Share

CHAPTER 20

Author: Nam Sae
last update Huling Na-update: 2021-12-08 23:00:59

Zoe Colette's POV

"Mom, nagaaway po ba kayo ni Ate Mia?" Takang tanong nito nang mailapag ko na siya doon sa kanyang upuan.

"Nope baby, naguusap lang kami ni Ate Mia." Bahagya akong natawa sa sagot ko.

Kinuha ko yung earphone at cellphone ko para ilagay sa tainga ni Miles. Mukhang hindi kasi matatapos ngayong araw na ito ang pakikipagtalo ko sa demonyo niyang kapatid.

Pisti! Naguusap pa e, kung nahawa lang ako nang pagiging demonyo ni Atlas sinabi ko na sana ang totoo sa batang 'to. Edi sana alam niya na ngayon na hindi ko siya anak at hindi niya ko tunay na ina. Alam na sana ng mga batang 'to kung ano talagang kababuyan ang ginawa sakin ng kanilang ama. Kung bakit hindi ko magawang umalis sa pamamahay nila kahit pinapaalis na nila ako. Matagal ko na sanang sinabi sa kanila iyon kung naging demonyo lang din ako gaya nila.

"Mia, Mike, bakit nakatayo pa din kayo diyan? Wala ba kayong balak na umupo?" Seryosong tanong ko dito pagkaupo.

"Tita, Colette wala ka bang balak alukin ang bestfriend mo na sumabay satin ngayon?" Seryosong tanong ni Mia pagkaupo nito.

"Bakit hindi mo gawin tutal ikaw ang nakaisip." Malditang tugon ko dito.

"Why are you being so rude to her?" Usisa nito.

"Why are you so chismosa ba?" Nagmamaldita pa din ako dito.

"Manang Faye, patawag naman po si Tita Maisha." Utos ni Mia dito.

Hinayaan ko itong gawin ang gusto niya hindi ko naman siya pwedeng pigilan. Wala naman kasi akong karapatan na gawin iyon. Hindi naman nila ako tunay na ina isa pa mas may karapatan sila sa bahay na 'to kaysa sakin.

Tahimik kong kinain ang almusal na niluto ni Manang para samin. Palihim kong sinulyapan ang pagupo nito sa tabi ni Mike.

Isang kasinungalingan kong sasabihin kong hindi ko siya na-miss diba? Siya lang ang nagiisang kaibigan ko dito sa mundo at labis kong pinagkakatiwalaan. Hindi pa din nawawala ang galit ko sa kanya pero hindi din naman nawawala ang pangungulila ko sa kanya bilang isang kaibigan. Noong nawala sila mama at papa siya lang ang nandyan sa tabi ko dumamay at nagparamdam ng pagmamahal sakin sa kabila nang aking pangungulila. Higit sa isang matalik na kaibigan ang turingan naming dalawa. Hindi man kami magkadugo pero tinuturing namin ang isa't isa bilang isang tunay na magkapatid siya lang ang nagiisang kapatid kong babae. Pero sa ngayon mas nangingibabaw kasi ang galit ko sa kanya.

"Kamusta, Colette?" Bumalik ang diwa ko ng marinig ang boses niya.

Binalingan ko ito ng tingin. "Do you think you deserve the right answer?" Malditang tanong ko dito. "After what you have done to me? Seriously?" Dagdag ko pa.

Hindi naman ito nakasagot sa lahat ng sinabi ko.

Takte! Pinipigilan ko ang sarili na hindi siya malditahan pero kahit anong gawin kong pagpipigil hindi ko magawa lalo lang akong nagagalit sa kanya. Dahil siguro hindi ko pa naririnig ang paliwanag niya pero kasi... hindi pa ako handang marinig lahat ng iyon o sadyang hindi ko lang matanggap ang ginawa niya sakin, pero bakit ganun sa kabila ng lahat. Bakit mas pinipili ng puso ko na patawarin siya? Ito din siguro ang dahilan kung bakit minamalditahan ko siya ngayon. Nagtatalo ang isip at puso ko hindi nagkakaisa ang mga ito. Ang isip ko sinasabi na hindi siya patawarin ngunit iba ang tinitibok ng aking puso baliktad sa iniisip ng aking utak.

"We're not friends anymore. Can you please stop bothering me?" Malditang wika ko ulit.

Nasaktan naman ito sa sinabi ko sa kanya. "I'm not bothering you. I just want to know if you are really okay." Malungkot na wika nito. "I will do everything, Colette, just forgive me for what I have done to you. Don't push me away. Let me help you." Pagsusumamo nito.

"Psh." Natawa ako sa sinabi niya. "Help me? Do you think matutulungan mo pa ako? Ngayon na pumayag na ako sa gustong mangyari ni Devil. Tingin mo mailalayo mo pa ako sa kanya?" Mababakas sa tono ng boses ko ang inis na nararamdaman.

Takte! Buti na lang naisipan kong lagyan ng earphone itong si Miles bago kami magsimulang kumain. Hindi niya maririnig ang pakikipagtalo ko kay Maisha.

"What do you mean about that Tita Colette?" Naibaling ko ang tingin kay Mike na siyang nagsalita.

Putek! Nakalimutan kong nandito nga pala sila.

"Stop being chismoso, Kid." Seryosong tugon ko dito.

Natawa naman si Mia kaya nailipat ko ang tingin sa kanya. "Tita, we're not chismoso and chismosa we hear what you're saying." Malditang wika nito. "Stupid stepmother." Mahinang wika nito sapat para marinig ko.

"Then, stop listening stupid brat!"

Hindi ko na napigilan ang sarili at nasabi na iyon sa kanya na mukhang hindi niya ikinatuwa. Takte!

"What did you call to me?" Galit na galit na tanong nito sakin. Umuusok na siguro ang ilong nito dahil sa sobrang galit na nararamdaman.

"Psh. Stupid brat. Are you deaf?" Mas lalo itong nainis sakin.

Pisti! Yawa! Ang hilig kasing sumabat ng batang 'to kahit hindi naman siya yung kinakausap. Ngayon napansin ko na siya hindi naman maipinta ang mukha nito dahil sa sobrang galit. Minsan hindi ko maintindihan ang batang 'to. Bwesit!

Malakas niyang hinampas ang lamesa at tumayo. Nanlilisik ang mata nitong tumingin sakin na sinagot ko lang ng malupet kong ngiti.

"I'm going to destroy you. I'll make sure you're going to leave this house. NOW!" Galit na galit na wika nito bago naglakad paalis na siyang sinundan ko lang ng tingin.

"Destroy me? Kid, I'm not piece of paper, duh!" Natatawang wika ko dito. "I told you, if you want me to leave. You should die, that's the only way to kick me out in this stupid house." Sigaw ko dito bago ito mawala sa paningin ko.

Natatawa akong ibinalik ang tingin sa harap ng pagkain.

"I have to go Tita Maisha, have a nice day." Gulat na gulat akong muling ibinaling ang tingin kay Mia na bumalik at niyakap si Maisha.

Bago ito umalis muli niya akong tinapunan ng matatalim na tingin.

Takte! Marunong palang gumalang at magpaalam itong batang 'to. Wait, bakit ang bait niya kay Maisha? Samantalang kung malditahan niya ko parang may ginawa akong malaking pagkakamali sa kanya. Bukod doon never pa niya akong niyaya na sumabay sa kanila kumain gaya ng ginawa nila kay Maisha kanina. ANG UNFAIR NAMAN NUN! Bwesit!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 76

    WARNING: 18+ EXPLICIT CONTENTZoe's POVIsang malakas na halakhak ang siyang nagpagising sakin sa araw na ito. Kinusot-kusot ko ang aking mata at bahagyang iminulat ang kaliwang mata. Ganun na lang ang gulat ko ng makita si Atlas at si Miles na nagkukulitan sa aking tabi. Hindi ko alam kung isang buwan na ba o lagpas na sa isang buwan simula ng magkulong sa kwartong iyon si Atlas, pero ito ang kauna-unahan kong masulyapan siya ng malapitan. Matapos ang lahat ng nangyari sa nakalipas na araw.Ang mga mukhang iyon na hindi ko nasulyapan ng sobrang tagal ay talagang namiss ko ng husto. Gusto kong tumayo ngayon sa aking kinahihigaan at yakapin siya ng mahigpit, ngunit sa mga sandaling ding ito pinipigilan ako ng aking

  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 75

    Mia's POV Ilang linggo na ang nakakalipas simula ng pumunta ako kila Tita Zoe at umalis dito sa bahay si Kuya Mike. Ilang araw na din pabalik-balik ang lagnat ni Daddy at hindi ito gumaling-galing sa kanyang sakit. Habang si Miles naman ayun hindi na gaanong umiiyak ngunit bakas pa din ang lungkot at pangungulilang nadarama dahil sa pagkawala ni Tita Zoe dito sa bahay. Habang si Kuya Mike naman di nakakalimutan tumawag samin para kamustahin kaming dalawa ni Miles araw-araw. Gaya ng inaasahan ko di nito hinahanap si Daddy na mukhang hanggang ngayon, di pa din nawawala ang galit sa loob niya dahil sa ginawa niya kay Tita Zoe. Minu-minuto ko ding tinitingnan ang aking telepono upang i-check kung may message ba na mula kay Tito Zoe, ngunit tanging kabiguan lang ang aking nakuha. Tuluyan na nga kaming nakalimutan ni Tita Zoe. Walang ibang nagaalaga ngayon kay Daddy kundi ako lang. Inaasikaso kasi ni Tito Chase ang k

  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 74

    Zoe Colette's POV Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaupo o oras na ba talaga ang lumipas. Nakaupo lang ako dito sa harap ng puntod nila mama. Tanging paghikbi na lang ang maririnig mo sakin ngayon. Unti-unti kong pinapatahan ang sarili ko at pilit na kinakaya ang sakit na iniwan nila sakin at dahil na din sa ginawa ni Atlas sakin. Ngunit kahit na ganun may nararamdaman pa din akong pagaalala dito sa aking puso na sana ay hindi ko na lang naramdaman una palang. Ang demonyong Atlas na iyon hindi ko alam kung anong ginawa niya sakin, sa kabila kasi ng lahat nang narinig at ginawa niya sakin, siya pa din itong inaalala ko. Lalo na ngayong alam kung hindi pa din ito gumagaling sa kanyang sakit. Bakit pakiramdam ko ngayon baliw na baliw ako sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. Anong bang problema mo Zoe, tigilan mo na angkabaliwanmo. Di ka naman niya talaga mahal diba?!

  • Devil Don't Come Near Me   CAHPTER 73

    Zoe Colette's POV Sa ngayon di ko alam kung kakayanin ko bang makita si Atlas. Baka kasi mas lalo lang madadagdagan ang sakit ng aking nararamdaman. Kahit gusto kong ibuka ang aking bibig di ko magawa. "Tita, pumunta na po si Kuya Mike sa amerika, wala na po siya Tita. Si Daddy naman po may sakit. Habang si Miles ayun hinahanap pa din kayo at hindi na nakakakain ng maayos." "Tumuloypa din pala sa amerika si Mike kahit hindi ako sumangayon." Ngayong nilalagnat ito sino ang nagbabantay sa kanya? Pinuntahan ba siya ng taong mahal niya? Sino ngayon nagdurusa diba siya? At dahil sa pinaggagagawa niya nadadamay tuloy sila Mia. "Desisyon po iyon ni Kuya Mike, Tita. Galit na galit po kasi si Kuya kay Daddy dahil sa ginawa nito sainyo at itong huli nagkaroon sila ng matinding pagaaway." Napakunot ang noo ko sa sinab

  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 72

    Zoe Colette's POVSandali akong natahimik at muli na namang naiyak. Ang sakit lang kasi ang akala kong pagmamahal puro kasinungalingan lang pala. Matapos ang lahat isang pagbabalat kayo lang pala ang aking natanggap sa huli.Binigay ko ang lahat kahit ang aking sarili, kahit gaano kasakit nanatili ako dahil ang akala ako minahal niya talaga ako pero hindi. Isang malaking AKALA lang pala iyon.Hindi niya na sana pinaramdaman sakin kung sasaktan niya rin pala ako. Di na sana siya nageffort pa kung sa huli hahayaan niya din naman niya pala itong masira lahat."When I see that man, I really hate him because he is really a pervert. He forced me to have sex with him that night."Sa hindi malamang dahilan bigla akong natawa.Biglang nagsink-in sa utak ko ang unang pagkikita naming dalawa."Akala ko nga katangian niya na ang pagiging malibog niya."Muli akong natawa pero kasabay nun ang pa

  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 71

    Maisha's POV Bangag at wala ako sa sarili ngayong araw. Pangatlo araw na ngayon simula ng pumunta dito si Zoe sa bahay at dito na nanatili matapos ang nangyari doon sa bahay nila Atlas. Hindi naman kami umiinom pero tatlong araw na itong walang tulog at walang tigil sa pagiyak, kaya ending pati ako ay wala ding tulog. Hindi niya din sinasagot ang lahat ng mga tumatawag sa kanya. Alam ni Chase na nandito ito ngayon sa bahay. Alam ko na din kung anong nangyari at kung bakit ito nagiiiyak ngayon. All of her pain it was may fault, kung sinabi ko lang sana sa kanya ang totoo lahat sa simula palang edi sana hindi ganito kasakit ang matatanggap niya. Di ito magdurusa ngayon at magmumukmok dahil sa sinabi ni Atlas. Ako ang kaibigan niya pero ito ako walang magawa kundi itago ang lahat ng mga nalalaman ko sakanya. Gusto ko man sabihin sa kanya lahat, ngunit pinangungunahan ako ng natakot ngayon. Nagtatalo ang isip at puso kung sasabihin ko ba

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status