Third Person POV“Sandali mga apo, kailangan ko lang magbanyo,” paalam ni Lola Avi nang maramdaman niyang nagri-ring ang cellphone sa bag niya. Tinignan niya ang nasa likod niyang sina Kuya Invinzor, Kuya Henjie at Kuya Charlie para magpaalalay. Sa totoo lang, kaya pa naman niyang maglakad at hindi na sumakay sa wheelchair, pero hindi nga lang gaya ng dati na tumatagal, minsan, rumurupok na rin ang buto sa tuhod niya, kaya mas ginugusto niyang maupo na lang sa wheelchair.Pero dahil nandito si Jervie, ang taong may-ari ng diary na matagal na niyang hinahanap, gusto niyang magpakitang gilas.Inakay siya ng mga personal bodyguard niya, hanggang sa makarating sa loob ng mansiyon. Pagdating sa living area ng bahay niya, doon niya sinunod ang text message ni Ravi. Habang nakaupo kasi siya kanina sa hapagkainan na naka-set up sa labas ng manisyon, nabasa niya ang text message ni Ravi. Nagpakilala agad ito sa kaniya.“Good morning, Lola Vicky. Si Ravi po ito na kasama ni Irina nung nakaraang
Irina POV“Ano po yun, Lola?” magalang pa rin na tanong ni Jervie.Ngumiti muna si Lola Vicky. “Mabuti pa, kumain na tayo. Mamaya ko itatanong ‘yan.”Naunang naupo sa magarang puting mahabang lamesa si Lola, inalalayan naman agad siya nila Kuya Invinzor.“Tara, Jervie,” aya ko sa kaniya, matapos matulala sa pagbitin sa amin ni Lola Vicky. Ayaw pa niyang kumilos, kaya hinila ko na siya paupo sa hapagkainan.“Mag-breakfast tayo,” nakangiting sabi ni Lola Vicky.Ngumiti ako sa kaniya, habang si Jervie ay natulala na. Tila nag-iisip pa rin, kaya binulungan ko siyang kumain na lang muna at mamaya na kabahan.Tumango at ngumiti ng pilit si Jervie, pagkatapos, kumuha na kami ng pagkaing gusto namin.Ang daming pagkain sa lamesa. Lahat ng klaseng pagkain ata na pang-almusal ay nandito.“Wow, lola, tila pinaghandaan niyong mabuti ‘to ah?”“Siyempre, matagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Kaya, kumain lang kayo nang kumain. Mag-enjoy kayo sa pagkaing pinahanda ko sa inyo,” sagot nito, haba
Irina POVNasa tabi ko na si Jervie habang nasa loob kami ng kotse niya. Tahimik lang siyang nagmamaneho, pero ramdam kong handa na rin siyang humarap kay Lola Vicky. Kita ko rin ang kunot ng noo niya, halatang nag-iisip kung bakit nga ba gusto siyang makita ni lola.“Relax,” bulong ko sa kaniya, saka ko siya nginitian. Halata kasi masyado na nag-iisip siya ng malala. “Napatunayan mo naman na sa akin na ikaw talaga si Mr. Ryder King, kaya tiyak na matutuwa si Lola Vicky sa atin.”Hindi siya sumagot agad, bagkus tumingin siya sa bintana at saka bahagyang tumango. “Nakakagulat lang kasi, Irina. Pero, heto na nga, haharapin na natin siya. At sana maging masaya siya kapag nakita na niya ako.”Umilaw ang hawak kong cellphone. Nakita kong nag-message sa akin si Ravi. “Bakit nagpunta na naman si Jervie sa bahay ninyo at bakit magkasama kayo?”Napangiwi ako. Hindi pa rin pala tapos ang pang-stalk nila sa akin. For sure, tauhan ni Lola Avi ang nag-report kay Ravi.“Ravi, hindi ito pagtataksil
Third Person POVHindi inaasahan ni Jervie ang phone call na iyon galing kay Irina. Nasa loob pa siya ng maliit na condo unit niya, hawak ang cellphone habang pilit na nilalabanan ang hang-over galing kagabi.Napairap siya, wala siya sa mood para makipagkulitan sa babaeng iyon, na pinaglalaruan niya lang dahil kay Ravi.Saglit siyang nag-atubili kung sasagutin ba niya o hindi kasi sadyang masama ang pakiramdam niya dahil sa dami ng nainom na alak kagabi. Pero kahit na nanlalata, pinili niyang sagutin iyon dahil naisip niyang baka may mahalaga itong sasabihin sa kaniya.Pag-slide niya ng green button, agad nagsalita si Irina nang diretso at wala ng paligoy-ligoy pa.“Mag-ready ka. Magkita tayo ngayon, Jervie. Ipapakilala na kita kay Lola Vicky.”Napatigil si Jervie, napakunot ang noo habang pilit inaalala kung sino si Lola Vicky.“Ha? Bakit? Para saan? At sino siya?” tanong niya, halos mapalakas pa ang boses dahil sa gulat.“Wag ng maraming tanong, Jervie,” sagot ni Irina, habang napap
Mr. Ryder King POVHindi ko alam kung bakit naka-block na ako sa kaniya? Ano kayang nangyari? Magse-send naman ako ng video ko sa kaniya, masyado siyang mainipin. Siguro, iniisip niya na nanti-trip lang ako.Pero ang mahalaga, nabigay naman niya sa akin ang email niya. Magse-send ako ng isa kong video para magulat siya. Habang nandito ako sa ospital at tulog si Lola, nagawa kong makapag-send sa kaniya nung last video ko sa bundok. ‘Yung mukhang tarzan pa ako. Ito na lang kasi ‘yung isa sa mga natira at naka-save pa sa isang secret files ko. Akalain mo ‘yun halos eleven years ko itong naitago. At eleven years ding walang nakaalam sa sikreto ko.Pagkatapos kong mag-send kay Irina ng video ko, nakatanggap ako bigla ng message kay Gian.“V! Parang gusto ko na,” basa ko sa message niya, kaya napakunot ang noo ko.Nag-reply naman agad ako. “Anong parang gusto mo na?” tanong ko tuloy.“Maging XXX celebrity,” sagot niya ulit sa message, kaya nagulat at napatayo ako mula sa pagkakaupo sa malam
Irina POVApproved agad kay Lola Vicky ang absent ko dahil sinabi kong masama ang pakiramdam ko. Ganoon naman ‘yun, basta tungkol sa health ko ang dinahilan ko, wala pang ilang minuto ay payag na agad siya. Palibhasa’t nandoon sina Kuya Henjie, Kuya Invinzor at Kuya Charlie, wala na siyang kakaba-kaba pa.Kaya, tinuloy-tuloy ko na ang paghiga sa kama ko. Tinuloy ko rin ang pagbabasa pa sa diary ni Mr. Ryder King, habang umiinom ng mainit na gatas. Alam na rin nila Haide at Shirley na masama ang pakiramdam ko kaya hindi muna ako tutulong sa gawaing bahay. Si Shaider, kapag alam din niyang masakit ang ulo ko, hindi ako iniistorbo.Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang kapayapaan sa bahay. At aaminin ko, hindi na toxic maglagi sa bahay ngayon.Binuklat ko na ang bagong page sa diary ng XXX celebrity at hindi na kasi ako makapahintay kung anong susunod na mangyayari.August 20, 2014Sa apartment studio ko, 06:14 PMDear Diary,Halos mag-tatatlong buwan ng patay si Maria Riri. Kaya rin nga