lumabas naman ang doktor galing sa silid kung saan naka-confine ang lolo kaya natahimik silang lahat.

"He's stable now. Please, iwasan n'yong sumama ang loob ng pasyente. Mahina ang kanyang puso, mas lalo lang lalala ang kalagayan niya kapag may naramdamang matinding stress."

Pagkatapos magsalita ng doktor ay agad silang pumasok sa loob ng kwarto.

Nadatnan niya ang kanyang lolo na nakahiga sa hospital bed habang may aparatus na nakakabit sa katawan. Ngumiti naman ito nang makita si Ezione na pumasok.

"Ezione, apo."

Lumapit naman siya sa tabi ng kama nito at umupo.

"I'm sorry, Lo. I didn't know."

Ngumiti naman ang lolo niya at hinaplos ang braso ni Ezione na nakahawak sa headboard ng kama.

"It's fine, apo. Hindi mo kasalanan, sadyang humina na ang lolo mo. Hindi na kayang maghanap ng chicks."

Napailing na lamang siya sa naging pahayag nito. Talagang nakuha pa nitong magbiro sa gitna ng kalagayan.

"Pero apo, 'yung hiling ko. Pwede bang tuparin mo? Gusto ko munang masilayan ang kasal ng paborito kong apo. Hayaan mo na si Grace, marami pang iba d'yan."

Ito na naman, Grace again.

"Lo, maayos na ako. Pwede bang huwag na natin s'yang pag-usapan. It's been 6 years, nasa negosyo na ang atensyon ko."

"Ang paboritong apo na wala nang ginawa kundi pasamain ang loob ni lolo."

May halong sarkasmo na sagot ng isa sa mga pinsan niya na nagpatigil sa kanilang pag-uusap. Ngumisi naman nang palihim si Ezione bago tumayo at pinantayan ng tingin ang pinsan.

"Mad? No, scratch that, are you jealous?"

Nanunuyang tanong ni Ezione sa pinsan.

"Jealous? Saan? Sayo? Kal*okohan."

"Come on, Josh. Alam naman nating masama pa rin ang loob mo dahil sa akin ipinangalan ni lolo ang ari-arian niya sa Visayas. O baka naman hanggang ngayon ay hindi mo pa rin tanggap na ako ang pinili ng babaeng nagugustuhan mo—"

Hindi na natapos ni Ezione ang sasabihin nang sinugod siya ng pinsan at hinawakan sa magkabilang kwelyo.

"Anong sabi mo?"

"Don't you dare put your dirty hands on me."

Galit na tinanggal ni Ezione ang pagkakahawak ng pinsan niya sa kwelyo niya at sinamaan ng tingin ang pinsan. Bahagya naman itong napaatras sa kinatatayuan.

"Tama na 'yan! Ano ba? Kakasabi pa lang ng doktor ni lolo na bawal siyang ma-stress, nakuha niyo pang mag-away sa harap niya."

"Paano nalang kaya kapag nawala na ako, baka magp*tayan na kayong lahat. Hindi niyo na 'ko nirespeto."

Napapailing at dismayadong pahayag ng lolo ni Ezione.

"Ito kasing paborito n'yong apo. Akala mo lahat ng tao luluhod sa kanya."

Kinuyom na lamang ni Ezione ang kamao niya at piniling manahimik.

Kung wala lang ang lolo niya ay siguradong papatulan niya ang gustong mangyari ng pinsan.

"Lo, I'm going. Babalik ako sa kompanya."

"Hindi ba pwedeng ipagpaliban mo muna 'yan, Ezione? Nasa hospital si Dad."

"I have so many things to do. Marami akong papeles na naiwan sa kompanya, pati ang meeting na dapat ay kanina pa tapos."

Nauubusang pasensyang sagot niya sa tita.

Gusto n'yang makasama ang lolo pero kung nandito ang mga ito, tiyak na iinit lamang ang ulo niya.

Simula nang mamatay ang dad niya ay naging mainit ang dugo ng mga ito sa kanya. Of course, sa kanya lang naman ipinamana ang lahat. Wala itong ibinilin sa mga kapatid.

"Sige na, apo. Bumalik ka na roon, hayaan mo na ako dito."

Pagpapakonsensya ng lolo.

Tumahimik siya ng ilang minuto para mag-isip. Buo na ang desisyon niya, gagawin niya ang hinihiling nito.

Ayaw n'yang siya ang maging dahilan ng stress ng kanyang lolo. Ito nalang ang natitirang kakampi niya, baka habang buhay n'yang pagsisihan kapag may nangari rito.

"Fine"

"Fine, what?"

Huminga siya nang malalim, bago sumagot.

"I'll get married as soon as possible. I will find a wife."

Ang pagkagulat sa mukha ng lolo ay napalitan nang malapad na ngiti.

"At sinong papakasalan mo?"

Hindi niya pinansin ang tanong ng pinsan at tuluyan nang lumabas ng p***o. Wala s'yang oras para patulan ang pinsan.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
11 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status