Share

Kabanata 7: Off Limits

Penulis: Jelay Estrel
last update Tanggal publikasi: 2026-10-14 15:41:23

Scarlet's PoV

MAAGA akong nagising at nasa aking tabi naman si Anya na mahimbing pa rin na natutulog. Minabuti ko na magbihis at isuot ang dress na ginamit ko kagabi. Inayos ko lang ang aking buhok pagkatapos kong maghilamos. Ite-text ko na lang mamaya si Anya kapag nakauwi na ako.

Nagtungo ako sa elevator at sumakay doon. Pipindutin ko na sana iyon para magsara nang pigilan ako ng isang lalaki. Nagtama ang aming mga mata at nauna na lang akong nagbawi ng tingin.

Nagtungo ako sa pinakasulok na
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
jhang05
ang ganda ng story na ito Miss A.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Desiring My Bestie's Dad (SPG)   Kabanata 13: Bitter

    Scarlet's PoVINABALA ko ang sarili sa mga ipinapaayos sa akin ni Miss Digna. Unang araw ko pa lang sa trabaho pero pakiramdam ko isang linggo na ako rito. Maraming ipinagawa sa akin si Miss Digna, pabalik-balik pa ako ng first floor pa lang ulitin ang mga naunang ipina-xerox nito sa akin dahil mali raw.Hinihingal ako na tumigil sa harapan ng elevator. Pinahid ko rin ang pawis ko sa noo.Eksaktong kakatok ako sa office ni Sir Archer nang magbukas iyon. Nakita ko si Miss Digna na lumabas doon. Malapad ang ngiti nito sa akin.“Kanina ka pa hinihintay ni Boss. Napakabagal mo naman kasing kumilos, Hindi ka ba nag-breakfast?” pang-aasar pa niya sa akin.Hindi ko na lang siya sinagot. Unang araw ko kaya kailangan kong magtimpi. Ayoko ring magsumbong kay Anya kahit na kanina pa niya ako tinatawagan at kinukulit kung okay lang ba raw ako dito sa company ng Daddy niya.“Good morning, sir.” Magalang na pagbati ko rito.“Ang sabi sa akin ni Digna late ka na raw pumasok,” sabi nito na hindi naka

  • Desiring My Bestie's Dad (SPG)   Kabanata 12: Possessive Yarn

    Scarlet's PoV“Miss Reyes, pamilyar ka naman siguro sa computers. Isa kasi iyan sa gagamitin mo para sa schedules ng meetings ni Boss Archer,” ani Miss Macy sa akin.“Miss Reyes!” muling untag nito sa akin.Mabilis akong napatingin dito. Nawala yata ako sa sarili ko dahil nakita ko si Archer na may kasamang ibang babae at mukhang close pa sila.Tsk!Ginagantihan ba niya ako?Akala mo naman tatalaban ako ng selos! Hindi no!“Yes, Ma'am Macy. May alam ako tungkol sa computer. Ano pa ang ibang kailangan kong gawin bukod sa mag-remind sa boss natin ng kanyang busy schedules.” Nagseryoso na ako habang natingin ako sa kanya.“Bilang personal assistant ni boss, kailangan mong sundin ang mga inuutos niya. Minsan may mga ipinapakuha siyang files sa ibang company. Bukod doon ikaw na ang bahala sa pagkain ni boss. Ikaw ang magbibigay sa kanya ng breakfast, lunch at dinner. Palagi mo rin siyang ipagtimpla ng kape nang hindi niya kailangang sabihin sa iyo. May listahan ng pagkain si Boss Archer da

  • Desiring My Bestie's Dad (SPG)   Kabanata 11: Offer

    Archer's PoVNAPAILING na lamang ako habang palabas ako ng coffee shop. Sa totoo lang nagmumukha na rin akong stalker ni Scarlet. Alam ko kung nasaan ito. Alam ko kung anong oras ito umuuwi sa bahay nito at pumapasok sa coffee shop.Nag-offer ako sa kanya ng tulong kagabi dahil ayokong makita siyang nagtratrabaho sa mga bar o sa coffee shop. Gusto ko siyang tulungan dahil alam ko na kailangan niya ng tulong ko.Napabuga ako ng hangin at ipinilig ko ang aking ulo. Pinagbuksan ako ng pinto ni Dave.“Boss, tumawag nga pala sa akin ang secretary ninyo. Ang sabi niya nakahanda na raw ang vacation house ninyo sa La Union. Any time p'wede na raw pumunta si Miss Anya.”Napatango na lang ako rito. Pumasok ako sa loob ng sasakyan at kinuha ang cellphone ko sa loob ng suot kong gray suit.“Lea, bakit kailangang si Digna ang magsabi kay Dave ng trabaho mo? Naka-leave ka na naman ba? Ano na naman ang dahilan at absent ka?” seryosong tanong ko sa personal assistant ko. Three years ko na siyang pers

  • Desiring My Bestie's Dad (SPG)   Kabanata 10: Tumigil ang Mundo

    Scarlet's PoVSERYOSONG nagmamaneho ng sasakyan nito si Archer. Paminsan-minsan sinusulyapan ko siya. Sa totoo lang masaya ako na kasama ko siya ngayon. Walang mga sëksing babae na lumilingkis sa kanya.Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Bakit ko ba iyon iniisip? Normal lang naman iyon sa isang katulad niya.Minabuti ko na lang na tumingin sa labas ng binata ng sasakyan nito. Ngayon lang ako nakasakay sa isang mamahaling sasakyan kaya susulitin ko na.“Tungkol nga pala sa sinabi ko kanina. Ayokong ma-mis interepret mo ang sinabi ko sa iyo, Scarlet. Concern lang ako sa kalagayan mo. Maraming ibang trabaho na p'wede para sa iyo. Hindi mo kailangan na magtrabaho sa bar. Kung maliit ang kita mo sa coffee shop p'wede kang magtrabaho sa company ko. Tumatanggap naman kami ng mga working students.”Mabilis akong napalingon sa kanya. Concern siya sa akin dahil kaibigan ko si Anya. Kung mapapahamak kasi ako madadamay ang anak niya. Naiintindihan ko na ngayon at walang kahulugan ang lahat ng ito.

  • Desiring My Bestie's Dad (SPG)   Kabanata 9: Maling Akala

    Scarlet's PoVNAKITA ko si Archer pero hindi ko siya pinansin. Nandito ako para magtrabaho at kung hindi ko ito gagawin wala akong allowance sa OJT namin pagkatapos ng summer vacation sa Clark International Airport.Tinawag ako ni Mister Lopez. Nakilala na namin siya kanina ni Rusty. Mabait naman siya mukha nga lang hindi gagawa ng tama.“Wine, please,” mahina nitong utos. Tumalima naman ako at nagtungo sa tabi nito.Kahit na hindi ko nakikita sa likod ko si Archer alam kong tinitignan niya ako.Napatingin naman sa akin ang isang matandang lalaki na panot ang buhok at malaki ang tiyan.“Miss, dito ka na sa tabi ko,” nakangiting pang-aalok nito sa akin.“Sorry, sir. Hindi kasi po kasi ako kasali sa mga babaeng dapat ninyong i-table. Excuse me po.” Tinalikuran ko na ang lalaki.“Benedict, hayaan mo na si Scarlet. Waitress lang siya ng bar at hindi siya guest relationship officer,” ani Mister Lopez.Bumuga ako nang malalim at nanatiling kalmado. Five thousand din ang sahod namin ngayon n

  • Desiring My Bestie's Dad (SPG)   Kabanata 8: Waitress

    Archer's PoV NAKATAAS ang isang kilay ni Eliza nang maabutan ko siya sa bahay ko. Nakaupo siya sa may couch at naka-cross legs. “Nakilala ko na ang kaibigan ni Anya. Tama nga ako dahil isang gold digger ang babaeng iyon. Mula pa pala noong highschool sila ang anak na natin ang sumasagot sa mga projects ng babaeng iyon. Hanggang ngayon na college na sila si Anya pa rin ang nagbibigay ng pera sa babaeng iyon! Kailangan mong makausap ang anak mo tungkol diyan! Ayokong magmukhang t@nga ang anak ko at hayaan lang ang babaeng iyon!” galit na galit na sabi nito sa akin. Bumuga ako ng hangin at napailing. Inalis ko ang black suit ko at ibinigay iyon kay Manang Aida, ang katulong namin sa bahay at Yaya ni Anya. “Sinabi ko na sa iyo na huwag mo nang pakialam ang anak natin. Matanda na siya at kaya na niyang magdesisyon sa kung ano ang tama at mali. Sa nakikita ko naman maayos ang pagkakaibigan nila ni Scarlet. Mula noong naging magkaibigan sila hindi na palaaway ang anak natin. Marunong na

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status