Home / Romance / Dirty Rich Billionaire / Chapter Four: Her Lies

Share

Chapter Four: Her Lies

Author: purplepink
last update Last Updated: 2025-10-13 22:44:36

Tama ba na gumawa ako ng kuwento at magsinungaling tungkol sa pagkatao ko? Pero kailangan kong magpanggap na mahirap para hindi ako mapahamak dito. Isa pa, tinulungan ko lang si Rico para suklian ang utang na loob ko sa kaniya. Mukhang hindi na siya guguluhin ng babaeng ‘yon. Na-brokenhearted dahil nalaman na taken na ang crush niya.

Nasa bahay ako ngayon ni Rico. And guess what, hindi lang siya nag-iisa rito. Sa pagkakabilang ko, isang dosena ang nakatira rito. Syempre, plus ako. So, 13 na kaming lahat dito. Ang maganda sa bahay nila ay sobrang lawak kaya marami rin ang mga gamit. Mukhang maykaya naman ‘tong si Rico. Pero bakit nandito siya sa low class?

“Ate Sandy, baka nagugutom ka na. Tara po sa kusina,” tawag sa’kin ng kapatid ni Rico. Siya si Clara at 3rd Year college na raw. Mabuti naman at nakakapag-aral siya.

Sinundan ko si Clara sa kusina. Halos malula ako sa nakita ko. Ang daming gamit nila sa kusina. Marami ring stock ng grocery at higit sa lahat, tatlo ang ref nila. Hindi na talaga ako naniniwalang low class sila.

Hindi ako makapaniwala pero nandiyan ang ebidensya eh. Parang mga lowkey rich sila ah. Ano kayang kabuhayan nila rito at ang dami nilang pagkain at mga kagamitan. Kanina nga sa sala, may flat screen TV sila at isang set ng sofa. Like what the hell? Ang akala ko ay mga dukha ang nakatira rito.

“Paano kayo nagkakilala ni Kuya Rico, ate?” tanong ni Clara habang nilalagyan ng palaman ang tasty bread na kinuha niya kanina sa aparador.

Patay. Ano na naman ang sasabihin ko? Mag-isip ka, Cassandra. Pasensya na talaga kung magsisinungaling na naman ako. I need to survive in this place.

“Sa park. Niligtas niya ako, hehe.”

Damn! Bahala na nga. Basta hindi nila puwedeng malaman ang tungkol sa tunay kong pagkatao. Bahala na kung sinungaling ako.

“Wow, knight in shining armor pala ang atake ng kuya ko. Siguro na-love at first sight ‘yon kasi sobrang ganda mo, Ate Sandy. Walang-wala sa’yo si Eva.”

Natawa ako sa sinabi niya pero totoo naman. ‘Yong ganda ni Eva hanggang kuko ko lang. Kidding.

“Tapos, paano po siya nag-propose sa’yo?”

Ayan ang hindi ko masasagot dahil wala namang proposal na nangyari. Palabas lang lahat pero kailangan na naming panindigan dahil alam na ng taga-Compound na asawa ako ni Rico. Naging instant celebrity pa ako rito. Natatawa nga ako kanina no’ng narinig ko ang bulong-bulungan ng iba. Well, lahat iyon positive thoughts about me.

“Ganito kasi-”

“Clara, hiramin ko muna ang Ate Sandy mo. May pag-uusapan lang kami,” biglang sabi ni Rico at hinila na lang ako nang hindi nakakapagpaalam sa kapatid niya. Nginitian ko na lang si Clara para hindi naman mukhang bastos ang pag-iwan ko sa kaniya sa kusina.

Dire-diretso kami sa paglakad hanggang sa marating namin ang isang kuwarto. Mukhang kuwarto ito ni Rico dahil na rin sa mga gamit na panlalaki.

“Anong binabalak mo?” tanong niya nang nakatalikod sa’kin. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. Malabo rin palang kausap ang lalaking ‘to. Paano ko sasagutin ang tanong niya kung hindi ko alam kung anong topic?

After five minutes, hindi ko pa rin sinasagot ang tanong niya kaya humarap siya sa’kin. Nakakatunaw ang mga titig niya. Kaya siguro patay na patay sa kaniya si Eva.

“Bakit mo sinabi na asawa kita? Bakit ka nagsinungaling?”

Ah… Ayon pala ang tinutukoy niya. Hindi ba niya alam na tinutulungan ko lang siya makawala kay Eva? Hangga’t alam ng babaeng ‘yon na single siya, hindi siya titigilan no’n. Dapat nga magpasalamat siya sa’kin kasi tinanggal ko ang linta sa buhay niya.

“Wala lang ‘yon. Tinulungan lang kita, Rico.”

“Hindi ko kailangan ang tulong mo.”

Ouch, independent si kuyang gangster. O baka gusto niya rin ang babaeng iyon?

“Okey, sabi mo eh,” sabi ko na lang.

Saglit kaming natahimik kaya nilibot ko na lang ang tingin ko sa buong kuwarto. Medyo madilim dito pero hindi naman magulo ang mga gamit. Naka-organize lahat mukhang hindi lalaki ang may-ari ng kuwarto.

“Hanggang kailan ka mananatili rito?” basag niya sa katahimikan na umiral sa’min.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Hanggang kailan nga ba ako makikitira rito? Ang sagot? Hindi ko alam. Ayoko rin lumapit sa mga kamag-anak ko dahil sure akong alam na nila ang ginawa ko. And maybe, dad froze my atm card, including my debit and credit card. Kilala ko na si dad, gagawa ‘yon ng paraan para lumapit ako sa kaniya pabalik. Tsk.

“Hindi ko alam,” nahihiyang sabi ko saka tumungo.

Paano ko ngayon bubuhayin ang sarili ko nang hindi nae-expose ang katauhan ko? Kapag sa city ako nagtrabaho, malalaman at malalaman nilang isa akong Morgan. Kapag dito naman ako nagtrabaho sa Compound, hindi sigurado na ligtas ako.

Ano ba ‘tong pinasok ko? Did I put myself in a big trouble? Oo, Cassandra. Ang tanga mo.

“Puwede kang manatili rito hangga’t kailan mo gusto. Huwag mo nang alalahanin ang gawaing bahay dahil may gumagawa ng gano’n dito. Ang alalahanin mo ay kung paano ka makakabangon sa sarili mong mga paa,” mahaba niyang litanya. Napanganga ako sa desisyon niya.

Seryoso siya? Patitirahin niya ako rito kahit wala akong ambag? Ganoon na ba siya kayaman para kupkupin ako?

“S-salamat, Rico.” Inangat ko ang ulo ko para ngumiti sa kaniya pero naka-poker face lang siya.

“Huwag mong problemahin ang mga gamit mo. Ihahatid iyon ni Tonyo maya-maya.”

Matapos niya iyong sabihin ay tinalikuran niya ako at tumungo ng pintuan. Nasa kalahati na ang pinto sa pagkakabukas nang habulin ko siya at hawakan sa kamay. Kinakabahan pa ako pero kailangan ko siya pasalamatan sa pag-asikaso sa’kin kahit hindi niya ako gaanong kakilala.

“Salamat ulit,” sabi ko lang at binitawan din ang kamay niya.

“May bayad ‘yon.”

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Bakit ka ganiyan Rico? Hmp!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter Five: Almost a Kiss

    Matapos naming maghapunan ay dumiretso agad ako ng kuwarto. Nauna nga kaming kumain ni Rico. Hindi ko alam kung bakit kami pinauna kumain kung puwede naman kaming sumabay lahat. Ang lapad kaya ng mesa nila. Kasya yata 15 na tao doon eh. Tinanong ko si Clara pagkatapos kung bakit. Ang sabi niya si Rico daw kasi ang provider sa bahay nila kaya ganoon. “Kumusta na kaya si dad? Hindi pa rin kaya siya tumitigil sa paghahanap sa’kin? Baka nga ni-report na niya sa mga pulis at may picture ko na nakadikit sa mga poste at wall."Pero kahit anong gawin niya hindi ako magpapakita. Unless, iurong niya ang agreement niya sa mga Corvera. “Dad kasi bakit mo ‘yon ginawa? Nagtatampo tuloy ako,” sabi ko at nagpakawala ng malalim na hininga. “Kung may mommy lang sana ako siguradong hindi iyon papayag na mangyari ito sa’kin.”Ilang minuto akong paiba-iba ng posisyon sa kama. Pero hindi ako makatulog. Hindi naman matigas ang binigay na kutchon sa’kin ni Rico. Malinis din ang kuwarto na pinahiram niya. H

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter Four: Her Lies

    Tama ba na gumawa ako ng kuwento at magsinungaling tungkol sa pagkatao ko? Pero kailangan kong magpanggap na mahirap para hindi ako mapahamak dito. Isa pa, tinulungan ko lang si Rico para suklian ang utang na loob ko sa kaniya. Mukhang hindi na siya guguluhin ng babaeng ‘yon. Na-brokenhearted dahil nalaman na taken na ang crush niya.Nasa bahay ako ngayon ni Rico. And guess what, hindi lang siya nag-iisa rito. Sa pagkakabilang ko, isang dosena ang nakatira rito. Syempre, plus ako. So, 13 na kaming lahat dito. Ang maganda sa bahay nila ay sobrang lawak kaya marami rin ang mga gamit. Mukhang maykaya naman ‘tong si Rico. Pero bakit nandito siya sa low class? “Ate Sandy, baka nagugutom ka na. Tara po sa kusina,” tawag sa’kin ng kapatid ni Rico. Siya si Clara at 3rd Year college na raw. Mabuti naman at nakakapag-aral siya.Sinundan ko si Clara sa kusina. Halos malula ako sa nakita ko. Ang daming gamit nila sa kusina. Marami ring stock ng grocery at higit sa lahat, tatlo ang ref nila. Hind

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter Three: Gangster's Wife

    After ilang minutes na pakikipaghabulan sa mga pulis, nakatakas rin kami. Dumaan kasi kami sa masikip na eskinita kaya hindi na nakasunod ang mga pulis. Hindi ko nga alam kung anong lugar ‘tong napuntahan namin. Mukhang squatter sa dami ng nakakalat na kung ano-ano. Idagdag mo pa na ang dumi ng paligid at may naaamoy ako na medyo masangsang.Hindi niya naman siguro ako dinala sa abandonadong lugar ‘di ba? “Nasaan tayo?” medyo kinakabahan kong tanong. Wala kasi akong nakikitang tao rito bukod sa’ming dalawa. Mukha ngang abandonado na ang lugar na ito.Don’t tell me may gagawin siyang masama sa’kin? No, no, no. Hindi ko siya hahayaang pagsamantalahan ako. Mamamatay muna ako bago niya iyon magawa. “Nasa squatter.” Sh*t, tama nga ako!Teka, gangster ba siya?! Kung oo, anak ng pating, naisahan ako! “Anong gagawin mo sa’kin?” sabi ko sabay takip sa katawan. Kilala ko ang mga katulad niya. Alam na alam ko ang galawan nila, lalo na ‘pag may nakita silang magandang babae.Nanatiling nakati

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter Two: The Diamond and The Gangster

    May sa lahing pusa nga siguro ‘tong si Leo. Biruin mo nasundan pa rin ako rito. Ang lakas ng radar niya. Sana magamit niya iyon sa sarili niya para masagap niyang wala akong pagtingin sa kaniya. “May atraso ka ba sa kanila kaya ka nila hinahabol?” biglang tanong ng lalaki na nakatingin na pala ngayon sa gawi nina Leo.Kita mo itong lalaking ‘to? Kalalaking tao, tsismoso. “At bakit naman ako magkakaroon ng atraso sa kanila, aber?” “Sabihin na natin na nakadamit pangkasal ka at ‘yong lalaking ‘yon,” sagot niya sabay turo kay Leo na hindi pa rin kami napapansin, “ang magiging asawa mo pero tinakbuhan mo, tama?”Pusang gala, baka ituro pa niya ako kay Leo. Kailangan ko lumayo sa kanila dahil hindi ko matitiyak ang kalayaan ko ngayon.Dahan-dahan akong umatras palayo sa lalaki bago pa niya ako ituro sa baliw kong fiancé. Hindi pa niya nahahalata ang ginagawa ko, kaya tuloy-tuloy ako sa pag-atras. Sana nga hindi niya mahalata. I need to escape now. “At saan ka pupunta?” tanong ng barito

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter One: Runaway Bride

    “Cassandra! Don’t do this!” sigaw ng fiance ko na naka-black na tuxedo. Sa sobrang lakas ng pagkakasigaw niya ay mukhang umabot pa iyon sa kabilang kanto.Pero wala akong pakialam kung marami pa ang makarinig. Nilingon ko siya habang tumatakbo. Kitang-kita ko sa mukha niya na galit siya sa ginawa kong pagtakas. Pero anong magagawa ko? Hindi ko naman ginusto na maikasal sa kaniya. Ipinagkasundo lang ako ni dad sa kaniya. Hindi ko siya mahal at kahit kailan hindi ko siya magugustuhan. Ang layo niya sa qualification na hinahanap ko. “Pero nagawa ko na!” ganti kong sigaw at tinapon sa gilid ang bouquet na gawa sa puting rosas. Sayang sana ang mga bulaklak pero hindi pa talaga ngayon ang araw na matatali ako sa isang tao. I just felt that the right person is somewhere out there. Waiting for me to come. “Kahit saan ka magpunta mahahanap at mahahanap kita!” sigaw na naman ni Leo. Tsk. Nagmumukha na siyang obsessed. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit gano’n na lang ang naging desisyo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status