Share

Chapter Two

LAURA POV

Pinagmamasdan ko ang dinadaanan namin ni Althea, napakunot ang noo ko ng makita ang isang tila lumang Tren na napakahaba.

"Shit!" Narinig ko ang mura ni Althea kaya napatingin ako dito.

"Bakit, Thea?" Tanong ko,

Tinitipa nito ang cellphone pero napakadiin, mahahaba pa naman ang kuko nito at itim na itim ang cutic's.

"Nawawalan ako ng signal!" Frustrated nito sabi. "Arghh!!! Wala na iyon g****e map ko! Bakit ba napakahina ng signal dito sa pilipinas."

Bumusangot ito at hininto ang kotse sa may gilid ng kalsada.

Wala na rin ang nakita ko tren puro puno na lang at isang makipot na kalsada. Napalingon ako ng binato ni Althea ang cellphone at makikita nabasag ang LCD nito. Kahit kailan talaga maiksi ang pasensya nito.

"Kainis naman kasi sila Mommy, hindi na lang tayo sinundo para mapunta tayo sa tamang lugar ngayon hindi ko na alam saan tayo dahil sa location!"

Sumandal ito sa upuan. At kinuha muli ang cellphone na basag ang Lcd pero pwede pa naman mag-type, buti na lang at Samsung galaxy S22 ultra ang gamit nito at kahit batuhin magagamit parin.

"Wala signal! Paano ko matatawagan si Mommy?"

Sasagot na sana ako ng makarinig kami ng kalabog sa likod. Napatingin ako kay Althea, medyo nakaramdam ako ng takot. Kapag kasi tinitigan mo ang paligid wala ibang sasakyan ang dumadaan. Wala din kahit ano kabahayan. Puro puno ang makikita mo, malalaki puno na para ba may nakatira at nakatingin sa amin. Nang tumingin ako sa Galaxy smart watch ko, napansin ko ang oras mag-sisix na ng gabi. Sobra dilim na rin.

"Shit! Kailangan na natin umalis dito," medyo takot ang boses na sabi ni Althea na pinipilit buksan ang ingine ng sasakyan pero ayaw mag-start. "Oh, my! Bakit ayaw mag-start nito?"

Muli kami nakarinig ng kalabog, akmang bubuksan ko na ang pintuan ng nag-hihisterical na nagsalita si Althea.

"Dont! Wag ka lalabas Laura, delikado mamaya may masamang keme ang meron dito sa lugar." Muli nito kinuha ang cp at nagsimula mag-type.

Muling maykumalabog sa pagkakataon na ito nasa harapan na namin. Isang malaki aso na ang laki ay kasing taas ng tao. Itim na itim ang balahibo nito at itim din ang mga mata. Lumabas din ang pangil nito at umalulong.

Tama ba ang nakikita ko? Ito ba iyon nababasa ko lang sa mga libro?

Kinalabit ko si Althea na nakatitig din sa harapan. Makikita mo sa mga mata nito ang hindi makapaniwala bagay.

"Nananaginip ba ako? Kung Oo, kurutin mo ko, Laura. Kasi hindi na maganda biro ito, bilang isang mabuti anak sinunod ko lang ang akin magulang." Bulong nito. Ginawa ko ang sinabi nito.

Kinurot ko ito sa braso na ikinasigaw nito. "Ouch! Masakit ah!"

"Sabi mo kurutin kita," nakasimangot ko sabi.

Sasagot pa sana ang akin magaling na kaibigan ng makita namin inaangat ng lobo ang hood ng sasakayan kaya napakapit kami sa gilid ng kotse.

Lumipat kami sa likod.

"Hindi ko alam kung ano gagawin natin, Laura. Pero pagbilang ko ng tatlo bukasan mo ang pintuan sa gawin kanan mo at tumakbo na tayo." Desidido sabi ni Althea. Nakita pa kasi namin na nagsi-datingan na rin ang ibang kasama ng malaki Aso. Kung kanina isa lang ito ngayon tatlo na ang nasa harapan.

"1,2,3!!!" Sigaw ni Althea.

Mabilis ko binuksan ang pintuan at tumakbo kami palabas ng kotse. Tinakbo namin ang masukal na lugar ng kagubatan. Nakaramdam ako na tila ba mayroon barrier na tumama sa akin katawan. Tuloy lang ako sa pagtakbo kasabay ni Althea.

"Saan tayo ngayon, Althea?"

"Hindi ko din alam, basta sa pagkakaalam ko mga tao lobo ang mga iyon. Mas mabilis sa atin ang mga iyon!"

Sa tagal ng amin pagtakbo napansin namin wala humahabol na kahit ano uri ng aso. Huminto muna kami at hingal na hingal sumandal sa malaki puno.

"Pahinga muna tayo... Bakit kaya hindi tayo sinundan ng mga lobo na iyon?" Tanong ni Althea na hinilot ang paa.

"Hindi ko alam, pero naramdaman mo ba kanina, iyon parang may barrier nung tumatakbo tayo?"

Kumunot ang noo ng kaibigan ko, "wala naman, pero alam ko mga lobo iyon. Para tayo pumasok sa isang libro tapos bigla Viola may lobo na, ewan ko lang kung magiging tao lobo sila. Makikisig na tao-lobo like in fairy tale, charrr!"

Napailing ako, napahawak ako sa leeg ko ng makaramdam ng malagkit na pumatak. Pinunasan ko ito at nagulat ng makita kulay pula ito. Inamoy ko at napakislot ako dahil malansa ang amoy nito, Ka-amoy ng dugo.

Napatingin din sa akin si Althea at nanlaki ang mga mata. Dahan-dahan namin ina-ngat ang ulo at nakita ang isang babae mayroon matatalas na mga ngipin. Maputla ang kulay ng mukha nito at namumula ang mga mata, sa gilid ng mga labi nito ang hindi pa napupunasan kulay pula likido.

Nag-tinginan kami dalawa ni Althea at sabay na sumigaw.

Akma na kami tatakbo muli ng mayroon mga kamay ang bigla humawak sa amin braso.

Tinitigan ko ang lalaki humawak sa akin. Tulad ng babae, mayroon din ito namumula mga mata at dugo sa gilid ng labi.

"Mortal! Nagawi nalaman kayo sa amin territoryo!" Bulong nito sa akin.

"Witch!!" Sigaw naman ng babae kay Althea na hindi makagalaw sa hawak ng babae. Hindi ko pinansin ang sinabi nito kasi mukha naman talaga mangkukulam ang kaibigan.

Kanina, lobo ang nasaksihan namin ngayon naman bampira?

Is really do existed this creature?

Sumulpot din sa harapan namin ang mga lobo kanina humahabol sa amin. Ang lobo itim na itim ay unti-unti nagiba ng anyo at naging isang makisig na lalaki. Tanging ang pangbaba lang nito ang may saplot na black pants.

"Kami ang nauna sa kanila, Vampire!" Anito.

"Gumalang ka sa mas nakakataas sayo, omega!" Ngit-ngit na ngit-ngit na sabi ng lalaki.

"Sa aming antas, Nasa pangalawa ako! Kayo ay bagamat namumuno ang iniyo lahi sa buong Arcadia, mas mataas parin ako! Kaya dapat niyo ibigay sa amin ang dalawa babae na iyan!"

Omg! Ano ito? Panaginip ba ito? Kung maaari lang gisingin niyo ko. Kasi hindi ko na alam kung ano ang akin gagawin?

"Hindi kami papayag, ang kukupad niyo kasi!" Ani naman ng babae may hawak kay Althea.

"Shaien." Nakarinig ako ng malumanay na boses, ang tinig nito na tila ba sumabay sa ihip ng hangin. Kumabog ang akin dibdib, Hinanap ng akin mata ang boses nito ngunit di ko makita.

Napansin ko ang pag-aligaga ng lahat ng marinig ang boses na yun.

'Sino ka?'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status