LOGINAfter ilang minutes na pakikipaghabulan sa mga pulis, nakatakas rin kami. Dumaan kasi kami sa masikip na eskinita kaya hindi na nakasunod ang mga pulis. Hindi ko nga alam kung anong lugar ‘tong napuntahan namin. Mukhang squatter sa dami ng nakakalat na kung ano-ano. Idagdag mo pa na ang dumi ng paligid at may naaamoy ako na medyo masangsang.
Hindi niya naman siguro ako dinala sa abandonadong lugar ‘di ba? “Nasaan tayo?” medyo kinakabahan kong tanong. Wala kasi akong nakikitang tao rito bukod sa’ming dalawa. Mukha ngang abandonado na ang lugar na ito. Don’t tell me may gagawin siyang masama sa’kin? No, no, no. Hindi ko siya hahayaang pagsamantalahan ako. Mamamatay muna ako bago niya iyon magawa. “Nasa squatter.” Sh*t, tama nga ako! Teka, gangster ba siya?! Kung oo, anak ng pating, naisahan ako! “Anong gagawin mo sa’kin?” sabi ko sabay takip sa katawan. Kilala ko ang mga katulad niya. Alam na alam ko ang galawan nila, lalo na ‘pag may nakita silang magandang babae. Nanatiling nakatingin sa’kin ang lalaki. Wala yatang balak na magsalita. Okay? Mali ba ang paghusga ko sa kaniya? Pero kasi baka gangster siya eh. Lahat ng gangster, masasama. Pero tinulungan ka niya, Cassandra. Paano mo masasabing masama siya? Pero… dinala niya ako sa squatter area. So posible iyon. Napailing ako sa mga naisip ko. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin. Nakakahiya naman na basta na lang ako tumakbo matapos niya akong saklolohan. Puwede naman siguro na magpasalamat ako sa kaniya at magpaalam. Yeah, that’s a good decision. Para hindi niya isipin na lahat ng mayaman ay hindi tumatanaw ng utang na loob o hindi nagpapasalamat. “Ah… kuya, salamat nga pala sa tulong mo. Sorry na rin sa abala. Aalis na ako ah. Salamat ulit.” Hindi siya nagsalita kaya tumalikod na lang ako at tiningnan ang daan na pinanggalingan namin. Memorize ko na naman siguro ‘yon. Nagsimula akong maghakbang pero napatigil din naman. Nalilito ako sa daan. Ba’t ang daming direksyon dito? Sa’n nga kami dumaan? Sa North? East? “Ah, kuya… saan nga tayo dumaan?” nahihiya kong tanong, umaasa na bibigyan niya ako ng sagot. “Kanluran.” “Salamat ulit.” Nakakailang hakbang pa lang ako nang lumitaw sa tabi-tabi ang mga lalaki na ngayon ko lang napansin. Hindi lang tatlo kun’di sampu. Kinakabahan man ay hindi ko pinahalata at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Hindi rin ako tumingin sa kanila dahil natatakot ako na baka pagtripan nila ako. “Oy, may chix.” “Hi, miss. May kasama ka ba?” “Gusto mo sumama sa’min?” Kahit hindi nila tawagin ang pangalan ko. Alam kong ako ang tinutukoy nila. Deep breathe, Cassandra. Huwag mo silang pansinin. Diretso lang sa paglakad, makakalayo ka rin sa kanila. “Miss, may nakalimutan ka.” Napatigil ako sa sinabi ng isa sa kanila. Inisip ko kung ano ang naiwan ko. Pero wala naman akong dala-dala na bagay kun’di ang sarili ko lang. Mukhang trip nga ako ng mga ungas na ‘to. “Ang kasal natin nakalimutan mo.” Dahan-dahan ko silang nilingon na nanlilisik ang mga mata. Nauubos na ang pasensya ko sa kanila. Bakit hindi na lang nila ako lubayan? Wala naman akong atraso sa kanila. “F*ck you!” Late ko na na-realize kung ano ang lumabas sa bibig ko. Anak ng pating, mapapasok pa yata ako sa gulo. “Anong sinabi mo?” Ayan na. Baka katapusan ko na ngayon! “Hindi mo ba siya narinig?” sabi ng isang boses na malamig pa sa yelo. Nabuhayan ako ng loob dahil akala ko ay umalis na siya. Hindi pala. Hinintay ba niyang makaalis ako nang tuluyan sa lugar na ito? Teka, bakit ako kinilig? “Rico! Nandiyan ka pala. Nagkakatuwaan lang kami ni miss byutipol,” kabadong sabi ng lalaki kaya napangisi ako. Mukhang takot sila kay Rico. Teka… Rico ang pangalan niya? Nilingon ko siya at nakita ang seryosong mukha niya. Geez, ang cool niya pala tingnan. Ba’t ngayon ko lang napansin? “Huwag niyo siyang gagalawin.” Isang banta na dahilan ng pag-atras nila. Napaisip naman ako bigla. Kung aalis ako ngayon, hindi malabong mahanap ako ni Leo at ni dad. Pero kung mananatili ako rito kay Rico, posibleng hindi nila ako makikita. Dahil hindi nila iisiping papasukin ko ang squatter, lalong-lalo na ang tirahan ng mga low class. “Ikaw. Sumama ka sa’kin.” Kahit hindi niya tawagin ang pangalan ko. Alam kong ako ang tinutukoy niya. Kaya mabilis pa sa alas kwatro na lumapit ako sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita at nagsimula nang maglakad kaya sumunod din ako sa kaniya. Nilingon ko saglit ang mga lalaki na nakangisi sa’kin. May balak nga silang masama sa’kin. Mabuti na lang at hindi pa umaalis si Rico. Geez, dalawa na ang utang na loob ko sa kaniya. Tahimik lang kaming naglalakad. Nauuna sa’kin si Rico since mas kabisado niya ang lugar, habang ako nakabuntot lang sa kaniya. Kanina ko pa nga tinititigan ang likod niya. Ang ganda kasi ng tindig niya. Matikas ang katawan. Siguro nga maraming nagkakandarapa na mga babae sa kaniya sa lugar nila. “May pangalan ka?” Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa kaniya. Tama ba ‘yong tanong niya sa’kin? Malamang kahit sino may pangalan. Imbes na mainis ay pinigilan ko na lang ang sarili at sinagot ang tanong niya. “Sandy. Sandy ang pangalan ko.” Bigla siyang huminto sa paglalakad at humarap sa’kin. Huminto rin ako na nagtatakang tumingin sa kaniya. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakakunot ang noo niya kaya may hinala na ako kung ano ang iniisip niya. “Hindi halata sa mukha mo na mahirap ka.” Inikutan ko siya ng mga mata at pinag-ekis ang mga braso. Fine, ayaw niyang maniwala. "Ako si Sandy at hindi isang dyamanteng kumikinang." Muli niya akong pinasadahan ng tingin at tumigil ang mga mata niya sa pares ng tsinelas na suot ko. Nahiya ako kaya hinubad ko ang tsinelas. Umiwas na lang ako ng tingin dahil ayaw kong makita ang mapangutya niyang mga mata. “Mukha ngang mababa ang estado mo sa buhay. Wala kang matinong tsinelas,” sabi niya na walang pakialam sa nalaman. Aba’t… Proud pa siya sa panlalait niya sa’kin ah. Kalma, Cassandra. Alam mong may pagka-gangster siya. Baka tuhugin ka niyan ng kabilya. Galit din siya sa mayayaman kaya sakyan mo na lang ang pagiging mahirap mo. “Ano hindi ka pa rin naniniwala sa’kin?” “Tingnan natin.” Tsk. Ang hirap kumbinsihin ng lalaking ‘to. Sinamaan ko siya ng tingin pero walang effect sa kaniya. Hindi talaga siya natinag. “Oo na. Naniniwala na ako sa’yo, Sandy.” Good. Nanatili siyang nakatitig sa'kin kaya hindi ko maiwasang kabahan. Bakit na naman niya ako tinititigan? Ano na namang problema niya sa pagmumukha ko? "'Wag mo nga akong titigan." Hindi niya ako pinansin at naglakad papalapit sa'kin. Napakuyom ako nang mahigpit. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa hinubad niya ang suot niyang bota at sinuot ito sa mga paa ko. Matapos niya iyong gawin ay nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad at naiwan akong nakatulala. Did he just put his boots on me? — “Nandito na nga pala tayo sa Compound.” Anong compound? Kuta ba ng mga gangster? Low class? Sh*t. Mas mapanganib yata dito. “Umayos ka. ‘Wag kang mang-aaway dahil hindi lahat palalampasin ka.” Tsk. Hindi naman ako palaaway ah. Makapagsabi naman ang lalaking ‘to. Anong akala niya sa’kin warfreak? May tinulak si Rico sa parang pinto na gawa sa bakal at bumungad sa’kin ang Compound na sinasabi niya. Parang village lang din ito. Ang pinagkaiba lang, magulo dito at maraming tao ang pagala-gala. Ito ang low class territory? “Sumunod ka sa’kin.” Sumunod naman ako sa kaniya. Paminsan-minsan ay tumitingin ako sa paligid. Maraming tao ang sinusundan kami ng tingin, lalo na ang mga babae. May mga bata ring naglalaro sa daan. Parang common village lang din pala rito. Nakakatakot nga lang at mapanganib. “Welcome back, Rico.” “Hoy, si Rico nandito. May kasamang chix.” “Rico, baby!” Yuck, kung sino man ang tumawag sa kaniya na baby ay nakakasuka. Mukha bang baby si Rico sa paningin niya. Assuming din ang babaeng ‘yon. Ilang minuto kami naglakad hanggang sa tumigil kami sa malaking bahay. As in super laki ng bahay. May second floor din at rooftop. Pero simple lang ang bahay. Wala ngang matinong pintura eh. Ang daming vandalism kahit sa kabilang bahay. What do I expect? Low class sila ‘di ba? “Pareng Rico!” tawag ng lalaking papalapit sa amin. Niyakap niya si Rico at tinapik pa ang balikat nito. Baka kaibigan niya o kapatid. “Kumusta ang mga bata?” “Ayon nag-eensayo sa likuran,” sagot ng lalaki at lumipat ang tingin sa’kin. Bahagya pang tumaas ang mga kilay niya. Ngayon lang ba siya nakakita ng diyosa? “Sino naman ang magandang babae na ‘to?” tanong niya pero hindi kaagad nakasagot si Rico dahil may babaeng dumamba sa kaniya ng yakap. Akala mo naman misis na na-miss ang mister niya. Pinanood ko lang sila habang parami nang parami ang mga tao sa paligid. Mukhang kilala nilang lahat si Rico. “Kalma, miss byutipol, ganiyan lang ‘yan si Eva. Crush na crush kasi si pareng Rico,” sabi ng lalaki na kausap kanina ni Rico. Hindi na nga mapaghiwalay ang dalawa. Though hindi naman pinapansin ni Rico ang babae. Siguro naiirita na rin siya sa kalandian ng admirer niya. “Ahem,” tikhim ko kaya bumaling sa’kin ang tingin ng Eva na ‘yon. Pati na rin si Rico. Tsk. Kung naiirita siya sa babaeng ‘yan dapat gumawa siya ng paraan. “At sino ka naman? Bakit kayo magkasama ng Rico ko?” Oh come on, Rico niya raw? Wala namang resibo. “Ako lang naman si Sandy.” “Eh, ano naman ngayon? Pakialam ko sa’yo.” “Owwwww,” reaksyon ng iba. Aba’t sinusubukan ako ng babaitang ‘to ah. Tingnan natin kung makangiti ka pa ‘pag nakita mo ang gagawin ko. “Wala rin akong pakialam sa’yo. Ngayon, ang gusto ko ay layuan mo ang asawa ko,” sabi ko at binantaan pa siya. Narinig ko namang marami ang nag-react sa sinabi ko. Mga hindi makapaniwala na asawa ako ni Rico. “Ikaw? Asawa ni Rico? Asa ka namang papatulan ka niya.” Ayaw talaga magpatalo ng babaeng ‘to. Ginigigil niya ako! “Kaya pala ako pinakasalan. Hindi mo ba nakikita ang suot ko?” sagot ko at pinakita pa ang engagement ring na nasa daliri ko pa. Singsing na rin ‘to. Wala naman silang alam tungkol sa engagement ring. Nakita kong tumaas ang kilay ni Rico kaya kinindatan ko na lang siya. Sumakay ka na lang sa trip ko, Mr. Almost Gangster. “Kasal? Saan? Wala namang sinabi si Rico sa amin–” “Dahil ayoko ng linta na didikit-dikit sa asawa ko,” sabi ko at nilapitan sila. Hinampas ko ang kamay niyang nakapulupot sa braso ni Rico. Narinig ko siyang umaray pero nginisian ko lang siya. Hinila ko si Rico papalapit sa’kin at pinulupot ang kamay sa braso niya. “Walang hiya ka! Anong karapatan mo para ipagkait si Rico sa’kin?!” Tinaasan ko siya ng kilay. “Anong karapatan ko? MISIS NIYA AKO. Ikaw may karapatan ka ba? Puwes, nasaan ang resibo mo?” Muli kong tinaas ang kamay ko para makita niya ang singsing.Matapos naming maghapunan ay dumiretso agad ako ng kuwarto. Nauna nga kaming kumain ni Rico. Hindi ko alam kung bakit kami pinauna kumain kung puwede naman kaming sumabay lahat. Ang lapad kaya ng mesa nila. Kasya yata 15 na tao doon eh. Tinanong ko si Clara pagkatapos kung bakit. Ang sabi niya si Rico daw kasi ang provider sa bahay nila kaya ganoon. “Kumusta na kaya si dad? Hindi pa rin kaya siya tumitigil sa paghahanap sa’kin? Baka nga ni-report na niya sa mga pulis at may picture ko na nakadikit sa mga poste at wall."Pero kahit anong gawin niya hindi ako magpapakita. Unless, iurong niya ang agreement niya sa mga Corvera. “Dad kasi bakit mo ‘yon ginawa? Nagtatampo tuloy ako,” sabi ko at nagpakawala ng malalim na hininga. “Kung may mommy lang sana ako siguradong hindi iyon papayag na mangyari ito sa’kin.”Ilang minuto akong paiba-iba ng posisyon sa kama. Pero hindi ako makatulog. Hindi naman matigas ang binigay na kutchon sa’kin ni Rico. Malinis din ang kuwarto na pinahiram niya. H
Tama ba na gumawa ako ng kuwento at magsinungaling tungkol sa pagkatao ko? Pero kailangan kong magpanggap na mahirap para hindi ako mapahamak dito. Isa pa, tinulungan ko lang si Rico para suklian ang utang na loob ko sa kaniya. Mukhang hindi na siya guguluhin ng babaeng ‘yon. Na-brokenhearted dahil nalaman na taken na ang crush niya.Nasa bahay ako ngayon ni Rico. And guess what, hindi lang siya nag-iisa rito. Sa pagkakabilang ko, isang dosena ang nakatira rito. Syempre, plus ako. So, 13 na kaming lahat dito. Ang maganda sa bahay nila ay sobrang lawak kaya marami rin ang mga gamit. Mukhang maykaya naman ‘tong si Rico. Pero bakit nandito siya sa low class? “Ate Sandy, baka nagugutom ka na. Tara po sa kusina,” tawag sa’kin ng kapatid ni Rico. Siya si Clara at 3rd Year college na raw. Mabuti naman at nakakapag-aral siya.Sinundan ko si Clara sa kusina. Halos malula ako sa nakita ko. Ang daming gamit nila sa kusina. Marami ring stock ng grocery at higit sa lahat, tatlo ang ref nila. Hind
After ilang minutes na pakikipaghabulan sa mga pulis, nakatakas rin kami. Dumaan kasi kami sa masikip na eskinita kaya hindi na nakasunod ang mga pulis. Hindi ko nga alam kung anong lugar ‘tong napuntahan namin. Mukhang squatter sa dami ng nakakalat na kung ano-ano. Idagdag mo pa na ang dumi ng paligid at may naaamoy ako na medyo masangsang.Hindi niya naman siguro ako dinala sa abandonadong lugar ‘di ba? “Nasaan tayo?” medyo kinakabahan kong tanong. Wala kasi akong nakikitang tao rito bukod sa’ming dalawa. Mukha ngang abandonado na ang lugar na ito.Don’t tell me may gagawin siyang masama sa’kin? No, no, no. Hindi ko siya hahayaang pagsamantalahan ako. Mamamatay muna ako bago niya iyon magawa. “Nasa squatter.” Sh*t, tama nga ako!Teka, gangster ba siya?! Kung oo, anak ng pating, naisahan ako! “Anong gagawin mo sa’kin?” sabi ko sabay takip sa katawan. Kilala ko ang mga katulad niya. Alam na alam ko ang galawan nila, lalo na ‘pag may nakita silang magandang babae.Nanatiling nakati
May sa lahing pusa nga siguro ‘tong si Leo. Biruin mo nasundan pa rin ako rito. Ang lakas ng radar niya. Sana magamit niya iyon sa sarili niya para masagap niyang wala akong pagtingin sa kaniya. “May atraso ka ba sa kanila kaya ka nila hinahabol?” biglang tanong ng lalaki na nakatingin na pala ngayon sa gawi nina Leo.Kita mo itong lalaking ‘to? Kalalaking tao, tsismoso. “At bakit naman ako magkakaroon ng atraso sa kanila, aber?” “Sabihin na natin na nakadamit pangkasal ka at ‘yong lalaking ‘yon,” sagot niya sabay turo kay Leo na hindi pa rin kami napapansin, “ang magiging asawa mo pero tinakbuhan mo, tama?”Pusang gala, baka ituro pa niya ako kay Leo. Kailangan ko lumayo sa kanila dahil hindi ko matitiyak ang kalayaan ko ngayon.Dahan-dahan akong umatras palayo sa lalaki bago pa niya ako ituro sa baliw kong fiancé. Hindi pa niya nahahalata ang ginagawa ko, kaya tuloy-tuloy ako sa pag-atras. Sana nga hindi niya mahalata. I need to escape now. “At saan ka pupunta?” tanong ng barito
“Cassandra! Don’t do this!” sigaw ng fiance ko na naka-black na tuxedo. Sa sobrang lakas ng pagkakasigaw niya ay mukhang umabot pa iyon sa kabilang kanto.Pero wala akong pakialam kung marami pa ang makarinig. Nilingon ko siya habang tumatakbo. Kitang-kita ko sa mukha niya na galit siya sa ginawa kong pagtakas. Pero anong magagawa ko? Hindi ko naman ginusto na maikasal sa kaniya. Ipinagkasundo lang ako ni dad sa kaniya. Hindi ko siya mahal at kahit kailan hindi ko siya magugustuhan. Ang layo niya sa qualification na hinahanap ko. “Pero nagawa ko na!” ganti kong sigaw at tinapon sa gilid ang bouquet na gawa sa puting rosas. Sayang sana ang mga bulaklak pero hindi pa talaga ngayon ang araw na matatali ako sa isang tao. I just felt that the right person is somewhere out there. Waiting for me to come. “Kahit saan ka magpunta mahahanap at mahahanap kita!” sigaw na naman ni Leo. Tsk. Nagmumukha na siyang obsessed. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit gano’n na lang ang naging desisyo






![My Ex's Uncle Is My Husband[FILIPINO]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
