Share

Chapter Three

Laura POV

Umihip ng malakas na hangin sa akin kinatatayuan, dama ko ang simoy ng malamig na hangin na dumadampi sa akin balat.

Humigpit ang hawak ng lalaki sa akin braso.

"Supremo," bulong ng lalaki.

Napatingin ako sa gawi ko kanan ng makarinig ng kaluskus, lumabas mula doon ang isang malaki lobo na mas malaki pa sa una ko nakita. Ang laki nito sa akin pakiwari ay hanggang six feet ng isang tao. Kulay puti ang balahibo nito at mayroon green na pares na mga mata. Yumukod ang tatlo lobo na ngayon ay makikisig na nilalang sa bago dating na Malaki lobo.

Ayon sa mga nababasa ko sa libro, ang pinanganak na lobo na mas malaki sa pangkaraniwang ay tinuturing na Alpha ng kanila pack. Kung ganoon ang lobo na sa amin harapan ay siyang Alpha ng mga humahabol sa amin.

Maya't maya pa ay naging isang makisig na binata ang malaki puting lobo. Ang pants nito ay kulay puti, napasinghap ako ng makita ang taglay nito ka-gwapuhan. Masasabi ko, nasa lalaki na ang perpekto wangis na inaasam-asam ng iilan lalaki

"Alpha," sabi ng lalaki na tinawag na Omega ng lalaki may hawak sa akin.

"Kakaiba ang amoy ng pinag-aagawan niyo," ngumisi ito sa akin. Isang iglap lang hawak na ako ng tinuturing na Alpha ng mga tao-lobo nakahalundusay na sa lupa ang lalaki bampira na makikita ang galit sa mga mata.

Nagsimula magtayuan ang balahibo ko sa buo ko katawan ng amuyin ako nito.

"Kakaiba amoy, napaka-tamis." Bulong nito.

Napakislot ako ng isa-isa tumumba sa harapan namin ang dalawa lobo.

Naramdaman ko ang pag-ngisi ng Alpha.

"Easy, Supremo." Binitawan ako ng Alpha.

Namutla ang Omega ng mga tao-lobo ng makita ang mga kasama niya na wala ng buhay.

"Parang sinipa ko lang ang alaga mo, dalawang alagad ko naman agad ang pinatay mo." Ani ng Alpha.

Hinahanap ng mata ko ang kinakausap ng Alpha, pero para ba mailap ito.

Nagulat ako ng bigla may dumampa sa Alpha at sinandal sa punong malaki. Ngayon ko nakita ang kanina ko pa hinahanap.

Nakatalikod ito sa akin habang sakal-sakal sa leeg ang Alpha.

'Siya ba ang supremo?' Tanong ko sa sarili.

Malakas naman tinabig ng Alpha ang kamay ng Supremo at tinadyakan ito. Pero parang hangin ang kilos ng Supremo. Narinig ko ang mura ng Alpha.

"Shit!"

Tiningnan ko si Althea na hawak ng babae bampira. Lumapit ako sa mga ito. Nakita ko akmang kakagatin na nito si Althea na nagpupumiglas at sinasamantala ang pag-lalaban ng dalawa pinuno.

"Shaein," napakislot ang babae at pabalibag na binitawan si Althea. Agad ako lumapit sa kababata, Niyakap ko ito.

"Supremo! Isa ito witch! Kapag nakuha ko ang kapangyarihan nito-" hindi nito natapos ang sasabihin ng maging abo ito.

Kahit busy ang tinawag nito Supremo nagawa parin nito paliparin ang dagger papunta sa babae.

Akmang tatakbo pa ang lalaki bampira na kasama ng babae ng muli mayroon dagger na lumipad papunta dito na naging hudyat ng pagiging abo nito.

Saka ko lang napansin na nakatayo na sa may gilid namin ang dalawa pinuno. Ang Alpha at ang Supremo.

Sinakal ni Supremo si Althea. Ngayon ko ito napagmasdan, maputla parang niyebe ang kulay ng balat nito. Chinito ang mga mata, mapupula ang mga labi. Mababakas ang galit sa gwapo nito mukha. Nakatiim ang bagang nito nakatingin kay Althea na nauubo na sa pagkakasakal nito.

"Tell me, Ano ginagawa ng isang mangkukulam na hindi bihasa sa pag gamit ng kapangyarihan sa territory namin?"

"Please, ano ba sinasabi mo?" Tanong ko pilit tinatanggal ang kamay nito kay Althea.

Para naman napaso ito sa hawak ko at binitawan si Althea na uubo-ubo.

Kunot ang noo tiningnan ako ng supremo. "Sabihin niyo? Ano ginagawa niyo sa lugar na ito? Sino kayo at bakit isa ka Witch!" Tinuro nito si Althea.

"Sumagot na kayo habang may pagtitimpi pa ang Supremo ng lugar na ito." Nakangisi sabi ng Alpha na kanina lang nakikipagbunuan sa Supremo.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, pero hindi ako witch, kaya bakit ganoon na lang ang pagnanais niyo malaman kung tao o witch ako!" Sigaw ni Althea.

Nakita ko ang pagpula ng mga mata ni Supremo. Naglakad ako papunta sa kanilang harapan lumuhod ako at nakiusap.

"Pakiusap, kung sino ka man o ano man kayo. Nakiki-usap ako, wag niyo kami sasaktan. Hindi namin alam paano kami napadpad sa lugar niyo pero pakiusap hayaan niyo kami makabalik sa totoo namin mundo. Pasensya na kung nagambala namin kayo." Pumatak ang luha sa akin mga mata.

Napansin ko ang pagkislot ng Supremo nawala ng bahagya ang pagpula ng mga mata nito, Nagkatitigan kami. Mayroon tila pumupukaw sa akin damdamin habang nakatitig sa mga mata nito.

Natawa naman ang Alpha dahil sa tinuran ko.

"Sabihin mo sa akin babae, ikaw na witch! Sino ang mga magulang mo?" Tinuro nito si Althea na tahimik lang.

Tinitigan ko ito, "Si Almira ang akin Ina."

"Almira?hmmm.. Parang narinig ko na ang pangalan nun, nakalimutan ko na nga lang kung saan?" Muling natawa ang Alpha.

Tumalikod ang Supremo. "Si Almira? Ang dating kanang kamay ng Reyna ng mga mangkukulam."

Pumitik sa hangin ang Alpha, "ah, tama! Ang dating kanang kamay ng reyna na ngayon ay alipin niyo na! Tama ba supremo?"

"Dalhin mo sila sa palasyo, Omega." Utos ng Supremo.

"Teka, teka.. Di ba dapat sa pack namin sila dahil ang mga alagad ko ang una nakakita sa kanila."

Tila nang-aasar na sabi ng Alpha.

"Kingsley." Ang boses nito malumanay ngunit may halo pagbabanta.

Ngumisi ang Alpha, "mukha ba ako natatakot sayo, Supremo?"

Tinignan ako ng Alpha. "Parang may kakaiba sayo, binibini. Ang halimuyak ng iyon amoy."

Unti-unti lumapit sa akin ang Alpha. Bago palang ako hawakan nito nagawa na lumipad nito palayo sa akin dahil sa supremo na nagawa ito hilahin at ihagis.

Natawa naman ang Alpha na kahit tumama ang likod sa puno nagawa parin tumayo at mabilis na lumapit sa supremo para makaganti.

Sakal-sakal ng supremo ang Alpha ng Ibalibag ito sa lupa at nagiwan ng malalim na uka.

"Kalma, Is she's Your Mate Supremo?" Nakangisi sabi ng Alpha.

Sino ba ang tinutukoy nito Mate si Althea ba o ako? Ano ibig sabihin ng mate? Bakit ganito kagulo ang dalawa ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status