A NIGHT WITH MY STEPBROTHER

A NIGHT WITH MY STEPBROTHER

last updateLast Updated : 2026-11-18
By:  Purple PenUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
6views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Matapos mabunyag ang pagtataksil ng kanyang kasintahan at ng matalik na kaibigan, ang tanging nais ni Maica ay magsimulang muli. Isang tahimik na buhay, maayos na trabaho, at pusong hindi na muling masasaktan. Ngunit hindi niya inaasahang ang pagbabalik niya sa piling ng kanyang ina ay magdadala sa kaniya sa isang lalaking magiging dahilan ng panibagong kaguluhan sa kanyang buhay. May mga taong dumarating sa ating buhay upang turuan tayong magmahal. Ngunit paano kung ang taong iyon ay siya ring taong hindi natin dapat mahalin? Paano kung ang lalaking unti-unting bumihag sa kanyang puso ay siya ring lalaking kailangan niyang ituring na kapatid? Dahil ang masaklap sa lahat, siya ang kanyang stepbrother. Si Dave Monteverde. Mayabang, mapaglaro, ubod ng yaman, at walang pakialam sa sasabihin ng iba. Isang lalaking tila walang ibang alam kundi ang magpalit ng babaeng dinadala sa kanyang silid. Sa bawat asaran, pagtatalo, at hindi inaasahang pagkakataong magkalapit sila, may damdaming unti-unting nabubuo--isang damdaming pareho nilang alam na hindi dapat umiral. Dahil paano mo lalabanan ang pusong nahuhulog sa taong dapat sana'y itinuring mo na lamang na kapamilya? At kung ang pagmamahal ay isang kasalanan, hanggang saan sila handang sumugal para rito?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

“MGA WALANGHIYA KAYO!”

Halos manginig ang buong silid sa lakas ng sigaw ko habang unti-unti akong humahakbang palapit sa kama. Nandoon nakahiga sa kama ang boyfriend kong si Jules. Katabi niya ang babaeng ilang taon ko nang pinagkakatiwalaan, si Abigail. Ang kaibigan ko. Ang roommate ko. Ang taong itinuring kong kapatid.

Pareho silang natigilan nang makita ako.

“T-teka lang, Maica! What are you doing here?!” gulat na sigaw ni Abigail habang dali-daling hinihila ang kumot upang takpan ang hubad niyang katawan.

Umalis kasi ako kaninang umaga, plano ko na iyon, para mahuli sila sa akto.

Napailing ako habang pilit na pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa mga mata ko.

“Ang kakapal talaga ng mukha n'yo!” nanginginig kong sigaw. “Of all the places pwede n'yong pagtagpuan, dito pa talaga?!”

Mabilis kong ibinaling ang tingin kay Jules at itinapon sa mukha niya ang mga printed pictures at screenshots ng palitan nila ng mensahe ni Abigail.

“Ha, Jules?!” halos maiyak ako sa galit. “Wala ka man lang bang sasabihin?”

“What do you want me to say, Maica? Nakita mo na, may proof ka pa!”

“Hindi ka man lang ba magso-sorry Jules? At ikaw,” turo ko kay Abigail.

“Ahas ka!” sabay sugod kay Abigail na nasa kama.

“Ano ba Maica?!” sigaw ni Jules, “Tutal nahuli mo na kami, hindi ka na namin pahihirapan pa. Oo, matagal na kaming may relasyon ni Abigail, ipinasok ko rin siya ng trabaho kasi hiniling niya sakin, hindi mo katulad na ma-pride! Hirap ka na mag-hanap ng trabaho pero pride pa rin ang iniisip mo! Ano pa? Ano pa gusto mong malaman ha?!” 

Sa narinig, mas lalong hindi ko napigilan ang pag-iyak.

Kahit alam ko na ang kalalabasan, pinapili ko pa rin si Jules. “Mamili ka Jules, ako o si Abigail? Pag ako ang pinili mo, patatawarin kita. Pero kung si Abigail ang pipiliin mo, maghiwalay na tayo!”

Ngumisi si Jules sa narinig. “Tingin mo ba, ikaw ang pipliin ko? Fine! Mag-break na tayo! I was planning to end my boring relationship with you anyway.” Saad pa niya.

Pagkatapos sabihin iyon ay tuluyan ng umalis ng kwarto si Jules at si Abigail, na hindi ko napansing nakapagbihis na pala.

Naiwan akong mag-isa sa kwarto. I suddenly want to cry.

Hindi ko alam kung alin ang mas masakit, ang makita ang boyfriend kong may kasamang ibang babae, o ang malaman na ang babaeng iyon ay mismong taong pinagkatiwalaan ko nang buong-buo.

Alam kong hindi ko na kaya pang makasama si Abigail sa iisang bahay pagkatapos ng nangyari. Dahil wala pa rin naman akong trabaho, napagdesisyunan ko na umuwi muna sa probinsiya kung saan naninirahan si Mama.

***

I heaved a deep sigh pagkadating ko sa labas ng aming ancestral house. It had been years since I last visited this place. Three years, to be exact.

As far as I knew, dito pa rin nakatira sina Mama at ang bago niyang asawa habang hindi pa tapos ang renovation ng mansion nila Tito David sa mismong sentro ng siyudad.

Binuksan ko ang pintuan ng aming bahay gamit ang susi na nakatago sa ilalim ng paso. Thankfully, dun pa rin nakatago iyon.

“AHHHH!”

Napahiyaw ako sa gulat sa nakita kong live show. I just stand there, frozen. For a moment, hindi ko alam san ko ibabaling ang mga mata ko. Parang deja-vu sa nangyari kahapon. Seriously? Not again!

“SHIT!” sigaw ng lalaki habang dali-daling nagsusuot ng underwear, habang ang babaeng kasama naman ay nagtalukbong ng kumot.

“What the hell?! Who are you?!” malakas na tanong ng lalaki sa akin habang matalim akong tinitignan.

Napakurap ako sa lakas ng boses niya. I looked at him again, then I suddenly realized kung sino siya. It was him. My stepbrother. Dave Alexander Monteverde. Bakit dito rin siya nakatira?

“Ako si--” hindi pa ko tapos magpaliwanag ay muling nagsalita ang lalaki.

“Get the hell out of this house!” Singhal niya sa akin. Mayor is not here and Mama will be here soon!” sabi pa nito.

Huh? Confused, I looked at my stepbrother again. Ano naman ngayon kung uuwi na si Mama? Am I banned from entering our house? Pinapaalis niya ako sa bahay ko?

I was about to speak when he cut me off again.

“Umalis ka na, Miss, while I am being nice to you. I am telling you, tatawag na ako ng pulis at ipapadampot kita. Homewrecker!” dagdag pa nito.

Napanganga ako sa sinabi niya. Before I could even utter a word..

“Oh my God, Maica!” Napalingon ako kay Mama sa may pintuan. “Kailan ka pa dumating? Bakit umuwi ka?” Sunod-sunod na tanong niya.

“Hindi na ba ako welcome dito Mama? Bawal na ba akong umuwi sa bahay ko?” diin ko sabay tingin ng masama sa stepbrother ko.

“Huh?” litong tanong ni Mama.

"Kasi siya!" agad kong turan sabay turo sa stepbrother ko nakatayo malapit sa amin, at ngayon ay mukhang nalilito na rin. "Pinapaalis niya ako! Akala mo kung sino makapag-utos!"

“Ah!” tawa ni Mama.

“There must be some misunderstanding. Dave, halika.” Tawag ni Mama sa lalaki.

“This is Maica, my daughter, yung palagi kong naiku-kuwento sa inyo ng Daddy mo. Maica, this is your Kuya Dave, David’s son, your stepbrother”.

For a brief moment, nagkatinginan kami ni Dave.

Kuya? Never ko siya tatawaging Kuya, sa isip-isip ko. As if!

“By the way Maica, hindi mo pa sinasagot yung tanong ko sayo, bakit bigla kang umuwi? Ang dami mong dalang gamit ah, hanggang kailan ka dito?” natutuwang tanong ni Mama.

“I planned to stay here Mama, dito ako maghahanap ng trabaho. I don’t think city life is for me anymore.” Sabi ko pa.

“Naku! Tamang-tama! Dave is looking for an assistant.” Sabay baling ni Mama sa stepfather ko.

“Right Hon?” tanong ni Mama kay Tito David.

“Malaki na rin naman ang kumpaniya na iyon. Kaya ng makipagsabayan ng sweldo at benefits sa mga company na nasa city”.

Tumango naman si Tito David. “Oo pwedeng-pwede syempre. Wala magiging problema doon.” Tugon niya.

“Dad! Hiring an assistant have qualifications too, not just because she’s a family”. Ani Dave.

“Ma, I want to find a job on my own, ayoko rin po na ako makapasok sa company ng hindi ko pinaghirapan”.

"Maica, there's nothing wrong with giving it a try." mahinahong panghihikayat ni Tito David. "Maganda ang company ni Dave, not to mention the benefits. Besides, you'll still have to go through the hiring process. You'll be evaluated just like the other applicants, so I don't think it can be considered nepotism."

Although I appreciated the offer, hindi rin ako kumportableng magtrabaho sa ilalim ng isang taong ngayon ko pa lang nakilala.

Tahimik lang si Dave sa isang tabi habang ako ay nag-iba na ng topic. Wala na siyang sinasabi, pero halata sa mukha niya na hindi rin siya interesado sa ideya na maging empleyado niya ako.

Kakauwi ko pa lang, may problema na agad ako. Mukhang kailangan ko ng harapin ang isang lalaking bukod sa bastos, ay mukhang napakayabang pa.

I excused myself from them. Sinabi ko kay Mama na magpapahinga na muna ako.

Habang nasa hagdan ay hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga.

All I wanted was a fresh start. Gusto ko lang namang makahanap ng trabaho, mamuhay ng tahimik, at kahit papaano ay makapagsimula ulit.

But judging by how things had gone so far, mukhang malabo yatang mangyari iyon.

Hindi na pagmo-move on ang problema ko, kundi ang pagtira sa iisang bubong, kasama ang gwapo ngunit supladong stepbrother ko.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status