Chapter: Chapter 35: Childhood“Cassie. Clara. Saan kayo galing?” bungad na tanong sa amin ni Rico nang pumasok kami ng kusina. Mukhang kanina pa siya kumakain dahil nasa kalahati na ‘yong laman ng pinggan niya at may bawas na ang kape sa tasa. Tsk. Hindi manlang siya nagtaka kung bakit wala ako sa kusina kanina. Hindi manlang niya ako hinanap.Nagkatinginan kami ng kapatid niya at pinalakihan ng mga mata ang isa’t isa. Pagkatapos ay mabilis na ibinaling ang tingin kay Rico. Ngumiti ako ng hilaw sa kaniya at umupo sa tabi niya. Samantalang si Clara ay kumuha lang ng tinapay at umalis na.Bakit kaya ganito ang batas na pinatupad ni Rico sa bahay niya? Pamilya niya rin naman sila Clara. Pero bakit kailangan na wala siyang kasabay? At bakit kailangan siya ang mauna na kumain? Hindi naman siya royalty para magpakahari rito eh. “Saan ba kayo galing?” tanong niya ulit. Inabot ko ang tinapay pero mabilis niya itong kinuha at nilagay sa pinggan ko, kaya hinarap ko siya. “Nagpahangin lang sa labas,” sagot ko at kumuha ng
最終更新日: 2025-12-02
Chapter: Chapter 34: Reveal“Hindi ka ba nagugutom?” tanong ni Rico habang nilalaro ang buhok ko.Sa totoo lang ay nagugutom na talaga ako, pero ayokong umalis sa kama. Gusto ko nandoon lang kami buong magdamag. Ayokong umalis sa puwesto ko. Pero itong si Rico mukhang mas gutom na sa akin. Nakailang tanong na siya sa akin eh. “Ikaw, nagugutom ka na ba?” balik kong tanong sa kaniya at nilingon siya.Nahihiya siyang ngumiti at kinamot ang ulo. Kaya naman alam ko na kung ano ang sagot ni Rico. Nagugutom na rin siya. Nakakatuwa. Ang cute niya ngayon. Unti-unti ko na talagang nakikita ang soft side niya. Pero nakakalungkot lang. Baka hanap-hanapin ko ang side niyang ito. Hindi siya showy na tao eh. “Tara na nga sa kusina baka pagalitan ako ng nanay mo kasi pinapagutom kita.”Bumangon na ako sa puwesto ko at hinila siya para tumayo na. Pero hindi siya gumalaw. Sinasadya niya yatang mahirapan ako. Ano na namang trip nito? “Rico. Ano ba? Bumangon ka na!” pikon kong sabi at muli siyang hinila, pero lalo lang siyang na
最終更新日: 2025-11-29
Chapter: Chapter 33: Baby“Good morning.”Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at ang mukha ni Rico ang unang tumambad sa akin. Ang amo ng mukha niya ngayon, ibang-iba sa palagi kong nakikita sa kaniya. Umihip ba ang magandang hangin kaya mukhang good mood siya ngayon?Tapos, nagsalita pa siya ng ingles? Ito ang unang beses na nag-english siya. Hala… Baka may sumapi na mabuting espiritu sa kaniya kaya nawala ang bad boy na si Rico? O, ‘di kaya may matalinong kaluluwa ang naligaw sa katawan niya kaya nagsasalita na siya ng ingles. “Anong nangyari sa’yo?”Nilapat ko ang likod ng kamay ko sa noo niya at pinakiramdaman ang temperature sa katawan niya. Pero normal naman, wala siyang sakit.Bakit ganito? Natulog lang kami paggising ko nag-iba na si Rico! “Anong ginagawa mo?” nagtataka niyang tanong at napakunot ang noo. “Eh, kasi naman, hindi ka naman ganiyan kahapon ah. Anong nangyari sa bad boy ng Compound?” “Bad boy pala ang tingin mo sa akin?”Hala, ang bilis naman nitong magtampo. Nagdududa na talaga a
最終更新日: 2025-11-28
Chapter: Chapter 32: Sweet Night (SPG)Hindi ko na alam kung anong oras kami nakarating ng bahay. Hindi ko kasi suot ang smart watch ko kaya wala akong mapagtingnan. Wala namang wall clock sina Rico para matingnan ko ang oras. Ganito na siguro karamihan ngayon. Sapat na ang relos at mga gadgets para tingnan ang oras.Walang imik si Rico simula nang umuwi kami. Kahit nga ako ay wala ring imik. Ang awkward kasi ng nangyari. Bakit kasi nahantong pa sa ganoon? Wala kaming relasyon para gawin iyon, pero kung makaasta kami para kaming mag-asawa. Nakakahiya iyon kanina, sa totoo lang. Tapos, sinabi ko pang ipagpatuloy niya? Gosh, nagmumukha akong uhaw sa s*x.Hanggang sa makapasok kami sa kaniya-kaniyang kuwarto ay wala kaming kibuan. Hindi na ako nakapagsabi ng good night sa kaniya, kasi sino ba naman ako ‘di ba? Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan ni Rico. Siguro nabigla lang siya kanina. Na-tempt lang siya na gawin iyon sa akin.Pero hindi ko maipagkakaila na nagustuhan ko ang ginawa namin. Hindi ko tuloy masabi kong
最終更新日: 2025-11-27
Chapter: Chapter 31: Joyride (SPG)“Ate Sandy!” tawag sa akin ni Clara habang patakbo itong lumapit sa akin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Naramdaman ko ang saya niya nang makita ako. Kaya natutuwa ako dahil may isang tulad niya na may malasakit sa akin. “Sandy.” Nilingon ko si Mrs. Varela na sinalubong din ako ng masaya niyang ngiti. Kumalas ako sa yakapan namin ni Clara at humarap sa kaniya. Nangilid ang mga luha ko sa tuwa dahil hindi ko inakalang magkikita pa kaming muli.Oo, nasaktan ako sa mga sinabi niya kay Rico. Pero hindi ko naman siya masisisi. Napamahal din siya kay Ria. Kaya naiintindihan ko na ngayon. “Mrs. Varela,” tawag ko at niyakap siya nang mahigpit. Naramdaman ko rin ang mahigpit niyang yakap kaya lalo akong natuwa. “Masaya po akong makita ka uli.”“Mas masaya ako na makita kang muli, na ligtas at buo, anak,” ani Mrs. Varela. “Para namang hindi ninyo nakita si Sandy ng maraming taon. Huwag na kayong umiyak dahil makakasama pa natin siya nang matagal. ‘Di ba, Sandy?” singit ni Tonyo kay
最終更新日: 2025-11-26
Chapter: Chapter 30: Caught in His Arms“Sa tingin mo ba ay ibibigay ko sa iyo si Cassandra? Huwag kang mangarap, Varela. Dahil kahit kailan ay hind imo siya makukuha sa akin.”Matapos iyon sabihin ni Leo ay lumapit siya sa akin at kinalagan ako. Pero hindi niya kinuha ang tali na nakagapos sa mga kamay ko. Pagkatapos ay pinatayo niya ako at hinila papalapit sa kaniya. Inabot niya rin ang pera kay Vito na ngayon ay nagdidiwang na dahil nasa kamay na niya ang isang bilyon.Pilit kong tinanggal ang tali sa mga kamay ko pero hindi ito makalusot. Sa inis ko ay padabog kong binaba ang mga kamay ko at masamang tiningnan si Leo. Sinalubong niya ako ng ngiti na lalong nagpainis sa akin.“Don’t worry, wifey. Ilalayo na kita sa kanilang lahat at magsisimula tayong muli.”“Rico! Sasama ako sa iyo kung kukunin mo ako!” sigaw ko habang nakatingin kay Leo na unti-unting sumama ang timpla ng mukha.Dahil sa sinabi ko ay hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin. Pero hindi ako nagpatinag. Kahit saktan pa niya ako ay hindi ako sasama sa kan
最終更新日: 2025-11-25
Chapter: Chapter 24Hindi ko alam kung paano kakausapin sina dad; kinakabahan ako at nag-aalala. Oo nga’t ang sama ni Evone sa akin, pero hindi ko gugustuhin na malagay sa panganib ang buhay niya. Kapatid ko pa rin siya, nananalaytay sa ugat namin ang dugo ni dad. Kaya kahit sobrang sama ng kapatid ko, may parte sa akin na nasasaktan ako.Hindi ko sinasadya na mapahamak siya. Hindi ko ginusto na mahulog siya sa hagdan. Kung maibabalik ko lang ang oras ay hindi na sana ako lumabas ng classroom; sana hindi na lang ako nanlaban at hinayaan siya sa pang-aaway sa akin, wala sana siya ngayon sa emergency room. Hindi biro ang sinapit niya; nabagok ang ulo niya, at dahil iyon sa pagkakahulog niya sa hagdan.Dad will kill me. Baka this time, itatakwil na niya ako bilang anak niya. Oo, masakit dahil mas pinapaboran niya ang pangalawang pamilya niya, pero mas masakit kapag pinutol na niya ang relasyon namin bilang mag-ama. Siya na lang ang mayroon ako magmula nang mawala si mama. Kapag itinakwil ako ng sarili kong
最終更新日: 2026-01-17
Chapter: Chapter 23‘Good morning, Aunt Sparkle!’Napangiti ako sa natanggap na message. Umagang-umaga pero ito agad ang bumungad sa akin. Pinanindigan na talaga ng batang iyon na aunt sparkle ang itawag sa akin. Tinanong ko siya kung bakit iyon ang tinawag niya sa akin. Ang sagot niya lang ay simple, dahil kumikinang daw ako sa paningin niya. Nakakatuwa ang batang ‘yon at ang cute pa niya. Alam na niya kung paano mambola. Siguro tinuturuan ‘yon ng tatay niya kaya gano’n.Matapos ko siyang tulungan kahapon, nag-usap pa kami saglit. Panay siya tanong sa akin na kinagigiliwan ko namang sagutin. Base sa nalaman ko, apo siya ng mayamang negosyante, pero hindi niya nabanggit kung sino. Ang tanging nasabi niya lang ay ang tawag niya sa lolo niya. Nalaman ko rin ang pangalan niya, Inigo. Bago siya umalis ay hiningi niya ang number ko at Facebook account. Kaya ngayon, name-message na niya ako. “Grabe ‘tong si Inigo, adult ang galawan. Six years old pa lang ‘yan siya ha, pero kung makaasta parang gurang,” bulong
最終更新日: 2026-01-06
Chapter: Chapter 22“So, pinuntahan ka lang ni Mr. Kael para asarin ka? Iba rin tama no’n ah, inaasar ka na,” wika ni Saffie matapos kung ikuwento sa kaniya ang nangyari kanina sa labas ng gate nila. Tinatawanan nga niya ako habang kinukuwento ko sa kaniya iyon. Napapatingin sa gawi namin ang ibang estudyante na nakakasalubong namin dahil sa tawa niya na malutong at may halong gigil.Gusto kong takpan ang bibig niya pero lumalayo siya sa akin, kaya hinahayaan ko na lang si Saffie na pagtawanan ako. Mabilis na narating namin ang classroom at kaagad na umupo sa mga upuan. Kakaunti pa lang kami rito kasi maaga pa. May kaniya-kaniyang mundo ang mga classmate namin kaya hindi na namin sila pinansin pa. “Ay best, kailan tayo pupunta sa Zobellian Cooperatives? Next week na ‘yong pasahan no’n, ‘di ba?” pag-iiba ni Saffie ng topic. At muntik ko na ngang makalimutan na may term paper nga pala kaming requirements sa subject ni Veronique.Nilibot ko ng tingin ang classroom at nakita ang mga members ko maliban kay Du
最終更新日: 2026-01-05
Chapter: Chapter 21Iminulat ko ang aking mga mata at tumambad sa akin ang payapang paligid; mga halamang sumasayaw sa malamig na ihip ng hangin na parang mga kaluluwang naghahanap ng sariling himig, samantalang ang mga puno’y nakatindig na wari’y mga matandang tagapagbantay ng panahon, at ang mga bulaklak ay marahang nagbubukas na tila mga ngiti sa umaga. Sa katamtamang sikat ng araw, ang lahat ay nagiging isang awit ng kalikasan–isang paalala na kahit sa katahimikan, may musika ang buhay.Hindi ko alam kung paano ako napunta sa magandang lugar na ito. Pero alam kong panaginip lang lahat. Himala yata at matino ang panaginip ko ngayon. Hindi tulad ng nakasanayan ko na pagmumukha nina Inez ang nagpapainis sa akin at palaging humahantong sa pagpapahirap sa akin. Dahil na rin siguro sa environment ko, na ngayon ay peaceful na at tahimik kaya hindi na sila sumasagi sa panaginip ko.Ibinuka ko ang aking mga braso habang dinadama ang sariwang hangin at ang bango ng paligid. Walang polusyon na malalanghap kaya
最終更新日: 2026-01-04
Chapter: Chapter 20Nanatili kami sa ganoong posisyon na parang mga estatwang nakalimutang igalaw ng panahon. Walang salita ang lumalabas sa aming mga labi, at ang tanging musika sa pagitan namin ay ang mabibigat na hininga na nagtatagpo’t nagbabanggaan sa hangin. It’s giving me a chill feeling. Para kaming dalawang ilog na magkalapit ngunit hindi naman magtatagpo, nagdadala ng sariling agos na pilit na pinipigil ang pag-ulan ng damdamin.Hindi ako nangangamba na may makakita sa amin ni Kael. They already know the score between us. Kaya hindi na sa kanila magiging big deal iyon na makita kaming dalawa na magkasama. Mas lalong hindi ako natatakot kay Veronique kapag nakarating sa kaniya ang nangyari. Ang inaalala ko lang ay ang tibok ng dibdib ko na sa sobrang lakas nito ay para itong tambol sa gitna ng katahimikan. Baka marinig niya, baka mabunyag ang lihim na kaba na pilit kong ikinukubli.Sabihin na nating wala akong pagtingin kay Kael, ngunit iba pa rin ang pakiramdam kapag naroon siya. Para bang ang
最終更新日: 2026-01-03
Chapter: Chapter 19Matapos naming mag-usap ni Troy ay pinabalik ko na siya kaagad sa party at baka sumabog na naman ang tangke ‘pag hindi pa siya nakakabalik doon. Nag-iisa na lang ako ngayon dito sa lagoon. Hindi ko na inisip pa si Kael. I don’t care kung magalit siya ‘pag hindi niya ako naabutan sa meeting place namin. May kasalanan din siya kung bakit ako umiyak ngayon. Dapat inalam niya muna kung walang event sa lugar na ‘yon. Tapos wala pa siya. Siya ang nagyaya pero siya ang wala. Nagpapatawa ba siya?“Hey, nandito ka lang pala.” Great. Dumating din ang late comer. Bakit pa siya dumating? Ayoko ng kausap ngayon.Hindi ko siya sinagot at nanatiling tahimik. Tinuon ko ang atensyon ko sa lagoon na maliwanag ngayon kahit gabi. Mayroon kasi itong light kaya kitang-kita ang mga isdang nagsisilanguyan. Nakakawili silang panoorin. Sana ganito na lang ang life, chill lang.“What happened?” tanong niya kaya nagpanting ang tenga ko. Seriously? Gusto niyang malaman?“Ay dapat nandito ka kanina para nakita mo.
最終更新日: 2025-10-27
Chapter: Chapter 22: It's a Dinner Date“So it’s a date then?”Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pati yata butas ng ilong ko lumaki rin. Paano ba naman nakakagulat ang sinabi niya. Wala naman akong sinabing magde-date talaga kami. Sinabi ko lang iyon para hindi sila matuloy ni Sofia. Kasi naman iba ang pakiramdam ko sa babaeng ‘yon. Feeling ko may gagawin siyang hindi magugustuhan ni Aelice. At bilang clone ni Aelice dapat ko iyong pigilan dahil hindi ko alam kung anong gagawin ng totoong Aelice. Ang creepy pa naman niya sa footage na napanood ko. Hindi siya ‘yong tipo na mahinhin.“Date ka mag-isa? Oo,” sagot ko at ngumiti sa kaniya nang matamis.Anong akala niya sa’kin trial card? Kung gusto niya makipag-date, palabasin na niya si Aelice nang may kasama siya.“Then, I’ll ask Sofia—”“Oo na. Oo na. Pumapayag na ako.”Anak ng pating naman ‘tong lalaki ‘to. Kaya ko nga itinaboy si Sofia ng indirect kasi ayokong magkasama sila tapos aayain niya naman lumabas. Ayos din siya ah. Alam niya kung paano painitin ang ulo ko.
最終更新日: 2025-10-08
Chapter: Chapter 21: Are You Jealous?“Tatahimik ka o bubusalan ko ‘yang bibig mo?”Mabilis kong tinakpan ang bibig ko at sinamaan siya ng tingin. Ang harsh naman niya sa’kin. Parang nagtatanong lang eh. Ba’t siya nagagalit? Eh ‘di totoo nga. Dini-deny pa niya sa’kin.“Alam mo Alexus, bakit hindi mo puntahan si Sofia at itanong kung sino ang nag-hire sa kaniya,” suhestiyon ko na lang dahil mukhang hindi niya naman aaminin ang binibintang ko sa kaniya. “Kung hindi nga ikaw ang nag-hire sa kaniya at ang nag-demote sa’kin.”Nagsalubong ang mga kilay niya na muntik ko nang ikinatawa. Hindi ko masabi kung galit ba siya o hindi maintindihan ang mga sinabi ko. Pero natuwa talaga ako nang makita na nag-iba saglit ang reaksyon ng mukha niya. Lately, napapansin ko rin iyon. Hindi na siya ang dating Alexus na malamig pa sa nyebe ang pakikitungo.“Pinagdududahan mo ba ako, Aelice?” tanong niya na halata sa tono ang pambabanta. Pero sanay na ako sa paganyan niya.“Hmm, hindi ko alam,” painosente kong sagot pagkatapos ay nagkibit-balik
最終更新日: 2025-10-08
Chapter: Chapter 20: Sofia, Who?Tatlong araw na ang lumipas nang mangyari ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan namin ni Alexus. Hindi niya pa rin ako kinakausap. Or, should I say, hindi pa rin kami nagkakausap. Hindi naman ako nagtaka sa nangyayari sa’min ngayon dahil malinaw sa’kin kung ano ang dahilan. Pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit nagkaroon ng bagong senior executive assistant. Ni hindi manlang niya ako kinausap na papalitan niya ako.So, anong magiging papel ko ngayon?Tanggal na ba ako sa trabaho ko?Hindi naman sure na ako pa rin ang personal assistant niya. ‘Yong posisyon ko nga sa ALera binawi niya, ‘yong role ko pa kaya sa buhay niya?Baka gusto niya na rin ako palitan at naghanap siya ng bagong papanggap na Aelice.“Aelice, tulala ka na naman diyan. Don’t worry hindi ka pa napapalitan sa puso ni Mr. Alexus. Ikaw pa rin ang papakasalan niya,” puna ni Monique dahil kanina ko pa tinititigan ang bagong SEA.Nakakainis!Hindi pa nga ako inaabot ng isang buwan sa puwesto na iyon. Tapos sa isang igla
最終更新日: 2025-10-06
Chapter: Chapter 19: No Big Deal“Elize, nakita mo na ‘to?” tanong ni Monique at inabot sa’kin ang tablet niya.Kumunot ang noo ko sa kaniya dahil hindi ko maintindihan ang timpla ng mukha niya, pero tinanggap ko pa rin ang tablet. And there, naka-open ang isang headline kung saan kitang-kita ang mukha namin nina Alexus at Harkin. Napakuyom ako ng mga kamay dahil nakita ko na naman ang pagmumukha ng manyak na ‘yon. Sinasabi na nga ba at kami magiging laman ng headline. Pero hindi ko inasahan na mali-link sa’min ang walang hiyang ex ni Aelice. Sinadya niya siguro ito para pagpiyestahan kami ng media.“Unexpected ang pagsulpot ni Harkin sa corporate gala ngayon. Hindi na kasi siya basta-basta uma-attend magmula nang maghiwalay sila ni AG.”Eh? Malaki pala ang naging epekto sa kaniya ng paghihiwalay nila ni AG. Sorry to say but he deserved it anyway. Sinong tatagal sa kaniya kung may pagkabastos siya?“Ano pang alam mo tungol sa kaniya, Monique?”Siguro kailangan kong mag-ingat sa lalaking ‘yon. Puwede niya akong sirain
最終更新日: 2025-10-05
Chapter: Chapter 18: I'm His FiancéeThat kiss was nothing.Kahit paulit-ulit na mangyari iyon ay walang ibang meaning ang halik na iyon. He did it on purpose to get everyone’s attention. Malakas ang kutob ko na nandito rin ang mga taong gusto siyang pabagsakin. Kaya iyon ginawa ni Alexus. To piss them off and to show them that he f*cking don’t care about their plan. Believe din ako sa lalaking ‘to. Alam niya kung paano painitin ang mga dugo nila.“Aelice Geronimo, the senior executive assistant of Alexus and his soon-to-be bride,” narinig kong sabi ng boses ng isang lalaki. Hinarap ko ito at sinuri ng tingin. “Anong feeling na maging center ng attention?”Kinunutan ko siya ng noo dahil hindi ko nakikita ang tinutukoy niya o kung ano man ang paki niya sa eksenang ginawa ni Alexus kanina. Base sa physical appearance niya ay may maibubuga naman siya, mukha lang mayabang. Siya ‘yong tipo na kinaiinisan ng mga viewers sa isang short clip. Ngisi pa lang niya at titig ay nakakairita na kaagad.“At sino ka naman?” tanong ko nan
最終更新日: 2025-10-01
Chapter: Chapter 17: The Billionaire's KissHindi ko alam kung ilang oras akong nakahiga kay Alexus habang yakap niya ako. Walang nagsalita ni isa sa amin. Marahil ay gaya ko rin siyang nahihiya o hindi alam kung anong sasabihin. But this hug feels comfortable. Pakiramdam ko parang bumalik ako sa tahanan ko matapos mawala ng mahabang panahon. And it’s weird though.Pero alam kong si Aelice ang nasa isip niya ngayon. Naiintindihan ko siya. Ikaw ba naman makasama ang kamukha ng taong mahal mo, hindi ka ba magiging comfortable? Kaya maiintindihan ko kung iyon ang naiisip niya.“It must be hard for you… pretending not to know what happened to her,” sabi ko habang nilalaro ang mga daliri sa dibdib niya.Sobrang bored na ako sa posisyon ko pero wala manlang siyang balak na pakawalan ako. Alam kong gising pa siya pero nakapikit lang ang mga mata. Sigurado akong pinapakinggan niya ang mga sinasabi ko ngayon.“Hindi ka ba nababahala na baka makita tayo ni Aelice? Malay mo may hidden camera siyang nilagay rito at napapanood niya tayo nga
最終更新日: 2025-10-01