Irina POV“Are you nervous?” tanong niya sa akin habang nakaupo kami sa isang high-end café sa loob ng isang luxury hotel. Oo, café lang daw pero para sa akin, parang five-star restaurant na ang dating. Ang bawat sulok ay ang sosyal-sosyal, at ‘yung simpleng cappuccino ko ay may art pa ng rose sa ibabaw ng foam.Medyo natawa ako, sabay umiling. “Hindi naman, siguro. More on kinakabahan lang kasi, wala akong idea sa mga ganiyang usapin. Malay ko sa mga engagement party na ‘yan. Wala naman ganiyang sa mga mahihirap na gaya ko.”Nagtaas siya ng kilay, parang natatawa sa akin. “Wala kang idea? Eh ikaw ang bride-to-be, Irina.”“Oo nga, pero,” napahawak ako sa leeg ko, halatang naiilang. Ang mahalaga ay honest ako. “Wala talaga akong alam sa mga party na ganiyan. Hindi ko alam kung saan nagsisimula. Venue ba agad? Food? Gown? Guest list?”Tumawa na lang siya sa huli. “Relax, Irina. Ako na bahala. I just need your opinion sa mga bagay-bagay. Kasi kahit ako ang magplano, hindi magiging kumple
Irina POVSabi ni Ravi, mag-rest day muna ako sa bahay buong maghapon para paghandaan ang engagement party namin. Nakakatuwa kasi uso pa pala ‘yun. Pero, hindi naman ako kumontra dahil gusto ko ring ma-experience ang ganoong pangyayari. Saka, sa mangyayaring iyon, tiyak na mas magiging kilala na ako. Lalo na sa buong Pilipinas.Maaga akong nagising, dapat matutulog pa ako hanggang tanghali dahil puyat ako kagabi kay Lola Vicky, pero dahil sanay na akong maagang nagigising, wala, gumising na rin talaga agad ako para lumabas kung anong maaring gawin ngayon sa bahay.Pagbukas ko ng pinto ng kusina, naamoy ko agad ang halimuyak ng bawang at suka na unti-unting sumisingaw mula sa kawali. Mainit, malasa, at pamilyar ‘yung amoy. Napakunot ang noo ko, kasi sa dami ng naluto ko na’t naluto ng ibang tao sa bahay, wala pa akong naamoy na ganitong klaseng aroma nitong mga nakaraang buwan. Parang matagal-tagal na nung huling maamoy ko ang ganoong aroma.Dahan-dahan akong lumapit, at doon ko nakita
Irina POVTila naman nahihiya akong paghintayin si Kuya Invinzor. Papasok na kasi ako ngayong gabi sa manisyon ni Lola Vicky at ayaw na ni Lola Vicky at Ravi na namamasahero pa ako papunta doon. Dapat daw ay may service na ako.Kaya ngayong gabi, narito na ako sa loob ng sasakyan na dala ni Kuya Invinzor. Gamit namin ang itim na sasakyan na palaging ginagamit ni Lola sa mga mahahalagang lakad niya. Napabuntong-hininga ako habang nakatanaw sa labas ng bintana, pinagmamasdan ko ang mga taong abala sa kani-kanilang buhay. May naglalako na ng balot, may ngayon palang bibili ng ulam at mga tambay na maagang nag-iinuman sa gilid ng kalsada. Dati, natatandaan ko, bago ako naging secretary ni Ravi at naging caregiver ni Lola Vicky, naglalako pa ako ng tinapa noon. Hindi lang iyon, naging janitres pa ako sa isang conviniece store. Ang dami ko na ring pinagdaanan. Ang dami kong pinagsikapan sa buhay. Gaya ni Ravi na si Mr. Ryder King, marami rin akong pinagsikapan sa buhay para maging matatag a
Ravi POVNakaupo ako ngayon sa gilid ng kama ni Lola Avi, habang hawak ang kamay niyang mainit dala pa rin ng kaniyang lagnat. Tulog siya nang mahimbing ngayon dahil kakainom lang ng gamot, pero kahit mukhang payapa ang kaniyang pagtulog, ramdam ko ang panghihina na ng katawan niya, na para bang lalo pang nagiging malala ang sakit niya, gayong matanda na siya.Kaya habang may oras pa, habang nandito pa siya, gusto kong mas makita pa niya ang mga mahahalagang araw sa buhay ko, lalo na ngayon… ngayong nakapagpasya na akong magpakasal sa babaeng mahalaga ngayon sa buhay ko.Kanina lang, dumating si Mama at Papa dito sa ospital para dalawin si Lola. Sinamantala ko na ang pagkakataon na narito sila kanina para kausapin.“Ravi, hijo,” si Papa ang unang nagsalita habang inaayos ang coat niya at umupo sa isang silya malapit sa bintana. “How’s your Lola? Has the fever gone down?”Tumango ako. “Medyo, Pa. Kanina mas mahina siya, pero at least ngayon nakatulog na nang mahimbing. The doctors said
Ravi POVIniwan ko muna si Irina sa ospital, kasama ni Lola Avi. Ito ay para magkaroon ako ng way para makipag-meet na kay Lola Vicky. Sinadya ko talaga ito para magawa ko na ang plano ko.Sa isang malapit na coffee shop na pag-aari raw ni Lola Vicky—kami magkikita. Ipapasara raw niya ito para sa special na pagkikita namin. Sinabihan ko si Lola, na mabilisan lang ito, kasi masyadong magtataka si Irina kapag nagtagal ako.Kaya pagdating na pagdating ko sa ospital nun, tila ako pa ang na-surprise. Hindi ko alam kung paano nangyari, pero nandoon din si Irina, e, iniwan ko siya sa ospital. Pero nakita ko rin kung paano magulat si Irina. Nang makita niya ako, napatayo talaga siya habang nanlalaki ang mga mata.“R-ravi, what are you doing here?” agad niyang tanong sa akin.“Ako ata ang dapat na magtanong niyan sa iyo? Sino ang naiwang nagbabantay kay lola?” tanong ko nang lapitan ko na siya.“Si Shirley, inutusan ko muna, kasi biglang nagpatawag si Lola Vicky ng urgent meeting. At hindi ko
Third Person POVSaktong wala sina Irina at Ravi nang dumating sa kuwarto ni Lola Avi ang isa pa niyang paboritong apo na si Jervie. Napakunot agad ang noo ng matanda nang makita niyang mugto ang mata ni Jervie.“Apo, anong nangyari? Bakit tila galing ka sa iyak?” Binaba ni Jervie sa kama ang dala-dala nitong camachile. Ang natatanging pagkaing alam niyang paborito ni Lola Avi.“Si Papa, palaging ganoon sa akin, Lola. Para bang wala na akong ginawang tama. Para bang puro kalokohan na lang ang ginagawa ko, e, halos lahat naman ng ginagawa at pinagkakaabalahan ko ay tungkol sa business ko. Mabuti kung nakatanga lang ako, nag-aadik, naglalasing. Minsan, hindi ko na tuloy mapigilang maglasing. Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. Lola, bakit pakiramdam ko, hindi ako mahal ni Papa?”Hindi na napigilan ni Jervie na humagulgol sa lola niya. Sa lahat ng tao na malapit sa kaniya, tanging sa kaniyang lola lang siya umiiyak at naglalabas ng sama ng loob. Kaya, wala namang magawa ang matanda k