Ngayon ang araw na nakatakda para sa lunch kasama ang family ni Steve. Kinakabahan ako sa maaaring sabihin sa 'kin ng parents niya. Malamang alam nila na hindi naman ako 'yong inalok niya ng kasal, pero ako ang pakakasalan.
Kahit na labag sa loob ko ay naligo at nag-ayos pa rin ako ng aking sarili. I'm dressed in a black bodycon dress and black pumps. I simply pinned a cute hairpin near my ear to the side of my hair. I look like I'm on my way to a funeral. However, the reality is, pinagluluksaan ko na ang mga natitirang sandali ng buhay pagkadalaga ko. Bumaba ako sa sala at doon naabutang naghihintay sina Mommy at Daddy. Tumaas ang isang kilay ni Daddy habang tinitignan ang kabuuan ko na nababa ng hagdanan. Pagkarating ko sa gawi nila ay bigla itong umismid. “Hindi masiyadong halata na nagluluksa ka sa pagpapakasal, Czes. Let's go...” ani Daddy. Sumunod lamang ako sa kanila palabas. Gustuhin ko man na kausapin si Mommy, hindi ko magawa. Ito na agad ang naiwas kapag malapit na ako sa gawi niya. Aaminin ko, ang sakit sa pakiramdam na ganito na kaming dalawa. Sobrang close ako kay mommy, bine-baby niya ako kapag kaming dalawa lamang. Ngayon, I feel as if I don't exist because she never takes the time to give me a glimpse. And it's excruciating. Her actions are excruciating. And I despise myself as a result. Habang nagmamaneho si Daddy, nasa passenger seat naman si Mommy. Walang kahit sino sa 'min ang nagsasalita. Ako naman ay nakatingin lamang sa dinadaanan namin. Nakarating kami sa Delux Resto, isang mamahaling Resto rito sa Batangas. Ang kaba sa dibdib ko ay lalo lamang tumindi sa mga minutong nalalapit naming pagkikita. Hindi ko alam kung paano s'ya haharapin, sa tuwing makikita ko s'ya, nakikita ko ang nasasaktang mukha ng girlfriend niya. Apat na tao ang naghihintay sa 'min sa isang mahabang mesa. Tingin pa lamang ay masasabi mong mayaman ang pamilya nina Steve. Tumayo ang mga ito nang makita kaming paparating. Si Steve ay hindi sana tatayo kung hindi pa tinignan ng kan'yang ama. “Pleasure to finally meet you Mr. And Mrs. Dela Cruz,” nakangiting bati ng Daddy ni Steve kina Mommy at Daddy. Tinanggap naman nila ang pakikipagkamay nito. “So do I Mr. Harisson, and to your wife too,” ani Daddy. “Oh, by the way, my eldest, Lincoln Asher.” “Nice to meet you, Sir,” nakipagkamay din ang Lincoln kay Daddy. “Nice to meet you, Hijo.” Samantala, si Steve naman ay parang walang pakialam sa paligid. Parang tamad na tamad ito sa nangyayari. Ilang segundo lamang ay nagpahanda na ang mga matatanda ng pananghalian naming lahat. Habang kumakain ay naguusap-usap din ang mga ito. “So, Mr. Dela Cruz, how's business world? We didn't have a chance to meet,” paunang tanong ng Daddy ni Steve. “So far, getting better, there's so much in our plate. You know, buildings and houses.” “Oh, yeah. Construction firm is not easy, but worth to have, right?” “Yeah,” Puro business lamang ang pinag-uusapan nila, kami naman ay tahimik na kumakain. Nang matapos na kumain, hindi talaga nila pinalampas ang usapin pagdating sa kasal. “So, kailan ang kasal?” Tanong agad ng Mommy ni Steve. “Mom!” Agad namang sabi ni Steve. “What? The main purpose of this lunch is because of your wedding.” “She's not my fiance!” “Oh, you mean, your girlfriend, Nicole?” Her mom asked him. “Yeah, she's my fiance and not her.” Tinignan pa ako nito nang masama, agad naman akong napayuko. “Well, not now.” His Dad said. “What?” Salubong na salubong na ang kilay ni Steve. “You're not going to marry Nicole, because you're marrying Ms. Dela Cruz.” Sinulyapan ako ng Daddy niya sabay ngiti, gano'n din ang ginawa ng kaniyang Mommy. “But Dad... That's not what you promised! You told me, you're going to do something to stop this nonesense marriage!” He exclaimed, his brother hold him to his shoulder to calm him down. “I changed my mind, you will marry their daughter. In fact, Nicole is not suit with our family. She's poor, and came from a broken family. While here, Brianna, beautiful, kind, and rich as we. See the big difference?” Tumango-tango naman ang Mommy nito, samantala ang kuya niya ay walang emosyon na nakikinig. Si Steve ay umiigting na ang panga sa galit. “You wanna know the real difference?” Seryosong tanong nito sa kan'yang ama at tinignan isa-isa ang mga kasama namin sa mesa. Tumigil ang paningin nito sa 'kin, mata sa mata, seryosong seryoso.“Nicole is the one I love, only Nicole can complete me. Yes, they different, but the best difference is... I love Nicole, and I hate you...” Tumalim ang tingin nito sa 'kin. “Steve!” Saway sa kaniya ng Daddy niya. Bigla akong napahiya dahil sa kan'yang mga sinabi. Pakiramdam ko ay sinaksak na naman ako nang paulit-ulit. Sobrang pagpipigil ng luha ang ginawa ko. “What? I’m just telling the truth here, what the essence of marrying her if I don't love her?” “So, what is your girlfriend's reaction about that night with my daughter?” Tanong bigla ni Daddy na nagpatigil kay Steve. “I bet, you didn't tell her that you made sex with my daughter, after proposing to her? Am I right?” Biglang ngumisi si Daddy.Sh*t! Daddy! What are you thinking? “Don't you dare.” Matigas na sabi ni Steve kay Daddy. “Sure, because I don't need to tell her. She already heared it all...” Tumingin ito sa kabilang mesa, sa isang babaeng nakatalikod sa 'min. Agad naman nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko na ito. No! Mabagal na tumayo ang babae sa isang mesa, at mabagal din itong lumingon sa gawi namin. Ang mga mata nito ay puno na ng luha, kagat-kagat na nito ang kan'yang pang-ibabang labi na nangangatal na. Ang sakit! I'm sorry... “C-Congrats...” Basag na boses na sabi nito kay Steve, “W-Wala ka pa lang balak sabihin sa 'kin ang lahat. P-Pero, salamat na rin at narinig ko lahat...” Hindi na niya napigilan ang mga luha niya na nag-unahan na sa pagpatak. Kahit anong punas niya, at kahit halata mong pinipilit niyang pigilan, wala rin. “B-Baby...” Tumayo si Steve, kitan- kita sa mga mata niya ang takot. Ang galit at maangas niyang mukha kanina ay biglang nawala pagkakita niya sa umiiyak na si Nicole. Sobrang mahal talaga niya... Ngumiti si Nicole kay Steve, sa pagngiti nito ay ang pagpatak ng kaniyang luha. “Tama naman ang Daddy mo, hindi ako bagay sa pamilya mo.” Tumingin ito sa Daddy ni Steve, “maaaring mahirap lang po ako, pero hindi ako masamang tao.” Inalis nito ang singsing sa kaniyang daliri na nagpalaki sa mga mata ni Steve. “N-No... B-Baby no...” Akmang lalapitan s'ya ni Steve pero pinigilan s'ya ng kuya niya. “Let me go Kuya, please...” Pagmamakaawa nito sa kuya niya. Umiling ang kuya nito. “Huwag mo nang gawing komplikado ang lahat, madadamay lang siya...” Mahinang sabi nito sa huling salita pero rinig ko pa rin. Madadamay? Nagsusumamong tumingin ito kay Nicole, awang-awa na ako sa kanilang dalawa pero wala akong magawa. Wala kaming magawa... Ibinaba ni Nicole ang singsing sa dulo ng lamesa na kinaroroonan namin. “C-Congrats... I w-wish you the best. Reach our dream...with her.” Tumingin ito sa 'kin saglit bago tumingin muli kay Steve. “M-Maging mabuti kang asawa, g-gaya ng ipinangako mo sa 'kin. Kahit na...hindi na a-ako ang misis mo...” Umiling-iling naman si Steve habang isa-isang pumapatak ang kan'yang mga luha. Pigil-pigil pa rin ito ng kaniyang kuya. Ang sakit... Sa pagtalikod ni Nicole, roon na nagpiglas ng sobra si Steve. Galit na galit ito hanggang sa hindi na s'ya kaya pang pigilan ng kuya niya. Mabuti na lamang at kakaunti ang tao sa resto. Tumakbo ito patungo kay Nicole na nakalabas na ng pinto. Nang maabutan niya ito ay bigla na lamang niya itong niyakap mula sa likod. T*ngina! Ang sakit sa puso! Umiiling-iling ito habang nakayakap kay Nicole, lahat kami ay pinapanood lamang sila. Umaalog na ang balikat ni Steve habang nagsasalita si Nicole, pareho silang umiiyak sa labas ng resto. Pinilit ni Nicole na alisin ang pagkakayakap ni Steve. At nang maialis niya ito ay tumakbo na ito palayo. Hindi man namin rinig, pero kitang-kita ang pagsigaw ni Steve sa pangalan ni Nicole na tumatakbo palayo sa kan'ya. Napaluhod pa ito sa daan at napasabunot sa kaniyang buhok. Hindi ko na mapigilan ang aking luha dahil sa sakit na nasaksihan. “Puntahan mo kapatid mo Asher,” utos ng kanilang ama. Ang ina nito ay nagpupunas na ng gilid ng kan'yang mata. Ganoon din si Mommy, pero sina Daddy ay parang wala lang. Pilit na pinapatayo ng kapatid niya si Steve na nakalupagi na sa daan. Kitang-kita mo ang sakit na nararamdaman niya mula rito. “Daddy...” Tawag ko kay Daddy, tumingin silang lahat sa 'kin. “T-Tama na po... A-Ayoko pong magpakasal...” Pagmamakaawa ko. “No, huwag kang maawa sa kanila. Isipin mo ang sarili mo.” “Pero Dad... Please...” “No! And that's final!” galit nitong sabi. Tumayo ako at tumakbo palabas ng resto, rinig ko pa ang tawag sa 'kin ni Daddy. Naabutan ko pang katatayo lamang ni Steve, habang nakaalalay ang kan'yang kapatid. At nang makita niya ako ay agad nagdilim ang tingin nito. “Are you happy now? You ruined us, iniwan na ako ng taong sobrang mahal ko! Iniwan ako ng nag-iisang tao na nakakaintindi sa 'kin! Lahat 'yon ay dahil sa 'yo at sa pamilya mo!” Galit na galit na sigaw nito sa 'kin habang dinuduro ako. Napatakip ako sa aking bibig habang nagpipigil na mapahagulhol. Kung hindi ito hawak ng kuya niya ay malamang nasaktan na ako nito sa sobrang galit. “Kasal?” Tanong nito at biglang ngumisi na ikinatakot ko. “Sige, ibibigay ko ang kasal na gustong-gusto ng parents mo. At ipararanas ko sa 'yo ang impyerno! Kung paano niyo kami sinira ni Nicole! Kung paano niyo sinira ang buhay ko, gagawin ko rin sa buhay mo! Tandaan mo 'yan!” Sigaw nito sa 'kin. “Steve!” Saway ng kan'yang kuya.Aaminin ko, sobrang kinabahan ako sa kan'yang sinabi. Dahil sa halo-halong nararamdaman ay tinalikuran ko na sila at tumakbo palayo. Palayo sa mapanakit na mundong meron ako. Palayo sa mga taong nasasaktan ng dahil sa 'kin at sa pamilya ko. Away from him... Even just for a day... Without pain…Simula nang maikasal ako, hindi na ako kinumusta pa ng mga parents ko. Kahit si mommy manlang sana, kahit text o tawag manlang sana. Pero wala . . .Napagdesisyunan ko na puntahan na lamang sila sa bahay dahil baka busy lamang ang mga ito. Itinaon ko talagang linggo para siguradong nasa bahay sila. Dahil 'yon ang araw na walang pasok ang mga office workers.Hindi ko na naman nakita si Steve paglabas ko. Malamang ay maaga itong umalis para sa panibagong babae dahil walang trabaho. Hindi naman 'yon natigil sa bahay kahit rest day. Sanay na ako . . .Nag-drive ako papunta sa subdivision namin sa San Lorenzo, katabi lang ng Village nina Amirah sa San Carlos. Pagkarating ko ay ang katulong ang sumalubong sa 'kin, si Manang Aira.“Hija, napadalaw ka? Ang tagal mo na hindi nabisita ah! Kumusta ka na?” Masayang bungad sa 'kin ni manang na s'yang lagi kong kasama sa bahay.Naglakad kami nang sabay patungo sa loob ng bahay.“Okay lang po, manang. Kayo po?”“Okay naman kami rito, hinahana
Ilang araw na akong pabalik-balik sa hospital para magpa-check kung buntis nga ako. And yes, I'm pregnant. I'm four weeks pregnant. Masayang-masaya ako sa nalaman, sa tuwa ko ay agad kong pinuntahan ang kaibigan sa Isla Haven. “A!!” masigla kong bati sa kaibigan pagkarating ko sa rest house nito.“B?” nagtataka nitong tawag sa 'kin. “Napadalaw ka?” agad itong lumapit sa 'kin at niyakap ako. Ganoon din naman ang ginawa ko sa kaniya.“I have a good news!” masayang-masaya kong balita rito na lalo niyang ipinagtaka.“Good news? Kailan ka pa nagkaroon ng good news sa buhay?” agad ko itong inirapan nang pabiro.“Bastos ka kausap! Pero, ngayon mayroon na. Hindi ka ba masaya?” “M-Masaya naman. Ano ba 'yon?”Hinila ko ito palapit sa kaniyang sala at pinaupo sa sofa bago huminga nang malalim. Ang aking mga ngiti ay hindi na mabura sa labi. Nawiwirduhan naman akong tinignan ng aking kaibigan.“A . . .” Tawag ko sa pangalan niya, naghihintay naman ito ng kasunod. “I'm pregnant!” Nakan
“Why are you here? May problema?” Amirah asked. Nandito kasi ako ngayon sa resort niya sa Isla Haven para bisitahin siya. Ilang araw pa bago ako pumunta at sinigurado na wala na akong galos o pasa.“Ikaw nga dapat kong tinatanong. Bakit ka nandito? Ilang araw ka na raw hindi umuuwi ah!” Bigla itong natahimik sa aking sinabi. Nakaupo kaming dalawa sa buhanginan sa ilalim ng puno malapit sa dagat.“They want me to marry someone,” saad nito. “Sinabi na sa 'yo?”“No, I just accidentally heard them. They're talking about the family of the guy who they want me to marry with.” Tumingin ito sa 'kin na may malulungkot na mata. “Now, I really understand your situation. Like you, I'm started to hates my parents.” She said with sad voice.“A . . .” Tawag ko sa pangalan nito bago ko ito niyakap. “H'wag kang pumayag, please . . .”Ayokong maranasan niya ang mga nararanasan ko ngayon. Maaaring hindi sila pareho nang lalaki, pero hindi pa rin niya ito kilala. Hindi niya alam ang puwedeng m
Ilang araw na akong hindi kinokontak ng kaibigan ko na si Amirah. Hindi ako sanay nang ganito kaya napagpasyahan ko na puntahan siya sa bahay nila sa San Carlos. Pero bigo ako dahil ilang araw na raw ito hindi umuuwi sabi ng kaniyang mommy. Umuwi muna ako dahil hapon na rin naman. Napagpasyahan ko na Bukas na lamang siya pupuntahan sa kaniyang resort at baka nandoon lang ito. May problema siguro ang isang iyon.Pagkarating ko sa bahay ay nagluto lamang ako ng gabihan kahit hindi naman ako sigurado kung dito kakain si Steve. Maghapon ito laging wala dahil sa trabaho sa company nila, tapos uuwi siya rito ay gabi na at lasing pa.Kumain ako ng mag-isa pagpatak ng gabi dahil mukhang wala na namang plano na rito kumain si Steve. Habang nagliligpit ako ng aking kinainan ay bigla namang may kumatok sa pinto. Katok na para bang gusto nang sirain ito.Siguradong si Steve na 'to . . .Agad akong tumungo sa pinto para pagbuksan ang lalaki. Lasing na lasing na ito na siyang bumungad sa '
Masakit na katawan ang nararamdaman ko bago ko dahan-dahang iminulat ang aking mga mata. Bumungad sa 'kin ang amoy ng hospital at ang maliwanag nitong ilaw. Sa pagdilat ng aking mga mata ay agad na may lumapit sa 'kin.“Hey! May masakit ba?” Nag-aalalang ang tinig nito.Dahan-dahan ko itong tinignan upang malaman kung sino. Nagbabakasakali na si Steve ang aking unang makikita. Pero . . .“A-Asher . . .” tawag ko sa lalaking kasama ko ngayon sa kuwarto.“May masakit ba sa 'yo? Gusto mo ba tawagan ko ang doctor? Wait lang—”“H'wag na . . .” putol ko sa kaniyang sinasabi dahil mukha itong natataranta. “Okay na ako, medyo masakit lang ang katawan ko.” Nanghihina kong saad sa kausap. Tinitigan ako nito ng ilang segundo, ito na naman ang hindi ko mabasang ekspresyon ng kaniyang mukha.“Gusto mo bang itawag ko 'to sa parents mo? O sa kaibigan mo?”“No! H'wag . . .” mabilis kong sagot.“Why?”“Ayoko silang maabala, ayoko silang mag-alala . . .” kahit na kaibigan ko lang ata ang tot
Tumagal lang kami ng ilang oras sa bahay ng parents ni Steve bago nagpaalam sa mga ito na uuwi na.Ang pag-uusap naman namin ni Asher ay hindi na rin naman tumagal, dahil biglang lumapit sa amin si Steve. Hindi ko alam kung ako lang ba, pero para silang may alitan na magkapatid dahil sa tinginan nilang dalawa. Hindi ko na lamang pinansin pa.“Bisitahin n'yo naman kami ng madalas dito sa bahay,” wika ng mommy ni Steve. Hindi ko alam kung kailan pa ba kami naging close para maging ganito siya. Samantalang alam naman naming lahat na kasal lang sa pilit ang nangyari sa 'min ng kaniyang anak.Umaasa pa rin talaga sila . . .“Kapag hindi na busy, mommy,” nakangiting sagot naman ni Steve.“O sige. Mag-iingat kayo.”“Salamat po, happy birthday po ulit.” Sabi ko naman.“Salamat, hija. Hindi na nagpunta ang mommy at daddy mo. Busy raw kasi sila.” Hindi naman na bagong balita 'yon. Lagi naman talaga silang busy.Ngumiti na lamang ako.“Sige na, mom. Pakisabi na lang kay daddy na umuwi na kami.”
“Be ready, we're leaving in an hour.” Sabi ni Steve bago ito umakyat sa kaniyang kuwarto.'Yon lamang ang sinabi nito pagkapasok at hindi manlang ako tinignan. Hindi ko alam kung bakit at kung para saan. Pero may hint na ako na tungkol ito sa family gathering kaya naghanda na rin ako.Nag-bodycon dress ako na dark blue at stilettos na black. Pinatungan ko lamang ito ng black coat. Itinaas ko ang aking buhok na naka-pony. Pagkatapos ay lumabas na ako dala ang aking sling bag.Paglabas ko ay saktong labas lang din naman ni Steve. Saglit lamang itong napatingin sa akin bago ako nilampasan at naunang bumaba ng hagdan. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod na lamang sa kaniya.Nagdire-diretso ito sa kaniyang sasakyan kaya sumunod ulit ako at naupo sa passenger seat. Pagkasakay ko ay agad niya itong pinaandar kahit hindi ko pa naikakabit ang aking seatbelt.“Saan tayo pupunta?” tanong ko rito habang nagkakabit ng seatbelt.“My mom's birthday.” Maikling sagot nito.Tss. Hindi manlang si
Pinalampas ko ang nangyari nang araw na 'yon. Nanahamik ako, wala s'yang narinig mula sa 'kin. Wala rin naman itong binanggit na kahit ano nang araw din na 'yon.Balik kami sa normal na parang walang nangyari. Ibig kong sabihin sa normal namin ay . . . nagpapakaasawa ako sa kaniya, at hindi naman ako nage-exist para sa kanya. 'Yon ang normal para sa pamumuhay namin bilang mag-asawa. Nagkakasabay kami kumain kung minsan, pero para lang kaming magkaibang tao na nagkasabay sa isang resto. Walang nagsasalita, kahit kumusta ay wala. Still okay for me . . .Akala ko okay na, hindi na s'ya umuuwi ng lasing dahil dito na s'ya nag-iinom sa bahay. Not until, one night he came with a girl . . .Natigilan ako nang pagbuksan ko ng pinto si Steve at makitang may kasama ito. Hindi lang basta kasama dahil pagbukas ko ng aming pinto ay naghahalikan pa ang mga 'to. Titig na titig ako sa kanilang dalawa na halos kainin na ang isat’t-isa. Hindi ko alam kung bakit hindi ko matanggal ang tingin sa kanila g
Ang balak kong gigising ng maaga para hindi maabutan ni Steve ang nangyari ay hindi ko nagawa. Dahil nagising ako na wala na sa tabi ko ang binata. Hindi ko tuloy alam kung ano ang naging reaction niya nang malamang ako ang kasiping niya kagabi. Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama, binalot ang sarili sa comforter ni Steve. Napapikit ako sa isiping baka nandidiri na sa' kin ngayon si Steve dahil hindi si Nicole ang nakatabi niya.Napamulat ako dahil sa pagbukas ng pinto sa banyo. Doon, lumabas ang hinahanap ko. Nakatabing lamang ito ng towel sa pambaba at walang saplot pang itaas. Itinaas ko naman lalo ang comforter habang napapalunok sa kaba.Walang emosyon ako nitong tinignan habang nagtutuyo ito ng kaniyang buhok.“Ano pang ginagawa mo r'yan? Bakit hindi ka pa magbihis at bumalik sa kuwarto mo?” Malamig nitong tanong bago pumasok sa loob ng kaniyang walk-in-closet.Nanlulumo naman akong nagbihis habang nasa loob pa s'ya. Pagkatapos ko magbihis ay lumingon pa ako sa pina