Share

Kabanata 75

last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-31 13:02:49

Irina POV

Maaga akong gumising para mamili saglit. Nag-message na rin ako kay Ravi na medyo mali-late ako sa office, okay lang naman daw.

Bitbit ko ang eco bag kong kulay berde habang nasa palengke na, may listahan na rin ako ng mga bibilhin para sa almusal at tanghalian. Ang nasa isip ko lang ay ang tinolang manok na gusto kong ihanda ngayong umaga. Matagal ko na ring hindi naluto iyon, at naisip kong tamang-tama kasi kumpleto ang mga pinsan ko dito sa bahay, sina Haide at Shirley. Kapag Monday, walang pasok si Shirley, ang gara lang. Si Haide, sinusulit ang bakasyon at magkakapasok na rin sa school, soon.

Napakaraming tao sa palengke kapag umaga. Ang aaga rin nilang magising. Maaga pa pero parang piyesta dahil sa ingay nila. Ang sigaw ng mga tinderong nag-aalok ng paninda, tunog ng mga plastik na binubuksan, at halakhak ng mga mamimili ang maririnig.

Bumili ako ng sariwang manok, pinalinis ko na rin para hindi na ako mahirapan pag-uwi sa bahay. Kumuha rin ako ng luya, malunggay, at
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 84

    Irina POV“Kumusta na nga pala ang Tita Shiela mong masungit sa iyo?” biglang tanong ni Lola Vicky. Nagising kaming dalawa ngayong alas tres ng madaling-araw. Nagutom si Lola Vicky, kaya ginawan ko siya ng mainit na hot choco at saka nilagyan ng biscuit ang isang platito.“Sa tagal kong nawala, hindi ko pa po pala nasasabi sa iyo ang tungkol sa kaniya,” sagot ko, habang nakatingin sa tasa ng hot choco na nasa tapat ko. Mayroon din kasi ako. Gusto ni Lola, kapag kakain siya o nagkakape, dapat mayroon din ako. Dapat may kasabay siya. Kaya kahit ayokong uminom ng hot choco, wala akong magagawa, kailangan ko siyang sabayan.“Bakit, anong nangyari sa kaniya? Mas lumala pa ba ang pagiging maldita?” kilalang-kilala na rin talaga ni lola si tita, palibhasa’t nung mga panahong stress ako sa kaniya, palagi ko itong kinukuwento kay lola. Kaya alam na alam na rin niya kung gaano ito kamaldita sa akin.“Sa ngayon ay kalmado na po ang bahay. Nagkaroon po kasi ng cancer sa atay si Tita Shiela. Tapos

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 83

    Irina POVPinagluto ko ng merienda si Jervie. Nakakahiya naman kasi kung pauuwiin ko lang siya ng ganoon lang. Gumawa ako ng carbonora, request din kasi niya. Pagkatapos, gumawa na rin ako ng hot choco, request din niya.“Ngayong nakilala mo na ako, Irina, nandidiri ka ba dahil dati akong pörnstar?” tanong niya, habang kumakain na kami ng carbonara.“Hindi naman, proud ako sa iyo, dahil ginawa mo iyon o pinasok mo ang ganoong trabaho para sa lola at pamilya mo. At masaya akong malaman na super success ka na ngayon. Anyway, alam ba nila Ravi ang tungkol sa pagiging XXX celebrity mo dati?” tanong ko naman, kaya biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.“Please, Irina, huwag mong sabihin sa kaniya. Walang nakakaalam nito, kundi si lola lang at ang parents ko. Never itong nalaman ng mga pinsan ko. Hindi ko pinaalam dahil nahihiya ako,” pakiusap niya habang seryosong nakatingin sa kaniya.“So, naamin mo na pala sa kanila?”“Naamin?”“Oo, nabasa ko nga sa diary mo, na aamin ka sa kanil

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 82

    Irina POVAlas-kuwatro pa lang ng hapon, pero nasa bahay na ako. Hindi ako sanay, kasi bihira akong makauwi nang ganito ka aga. Pero si Ravi mismo ang naghatid sa akin, siguro dahil ayaw na niyang pahabain pa ‘yung tampuhan namin. Hindi ko na rin inusisa, ang mahalaga, maaga akong nakauwi, at nagkaroon ako ng pagkakataong gawin ang plano ko.Habang papunta ako sa kuwarto para ayusin ang gamit ko, hindi ko maiwasang mag-isip. Kung ngayon ko kakausapin si Jervie, kailangan talagang sigurado akong walang makakakita o makakakilala sa kaniya. Lalo na’t alam kong may binayaran daw na lalaki si Lola Avi para mag-stalk sa akin. Hindi nila puwedeng malaman na pinapapunta ko si Jervie dito sa bahay.Kaya kinuha ko ang cellphone ko at agad nag-message kay Jervie.“Kung pwede ka ngayong hapon, pumunta ka dito sa bahay. Pero kailangan naka-disguise ka. Tubero ang style—overall, cap, mask, kahit tool bag para mas kapani-paniwala. May nagbabantay kasi sa akin, baka mahuli ka. Baka makilala ka”Hindi

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 81

    Irina POVPagbalik namin sa opisina ni Ravi, tahimik kaming dalawa mula pag-alis sa coffee shop.Umupo siya sa swivel chair niya, nakaharap sa laptop, at ako naman ay diretso sa desk ko sa gilid, kung saan nakalatag ang ilang folders, minutes of meeting, at updated calendar schedule niya.Dapat masanay na ako sa katahimikan. Tama, ganito naman kami dati, kaya sanay na talaga ako. Secretary naman talaga ako, hindi ba? Parte ng trabaho ko ang mag-check ng emails, gumawa ng reminders, i-update ang planner ni Ravi tungkol sa mga paparating na board meetings at conference calls. Pero ngayong may tampuhan kami, mas ramdam ko ‘yung bawat pag-click ng mouse ko, bawat pagtunog ng ballpen ko habang nagsusulat ng notes.Kanina pa rin siya hindi umiimik. Minsan lang siyang magsalita para magtanong ng tungkol sa isang schedule, pero pagkatapos noon, balik na naman siya sa tahimik.Ako naman, nagsisimula nang mainis sa sarili ko. Hindi ko rin kasi masabi sa kaniya ang tungkol sa diary na iyon. Huwa

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 80

    Irina POVNo choice talaga ako nung araw na ‘yon. Kahit anong pilit kong sabihin kay Ravi na kaya ko naman mag-isa, hindi siya pumayag. Sabi niya, hindi ako puwedeng umalis nang hindi siya kasama. Kaya heto ako ngayon, kasama siya, habang naglalakad papasok sa isang coffee shop na pagmi-meet-up-an namin ni Jervie.Ang totoo, medyo kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam kung paano magre-react si Jervie kapag makita niyang kasama ko ang pinsan niya. Pero wala na akong nagawa. Ayaw niya akong pakawalan, tapos gusto ko nang makausap si Jervie.Pagbukas pa lang ng pinto, nakita ko agad si Jervie sa isang table sa sulok. Nakasuot siya ng simpleng polo shirt, may hawak na cellphone na parang may tina-type. Nang mag-angat siya ng tingin at makita kaming papalapit, bigla siyang napatigil. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya.“Ah, Irina…” bumaling siya kay Ravi, saka bumalik ng tingin sa akin. “Bakit… bakit kasama siya?”Hindi ko alam kung paano ko sasagutin. Kaya natural na lang akong nag-kibi

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 79

    Irina POVNasa oras ng trabaho ako ng mga oras na iyon, nasa loob ako ng opisina ni Ravi, nakaupo sa tabi ng desk niya habang tinitignan ang monitor at inaasikaso ang schedule ng mga meetings niya para sa araw na iyon. Katatapos lang ng isa niyang conference call kaya abala pa ako sa pag-aayos ng minutes at reminders para sa susunod. Kahit na sanay na ako sa dami ng inaasikaso, minsan napapailing pa rin ako kung gaano kasiksik ang kalendaryo nitong boss ko.Tahimik ang buong opisina, ang tanging naririnig lang ay ang tunog ng mga daliri ko na mabilis na pumipindot sa keyboard, habang si Ravi naman ay seryosong nagbabasa ng report na galing sa finance team. Ganito lang naman palagi ang routine naming dalawa dito. Nabago lang talaga ngayon, kasi gusto niya, may table na rin ako rito sa office niya, talagang magkasama na kami dito, hindi na sa kabilang office pa.Nabasag ang katahimikan nang mag-ring ang phone ko. Agad na tumingin si Ravi sa akin habang nakakunot ang noo.“Sino ‘yon?” ta

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status