LOGINAfter losing her parents in a tragic accident, Jessica Danielle "Jade" Fuentes was taken care of by the one man they trusted with their lives—Steven De Silva. He became her guardian. Her protector. Her entire world. For seven years, Jade called him Daddy... Until she realized she wanted to call him husband. Now she's already twenty-one, she's done hiding her feelings. She'll do anything to make Steven see that she's no longer the little girl he raised. But before she can confess... Steven announces he's marrying another woman. The beautiful, elegant, rich and untouchable - Paloma Crisostomo. Refusing to give up, Jade declares war on the woman determined to steal the only man she ever loved. Every glance, every touch, every heartbeat becomes a dangerous game where only one woman can win. But while Jade is busy fighting for Steven's heart... Steven is hiding a secret that could destroy everything she believes about her past. Some love stories are forbidden. Some secrets are deadly. And sometimes, the man you call Daddy is the only one willing to burn the whole world just to protect you.
View More3:07 PM sa Room 9 - St. Therese ng St. Scholastica Academy. Mainit kahit bukas ang dalawang electric fan sa kisame. Amoy chalk at sahig na alam mong bagong floor wax.
Sa pisara, kalahati pa lang ang nasusulat na equation sa algebra na para bang napagod na si Mrs. Cristobal sa kalagitnaan kaya huminto. Nasa pinakadulong hanay si Jessica Danielle Fuentes or kilala bilang "JADE", labing-apat na taong gulang. Naka-ponytail na mataas, may maliit na perlas na hikaw. Ang manggas ng puting uniform, lukot sa kakahawak. Ang isang medyas, nakalaylay na sa bukung-bukong. Sa tabi niya si Lira Velasco, best friend simula Grade 7. "Jade, kapag tinawag ka ni Ma'am Cristobal, sabihin mo na lang masakit ulo mo," bulong ni Lira, kunwari nakatingin sa pisara. "Masakit ulo? Sabihin ko may Math flu ako? Nosebleed talaga ako pag Math na" sagot ni Jade nang pabulong. Gumalaw ang balikat niya sa pigil na tawa. Sa harap, si Ma'am Cristobal. Naka-makapal na salamin, may hawak na ruler na kahoy. May bakas ng chalk sa daliri. "Miss Fuentes, since mukhang marami kang gustong ikwento sa katabi mo kesa makinig sa discussion, can you solve number three on the board?" Napasinghap si Lira. Si Jade, umayos ng upo, hinawi ang buhok na kumawala sa ponytail. Tumayo siya, dala ang maliit na notebook na may doodle ng puso sa gilid. Bahagyang nanginginig ang kamay habang hawak ang chalk. "Number three po, Ma'am, x equals twelve po?" Nakakunot ang noo ni Ma'am Cristobal. Bubuka na sana ang bibig para magsalita nang biglang— Ring. Ring. Ring. Ringtone ng cellphone niya na napakalakas ang nagpatigil sa sasabihin ng guro, na nakalimutan niyang isilent. Napakagat labi siya at napapikit. Lahat ng ulo mula first row hanggang likod, sabay-sabay lumingon sa kanya. Si Ma'am Cristobal, napahinto sa pagsasalita. "Kill me now" bulong niya sa sarili dahil sa hiya. "Miss Fuentes! Ilang beses ko ba sasabihin sa klase na ito na ilagay sa silent mode ang cellphone pag nasa klase!" may diin ang bigkas ni Ma'am Cristobal, may kasamang kalabog ng ruler sa mesa. Lumipad ang kaunting chalk dust sa ere. Namula ang mukha ni Jade hanggang leeg. Mabilis niyang hinalungkat ang pink na backpack na may bear na keychain na bigay ng Mommy niya. Tila nanadyang, naipit pa ang zipper bago bumukas. Dinukot niya ang maliit na cellphone na regalo ng Daddy niya nung nakaraang birthday, may casing na stars na kumikinang ang design. Sa screen, UNKNOWN NUMBER. Akala niya si Mommy niya. Pero iba ang kaba na gumapang sa dibdib niya. Sinagot niya, binabaan ang boses na parang bulong na lang. "Hello po?" Sa kabilang linya, boses ng babae ang bumungad sa kanya, pero hindi ang mommy niya. Mabagal na parang nag-aalangan kung sasabihin ang pakay o hindi. Rinig sa background ang parang beep ng isang monitor na paulit-ulit. "Magandang hapon hija, Ikaw ba si Jessica Danielle Fuentes?" "Opo maa'm, ako nga po. Sino po ito?" kumabog ang dibdib niya ng hindi niya maipaliwanag. "From St. Matthew Medical Center ito, hija. Pumunta ka sana agad dito sa emergency. Naaksidente ang parents mo, si Grace at Leon Fuentes. Critical ang kondisyon nila ngayon. Kaninang tanghali pa sa SLEX." Hindi agad rumehistro sa utak ni Jade ang sinabi. Narinig niya ang salitang aksidente, narinig niya ang salitang critical, pero hindi niya maunawaan kung paano pagsasamahin ang dalawa sa pangalan ng Mommy at Daddy niya. "Ano po? Anong aksidente po? Sino po kayo? Totoo po ba ito?" Lumakas ang boses niya at nanginig ang kamay. "Please, hija, hurry!Tnaging pangalan mo ang binabanggit ng nanay mo! Bilisan mo bago mahuli ang lahat!" wika nitong di na maitago ang bigat ng sitwasyon sa boses. Nalaglag ang lapis ni Lira sa sahig. "Jade?" tawag ni Ma'am Cristobal. Dahan-dahang nabitawan ni Jade ang cellphone. Nahulog ito sa sahig, umiilaw pa ang screen. "MOMMY KO! DADDY!" sunod-sunod ang patak ng luha niya. Ang sigaw na iyon, hindi na boses ng batang makulit sa likod. Boses iyon ng labing-apat na taong gulang na biglang nawalan ng hangin at nahintakutan sa narinig na balita. Napatayo siya nang halos matumba ang upuan. Nahulog ang bag niya, pati libro ni Lira nasama. Pati notebook niya, nalaglag at bumuklat sa sahig, kita ang doodle ng puso na may pangalan ng Mommy at Daddy sa loob. "Miss Fuentes! Saan ka pupunta? May klase pa tayo!" sigaw ni Ma'am Cristobal, pero hindi na siya lumingon. Tumakbo siya palabas ng room. Ang puting rubber shoes, dumudulas sa makintab na sahig ng corridor. Ang ponytail niya, sumasayaw habang tumatakbo. Ang mga estudyante sa hallway, napapahinto at nagtataka. "Jade! Jade, hintay! Dalhin mo bag mo!" Si Lira, tumatakbo rin, dala ang pink na backpack at inabot sa kanya ng mabilis, ang mukha punong-puno ng pag-aalala. Sa labas ng gate ng school, sumampal ang init ng alas tres sa mukha niya. Pero hindi niya ramdam, umiiyak na siya nang hindi niya namamalayan. Tuloy-tuloy ang luha niya. "No! Mommy, daddy! Wag niyo ako iprank ng ganito!" nanginginig ang tuhod, hilam ang luha na pati sipon naghalo na sa sobrang iyak niya. Nagtaas siya ng kamay sa kalsada. May isang tricycle, dumaan lang. Jeep, puno, hindi huminto. Kotse, bumusina pa. "Miss! Miss! Saan ka?" Isang lumang taxi na puti na naninilaw na, huminto sa tapat niya. Binuksan ng driver na may edad na ang bintana. "Hospital po! St. Matthew po! Bilisan niyo po, please!" Halos palahaw na ang boses niya habang binubuksan ang p***o at halos madapa papasok, tumama ang tuhod sa gilid ng upuan. Sa biyahe, nanginginig ang payat na tuhod niya. Pinipiga niya ang laylayan ng palda niya na paramg doob kumukuha ng lakas. Dumadaloy ang luha sa pisngi, bumabagsak sa puting uniform. Ang driver sa harap, sumusulyap sa salamin at bakas sa mukha nito ang awa. "Anak, okay ka lang ba? Gusto mo ba tawagan ko pamilya mo?" marahang tanong ng driver. Umiling lang si Jade. Hindi makapagsalita. Mahigpit ang hawak sa strap ng bag, doon nakatali ang huling lakas niya. Pagdating sa St. Matthew Medical Center, halos lumipad siya palabas ng taxi. Hindi na kinuha ang sukli. Tumakbo papasok ng emergency. Bumukas ang pintong salamin nang kusa. Amoy alcohol at bagong mop ang paligid. "Grace Fuentes po! Leon Fuentes po! Nasaan po sila? Parents ko po sila!" Paos na ang boses niya, halos hangin na lang. Itinuro ng nurse sa reception ang dulo, sa may kurtinang puti na nakasara. May doktor na nakatayo, may hawak na clipboard, pagod at seryoso ang mukha. "Doc, parents ko po... okay na po ba sila? Nasaan po sila? Gising na po ba?" Lumapit siya, hawak ang bag na parang panangga sa ano mang maaring ibato sa kanya, namumugto na ang mata. Tumingin ang doktor sa kanya, mula ulo hanggang paa. Napapailing ito, bata pa. Masyadong bata para sa ganitong balita. "I'm sorry, hija. We did everything we could. Massive blood loss upon arrival. Wala na sila pagdating dito." deklara ng doctor. Parang huminto ang oras sa loob ng emergency. Ang beep ng monitor sa malayo, biglang lumakas. "Hindi, nagkamali lang kayo Doc! Pwede ko po ba sila makita? Please? Baka tulog lang po? Please?" Parang dasal na paulit-ulit ang boses niya. Marahan siyang inalalayan ng nurse papasok sa likod ng kurtina. May dalawang kama, dalawang puting tela na nakatakip hanggang mukha. Dahan-dahan niyang hinawi ang una, umaasang hindi ang mommy niya ang makikita. Pero bigo siya, si Mommy Grace nga ito, nakapikit. Medyo magulo ang buhok pero maayos pa rin ang suklay na lagi niyang ginagawa tuwing umaga. Maputla ang mukha pero parang natutulog lang. Ang pangalawa, si Daddy niya Leon. Nakalabas ang kamay sa gilid ng tela. Suot pa rin ang relo na bigay ni Jade nung Father's Day. Hinawakan niya ang kamay ng Mommy niya. May kaunting init pa, pero hindi na gumagalaw pabalik. Hindi na hahawak sa kamay niya pabalik. "Mommy... Mommy gising na po... uwian na po tayo... Dito na po ako... Mommy..." mahina, parang bulong na sinasabi tuwing umaga kapag gigisingin niya ito. Hanggang sa bumigay ang tuhod niya. Lumuhod siya sa maputing sahig. Niyakap ang kamay na dati laging nag-aayos ng buhok niya, laging naglalagay ng baon sa bag niya, laging humahalik sa noo niya bago matulog. "Mommy... Daddy... huwag niyo po akong iwan... ako na lang po... please... huwag po... Mommy, Daddy, gumising na po kayo..." Ang iyak niya, buong-buo. Iyak ng batang biglang nawalan ng tahanan, palahaw ng isang batang biglang hindi alam saan pupunta pag-uwi. Umalingawngaw sa loob ng apat na sulok ng kwartong iyon. Sa bulsa ng backpack na nalaglag sa sahig kanina, umiilaw pa rin ang phone niya. Mommy ❤️: We'll have dinner outside later. Tapusin mo lang class mo, susunduin ka namin ni Daddy. Love you anak ko. Unread. Sa labas ng morgue, sa may glass door ng hospital na may tatak na St. Matthew, huminto ang isang itim na luxury sedan, mabilis ang takbo at umalingawngaw ang preno ng huminto. Bumukas ang p***o, isang pares ng itim na sapatos ang unang bumaba sa semento. Mabilis ang lakad. Hindi huminto sa reception, dumiretso agad sa pakay. Isang matangkad, pustorado, gwapong lalaki ang huminto sa tapat ng doktor na kausap ni Jade kanina. At sa baritonong tono nagwikang.. "Nasaan si Jade Fuentes?"Three more years passed in the blink of an eye.Jessica Danielle Fuentes is now 21 years old. Graduating student ng Business Management. Campus sweetheart, hindi lang maganda. Elegant, confident, and lively.Pag dumadaan siya sa hallway ng university, lumilingon ang lahat. Babae, lalaki, professor, guard. Dahil may dating siya na hindi matutunan sa libro. Kaya kung madaming humahanga, marami ring naiinggit.Mahaba na ang buhok na dati hanggang balikat lang, ngayon lagpas na at bagsak na bagsak na parang commercial ng shampoo. Makinis ang balat, maayos ang ayos, pero hindi matapobre. Nakangiti pa rin sa janitor. Bumabati pa rin sa guard.Pero sa dami ng lumilingon sa kanya, isa lang ang gusto niyang mapatingin.Si Steven. She had a crush on him since she was 15. And as the days pass by, mas lalo lang lumalalim ang pagtingin na iyon.______Alas syete ng umaga sa De Silva Mansion.Nakaupo si Steven sa dulo ng dining table, nagbabasa ng financial reports na may kasamang black coffee na
Four years could change everything.Four years have passed.18th birthday na ni Jessica Danielle Fuentes. Freshman sa pinakamagandang university sa bansa. Mas mahaba na ang buhok na dati ponytail lang, ngayon lagpas balikat na at may kaunting kulot sa dulo. Mas matangkad na nang kaunti. Mas maganda ang bilugang mukha, mahahabang pilikmata. Sexy, makinis at maputi ang balat.Confident na maglakad sa hallway na dati takot na takot pumasok sa De Silva Mansion. Pero pag nagsalita, ganun pa rin, makulit, maingay, may nakakatawang paraan ng pagtawa.Excited siyang bumaba ng hagdan nang halos madapa.Nakalagay sa notes niya,Today is :✔ First day of college.✔ My 18th birthday.Paglabas niya ng kwarto,naka-uniform na ng university, puting blouse na may logo, above the knee skirt, medyas na puti na hanggang tuhod. Nagtaka siya sa katahimikan ng mansiyon.Si Simon, nagtitimpla ng kape sa may kusina, suot ang signature niyang salamin. Si Manang Celia, nagdidilig ng halaman sa may garden. Si
Walang nagsasalita sa sasakyan. Nasa passenger seat si Jade. Yakap ang maliit na picture frame ng Mommy at Daddy niya, yung kinuha niya sa altar kanina. Nakatitig lang siya sa bintana. Ang ulan, tumitila na, pero may bakas pa sa salamin na parang luha na hindi pa natutuyo.Si Steven ang nagmamaneho, hindi ito makapagsalita. Hindi rin nagpapatugtog ng radyo. Hinahayaan lang niyang umandar ang sasakyan sa SLEX pabalik ng Manila.Nang mapatingin si Jade sa gilid, may napansin siya sa may cupholder. Isang bottled water na bukas na, may tissue na nakatupi sa tabi, at isang maliit na panyo na puti na may burda na J. Hindi niya alam kung kailan inilagay. Hindi niya nakitang kumuha si Steven, nandoon lang.Pagpasok ng sasakyan sa malaking gate ng Dasmariñas Village, napahawak si Jade sa picture frame nang mas mahigpit.Bumukas ang malaking gate na bakal ng maraha.Pagbukas, bumungad ang De Silva Mansion. Hindi ito yung mansion na nakikita sa teleserye na maraming ilaw na kumukutitap. Kulay p
Huling araw ng burol sa Forbes Park Memorial Chapel.Punong-puno ang chapel ng puting bulaklak. Mga stargazer lilies na paborito ni Grace. Mga wreath mula sa business partners ni Leon na may gold lettering na "With Deepest Condolences". Sa labas, ilang media ang nag-aabang pero hindi pinapapasok ng guard.Sa loob, mga ilang kamag-anak na ngayon lang ulit nakita ni Jade simula nung bata siya. May nag-aabot ng sobre. May nagbubulungan, may umiiyak na hindi naman talaga malapit sa kanila.Pero sa gitna ng lahat ng bulaklak at bulong, nakaupo si Jessica Danielle Fuentes sa harap ng dalawang puting kabaong na magkatabi. Naka-itim na dress na medyo malaki sa kanya, Ang buhok, nakalugay lang at hindi pa nasusuklay simula kahapon. Ang mata, namumugto pero wala nang luhang lumalabas. Parang naubos na.Hindi siya gumagalaw. Nakatitig lang sa dalawang kabaong.Sa likod niya, may isang lalaking nakatayo.Hindi siya nagsasalita, naka-itim na polo, nakatupi ang manggas hanggang siko. Maayos ang ta






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.