LOGINScarlet’s PoV“HUWAG ka na ngang umiyak diyan!" Okay na ako bestie. Thankful ako sa daddy mo dahil nakita ako ng mga tauhan niya.” Bumitaw sa pagkakayakap sa akin si Anya habang umiiyak.“Kapag may nangyaring masama sa iyo baka hindi ko na buhayin pa si Tommy! Nakakainis siya! He’s devil! Akala ko pa naman mabait siya iyon pala nasa loob ang kulo!” Gigil na gigil na sabi pa ni Anya.“Akala ko nga rin mabait siya. Kalimutan na lang natin ang nangyari. Tama ang daddy mo, bestie. Huwag tayong basta-basta nagtitiwala sa iba. Lesson na ito sa ating dalawa. Paano nga pala ang trabaho ko sa coffee shop kung isasama mo ako sa vacation house ninyo? Wala akong gagawin doon? Hindi ako p’wedeng magbuhay prinsesa na kagaya mo. May mga bills akong binabayaran at saka malapit na ang OJT natin baka mamaya wala akong maipambayad, no. Ang mabuti pa, samahan mo na lang ang daddy mo para naman magkaroon kayo ng bonding together.”Pinahid ni Anya ang luha sa mga mata nito. “Magkano ba ang kailangan mo? F
Archer‘s PoVBUHAT-BUHAT ko si Scarlet at ipinasok ko siya sa isang VIP Room. Inihiga ko siya sa malambot na kama. Tinitigan ko ang mukha ni Scarlet at natukso ako na hawakan ang pisngi nito.“Boss, ako ang gagawin namin kay Tommy Valentino?” seryosong tanong ng isang tauhan ko.“Bigyan ninyo siya ng choice. Ang lumayo para mabuhay o ang kamatay@n niya kapag nagpakita pa siya ulit sa anak ko at kay Scarlet!” matigas na sabi ko habang nakakuyom ang aking isang kamay.“Areglado, boss.” Lumabas na ang mga ito sa loob ng kuwarto. Naiwan kami ni Scarlet sa loob. Nanatili akong nakatingin dito at hindi ko maiwasan na mainis.Mabuti na lang at nakita ng mga tauhan k ang ginawa ni Tommy dahil kung hindi baka tuluyan na itong napahamak.Mayamaya pa nagising na rin si Scarlet. Nagulat pa siya nang makita ako.“A-Anong ginawa mo sa akin?” mabilis na tanong nito at saka kaagad na bumangon sa kama. Tinakpan pa nito ng unan ang sarili.“Hindi ka ba magpapasalamat dahil iniligtas na naman kita, Scar
Scarlet’s PoVNANDITO ako ngayon sa may lobby ng isang luxurious hotel kung saan idaraos ang birthday ni Anya. Hindi ako mapakali habang nakatingin ako sa mga tao na nasa paligid ko. Nakakaramdam ako ng kaba at nerbyos dahil ito ang unang araw na a-attend ako ng isang bonggang birthday party.Nagtungo ako sa seventh floor ng hotel kung saan ang venue ng birthday party ni Anya. Pagpasok ko pa lang sa sliding glass door nakita ko na ang aking kaibigan na nakaupo sa malaking silya na napapalibutan ng magagandang bulaklak. Ang set up ng birthday party floral designs at color white and pink lang ang design. Pakiramdam ko nga ngayon nakapasok ako sa birthday party ng isang prinsesa.Imbes na lapitan ko si Anya ay minabuti ko na lang na tumayo sa may sulok. Maraming bisita ang mga kaibigan ko, mga sikat na celebrities at kilalang mga politicians.Mayamaya pa nagdesisyon na lang ako na lumabas ng venue. Nagtungo ako sa may hallway at nagpunta sa may balcony. Natatanaw ko ang buong El Salvado
Archer's PoVBAGO ang araw ng birthday party ni Anya, dumating sa bahay ko si Eliza. Katulad ng dati, punong-puno na naman ito ng kaartehan sa katawan. May suot na mamahaling diamond necklace, mga bracelets at earings. Bitbit pa nito ang Himalayan limited bag collection nito na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso. Nakasuot ng designers clothes na nanggaling pa sa Paris at high heels na nasa dalawang pulgada ang taas.Nakipagbeso sa akin si Eliza. “Hindi ka pa rin nagbabago, Archer. Seryoso ka pa rin, at mainitin ang ulo. Tatanda kang malungkot at mam@matay na malungkot dahil sa ugali mong iyan.” Umupo si Eliza sa couch at tinawag ang mga katulong ko sa bahay para pagsilbihan ito.Inayos ko ang black suit ko at umupo sa couch na kaharap ito. Sumandal ako sa couch, nag-cross legs at tumingin sa smart watch ko.“Wala pa rito si Anya, ang sabi niya sa akin sa condo muna siya magi-stay ng ilang araw kasama ang matalik niyang kaibigan,” malamig na sabi ko sa kanya.“Kaibigan? Isang babae
Archer‘s PoVABALA ako sa pagpirma ng business proposals para sa mga suppliers ng Fierro Distilled Water at Energy Drinks nang tumunog ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong black suit.Kahit na busy ako ay sinagot ko pa rin ang tawag na iyon. Iniipit ko iyon sa pagitan ng aking tenga at balikat.“Yes, hello?” mahinang usal ko habang hinihintay na sumagot ito.“Daddy!” boses ng aking anak na si Anya. Malakas ang pagkakatawag niya sa akin ng daddy na halos mabingi ako. Binitawan ko ang hawak kong ballpen at isinandal ang likod sa leather chair ko. Sa tono ng boses ng anak ko mukhang may problema na naman ito. Napahawak ako sa aking sintido at hinintay ang iba pang sasabihin nito sa akin.“Dad, hindi na muna ako uuwi sa bahay this week. Kailangan kasi ako ng best friend ko, muntik na siyang mam@tay. And I can’t loose her. I love her so much, dad. So, I decided na mag-stay na lang muna dito sa condo ko para makita ko siya at baka magpak@matay pa siya ulit. Masiyado pa siyang bata at Mara
Scarlet's PoV"KAILAN MO PA ako niloloko, Vic?!" nanginginig sa galit na tanong ko sa aking boyfriend.Kumalas ang babaeng kahalikan nito at yumakap pa sa bewang ng boyfriend ko. Nginisihan niya ako at tinignan mula ulo hanggang paa."Who is she, babe?" malanding tanong ng babae kay Vic habang nakatingin sa akin."She's my old friend babe," sagot ni Vic na nginisihan pa ako."Walang hiya ka!" umiiyak na sigaw ko at saka sinugod na ito.Itinulak ako ni Vic nang malakas at napaupo ako sa gilid ng pader. Malakas ang akong pagkakabagsak."Scarlet, matagal na tayong tapos. Sinabi ko naman sa iyo kung hindi ka ready na ibigay ang gusto ko hindi na kita mahihintay. Hindi na uso ngayon ang pagiging Maria Clara! Tapos na tayo, Scarlet!" Tinalikuran ako ni Vic."Please." Hinabol ko pa siya at lumuhod sa kanyang harapan. "Mahal na mahal kita, alam mo iyan."Sinipa naman ako ng babaeng kasama nito. "Poor girl!" singhal nito sa akin."Scarlet, humanap ka na lang ng ibang lalaki na babagay para sa







