Share

Kabanata 137

last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-01 14:06:50

Irina POV

Tila naman nahihiya akong paghintayin si Kuya Invinzor. Papasok na kasi ako ngayong gabi sa manisyon ni Lola Vicky at ayaw na ni Lola Vicky at Ravi na namamasahero pa ako papunta doon. Dapat daw ay may service na ako.

Kaya ngayong gabi, narito na ako sa loob ng sasakyan na dala ni Kuya Invinzor. Gamit namin ang itim na sasakyan na palaging ginagamit ni Lola sa mga mahahalagang lakad niya. Napabuntong-hininga ako habang nakatanaw sa labas ng bintana, pinagmamasdan ko ang mga taong abala sa kani-kanilang buhay. May naglalako na ng balot, may ngayon palang bibili ng ulam at mga tambay na maagang nag-iinuman sa gilid ng kalsada. Dati, natatandaan ko, bago ako naging secretary ni Ravi at naging caregiver ni Lola Vicky, naglalako pa ako ng tinapa noon. Hindi lang iyon, naging janitres pa ako sa isang conviniece store. Ang dami ko na ring pinagdaanan. Ang dami kong pinagsikapan sa buhay. Gaya ni Ravi na si Mr. Ryder King, marami rin akong pinagsikapan sa buhay para maging matatag a
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 137

    Irina POVTila naman nahihiya akong paghintayin si Kuya Invinzor. Papasok na kasi ako ngayong gabi sa manisyon ni Lola Vicky at ayaw na ni Lola Vicky at Ravi na namamasahero pa ako papunta doon. Dapat daw ay may service na ako.Kaya ngayong gabi, narito na ako sa loob ng sasakyan na dala ni Kuya Invinzor. Gamit namin ang itim na sasakyan na palaging ginagamit ni Lola sa mga mahahalagang lakad niya. Napabuntong-hininga ako habang nakatanaw sa labas ng bintana, pinagmamasdan ko ang mga taong abala sa kani-kanilang buhay. May naglalako na ng balot, may ngayon palang bibili ng ulam at mga tambay na maagang nag-iinuman sa gilid ng kalsada. Dati, natatandaan ko, bago ako naging secretary ni Ravi at naging caregiver ni Lola Vicky, naglalako pa ako ng tinapa noon. Hindi lang iyon, naging janitres pa ako sa isang conviniece store. Ang dami ko na ring pinagdaanan. Ang dami kong pinagsikapan sa buhay. Gaya ni Ravi na si Mr. Ryder King, marami rin akong pinagsikapan sa buhay para maging matatag a

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 136

    Ravi POVNakaupo ako ngayon sa gilid ng kama ni Lola Avi, habang hawak ang kamay niyang mainit dala pa rin ng kaniyang lagnat. Tulog siya nang mahimbing ngayon dahil kakainom lang ng gamot, pero kahit mukhang payapa ang kaniyang pagtulog, ramdam ko ang panghihina na ng katawan niya, na para bang lalo pang nagiging malala ang sakit niya, gayong matanda na siya.Kaya habang may oras pa, habang nandito pa siya, gusto kong mas makita pa niya ang mga mahahalagang araw sa buhay ko, lalo na ngayon… ngayong nakapagpasya na akong magpakasal sa babaeng mahalaga ngayon sa buhay ko.Kanina lang, dumating si Mama at Papa dito sa ospital para dalawin si Lola. Sinamantala ko na ang pagkakataon na narito sila kanina para kausapin.“Ravi, hijo,” si Papa ang unang nagsalita habang inaayos ang coat niya at umupo sa isang silya malapit sa bintana. “How’s your Lola? Has the fever gone down?”Tumango ako. “Medyo, Pa. Kanina mas mahina siya, pero at least ngayon nakatulog na nang mahimbing. The doctors said

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 135

    Ravi POVIniwan ko muna si Irina sa ospital, kasama ni Lola Avi. Ito ay para magkaroon ako ng way para makipag-meet na kay Lola Vicky. Sinadya ko talaga ito para magawa ko na ang plano ko.Sa isang malapit na coffee shop na pag-aari raw ni Lola Vicky—kami magkikita. Ipapasara raw niya ito para sa special na pagkikita namin. Sinabihan ko si Lola, na mabilisan lang ito, kasi masyadong magtataka si Irina kapag nagtagal ako.Kaya pagdating na pagdating ko sa ospital nun, tila ako pa ang na-surprise. Hindi ko alam kung paano nangyari, pero nandoon din si Irina, e, iniwan ko siya sa ospital. Pero nakita ko rin kung paano magulat si Irina. Nang makita niya ako, napatayo talaga siya habang nanlalaki ang mga mata.“R-ravi, what are you doing here?” agad niyang tanong sa akin.“Ako ata ang dapat na magtanong niyan sa iyo? Sino ang naiwang nagbabantay kay lola?” tanong ko nang lapitan ko na siya.“Si Shirley, inutusan ko muna, kasi biglang nagpatawag si Lola Vicky ng urgent meeting. At hindi ko

  • Diary Ng XXX Celebrity   kabanata 134

    Third Person POVSaktong wala sina Irina at Ravi nang dumating sa kuwarto ni Lola Avi ang isa pa niyang paboritong apo na si Jervie. Napakunot agad ang noo ng matanda nang makita niyang mugto ang mata ni Jervie.“Apo, anong nangyari? Bakit tila galing ka sa iyak?” Binaba ni Jervie sa kama ang dala-dala nitong camachile. Ang natatanging pagkaing alam niyang paborito ni Lola Avi.“Si Papa, palaging ganoon sa akin, Lola. Para bang wala na akong ginawang tama. Para bang puro kalokohan na lang ang ginagawa ko, e, halos lahat naman ng ginagawa at pinagkakaabalahan ko ay tungkol sa business ko. Mabuti kung nakatanga lang ako, nag-aadik, naglalasing. Minsan, hindi ko na tuloy mapigilang maglasing. Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. Lola, bakit pakiramdam ko, hindi ako mahal ni Papa?”Hindi na napigilan ni Jervie na humagulgol sa lola niya. Sa lahat ng tao na malapit sa kaniya, tanging sa kaniyang lola lang siya umiiyak at naglalabas ng sama ng loob. Kaya, wala namang magawa ang matanda k

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 133

    Irina POVNaka-ready na ako nung umagang iyon para pumasok sa office, pero biglang tumawag si Ravi. Sa halip na nakaupo ako ngayon sa office, nakaharap sa mga papeles at laptop, nandito ako sa ospital—sa private luxury room ni Lola Avi. Huwag na muna raw akong pumasok sa work, samahan ko nalang muna siyang magbantay kay Lola Avi doon. Siyempre, pumayag ako, alam ko kasi na nabo-bored ang boyfriend ko doon. At ayoko namang tanggihan siya, lalo na’t boss siya ng company na pinagtatrabahuhan ko. Siya na ang nag-utos na huwag akong pumasok ngayong sa work, kaya go lang ako, mas masaya rin kasi kung sasamahan ko siya roon. Tiyak na hindi na siya maboboring.Kahit ilang beses na akong nakakapasok dito sa room ng ospital ni Lola Avi, hindi pa rin ako makapaniwalang may ganitong room sa private ospital na ito. Hindi ito ang tipikal na ospital na napapasok ko, halos parang mini-condo ang datingan nito kasi. Maluwag, may sariling sala, may kama para sa bantay, at higit sa lahat, may maliit pero

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 132

    Irina POVSa wakas, tulog na si Lola Vicky. Tapos na ang mga gawain ko sa kaniya. Tumingin ako sa orasan ko sa phone, alas dose na ng gabi pero hindi pa ako inaantok. Tulog na rin si Ravi, kasi nag-message siya kaninang 10pm na maaga siyang matutulog dahil ilang araw siyang walang maayos na tulog dahil sa pagbabantay niya sa lola niya.Tahimik na ang buong mansiyon ni Lola Vicky. Ako naman, imbes na magpahinga na rin, nagpasya akong lumabas saglit para magpahangin. Naisip kong magpagod, kasi sa laki at haba ng mga hallway dito sa manisyon, daig ko pa ang nakaka-ten thousand step, parang nakakapag-exercise na rin ako.Paglabas ko ng main doors papunta sa garden, agad kong naamoy ang halimuyak ng mga tanim na rosal at sampaguita na tanim talaga ni Lola Vicky, sa umaga kasi, dito siya tumatambay, e, gustong-gusto niya ang amoy ng mga bulaklak sa umaga, nare-relax ito.Pero mas malakas pa rin ang amoy ng alak na agad sumalubong sa ilong ko. Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang mahinan

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status