Share

Kabanata 115

last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-18 23:55:48

Third Person POV

Maingay na naman ang maliit na inuman sa gilid ng kanto, halos mag-uumuuga na ang lumang lamesang kahoy sa dami ng bote ng alak na nakakalat. Nakahilerang mga pulutang chicharong baboy, pritong isda at mumurahing mani, pero mas nangingibabaw ang amoy ng alak.

Kasama ni Jervie ang tatlo niyang matagal nang barkada na sina Harvy, Jayson, at Marvin. Mga dating kaibigan sa dating street na kinalakihan niya. Sa street kung saan, dating bahay kubo lang ang bahay nila.

Tinignan niya ang mga ito. Puro may tama na, lahat pula na ang pisngi, nangingintab na ang pawis sa noo.

“Pare, grabe talaga ‘yung pinsan mo, ah.” Si Harvy ang unang bumungad, sabay tungga ng baso nito. “Ravi ba pangalan nun? Aba, ibang level talaga! Puro luxury cars. Parang isang garahe, puno ng mga kotse na hindi natin kayang bilhin kahit tatlong buhay pa ang ipunin natin.”

Tumawa si Jayson, sabay saboy ng mani sa lamesa. “Oo nga, men. Lahat ng sikat na luxury car, ano? Grabe! Ang tanong, ikaw, Jervie, may
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 120

    Irina POVNasa tabi ko na si Jervie habang nasa loob kami ng kotse niya. Tahimik lang siyang nagmamaneho, pero ramdam kong handa na rin siyang humarap kay Lola Vicky. Kita ko rin ang kunot ng noo niya, halatang nag-iisip kung bakit nga ba gusto siyang makita ni lola.“Relax,” bulong ko sa kaniya, saka ko siya nginitian. Halata kasi masyado na nag-iisip siya ng malala. “Napatunayan mo naman na sa akin na ikaw talaga si Mr. Ryder King, kaya tiyak na matutuwa si Lola Vicky sa atin.”Hindi siya sumagot agad, bagkus tumingin siya sa bintana at saka bahagyang tumango. “Nakakagulat lang kasi, Irina. Pero, heto na nga, haharapin na natin siya. At sana maging masaya siya kapag nakita na niya ako.”Umilaw ang hawak kong cellphone. Nakita kong nag-message sa akin si Ravi. “Bakit nagpunta na naman si Jervie sa bahay ninyo at bakit magkasama kayo?”Napangiwi ako. Hindi pa rin pala tapos ang pang-stalk nila sa akin. For sure, tauhan ni Lola Avi ang nag-report kay Ravi.“Ravi, hindi ito pagtataksil

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 119

    Third Person POVHindi inaasahan ni Jervie ang phone call na iyon galing kay Irina. Nasa loob pa siya ng maliit na condo unit niya, hawak ang cellphone habang pilit na nilalabanan ang hang-over galing kagabi.Napairap siya, wala siya sa mood para makipagkulitan sa babaeng iyon, na pinaglalaruan niya lang dahil kay Ravi.Saglit siyang nag-atubili kung sasagutin ba niya o hindi kasi sadyang masama ang pakiramdam niya dahil sa dami ng nainom na alak kagabi. Pero kahit na nanlalata, pinili niyang sagutin iyon dahil naisip niyang baka may mahalaga itong sasabihin sa kaniya.Pag-slide niya ng green button, agad nagsalita si Irina nang diretso at wala ng paligoy-ligoy pa.“Mag-ready ka. Magkita tayo ngayon, Jervie. Ipapakilala na kita kay Lola Vicky.”Napatigil si Jervie, napakunot ang noo habang pilit inaalala kung sino si Lola Vicky.“Ha? Bakit? Para saan? At sino siya?” tanong niya, halos mapalakas pa ang boses dahil sa gulat.“Wag ng maraming tanong, Jervie,” sagot ni Irina, habang napap

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 118

    Mr. Ryder King POVHindi ko alam kung bakit naka-block na ako sa kaniya? Ano kayang nangyari? Magse-send naman ako ng video ko sa kaniya, masyado siyang mainipin. Siguro, iniisip niya na nanti-trip lang ako.Pero ang mahalaga, nabigay naman niya sa akin ang email niya. Magse-send ako ng isa kong video para magulat siya. Habang nandito ako sa ospital at tulog si Lola, nagawa kong makapag-send sa kaniya nung last video ko sa bundok. ‘Yung mukhang tarzan pa ako. Ito na lang kasi ‘yung isa sa mga natira at naka-save pa sa isang secret files ko. Akalain mo ‘yun halos eleven years ko itong naitago. At eleven years ding walang nakaalam sa sikreto ko.Pagkatapos kong mag-send kay Irina ng video ko, nakatanggap ako bigla ng message kay Gian.“V! Parang gusto ko na,” basa ko sa message niya, kaya napakunot ang noo ko.Nag-reply naman agad ako. “Anong parang gusto mo na?” tanong ko tuloy.“Maging XXX celebrity,” sagot niya ulit sa message, kaya nagulat at napatayo ako mula sa pagkakaupo sa malam

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 117

    Irina POVApproved agad kay Lola Vicky ang absent ko dahil sinabi kong masama ang pakiramdam ko. Ganoon naman ‘yun, basta tungkol sa health ko ang dinahilan ko, wala pang ilang minuto ay payag na agad siya. Palibhasa’t nandoon sina Kuya Henjie, Kuya Invinzor at Kuya Charlie, wala na siyang kakaba-kaba pa.Kaya, tinuloy-tuloy ko na ang paghiga sa kama ko. Tinuloy ko rin ang pagbabasa pa sa diary ni Mr. Ryder King, habang umiinom ng mainit na gatas. Alam na rin nila Haide at Shirley na masama ang pakiramdam ko kaya hindi muna ako tutulong sa gawaing bahay. Si Shaider, kapag alam din niyang masakit ang ulo ko, hindi ako iniistorbo.Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang kapayapaan sa bahay. At aaminin ko, hindi na toxic maglagi sa bahay ngayon.Binuklat ko na ang bagong page sa diary ng XXX celebrity at hindi na kasi ako makapahintay kung anong susunod na mangyayari.August 20, 2014Sa apartment studio ko, 06:14 PMDear Diary,Halos mag-tatatlong buwan ng patay si Maria Riri. Kaya rin nga

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 116

    Irina POVNakahiga ako sa kama ko. Maaga akong umuwi, masakit kasi ang ulo ko. Pakiramdam ko, para akong lalagnatin. Nagpaalam naman ako kay Ravi, pumayag siya at siya pa ang nagsabing magpahinga agad ako. Papakiramdaman ko pa rin ang sarili ko, kapag um-okay ako, puwede akong pumasok sa work ko mamayang gabi.Nakainom na rin ako ng gamot, humingi ako sa kuwarto ni mama. Pag-inom ko, dito ako tumuloy sa kuwarto ko.Pero habang hindi pa ako inaantok, kinuha ko ang diary ni Mr. Ryder King. Ilang pages na lang ang natitira, mabibilang na lang din ata sa daliri ko.April 15, 2014Sa apartment studio ko, 08:36 PMDear Diary,Oo, alam ko nagtatampo ka na, diary. Halos ilang linggo akong walang update sa iyo. Sorry, na-busy lang dahil sa buhay syota. Si Maria Riri kasi, sobrang daming aya. Nag-manila kami ng ilang araw, tapos, nag-coffee hopping din kami dahil gusto kong magnegosyo. Kumbaga, nagtikim kami ng iba’t ibang klase ng coffee sa iba’t ibang coffee shop din. Bukod doon, may pinasuka

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 115

    Third Person POV Maingay na naman ang maliit na inuman sa gilid ng kanto, halos mag-uumuuga na ang lumang lamesang kahoy sa dami ng bote ng alak na nakakalat. Nakahilerang mga pulutang chicharong baboy, pritong isda at mumurahing mani, pero mas nangingibabaw ang amoy ng alak.Kasama ni Jervie ang tatlo niyang matagal nang barkada na sina Harvy, Jayson, at Marvin. Mga dating kaibigan sa dating street na kinalakihan niya. Sa street kung saan, dating bahay kubo lang ang bahay nila.Tinignan niya ang mga ito. Puro may tama na, lahat pula na ang pisngi, nangingintab na ang pawis sa noo.“Pare, grabe talaga ‘yung pinsan mo, ah.” Si Harvy ang unang bumungad, sabay tungga ng baso nito. “Ravi ba pangalan nun? Aba, ibang level talaga! Puro luxury cars. Parang isang garahe, puno ng mga kotse na hindi natin kayang bilhin kahit tatlong buhay pa ang ipunin natin.”Tumawa si Jayson, sabay saboy ng mani sa lamesa. “Oo nga, men. Lahat ng sikat na luxury car, ano? Grabe! Ang tanong, ikaw, Jervie, may

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status