Mag-log inHaide POV“Haide… salamat,” bulong niya sa balikat ko. “Hindi ko alam paano kakayanin ‘to kung wala ka.”Niyakap ko siya pabalik nang mas mahigpit at mas totoo. “Kakayanin mo. Kakayanin natin.”Maya-maya, lumapit ang nurse para i-check si Nanay Zizi. Nakatayo lang kaming dalawa sa gilid at pinagmamasdan siya. Sabi ni Azia, umuwi saglit ang Tatay niya para maligo.“Medyo okay na po ang vital signs niya,” sabi ng nurse. “Pero tama po ang sinabi ng doctor—mas mabuti pong simulan na agad ang chemotherapy para hindi na lumala.”Huminga si Azia nang malalim.At doon siya tumingin sa akin, para bang nag-aantay ng suporta sa magiging desisyon niya.Kaya tumango ako. “Nandito lang ako.”Saka siya tumingin ulit sa nurse.“At kailan po puwedeng simulan?” tanong niya habang matatag na ang boses.“Kung may approval na po ng family,” sagot ng nurse, “kahit ngayong hapon.”Diretso siyang lumapit sa nurse.“Sige po. Simulan na natin.”At doon ko napatunayan na matapang siya.Na kahit nanginginig ang
Haide POVTanghali na ako nakarating sa ospital. Mula pa kaninang umaga, hindi na mapakali ang utak ko. Sabi niya sa tawag, isinugod daw nila ang nanay niya dahil panay ang suka at nawalan pa ng malay.Habang naglalakad ako papunta sa room ni Nanay Zizi, iniisip ko kung paano ko hahawakan si Azia. Hindi ko alam kung umiiyak ba siya ngayon, o naninigas lang sa sobrang pagod, o tahimik na nakaupo sa gilid ng kama habang hinihintay ang mangyayari pa. Pero ang sigurado ko ngayon ay kailangan niya ako.Kailangan niya ng kahit sinong gagabay sa gitna ng bagyong hindi niya inakalang darating nang ganito kabilis.Pagdating ko sa pintuan, halos hindi ako makahinga. Nakita ko si Azia, nakayuko, naka-upo sa maliit na upuan, hawak ang kamay ng nanay niyang nakahiga at may nakakabit na dextrose.Naka-jacket pa rin siya kahit mainit. At ang mga mata niyang pula. Namamaga. Parang piniga ang puso ko.Dahan-dahan akong lumapit. “Azia?” mahina kong tawag.Nag-angat siya ng tingin, at kahit pinilit niya
Azia POVHindi ko na maalala kung ilang beses na akong tumawag kay Haide ngayong umaga, pero sa wakas, sinagot niya rin. Nanginginig ang boses ko habang hawak ko ang phone sa tenga, halos humihikbi pa ako dahil sa kaba.“Haide, ma-mali-late ako ng pasok,” sabi ko agad, na halos bulol na talaga.“Azia? Uy, bakit? Ano nangyari? Okay ka lang ba?” mabilis niyang tanong, na parang kinakabahan din dahil sa tono ng pananalita ko.Huminga ako nang malalim pero nanginginig pa rin ang dibdib ko. Ramdam ko pa rin ‘yung pawis sa kamay ko kahit malamig ang hangin dito sa emergency room. “Si Nanay Zizi… isinuka niya lahat ng kinain niya tapos bigla siyang nawalan ng malay. Tinakbo namin agad ni Tatay sa ospital. Mukhang lumalala na rin talaga ang lagay niya.”Sandaling natahimik siya sa kabilang linya, tapos narinig ko ang pagbigat ng hininga niya. “Nasaan ka ngayon? Pupunta ako—”“Hindi na, Haide,” putol ko agad, ayaw kong guluhin pa siya lalo na’t may school paper rin siyang dapat gawin. “Stay ka
Azia POVPagkagising ko kinabukasan, para pa rin akong pagod na pagod, parang mabigat pa ang ulo ko kahit sabi ng doctor kahapon, okay na raw ako. Kaya nagpasya si Haide na umuwi muna ako sa amin, basta magpahinga lang daw ako nang isang buong araw. Wala munang editing, wala munang laptop, wala munang kahit anong puwedeng maka-stress sa akin.Sa totoo lang, medyo emotional pa rin ako. Hindi ko pa rin makalimutan ‘yung nangyari sa resort. Pero alam kong kailangan kong huminga. Kailangan kong magpahinga. Pero, habang nagpapahinga ako, sasamantalahin ko ang pakikipag-bonding sa Nanay ko.Kaya buong umaga, nakahilata lang ako sa sofa habang nakabalot sa malambot naming kumot. Soy milk lang ang breakfast ko, tapos pinakain ako ni Nanay ng tinapay. Kahit may nararamdaman siyang discomfort, pinilit niya pa rin akong asikasuhin.“Nanay naman, kaya ko naman po sarili ko, huwag ka na pong magpakapagod sa akin,” sabi ko habang inaagaw pa ang tray sa kamay niya.“Hindi. Hindi porke’t na-ospital k
Azia POVParang may mabigat na bato na nakapatong sa buong katawan ko nang dahan-dahan akong bumalik sa ulirat. Ang una kong narinig ay ang mahinang tunog ng beep… beep… beep… na parang umatake muna sa tenga ko bago sumingit ang liwanag sa mga mata ko. Naamoy ko agad ang matapang na amoy ng rubbing alcohol ng ospital.Unti-unti kong iminulat ang mata ko, pero parang may humahapdi sa sentido ko kaya napapikit ako ulit.“Azia?”Pamilyar na boses ang agad kong narinig.Nag-init ang mata ko. Pagbukas ko ng mata ko nang buo, si Haide agad ang bumungad sa akin. Nakaupo siya sa gilid ng hospital bed, namumugto ang mata, sobrang praning ang itsura, at parang ilang oras nang nag-iiyak.“Haide…” bulong ko, habang paos ang boses ko. Tumayo siya agad at marahang hinawakan ang kamay ko. “Oh my God, Azia, akala ko… akala ko kung ano na nangyari sa ‘yo.”Doon ko naisip ulit ang nangyari. ‘Yung staff. ‘Yung may hawak ng damit ko. ‘Yung paghabol niya. ‘Yung pagtulak niya sa ‘kin. ‘Yung malakas na pag-
Azia POVAng sarap maglalangoy. Na-miss kong maglangoy, na-miss kong magbabad sa tubig. Siguro, may tatlong taon na rin nung huling makapag-swimming ako. Siguro, nung team building pa nung dating work ko sa fast food. Sa sobrang busy, sa sobrang stress sa pamilya at sobrang stress sa gagong ex-boyfriend ko, nakalimutan ko ‘yung ganitong pakiramdam. Hindi tuloy mawala ang ngiti sa mga labi ko. Napapansin ko rin ang panay titig at tingin ni Haide sa akin.“Azia, tingnan mo ako!” sigaw ni Haide mula sa kabilang side ng pool, sabay lulubog, tapos aangat na parang batang tuwang-tuwa.Ang cute-cute niya. Ginagawa niya rin ang lahat para mas ma-enjoy namin ang moment dito sa pool. Mabuti na lang at nawala na ‘yung mga staff na panay ang tingin sa akin. Ito kasing si Haide, iba rin pala ang tama ng utak. Nag-report siya sa management, na kung maaari ay huwag kaming tinitignan ng mga staff kapag naliligo at naka-swimwear outfit. Ayon, nawala ang mga staff, tila pinapasok muna sa loob at kinaus







