“Why are you here? May problema?” Amirah asked me. Nandito ako ngayon sa resort niya sa Isla Haven para bisitahin siya. Ilang araw pa bago ako pumunta at sinigurado na wala na akong galos o pasa.“Ikaw nga dapat kong tinatanong. Bakit ka nandito? Ilang araw ka na raw hindi umuuwi ah!” Bigla itong natahimik sa aking sinabi. Nakaupo kaming dalawa sa buhanginan sa ilalim ng puno malapit sa dagat.“They want me to marry someone,” saad nito. “Sinabi na sa'yo?”“No, I just accidentally heard them. They're talking about the family of the guy who they want me to marry with.” Tumingin ito sa'kin na may malulungkot na mata. “Now, I really understand your situation. Like you, I'm started to hate my parents.” She said with sad voice.“A...” Tawag ko sa pangalan nito bago ko ito niyakap. “H'wag kang pumayag please...”Ayokong maranasan niya ang mga nararanasan ko ngayon. Maaaring hindi sila pareho nang lalaki, pero hindi pa rin niya ito kilala. Hindi niya alam ang pwedeng mangyari sa kan'ya. A
Ilang araw ako pabalik-balik sa hospital para magpa-check kung buntis nga ako. And yes, I'm pregnant. I'm four weeks pregnant. Masayang-masaya ako sa nalaman, sa tuwa ko ay agad kong pinuntahan ang kaibigan sa Isla Haven. “A!” masigla kong bati sa kaibigan pagkarating ko sa rest house nito.“B?” nagtataka nitong tawag sa'kin. “Napadalaw ka?” agad itong lumapit sa'kin at niyakap ako. Ganoon din naman ang ginawa ko sa kan'ya.“I have a good news!” masayang-masaya kong balita rito na lalo niyang ipinagtaka.“Good news? Kelan ka pa nagkaroon ng good news sa buhay?” agad ko itong inirapan ng pabiro.“Bastos ka kausap! Pero, ngayon meron na. Hindi ka ba masaya?” “M-Masaya naman... Ano ba 'yon?”Hinila ko ito palapit sa kan'yang sala at pinaupo sa sofa bago huminga nang malalim. Ang aking mga ngiti ay hindi na mabura sa aking labi. Nawiwirduhan naman akong tinignan ng aking kaibigan.“A...” Tawag ko sa pangalan niya, naghihintay naman ito ng kasunod. “I'm pregnant!” Nakangiti kong sabi.A
Simula nang makasal ako, hindi na ako kinumusta pa ng mga parents ko. Kahit si Mommy manlang sana, kahit text o tawag manlang sana. Pero wala...Napagdesisyunan ko na puntahan na lamang sila sa bahay dahil baka busy lamang ang mga ito. Itinaon ko talagang linggo para siguradong nasa bahay sila. Dahil 'yon ang araw na walang pasok ang mga office workers.Hindi ko na naman nakita si Steve paglabas ko. Malamang ay maaga itong umalis para sa panibagong babae dahil walang trabaho. Hindi naman 'yon natigil sa bahay kahit rest day. Sanay na ako...Nag drive ako papunta sa subdivision namin sa San Lorenzo, katabi lang ng Village nina Amirah sa San Carlos. Pagkarating ko ay ang katulong ang sumalubong sa'kin, si Manang Aira.“Iha, napadalaw ka? Ang tagal mo na hindi nabisita ah! Kumusta ka na?” Masayang bungad sa'kin ni Manang na s'yang lagi kong kasama sa bahay.Naglakad kami ng sabay papasok sa loob ng bahay.“Okay lang po manang, kayo po?”“Okay naman kami rito, hinahanap mo ba ang mga Momm
Nag drive ako habang umiiyak, nag drive ako na walang pakialam kung mababangga ba ako.Isang malakas na busina ng truck ang nagpabalik sa akin sa realidad. Agad itong nagpreno at ganoon din naman ako. May sinasabi pa ito pero hindi ko magawang intindihin. Itinabi ko muna ang aking sasakyan sa tabing daan at hinayaan muna umiyak ang sarili.“'Yong totoo...” Basag na boses na pagkausap ko sa sarili habang nakasandal sa headrest ng aking upuan. “M-Masamang tao po ba talaga ako sa past life ko? B-Bakit ganito n'yo ko s-saktan? Bakit g-ganito niyo ako p-pahirapan?” sunod-sund kong tanong.Napayuko ako sa aking manibela at doon ibinuhos ang lahat ng gusto kong ilabas sa pamamagitan ng pag-iyak. Crying is the only choice I have everyday...Kung pwede lang sana sa bawat iyak ay mawawala na agad ang sakit. Kung pwede lang na iiyak ka lang magiging okay ka na pagkatapos. Pero hindi... Mababawasan lang ang bigat sa dibdib mo, pero hindi no'n mababago ang sakit na naidulot sa'yo.Nang medyo kuma
“A...” nanghihina kong tawag sa pangalan ng kaibigan ko. Ngumiti ito sa'kin pero bigla rin may pumatak na luha na ipinagtaka ko.“Ang tapang mo...sobra...” naiiyak nitong sabi. Wala pa rin akong maintindihan. “Pero tama na B... Isuko mo na ha?” humikbi ito.“A... Ano ba sinasabi mo?” mabagal kong tanong dahil sa panghihina kong pakiramdam. “Tsaka paano mo nalaman na nandito ako?”“I saw you... Pupuntahan sana kita sa inyo pero nakasalubong ko ang sasakyan mo kaya sinundan ko. Hanggang sa makita kitang binuhat ng mga nurse at guard.” Sabi nito at hindi pa rin paawat ang mga luha nito. Ngumiti ako. Mabuti na lang pala meron akong siya...“Salamat...”“B... You know that no matter what happens, I'm always here for you right?” nagtataka man ay tumango ako. Hinawakan nito ang mga kamay ko at hinalikan bago humagulhol doon. “You l-lost your baby, B...” nahihirapan nitong saad.Ang ngiti ko ay unti-unting nawala. Natigilan ako sa narinig pero nagpaulit-ulit ito sa aking pandinig.You lost yo
Dalawang linggo akong tumira kay Amirah. Dalawang linggo kaming magkasama kahit na madalas itong umalis. Matapos ang dalawang linggo ay napag pasyahan kong umuwi sa bahay namin ni Steve.“Are you sure na uuwi ka pa do'n?” nagaalalang tanong ni A.“Yeah... Asawa ko pa rin siya A—”“Wala akong pakialam kung asawa mo pa rin siya dahil hindi naman siya nagpaka asawa sa'yo.” May diin na sabi nito sa'kin. Napabuntong hininga naman ako.Alam kong galit na galit ito kay Steve dahil sa trato nito sa'kin. Kaya lang, kasal pa rin kami. Kahit sa papel lamang 'yon...“H'wag mo ko masyado alalahanin, hmm? Okay lang ako,” ngumiti pa ako rito.“Kailan ka ba mapapagod? Kailan mo ba matututuhan na mahalin ang sarili mo?” Seryosong tanong nito na ikinatigil ko. “Nawalan ka na ng anak B, hihintayin mo pa ba pati ikaw ay mawala? Dahil kapag nangyari 'yon, sisiguraduhin kong magiging criminal ako.”Tumulo ang luha ko dahil sa aking narinig sa kaibigan. Handa talaga siyang pumatay para lamang sa'kin. Handa
"Umalis ka rito! Labas!" sigaw ni Daddy habang itinutulak ako palabas ng kwartong iyon."Daddy please! Gusto ko makausap si Mommy... Please!" pagmamakaawa ko."Layas! Hindi ka namin kailangan!" "Dad!!"Itinulak ako nito nang malakas palabas dahilan para ma-out of balance ako. Ramdam ko ang sakit sa paa ko bago ako mapaupo sa sahig. Tumama pa ang aking sintido sa pader ng hallway. Kahit masakit at hirap ay pinilit kong tumayo para pumunta muli sa pinto. Pero pinagsarhan na ako ni Daddy."Dad please!!! Awa niyo na po! Gusto ko makausap si Mommy!" umiiyak kong pakiusap kay Daddy habang hinahampas ang kan'yang pinto. Pero wala akong nakuhang sagot mula sa loob, mula kay Daddy. Humagulhol ako nang iyak habang nakatuon ang noo sa pinto. Ramdam ko na na hindi ko maituon nang maayos ang kaliwang paa ko."Mommy ko..." nanghihina kong sambit. "Hintayin mo ko Mommy..."Mabagal akong naglakad pababa ng hagdan. Hirap na hirap ako dahil sa sakit na nararamdam ko sa paa ko. Nang makababa na ako ay
Hindi ko napigilan pa ang galit ko, hindi ko na napigilan pa emosyon ko. Umiiyak akong pumasok sa kwarto ko. Dahan-dahan kong inalis ang sapatos ko dahil sa sakit ng paa ko. Hinagis ang bag kung saan bago pabagsak na nahiga sa kama ko. Tanghali pa lamang pero antok na antok na agad ako. Pagod na pagod ang pakiramdam ko. Hinayaan kong makatulog ang sarili ko habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko.Pagod na pagod na ako sa lahat, pero kung mayroon man akong isusuko sa mga 'yon, isusuko ko na lamang si Steve. Dahil mas gusto kong maayos ang sarili ko at ang sa pamilya ko, kaysa ipilit ang hindi naman mangyayari—ang sa amin ni Steve. Imposible na, dahil nawala na rin ang nararamdaman ko. Dahil siya ang dahilan ng paghihirap ko.Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog, naramdaman ko na lamang na may dumadampi na malambot sa sintido ko. Ramdam na ramdam ko rin ngayon ang sakit sa paa ko.Unti-unti kong i-minulat ang aking mga mata para malaman kung sino ang pumasok sa kwar