Accueil / Romance / Diary Ng XXX Celebrity / Season 2 (Chapter 65)

Share

Season 2 (Chapter 65)

last update Dernière mise à jour: 2025-12-15 14:54:19

Azia POV

Sa nagdaang dalawang buwan, araw-araw akong may napapansing pagbabago kay Nanay Zizi. Unti-unti kong nakikitang lumiliwanag muli ang mukha at pakiramdam niya.

Noong una, halos hindi siya makatayo nang matagal. Konting lakad lang, hinihingal na. Madalas nakahiga, palaging may planggana sa tabi ng kama. Ang mga mata niyang dati ay puno ng sigla, naging maputla at parang laging pagod.

Pero habang lumilipas ang mga araw, may nagbabago na rin talaga. Napansin ko na hindi na siya agad sumusuka tuwing umaga. Nakakaupo na siya nang mas matagal. Nakakakain na kahit kaunti, hindi na kailangang pilitin pa. May mga pagkakataong nahuhuli ko siyang nakatingin sa bintana, tila may iniisip, pero hindi na ganoon kabigat ang tingin niya.

Isang umaga, nadatnan ko siyang nagwawalis sa sala.

“Nanay!” halos mapasigaw pa ako. “Bakit kayo gumagalaw?”

Napatingin siya sa akin at ngumiti. Yung ngiting matagal ko nang hindi nakikita. Natakot pa ‘yung mga kasambahay namin kasi akala nila ay papagalitan k
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • Diary Ng XXX Celebrity   THE END

    Azia POVKakatapos lang ng bakasyon namin sa Baguio at sa wakas ay makakapagpahinga na rin sa bahay.Pero, iyon ang akala ko. Sulit na sulit at sobrang enjoy na ang mga ganap sa Baguio, bet ko na rin sanang magpakabulok sa kama, kasi napagod din talaga ako sa kakagala, plus panay pa iyak ni Baby River.Pero biglang umiksena si Haide nang pag-abot sa akin ng envelope habang nasa hotel room kami, hawak-hawak ko pa si River na kakadede lang.“Anong ‘to?” tanong ko sa kaniya habang nakakunot ang noo.“Buksan mo, mahal, para makita mo,” sagot niya, na parang excited sa magiging reaksyon ko.Pagbukas ko, bumungad ang isang bagay na literal na nagpatayo sa balahibo ko. Plane tickets ang laman nun.Destination: Seoul, South Korea.Napatingin ako kay Haide. Tapos sa ticket. Tapos sa kanya ulit.“Ha—Haide…” hindi ko na agad ako makapagsalita dahil natulala ako.“Bukas na agad ang flight natin,” sabi niya, na parang normal lang ang lahat.Parang tinamaan ako ng kidlat. Parang natuliro ako. Ang g

  • Diary Ng XXX Celebrity   Season 2 (Chapter 74)

    Haide POVTradisyon nila Nanay Zizi na may buhos tubig ang baby. Hindi naman kami kumontra, hinayaan lang namin kasi mukhang kailangan talagang sundin ang mga magulang ni Azia.Manghihilot ang tinawag nila. Nagdasal sila, tapos may tubig na binuhos sa ulo ni Baby River. Pagkatapos nun, may pa-lugaw si Nanay Zizi. Siya ang nagluto at ang sarap. May putong puti pa nga.“Ang sarap mo palang magluto ng arroz caldo, balae,” puri ni Mama Shiela kay Nanay Zizi.“Totoo po ‘yan, Mama. Dati po kasi, nung bata palang ako at elementary, nagtitinda si Nanay sa tapat ng bahay namin. Marami sa mga kapitbahay namin ang paborito ang lugaw niya,” sabi naman ni Azia, na proud na proud sa nanay niya.“Salamat, Balae at anak,” nahihiya pang sagot ni Nanay Zizi.Pag-alis nung manghihilot na nagbuhos tubig kay Baby River, nagpasya naman kaming bumiyahe na papunta sa Baguio. Nagpasya kaming buong pamilya na magbakasyon doon ng isang linggo.“Handa na ang mga gamit ko,” excited na sabi ni Ate Shirley.“Kami r

  • Diary Ng XXX Celebrity   Season 2 (Chapter 73)

    Haide POVNasa gitna ako ng meeting noon. Nasa mahabang lamesa na may malalaking screen. Ang mga kasama ko pa naman ay mga taong seryoso ang mukha habang pinag-uusapan ang production numbers at expansion plans. Nasa harap ko ang tablet ko, may graphs, may projections, lahat mahalaga. Lahat pinaghirapan ko.Pero nang mag-vibrate ang cellphone ko sa tabi ng baso ng tubig, alam kong may mas mahalaga pa sa lahat ng iyon.Nakita kong tumatawag sa phone ko si Mama Shiela. Alam ni mama na may importante akong meeting kaya hindi niya ako basta-basta iistorbohin.Nanikip agad ang dibdib ko, kasi alam kong may emergency.Nag-excuse agad ako sa kanila, kahit na alam kong hindi profesional ang ginawa kong ‘yon. Ewan, naisip ko kasi agad sina Mama, Nanay at lalo na si Azia. Naisip ko, na baka isa sa kanila ang may nangyaring hindi maganda.“Hello, Ma?” mabilis kong sagot.“Haide,” nanginginig ang boses niya, “pumutok na ang panubigan ni Azia. Magmadali ka, tatakbo na namin siya sa ospital.”Parang

  • Diary Ng XXX Celebrity   Season 2 (Chapter 72)

    Azia POVLimang buwan na pala ang lumipas. Limang buwan mula nang magising ako sa isang hotel sa Italy, habang tanaw ang napakagandang dagat sa labas ng bintana. Doon kami nag-honeymoon ni Haide. Hindi siya pumayag nang wala ring bonggang honeymoon. After honeymoon, nagpasya na rin kaming tumigil sa pagiging XXX celebrity kasi ayos na kami sa mga business na hawak namin. ‘Yung ice cream shop ko ay halos sampu na ang branch ngayon. Buwan-buwan kasi ay nagpapatayo ako ng another branch, kaya dumami na nang dumami.Minsan, kapag iniisip ko ang mga araw na iyon, parang panaginip pa rin talaga, kahit paulit-ulit na lang ako. Pero mas lalo akong napapangiti kapag napapahawak ako ngayon sa tiyan ko.Tatlong buwan na akong buntis. Tatlong buwan nang may buhay na lumalaki sa loob ko.At ngayong araw na ito, sabay-sabay na nagbubukas ang dalawang bagong yugto sa buhay namin ni Haide.Nasa harap namin ang napakalaking building. Natupad na niya ang makapagpatayo ng isang pagawaan ng appliances na

  • Diary Ng XXX Celebrity   Season 2 (Chapter 71)

    Azia POVPagbukas pa lang ng malalaking pintuan ng ballroom ng five-star hotel, nakita ko agad ang pagiging sosyal ng lugar. Noon, iniisip ko, hindi manlang ata ako maikakasal ng may bonggang handa, bonggang reception at bonggang mapapangasawa, pero ngayon, heto na, nangyayari na at para pa rin akong nananaginip.Sa bawat sulok ay may mga puting bulaklak na may halong gold accents. Hindi siya sobrang makulay, pero sobrang elegante kung titignan.“Wow,” mahina kong sabi habang hawak ang kamay ni Haide.Napatingin siya sa akin habang nakangiti.. “Para sa ’yo ‘to.”Para sa akin talaga. Parang hindi ko pa rin ma-absorb.Pagpasok namin, sabay-sabay tumayo ang mga bisita. Palakpakan na naman at sigawan. May sumipol pa. Ramdam ko ang init ng mga tingin nila, pero hindi iyon nakakailang. Parang yakap kasi iyon sa amin, dahil alam naming masaya din sila sa nangyayari sa amin ni Haide ngayon.“Ladies and gentlemen,” malakas na announce ng host, “let us welcome for the first time as husband and

  • Diary Ng XXX Celebrity   Season 2 (Chapter 70)

    Azia POVParang kailan lang ay nakikipag-meeting lang kami sa coordinator. Tapos ngayon, araw na agad ng kasal namin ni Haide.Kakagising ko palang, pero ramdam ko agad ang kaba sa dibdib ko, pero hindi ito ‘yung kaba na gusto mong takbuhan. Ito ‘yung kaba na alam kong dahil saya masayang mangyayari mamaya.Sakto naman na pagkagising ko, may kumakatok na sa pintuan ng kuwarto ko.“Azia,” mahinang tawag ng isang pamilyar na boses.“Pasok po,” sagot ko.Dahan-dahang bumukas ang pinto at pumasok si Nanay Zizi. Napatayo agad ako sa kama.“Nanay.”Ngumiti siya. Napatitig ako bigla sa kaniya. Hindi na siya ‘yung payat at lupaypay na nakahiga lang noon. May kaunting pamumutla pa rin, oo. Pero tuwid na ang likod niya. May kulay na ulit ang pisngi. At ‘yung mga mata niya, halatang bumabalik na rin ‘yung kinang. “Ssshh,” sabi niya, sabay hawak sa kamay ko. “Huwag ka munang tumayo. Bride ka ngayon. Sige lang, mag-relax ka muna. Maaga pa naman”“Nanay…” nanginginig ang boses ko.Umupo siya sa g

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status