Her Second Beginning

Her Second Beginning

last updateLast Updated : 2026-11-11
By:  YuehikariOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
8Chapters
7views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa nakaraan, namatay si Aerina Valdez na wasak at nag-iisa at huli na nang makita niyang ang sarili niyang stepsister na si Liana at ang kanyang pinagkakatiwalaang si Dylan ang nagplano ng lahat para sirain siya. Sinira nila ang pangalan niya, inubos ang yaman ng pamilya niya, at ang tanging taong tunay na nagmahal sa kanya ang asawa niyang si Ethan Callahan ay namatay habang ipinagtatanggol siya. Yung tahimik na pagmamahal na hindi niya napansin hanggang sa huli. Pero nagising siya tatlong taon na ang nakakaraan mula sa kanilang kasal, bago pa mangyari ang lahat ng trahedyang iyon. Nandiyan ang anak niyang si Caelyn, masaya at ligtas. Nandiyan si Ethan, tahimik pa rin at nasasaktan pa rin sa tatlong taong lamig at galit na ibinigay niya rito. Nandiyan pa rin sina Liana at Dylan, handang magsimula ulit ang kanilang mga panlilinlang. Pero hindi na siya ang dating Aerina. Alam na niya ang laro, at hindi na siya magpapaloko ulit. Hindi niya mababago ang nakaraan, pero kaya niyang baguhin ang hinaharap. Magiging karapat-dapat na ina kay Caelyn, susubukang makita at suklian ang pagmamahal ni Ethan, at haharapin ang mga taong sumira sa kanila noon. Hahanapin niya ang bawat katotohanan at ititigil ang kanilang mga plano, pero sapat nga ba ang kanyang alaala mula sa nakaraan para talagang maprotektahan ang pamilyang mahal niya ngayon?

View More

Chapter 1

Prologue: The Betrayal

Aerina’s POV

Bakit ba kasi hindi na lang siya umalis! Sigaw ko sa isip ko habang hirap na hirap akong nakatali sa upuan. My wrists stung where the rough rope cut into my skin, bawat tibok ng puso ko paalala na nauubos na ang oras ko. Bakit ba kailangan niyang isugod ang sarili niya para sa taong walang ibang ginawa kundi saktan siya?

Dylan and Liana kidnapped me. And I was such a fool… masyado akong nabulag. Dylan, my childhood sweetheart, the boy I'd dreamed of since I was fifteen. And Liana… my own stepsister, the one I'd comforted through every heartache, the one I called sister. Together they destroyed everything. And the worst part? My husband the man I hated since we got married, nandito pa rin, nagpapaka-bayani. Kung iniwan na lang sana niya ako para wala na siyang isipin.

Sa dami ng pagkakamali ko? He's still here to save? What an idiot.

Ang lamig ng bodega, amoy ulan at kalawang. Naririnig ko ang mga boses nila sa dilim Dylan's smooth, arrogant tone, and Liana's high, sharp laugh na dati ay nakakapag pakalma sa akin pero ngayon ay kinikilabutan na lang ako. Nakatayo sila ilang hakbang lang mula sa akin, may hawak na mga dokumento, habang si Ethan ay nasa pagitan namin bugbog sarado, may mga dugo, pero nakatayo parin ng tuwid para protektahan ako.

"Ano, Callahan? Pipirma ka ba o mamamaalam na sa asawa mo?" Dylan asked, waving the papers like a trophy.

Pero hindi tumingin si Dylan sa kanya. Lumingon siya sa akin at tumingin ng diretso, gamit 'yung mga mata na lagi kong kinaiinisan. 'Yung mga matang parang ako ang pinakamahalagang bagay sa mundo niya. Ever since we got married, I hated how he looked at me. Eh wala naman akong ambag sa buhay niya kundi perwisyo. Wala akong ibang ibinigay kundi galit, pagbabalewala, at sakit.

Pero ganun pa rin siya tumingin sa akin.

"Don't do it, Ethan," my voice cracked. "Umalis ka na. Wala na akong halaga."

Ngumiti siya nang malungkot, parang alam niya ang isang bagay na hindi ko alam. "You've always been worth everything, Aerina. Always."

Sumikip ang dibdib ko. Sa tagal na panahon, kinamuhian ko siya. Ang presensya niya na laging nandiyan, habang hinahabol ko ang multong hindi naman talaga nagmamahal sa akin. At ang pinakamasakit kasama ang anak namin sa mga inisip kong pabigat.

Sobrang huli na nang magising ako sa katotohanan. Bakit ba kasi napakasama kong ina? I promised myself once I'd never be like my stepmother… pero hindi ko rin nagawang panindigan 'yun.

Humakbang palapit si Liana, nakangiti nang mapang-asar. "Alam mo, Aerina, napakadali mong paikutin. Konting halo lang sa inumin mo, tamang timing, bigla kang nabuntis at napilitang magpakasal kung sino lang ang handang tumanggap sa'yo. Poor little you, forced into a marriage you never wanted."

Tumawa siya nang malakas. "Hindi mo man lang tinanong kung bakit si Ethan ang nagpakasal sa'yo, 'di ba? Akala mo kasi siya ang nagplano ng lahat di ba?."

Nanigas ako. "A-anong ibig mong sabihin?"

Buntong-hininga ang naging sagot ni Dylan, parang naiinip na. "Oh, Liana, huwag mo na siyang paglaruan. Pero sige ibibigay ko na rin 'to. Plano namin ang lahat. The one who drugged you? Pati na ang lahat ng nangyari sana noong gabing 'iyon… hindi ka dapat natagpuan ang buhay. Pero ang nobyo mo noon? Bigla na lang sumulpot. Nilabanan niya ang tatlong lalaking mas malaki sa kanya para lang protektahan ka. Iniligtas ka niya… at ikaw, kinamuhian mo siya dahil doon."

Parang gumuho ang mundo ko. Ginawa niya 'yun para sa akin?

All those years… sinisi ko siya sa lahat. Akala ko sinamantala niya lang ako noong gabing iyon. Akala ko ikinulong niya ako. Pero ang totoo iniligtas niya ako. At hindi ko man lang nasabi ang salitang salamat. Galit ang ibinigay ko sa kanya kasi mas madaling magalit kaysa aminin na mali ako.

"At ang anak mo?" bulong ni Liana na parang patalim. "Nakakaabala siya, 'di ba? Umiiyak, kailangan ka… paalala ng buhay na akala mo ay nawala sa'yo. Kaya itinaboy mo rin siya, hindi ba? Gaya ng pagtaboy mo kay Ethan. At ginawa naming sigurado na hindi mo siya mapapansin—masyado kang abala sa pag-iyak para kay Dylan para alagaan ang sarili mong anak."

Napuno ang paningin ko ng luha. Caelyn. My little angel. Halos hindi ko maalala ang mukha niya. Masyado akong abala sa pagrereklamo sa pag-iral niya. Masyado akong naging bulag sa katotohanan at naniwala na pabigat lang siya. Bihira ko siyang yakapin. Bihira kong halikan ang noo niya. Bihira ko man lang tawagin ang pangalan niya ng walang inis sa boses ko.

Hanggang sa nawala siya. At si Ethan ang sinisi ko. Sinisigawan ko siya noong inilibing namin ang anak namin, at tahimik lang siya, nasasaktan pero hinahayaan lang akong ilabas ang galit ko sa kanya.

Biglang nagsalita si Ethan, kalmado pa rin ang boses. "Nasa inyo na ang mga dokumento. Nasa inyo na ang kumpanya. Pakawalan niyo na siya. Hindi na ako lalaban."

"Ethan, huwag—" pagmamakaawa ko.

Tumingin siya sa akin. "It's fine, Aerina. I meant every word. Ibibigay ko ang lahat para lang maging ligtas ka."

"P-please… umalis ka na lang…"

Ngumisi si Dylan. "How touching. Pero alam mo, Callahan… hindi namin pwedeng iwanan ang tulad niyang marami nang nalalaman."

Natakot ako. "Dylan, usapan natin—"

"Ang usapan ay para lang sa mga tanga," sabi niya habang papalapit. "Hindi kita kailangan. Ang kailangan ko lang ay pirma mo."

Mas mabilis kumilos si Ethan kaysa sa inaasahan nila. Pero marami sila. Sumigaw ako ng habang binubugbog siya, pero hindi siya nagreklamo. Tumingin lang siya sa akin, parang kinuha na ang huling alaala ng mukha ko.

Then I saw the glint of metal in Liana's hand.

"Huwag!" sigaw ni Ethan at tumalon siya sa pagitan namin.

Three gunshots fires, bagay na hinding-hindi ko makakalimutan.

Napaluhod siya, hawak ang tagiliran, pero ang mga mata niya ay nasa akin pa rin. "Takbo… Aerina… bilis…"

Hindi ako maka takbo. Nakatali ako, sumisigaw hanggang sa mawalan ng boses. Nilampasan siya ni Liana na parang wala lang ito sa kanya, at tumayo sa harap ko.

"Hindi niya sinabi sa'yo, 'di ba?" bulong niya. "Mahal ka niya simula pa noong high school. Marami na siyang oportunidad na mas maganda sana ang makukuha niya, pero pinili ka niya. Pinoprotektahan ka niya mula sa pamilya mo noon pa man bago mo pa nalaman na may kalaban ka."

Tumingin ako kay Ethan na nakahiga na sa malamig na semento, dahan-dahang nawawalan ng lakas, pero inaabot pa rin ako ng kamay niya.

Patawad. Patawad na hindi kita nakita noon pa.

Tumayo si Dylan sa tabi niya, umiiling. "Kawawa ka naman. Nasayo na ang lahat, pero binigay mo lahat para sa babaeng hindi naman nakatingin sa'yo."

Halos pabulong na lang ang boses ni Ethan, pero narinig ko nang malinaw. "Sulit siya."

Bumagsak ang kamay niya. At pumikit ang mga mata niya.

Humarap sa akin si Liana, malamig ang tingin. "At ngayong… wala ng naniniwala sayo."

Ang sakit ng talim na tumagos sa balat ko ay wala kumpara sa sakit ng puso ko. Mamamatay na ako, pero ang naiisip ko lang ay siya. Ang asawang hindi ko deserve. Ang taong nagmahal sa akin noong hindi ko pa kayang mahalin ang sarili ko.

Kung maibabalik ko lang ang oras. Kung mabibigyan lang ako ng pagkakataong makita ang katotohanan. Kung masasabi ko lang sa'yo na nakikita na kita… mahal na kita.

"Hihintayin kita, Aerina. Kahit gaano pa katagal."

Mga putok ng baril ang sumunod, umalingawngaw sa buong bodega. Pero ang huling naiisip ko bago ako tuluyang nilamon ng dilim:

At kung bakit hindi na lang siya umalis?

Kasi mahal niya ako. At masyado akong nabulag para mahalin siya pabalik.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
8 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status