Share

Dis-Oras 5

Anong klaseng panaginip yon aishh...

“Okay kana ba? kanina pa kita ginigising e.” Ani nya pa, ngumiti lang ako sakanya ng pilit at tumango.

“O, sige mabuti pa't maligo kana at kakain na tayo, nakahanda na yung pakain sa baba.” Saad ni Ara saka ito tumayo.

Napatango naman ako sa sinabi nya, “Sige sunod ako Ara.” Tanging tugon ko. Ngumiti lang ito saka tiningnan muna ako bago lumabas ng kwarto ko.

Napabaling ako sa harap.

Palaisipan parin sakin kung ano iyong napanaginipan ko, weird...

Napailing nalang ako saka bumababa sa higaan ko. Inayos ko muna ang kama ko bago ako maligo.

Pababa na ko sa hagdan para pumunta sa dining area, tapos na ko maligo at mag-bihis e kaya mag aagahan na ko. 

“Morning.” Saad ko ng makababa ako, naabutan ko pa si Dixie at Tadeo sa sala. 

Nag-cell-cellphone si Dixie habang si Tadeo naman ay nagbabasa ng bagong libro niya.

Suot pa nito ang salamin niya na bagay sakanya at syempre dumagdag sa kagwapohan niya.

“Good morning Tiffany.” Bati nila pabalik sakin dumiretso na ako sa dining area.

“O, good morning Tiffany. How was your sleep? Did you sleep well last night?” Tanong ni Theo, “Hmm medyo.. By the way good morning din.” Tugon ko at umupo sa bakanteng upuan.

“Why?” Kunot-noo niyang tanong, “Binangungot yan kuya Theo.” Sulpot ni Ara kasabay nito si Thoth na naka-topless kita six abs niya, haystt lalaking to talaga. 

Well sanay narin naman kami sakanya na naghuhubad siya.

“Ano yung bangungot mo Tiffany?” Tanong ni Theo, “Hmm hinahabol ako ng kung sino.” Saad ko lang saka kumuha ng plato ko at nagsandok nang makakain ko.

“You know, I've read some threads last night. Sabi dun yung ibang mga panaginip daw natin ay nagbibigay ng mensahe." Saad ni Ara at umupo sa tabi ng kinauupuan ko.

Ganun din si Thoth pero katabi niya si Theo.

“Asus, malay mo fake lang mga yon.” Sabat ni Thoth nagsimula na akong kumain.

“Pano kung totoo?” Sabat naman ni Ara, “Sus, kakabasa mo lang yan ng mga threads or di nga kakawattpad mo yan Ara hahaha.” Natatawang saad ni Thoth, napairap naman si Ara at handa na sanang putakan si Thoth ng sumabat na si Theo na kanina ay lang ay tahimik.

“O, nagsisimula nanaman kayong dalawa haystt. Kagabi ganito din kayo pati ba naman ngayon. Tigil niyo yan, and anyway Tiffany panaginip lang yon.. Wag mo nalang isipin.” Saad ni Theo naikinatango ko lang at nagpatuloy sa pagkain.

“Oo nga pala, uuwi kami ni Ara sa amin ah. Di kami makakauwi dito. You know family dinner.” Saad ni Theo, “Ay.. Oo nga pala muntik ko nang makalimutan family dinner nga pala natin kuya Theo sa bahay.” Napatampal pa sa noo si Arabell.

If you are wondering, Theo and Ara is siblings. Cousins nila si Tadeo, Precious at si Dixie.

Magkakaibigan kaming lahat na nagkakilala noong highschool. Sila Yanna, Rigger and Wicky ay cousins ko.

Tropa naman nila Rigger, Theo at Tadeo si Thoth. Si Mara at Ina naman ay kaibigan ni Dixie na naging kaibigan din namin.

Sumapit ang hapon nagpaalam na sina Ara at Theo para umuwi sa bahay nila dahil sa family dinner nila nagpaalam din si Dixie na may punpuntahan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status