แชร์

Chapter Five: Almost a Kiss

ผู้เขียน: purplepink
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-10-13 22:56:46

Matapos naming maghapunan ay dumiretso agad ako ng kuwarto. Nauna nga kaming kumain ni Rico. Hindi ko alam kung bakit kami pinauna kumain kung puwede naman kaming sumabay lahat. Ang lapad kaya ng mesa nila. Kasya yata 15 na tao doon eh. Tinanong ko si Clara pagkatapos kung bakit. Ang sabi niya si Rico daw kasi ang provider sa bahay nila kaya ganoon.

“Kumusta na kaya si dad? Hindi pa rin kaya siya tumitigil sa paghahanap sa’kin? Baka nga ni-report na niya sa mga pulis at may picture ko na nakadikit sa mga poste at wall."

Pero kahit anong gawin niya hindi ako magpapakita. Unless, iurong niya ang agreement niya sa mga Corvera.

“Dad kasi bakit mo ‘yon ginawa? Nagtatampo tuloy ako,” sabi ko at nagpakawala ng malalim na hininga. “Kung may mommy lang sana ako siguradong hindi iyon papayag na mangyari ito sa’kin.”

Ilang minuto akong paiba-iba ng posisyon sa kama. Pero hindi ako makatulog. Hindi naman matigas ang binigay na kutchon sa’kin ni Rico. Malinis din ang kuwarto na pinahiram niya. Hindi rin mainit dito. Pero hindi pa rin ako makatulog.

“Magpahangin kaya muna ako? Para antukin na rin.”

Naghanap ako ng jacket at mabuti na lang mayroong binigay si Tonyo. Kinuha ko iyon at sinuot. Pagkatapos ay lumabas ng kuwarto at dumiretso ng rooftop. Nasa second floor ‘yong kuwarto ko kaya madali akong nakapunta sa rooftop.

Ang linis ng rooftop nila. May mga upuan at mesa. May dalawang duyan akong nakita kaya ito ang nilapitan ko.

“Tahimik din pala rito sa gabi. Akala ko puro gulo.”

“Hindi ka makatulog?”

Napatayo ako sa gulat. Pusang gala, ba’t nanggugulat ang isang ‘to? Akala ko ba tulog na ‘to?

“Gising ka pa pala,” sabi ko na lang matapos makabawi sa pagkagulat.

“Hindi ako natutulog nang maaga.”

Okey, sabi mo eh.

Hindi ko na lang siya sinagot at bumalik sa pagkakaupo sa duyan. Naramdaman kong umupo rin siya sa katabing duyan. Pero hindi ko na lang siya pinansin. Mukhang ayaw niya rin ng kausap eh.

“Bakit ayaw mo sa fiance mo?”

Binaling ko ang tingin ko sa kaniya at bahagyang natawa. Sa dinami-rami ng tanong tungkol pa kay Leo ang itinanong niya sa’kin. Curious nga siguro siya sa ginawa kong pagtakas kanina sa sariling kasal.

“‘Di ba sinabi ko nang hindi ko siya gusto? Na ginipit niya lang ako kaya napilitan ako magpakasal sa kaniya.”

“Bakit ka niya ginigipit?”

Napahilot ako sa sentido ko dahil inulit na naman niya ang tanong niya kanina. Bakit ba tanong siya nang tanong? Hindi naman mahalaga ang malalaman niya sa tanong niya.

“Sisirain niya ang buhay ko ‘pag hindi ko siya pinakasalan.”

“Sa tingin mo ba hindi niya iyon sisirain ngayong tuluyan kang nakalayo sa kaniya?”

Tumingala ako sa langit at pinagmasdan ang mga bituin. Ang dami nila ngayon. Walang senyales na uulan. Ang sarap ng ganito.

“Wala na akong pakialam. Buo na ang desisyon kong lumayo muna sa city.”

“City?”

“Ah, ibig kong sabihin hindi na ako magtatangka pang pumunta ulit ng city.” Muntikan ka na ro’n, Cassandra.

“Ginalit mo si Eva kanina.”

“Dapat lang ‘yon sa kaniya,” natatawa kong sabi nang maalala ang nangyari kanina. Lugmok na lugmok ang mukha eh. Akala mo naman pinagtaksilan ng nobyo.

“Hindi mo gugustuhin ang ganti niya sa susunod na mga araw.”

Sa sinabi ni Rico ay bigla akong kinabahan. Anong ibig niyang sabihin? Hindi naman siguro ako hahamunin no’n ng one on one.

“Bakit anong gagawin niya?”

“Manggulo.”

“‘Yon lang naman pala eh. Kayang-kaya ko ‘yon, Coco!”

“Coco?” pag-uulit niya sa tinawag ko sa kaniya. Ginawan ko na siya ng palayaw dahil hindi ko bet na tawagin siyang Rico. “Ibig kong sabihin na manggulo ay dadalhin niya rito ang grupo ng tatay niya at ang kaalyado nilang grupo sa kabilang distrito.”

Kinabahan na naman ako sa sinabi niya. Pero ang OA ni Eva. Parang lalaki lang ang dahilan. Manggugulo talaga siya at hahanap ng away. Ang immature naman niya sa part na ‘yon.

Pero seryoso kinabahan ako. Hindi ko alam kung paano ko iyon matatakasan. Nasa teritoryo ako ng mga low class, mababa ang porsyento na makakaligtas ako.

“Huwag kang mag-aalala. Hindi kita pababayaan.”

Parang nabunutan ako ng tinik sa huli niyang sinabi. Hindi ko inasahan na gagawin niya iyon. Kasi akala ko wala siyang pakialam sa’kin. May tinatago talagang kabaitan ang lalaking ‘to. Una, tinulungan niya ako makatakas kay Leo. Pangalawa, hindi niya ako hinayaang mapahamak sa kamay ng mga lalaking 'yon. Pangatlo, pinatuloy sa tahanan niya. Ngayon naman, poprotektahan niya ako sa grupo ni Eva?

“S-salamat.”

Iyon lang ang nasabi ko dahil sobrang nahihiya na ako sa kaniya. Dapat pakisamahan ko na siya nang maayos bilang pagtanaw ng utang na loob.

“Ah… papasok na pala ako sa loob,” paalam ko na sinuklian niya lang ng isang tango. Ngumiti na lang ako at tumayo na sa pagkakaupo.

Pero sumabit ang damit ko sa duyan. Pilit ko naman itong hinila pero hindi ko matanggal. Napansin iyon ni Rico kaya tumayo siya para tulungan ako.

“Ayos lang,” sabi ko pero hinila niya pa rin ang laylayan ng damit ko.

Sa sobrang lakas ng pagkakahila niya ay narinig kong parang may napunit kaya nanlaki ang mga mata ko.

Anak ng pating! Baka mahubaran ako!

Mabilis ko siyang tinalikuran at tatakbo sana palayo, pero bumangga ako sa duyan dahilan para mawalan ako ng balanse. Parang bumagal ang mundo habang pinapanood ko siyang sinusubukan na saluhin ako. Napapikit na lang ako dahil natatakot akong bumagsak sa sahig.

Naghintay ako ng ilang segundo pero hindi ko naramdaman ang malamig na semento. Bagkus ang mainit na kamay na dumampi sa likod ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nanlaki sa nakita.

Nasalo ako ni Rico habang nakatakip ang mga kamay ko sa dibdib ko dahil umabot malapit doon ang pagkakapunit ng damit ko. Ang mas nakakagulat pa roon ay magkalapit na ang mga mukha namin. Dalawang inches na lang siguro bago magdikit ang mga labi namin.

“Hoy! Sa kuwarto kayo mag-honeymoon, huwag dito sa rooftop!”

Lalong nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong hindi lang kaming dalawa ang tao sa rooftop. May nakakita sa’min!

“Hindi kami nagha-honeymoon!” sabay naming sabi at mabilis na lumayo sa isa’t isa.

How embarrassing?!

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 35: Childhood

    “Cassie. Clara. Saan kayo galing?” bungad na tanong sa amin ni Rico nang pumasok kami ng kusina. Mukhang kanina pa siya kumakain dahil nasa kalahati na ‘yong laman ng pinggan niya at may bawas na ang kape sa tasa. Tsk. Hindi manlang siya nagtaka kung bakit wala ako sa kusina kanina. Hindi manlang niya ako hinanap.Nagkatinginan kami ng kapatid niya at pinalakihan ng mga mata ang isa’t isa. Pagkatapos ay mabilis na ibinaling ang tingin kay Rico. Ngumiti ako ng hilaw sa kaniya at umupo sa tabi niya. Samantalang si Clara ay kumuha lang ng tinapay at umalis na.Bakit kaya ganito ang batas na pinatupad ni Rico sa bahay niya? Pamilya niya rin naman sila Clara. Pero bakit kailangan na wala siyang kasabay? At bakit kailangan siya ang mauna na kumain? Hindi naman siya royalty para magpakahari rito eh. “Saan ba kayo galing?” tanong niya ulit. Inabot ko ang tinapay pero mabilis niya itong kinuha at nilagay sa pinggan ko, kaya hinarap ko siya. “Nagpahangin lang sa labas,” sagot ko at kumuha ng

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 34: Reveal

    “Hindi ka ba nagugutom?” tanong ni Rico habang nilalaro ang buhok ko.Sa totoo lang ay nagugutom na talaga ako, pero ayokong umalis sa kama. Gusto ko nandoon lang kami buong magdamag. Ayokong umalis sa puwesto ko. Pero itong si Rico mukhang mas gutom na sa akin. Nakailang tanong na siya sa akin eh. “Ikaw, nagugutom ka na ba?” balik kong tanong sa kaniya at nilingon siya.Nahihiya siyang ngumiti at kinamot ang ulo. Kaya naman alam ko na kung ano ang sagot ni Rico. Nagugutom na rin siya. Nakakatuwa. Ang cute niya ngayon. Unti-unti ko na talagang nakikita ang soft side niya. Pero nakakalungkot lang. Baka hanap-hanapin ko ang side niyang ito. Hindi siya showy na tao eh. “Tara na nga sa kusina baka pagalitan ako ng nanay mo kasi pinapagutom kita.”Bumangon na ako sa puwesto ko at hinila siya para tumayo na. Pero hindi siya gumalaw. Sinasadya niya yatang mahirapan ako. Ano na namang trip nito? “Rico. Ano ba? Bumangon ka na!” pikon kong sabi at muli siyang hinila, pero lalo lang siyang na

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 33: Baby

    “Good morning.”Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at ang mukha ni Rico ang unang tumambad sa akin. Ang amo ng mukha niya ngayon, ibang-iba sa palagi kong nakikita sa kaniya. Umihip ba ang magandang hangin kaya mukhang good mood siya ngayon?Tapos, nagsalita pa siya ng ingles? Ito ang unang beses na nag-english siya. Hala… Baka may sumapi na mabuting espiritu sa kaniya kaya nawala ang bad boy na si Rico? O, ‘di kaya may matalinong kaluluwa ang naligaw sa katawan niya kaya nagsasalita na siya ng ingles. “Anong nangyari sa’yo?”Nilapat ko ang likod ng kamay ko sa noo niya at pinakiramdaman ang temperature sa katawan niya. Pero normal naman, wala siyang sakit.Bakit ganito? Natulog lang kami paggising ko nag-iba na si Rico! “Anong ginagawa mo?” nagtataka niyang tanong at napakunot ang noo. “Eh, kasi naman, hindi ka naman ganiyan kahapon ah. Anong nangyari sa bad boy ng Compound?” “Bad boy pala ang tingin mo sa akin?”Hala, ang bilis naman nitong magtampo. Nagdududa na talaga a

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 32: Sweet Night (SPG)

    Hindi ko na alam kung anong oras kami nakarating ng bahay. Hindi ko kasi suot ang smart watch ko kaya wala akong mapagtingnan. Wala namang wall clock sina Rico para matingnan ko ang oras. Ganito na siguro karamihan ngayon. Sapat na ang relos at mga gadgets para tingnan ang oras.Walang imik si Rico simula nang umuwi kami. Kahit nga ako ay wala ring imik. Ang awkward kasi ng nangyari. Bakit kasi nahantong pa sa ganoon? Wala kaming relasyon para gawin iyon, pero kung makaasta kami para kaming mag-asawa. Nakakahiya iyon kanina, sa totoo lang. Tapos, sinabi ko pang ipagpatuloy niya? Gosh, nagmumukha akong uhaw sa s*x.Hanggang sa makapasok kami sa kaniya-kaniyang kuwarto ay wala kaming kibuan. Hindi na ako nakapagsabi ng good night sa kaniya, kasi sino ba naman ako ‘di ba? Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan ni Rico. Siguro nabigla lang siya kanina. Na-tempt lang siya na gawin iyon sa akin.Pero hindi ko maipagkakaila na nagustuhan ko ang ginawa namin. Hindi ko tuloy masabi kong

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 31: Joyride (SPG)

    “Ate Sandy!” tawag sa akin ni Clara habang patakbo itong lumapit sa akin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Naramdaman ko ang saya niya nang makita ako. Kaya natutuwa ako dahil may isang tulad niya na may malasakit sa akin. “Sandy.” Nilingon ko si Mrs. Varela na sinalubong din ako ng masaya niyang ngiti. Kumalas ako sa yakapan namin ni Clara at humarap sa kaniya. Nangilid ang mga luha ko sa tuwa dahil hindi ko inakalang magkikita pa kaming muli.Oo, nasaktan ako sa mga sinabi niya kay Rico. Pero hindi ko naman siya masisisi. Napamahal din siya kay Ria. Kaya naiintindihan ko na ngayon. “Mrs. Varela,” tawag ko at niyakap siya nang mahigpit. Naramdaman ko rin ang mahigpit niyang yakap kaya lalo akong natuwa. “Masaya po akong makita ka uli.”“Mas masaya ako na makita kang muli, na ligtas at buo, anak,” ani Mrs. Varela. “Para namang hindi ninyo nakita si Sandy ng maraming taon. Huwag na kayong umiyak dahil makakasama pa natin siya nang matagal. ‘Di ba, Sandy?” singit ni Tonyo kay

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 30: Caught in His Arms

    “Sa tingin mo ba ay ibibigay ko sa iyo si Cassandra? Huwag kang mangarap, Varela. Dahil kahit kailan ay hind imo siya makukuha sa akin.”Matapos iyon sabihin ni Leo ay lumapit siya sa akin at kinalagan ako. Pero hindi niya kinuha ang tali na nakagapos sa mga kamay ko. Pagkatapos ay pinatayo niya ako at hinila papalapit sa kaniya. Inabot niya rin ang pera kay Vito na ngayon ay nagdidiwang na dahil nasa kamay na niya ang isang bilyon.Pilit kong tinanggal ang tali sa mga kamay ko pero hindi ito makalusot. Sa inis ko ay padabog kong binaba ang mga kamay ko at masamang tiningnan si Leo. Sinalubong niya ako ng ngiti na lalong nagpainis sa akin.“Don’t worry, wifey. Ilalayo na kita sa kanilang lahat at magsisimula tayong muli.”“Rico! Sasama ako sa iyo kung kukunin mo ako!” sigaw ko habang nakatingin kay Leo na unti-unting sumama ang timpla ng mukha.Dahil sa sinabi ko ay hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin. Pero hindi ako nagpatinag. Kahit saktan pa niya ako ay hindi ako sasama sa kan

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status